Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

nakakabitin talaga ts sana may karugtong nito. .. ...sana mapafairy tale rin ang kwento. nakakakilig naman. HOPE my PART 2
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Saan un karugtong niya ts..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Ang ganda ng story na ito TS sana meron nang kasunod, nakakabitin.. Thanks
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

hindi rin tinapos to
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Napakaganda. Maghihintay ako sayo ts :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

bitin men...thanks anyway..baka magagawan ng paraan ung PART 2...:praise::praise::praise:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ou nga bitin, ang ganda ng flow ng storya, sana ituloy ni TS
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Bitin TS! Hahahahaha MOOOOOOOOOOOOOOOOOOREEE!!!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ts pa uuuuuuuuuuuuuuuuuuppppppppp date naaaaaaa
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Wala pa po karugtong sayang ganda pa naman ng kwento... anu na nagyari kani francis at cassandra after nila mag -aral sa ibang bansa??
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ts pagbigyan mo na kami. part 2 naman jan.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

part 2 nmn po TS :thanks:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ganda tlaga ng kwento pero subrang kulang ts bka magawa mo pa itong dugsungan buuin muna ung kwento
syang nmn ang ganda pa nmn ng ginawa mo

- - - Updated - - -

ganda tlaga ng kwento pero subrang kulang ts bka magawa mo pa itong dugsungan buuin muna ung kwento
syang nmn ang ganda pa nmn ng ginawa mo
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

:protest: PART 2!
:protest: PART 2!
:protest: PART 2!
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

:pray::beat:boss ikaw na....d ko na mhintay kung anung susunod...sundan mo na plsss
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

wala parin abang n abang n ko s part2 lagi nlng bang putol
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ts wla pa ring bang part 2..isang taon nang nkalipas.. bigay muna ts..marami nah ka mingnghihintay.. :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ts bitin ganda ng story sana kahit isa pang chapter ...after 5years nagkita sila hahaha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Ts pa update naman pls ang ganda ng kwento grave gustong gusto quh talaga sna bigay mo ung karugtong plzzzzzzzzzšŸ˜¢šŸ˜¢
 
Back
Top Bottom