Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PLEASE HELP. pabalik balik na pantal sa buong katawan

oo nagkaroon din ako niyan pati nga kili kili ko meron pantal . .nawala nung pinahiran ko ng virgin coconut oil twice a day, tapos kain araw araw ng ampalaya, saka nag stop na ako kumain ng karne , gulay nalang at prutas, lahat ng junk foods stop mo na , mga soft drinks stop mo na, CLEAN LIFE , CLEAN LIVING !! . . . . nasa kinakain lang yan . . .

sure ka? kasi hindi naman ako mahilig sa junk foods... madalas kinakain ko gulay....
 
Hindi kaya scabies yan? galis sa tagalog. para siyang kuto pero microscopic. Parasite at nabubuhay sa balat. Base kasi sa mga nabasa ko parang ganun eh. baka lang kasi feeling ko may outbreak dito sa area namin. Super contagious siya kaya nakakatakot.
 
i will update you guys may nagpayo sakin na magchange daw ako ng sabon... kasi ang sabon ko koji.... baka daw hindi hiyang sa balat ko ang koji...
 
noong November 2013 pa ito nagstart sakin namamantal tuwing gabi buong katawan ko at ang kati pero mawawala kinabukasan... hindi epektib yung payo ng magulang ko na magpahid ng pinakulong dahon ng kamyas tapos magsuot ng itim ( paniniwala lang ni mama).

hanggang sa lumala ng lumala...mas malalaki ng mga pantal ang lumalabas sa buo kong katawan..... ang ginagamot ko lang dito is yung cetrizine tab.. pero after ko magtake nito mawawala yung pantal pero after 2 days... babalik nanaman..... paulit ulit ko lang po ito ginagawa.... puro nalang cetrizine ang iniinom ko.. mabisa nga pero paulit ulit naman...hanggang ngayon ganito padin ako..

wala po akong allergy sa kahit anong pagkain..

Hindi pa ko nakapag patingin sa doctor dahil walang pera.... please kung sino man ang nurse or doctor na kasymb jan or may kaparehas ng kalagayan ko help naman salamat!! GodBless!


>home remedy? baking soda. after shower, lagyan mo ng baking soda ung water na pang.banlaw.. pero much better pag doctors.. kc ang alam ko pag grabe na ung itching sa katawan its either may chicken fox, allergy. diebetic, or may problema ka sa blood. inom ka din ng madaming water..
 
Hi Nagtry na ako magpalit ng soap from Kojie san to Safeguard!!! hahahaha effective!!!! pakonti konti nalang yung tumutubong pantal hindi na katulad ng dati!! sana mawala na ng tuluyan ito :)

ang kojie san pala may mataas na (nakalimutan ko) kaya nagrereact ang balat ng ibang tao :)
 
Hi. Tanong ko lang kung ano ginawa mo? Meron kasi ako ngayon at sobrang hirap na hirap na ako sa sobrang dami. Please Help Me �� wala naman ako problema sa sabon kasi safeguard na talaga ako noon pa. Pa-help naman po :(
 
Last edited:
Hi, I guess based sa description mo, Urticaria or Chronic Hives yan condition mo. Meron din ako nyan, I'm taking Cetirizine or Fexofenadine HCL para mawala ung pantal. Mas ok yung Cetirizine kasi long lasting xa. Unfortunately, mahirap ma-cure ang Urticaria kasi minsan di maidentify ung nagti-trigger. You can try yung pinagawa sa akin ng Dermatologiest. Elimination Diet - kung wala ka talagang known allergy, try mo eliminate ung mga foods na kinakain mo. Sa akin, na-identify ko na sa Peanuts, strawberries, Tomatoes and Bananas gumagrabe ung rashes ko. Pero kahit minsan di ako kumain ng mga yan, meron pa din pero di naman ganun kalala di tulad dati... Nagpa-checkup ako ulit kahapon lang about this condition and sobrang mahal ng medication to be taken continuously for 1 month. di ko pa sure if effective, kakastart ko lang ngayon. Better, pa-check up ka din po, mas maganda na professional ang mag-advice sa iyo.
 
Meron din po ako nyan hanggang ngayon malalaking pantal tas sa gabi lng din lumalabas
 
mga idol na may problema sa kung anumang uri ng sakit meron po akong alam na isang herbal product na napaka effective,honestly its a networking business based product pero hindi yung networking ang ang ipapakita ko sa inyo kundi yung produkto,pramis hindi po kayo gagastos ng napakalaki,

try nyo i research ang buah merah mix maski hindi po kayo sakin bumili,kung me kilala kayong me ganyang product i try nyo po,pero sana paki add nyo ako sa fb para kung sakali naman malaman ko din kung naging ok sa inyo,pero tested po yang produktong yan walang tamba nasa tamang pag gamit lang,at kung sakin naman kayo kukuha maga guide ko kayo sa tamang pag gamit,
 
Ganito rin ako at mga kapatid ko. Cetirizine din tinetake ko pag pinapantal lang ako ng madami umiinom kasi minsan konti lang naman at nawawala agad. Pag mainit sa pakiramdam at nagumpisa na ako mangati alam ko na kailangan ko ng uminom ng gamot kaya lagi ako may baon nito. Pansin ko lang minsan nawawala ito at matagal bago ulet sumumpong. Minsan ilang taon mawawala minsan ilang buwan o ilang araw. Pag di ako nggamot araw araw pag gabi nagpapantal ako. Di ko lang alam anong ngtrigger nito para bumalik..
 
Allergic reaction yan sir. Pwede sa nakakain mo or other chemical na kapagnaeexpose ka. isipin mo mabuti yung history bago ka magkaroon, isipin mo kung ano nakain mo or ano nagtitrigger. Yun Cetirizine kasi antihistamine yan meaning preventive against chemical mediators na nagtitrigger na allergic reaction.
 
malamang me naingest ka na nagtrigger nyang pantal mo. try to lessen yung chemicals na pinapahid mo sa katawan mo kasi baka yan din ang cause, soap lotion, etc. use natural soap pati shampoo.
 
ok na sir wala na po dahil sa kojic na sabon yung dahilan
 
boss baka may blood problem ka, pa check nlng sa dr para sigurado, pa check mo rin dugo mo....
 
Back
Top Bottom