- Messages
- 759
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
@paranoia rebirth
---teka bago yan boss ah. wahehehe mas bago po ba yan sa led tv? hehe oks lang po yan boss atleast sa mga pinagsasasabi natin, may mga pagpipilian na ang mga may similar questions nung nagtanong di ba hehehe. nice conversation sau boss hehe.
@ fern2x2000 and lahat ng mga hindi pa alam ang tungkol sa DTV pakibasa po dahil importante ito lalo na ang tungkol sa ISDB-T dahil lahat tayong nanonood ng tv ay apektado dito.
ang led tv is type ng tv. diba dati picture tube type (CRT TV), tapos lumabas yung lcd tv, then ngayon yung led tv.
on the other hand, yung DTV or digital television naman ay ang bagong tv broadcast, yun ang pumalit sa analog broadcasts na NTSC (National Television Standard Committee) and PAL/SECAM (Phase Alternate Line/SEquentiel Colour Avec Memoire). kung ang pal/secam and ntsc ay 576 and 480 interlaced scanning lines, ang DTV ay kayang magbroadcast ng high definition and 5.1 audio na para bang nanonood ka sa isang home theatre.
4 ang types of digital television. ATSC, DVB, DTMB and ISDB.
ATSC (Advanced Television System Committee) sa America, DVB (Digital Video Broadcast) sa European countries, DTMB (Digital Terrestrial Multimedia Broadcast) sa China, Hongkong and Macau, and ISDB (Integrated Services Digital Broadcast) sa Latin America, Japan and Philippines.
Integrated Services Digital Broadcasting-Terrestrial or ISDB-T ang ating digital tv broadcast in the near future. yun ang napili ng NTC na ipalit sa ating pangkasalukuyang NTSC since mas maganda (daw) yun sa tipo ng ating bansa na isang archipelago. on December 31, 2015 pagsapit ng 12-midnight or new year magshi-shift tayo sa digital. meaning yung ating mga conventional tv o yung mga hindi DTV capable TV ay hindi na makakasagap ng kahit anong channel dahil papatayin na ng mga tv stations ang analog broadcast o yung ating NTSC system.
kung matatandaan nyo naglabas ang Smart noon ng MyTV yun ay isang type ng digital broadcast under DVB-H (handheld). nawala na yun dahil na rin sa ISDB-T na ang napili ng NTC na broadcast dito sa atin.
currently, under test broadcast na ng ISDB-T ang ilang tv stations dito sa atin. isang example is ang NET-25. kung mapapansin nyo, pag news sa kanila nakasulat sa ibabaw "Live in HD on ISDB-T Channel 49"
anyway sabi ko nga sa simula importante ito. ito ay para sa mga may planong bumili ng bagong TV lalo na kung mamahalin. hindi po advisable na bumili ng tv ngayon since hindi pa isdb-t compatible ang halos lahat ng bagong tv na ibenebenta dito sa atin. hindi pa rin kasi finalized ang IRR ng NTC kaya hindi pa naglalabas dito ng ISDB-T compatible tv ang mga tv giants like sony and samsung. ok lang ba sa inyo na bumili ng tv ngayon tapos hindi nyo na magagamit sa 2016, syempre hindi diba? although dtv compatible na yung mga sony and samsung tvs dito, hindi naman ISDB-T. so hintayin nyo nalang na ma-final yung IRR ng NTC para sulit yung paggastos nyo ng libo-libo para sa mamahaling tv. magagamit pa rin naman yung mga tv ngayon pag isdb-t na tayo, yun nga lang kelangan nyo ng ISDB-T tuner.
sa mga gusto pang malaman yung mga detalye ng ating digital television at kung ano na ang mga improvements sa mga tv channels, gadgets na ISDB-T ready and kung anu-ano pa check nyo DTV Pilipinas official facebook account.
sana kinapulutan nyo ng impormasyon ang aking mga isinulat dito. salamat po sa pagbasa.