Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Masaya ako bukas na ulit ang bahay natin ngayon ko lang nakita kaya agad ko inupload ang part 26...hindi ko magawang i edit ang title sa first page dahil parang sumobra ako sa bilang (i think may limit na ata) kaya minabuti ko na lang hindi ko na i edit yun para
hindi masira yung title....sa totoo lang habang sarado pa ang bahay natin sinubukan kong ipagpatuloy ang story pero hindi ko magawa dahil sa totoo lang kayong mga matyaga kong mambabasa ang inspirasyon ko kaya ngayon nandito na ulit tayo makakaasa
kayo na pagbubutihan ko pa ang mga susunod na part...kung may tips kayo paano ko ieedit ang title sa first page feel free to post po para malaman nyo kung may bagong update na sa story (sa ngayon mukhang magbabackread ata kayo para lang malaman kung may update na o wala)....muli po maraming maraming salamat po
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

thanks sa pag-update TS. tagal din bago na-update ah..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat sa update ts...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 27

Pagkalipas ng ilang araw matapos ang pagkapanalo ng bagong pinuno, umiiwas pa rin si Francis kay Cassandra, ilang linggo
na lang graduation na, at pero ngayon ay hinihintay ang resulta ng kanilang final exam dito malalaman kung papasa ba si
Francis o hindi. Naglalakad sa hallway sila Francis at Arjay ng makita nila si Cassandra na nakaupo sa ilalim ng puno

Arjay: Men si Cassandra mo oh, mag isa dun halika lapitan natin
Francis: Wag na men malungkot ngayon yan, ayaw ko nakikitang malungkot yan
Arjay: Anu ka ba men, sa mga ganyang panahon dapat mo dinadamayan si Cassandra, pogi points na rin yun hahaha
Francis: Ayoko tsaka na lang pag ok na sya
Arjay: Ok kaw bahala

At nagpatuloy lang sila sa paglalakad, patungo na sana si Francis sa classroom nya ng bigla syang nakita ni Cassandra

Cassandra: Francis!!!

At napahinto sa paglakad ang binata at agad binati si Cassandra

Francis: Oh! kaw pala good morning, kamusta?
Cassandra: Iniiwasan mo ba ako?
Francis: Huh? hindi ah
Cassandra: Iniiwasan mo ko eh, napapansin ko hindi ka naman sigurado buzy pero lagi ka lumilihis ng daan may problema ba?
Francis: Ah...eh...napapansin ko na malungkot ka nitong mga nagdaang araw eh, ayaw ko lang kasi nakikita kang malungkot
hindi ko kayang tignan ka ng ganun kaya pasensya na kung iniwasan kita pero hindi ibig sabihin nun ayaw ko sayo
Cassandra: Ganun ba? dba nangako ako sayo na tutulungan kita sa magiging regalo mo sa lola mo?
Francis: Ahh ehh oo pero kung magiging buzy ka ok lang
Cassandra: Hindi ok lang wala din ako ginagawa kailan natin uumpisahan?
Francis: Ahm ikaw kung kailan ka libre?
Cassandra: bukas ok lang ba sayo?
Francis: May pasok tayo bukas eh
Cassandra: Eh di magcutting, since wala na tayong ginagawa kundi hintayin ang result ng exam
Francis: Cassey ok ka na ba ngayon?
Cassandra: Oo ok na ako at wag mo na ipaalala yun, anu bukas ah
Francis: Sige bukas

At pumasok na si Francis sa classroom ng masaya,

Francis: Ayos bukas magkasama kami ni Cassandra aalis

At lumipas ang ilang oras recess na at tulad ng inaasahan sasabay si Cassandra kay Francis

Cassandra: Tara kain na tayo, ako naman ang taya
Francis: Ayos sige ikaw taya ah
Cassandra: Oo dun tayo pumewesto sa pangdalawahan ayaw ko muna yung may makikisabay eh
Francis: Ah eh sige sabi mo eh

At kumain sila lang tulad ng dati pinagtitinginan sila, pero sanay na si Francis kaya hindi na rin nya masyado pinapansin, at
patuloy lang sila sa kanilang kinakain habang nagkukwentuhan, pero hindi inaasahan na dumating si Arjay

Arjay: YUN! naabala ko ba kayo?
Cassandra: Hindi naman kuha ka na ng upuan mo sama ka sa amin

At agad naman kumuha ng upuan si Arjay at nakisali sa dalawa

Arjay: Men lapit na bday ni lola anu ba balak mo?
Cassandra: Bukas sasamahan ko sya para pumili ng regalo
Arjay: Bukas?...may pasok bukas ah wag mo sabihin...
Francis: Tol alam na nya ang lihim na lagusan....
Arjay: Bad influence ka para kay Cassey
Francis: Hala! gusto lang daw nya maranasan paano magcutting kaya sinama ko

At narinig ito ng ilang estudyante at pinagtinginan sila at nagkaroon ng bulungan
"Grabe bad influence sila kay Cassey"
"Siguro tinatakot si Cassey para samahan sila ang sasama"

Arjay: Tignan mo Bad influence ka daw hahahaa
Francis: Hala! bakit ako
Cassandra: HAhahaha! natatawa ako sa inyo dalawa

Napansin ni Francis na unti unti ng nanunumbalik ang sigla at ngiti ng dalaga, para kay Francis masaya na rin sya sa
nangyari, kumain ang tatlo at nagkuwentuhan

Arjay: Woooo dami ko busog bait mo talaga Cassey at Francis, alam mo bagay kayong dalawa eh
Francis: Uy men, di magandang biro yan ah, Cassey pasensya ka na

Ngumiti lang ang dalaga at nagpaalam na si Arjay para pumasok sa kanyang classroom, at naglakad na rin ang dalawa, habang
naglalakad ang dalawa, pinagmamasdan ni Francis si Cassandra at lihim na napapansin iyon ng dalaga

Cassandra: May dumi ba ako sa mukha?
Francis: Ah...eh sorry
Cassandra: Alam mo hindi ko rin maintindihan bakit pag kaw kasama ko parang ang gaan ng pakiramdam ko at masaya ako sa piling
mo
Francis: Ganun din ako masaya ako pag kasama kita, pero hindi ko kayang makita ka pagmalungkot ka

At habang naglalakad sila napansin ni Francis ang bracelet na suot ni Cassandra

Francis: Pwede magtanong?
Cassandra: Anu un?
Francis: Yang suot mong bracelet, luma na sya pero maganda pa rin mahalaga ba yan sayo?
Cassandra: Huh?...hetong bracelet? Oo naman mahalaga sya sa akin dahil sya ang susi para makilala ko sya
Francis: Sino?

At biglang tinawag si Cassandra ng kanyang mga classmate nyang babae

Classmate #1: Uy sis tara sama ka punta tayo sa kabilang building
Cassandra: Huh?...bakit?

At hinila na si Cassandra ng kanyang mga classmate

Francis: Sige pasok na ako salamat sa pagsabay Cassey
Cassandra: Salamat din

At ngayon alam na ni Francis na yung bracelet na dalawang beses na nyang sinauli ay mahalaga pala talaga kay Cassandra,
aminado si Francis na hindi nya magawang aminin kay Cassandra ang kanyang pagmamahal dahil na rin sa mga kinukwento ng
dalaga, kaya habang nalalapit na ang graduation, nalalapit na rin ang araw na hindi na sila muli magkikita

Francis: Mahirap pala magmahal ng isang taong na taga langit, bukod sa mahirap syang abutin, hanggang pangarap na lang
kasi mataas sya

Lumipas ang buong araw uwian na nila, hindi na muna tumambay si Francis sa school at maaga umuwi, at pagdating sa bahay
napansin nya na palaging inuubo ang kanyang lola

Francis: Nandito na po ako, mano po lola
Lola: Kamusta araw mo apo
Francis: Ok naman po, lola mukhang hindi po maganda ang pakiramdam nyo ah sana nahiga na lang kayo
Lola: Haay anu ka ba? ok lang ako apo ubo lang to
Francis: Patignan ko na po kayo sa doktor lola
Lola: Wag na ok lang ako, magmeryenda ka na
Francis: Nag aalala ako sayo lola eh at namumutla kayo
Lola: Wag ka mag alala apo konting higa lang ito mamaya ok na ako

Walang nagawa si Francis kundi ang maniwala sa sinasabi ng lola, at lumipas ang gabi oras na para magpahinga siniguro muna
ni Francis na ok lang ang kanyang lola

Francis: Wala ka namang lagnat lola, sigurado po ba kayong walang masakit sa inyo lola?
Lola: Apo ok lang ako wag ka magalala, magpahinga ka na
Francis: Sige po magpahinga na rin po kayo, lola pag may kailangan kayo tumawag lang kayo ah dito na lang ako sa salas para
hindi na po kayo bumangon
Lola: Haay ang apo ko o siya sige pahinga ka na rin

At natulog na rin si Francis...

Kinabukasan ginigising siya ng kanyang lola, para kumain na ng agahan

Francis: Oh lola ok na po ba kayo? kamusta pakiramdam nyo?
Lola: Sabi ko naman sayo eh pahinga lang kailangan ko
Francis: Dapat po hindi na kayo nagkikilos baka mapasama pa po yang ginagawa mo
Lola: Apo kumain ka na at ok na ok ako

At nagayos na ang binata para pumasok, sakto naman ang pagdating ni Arjay

Arjay: Good morning lola, makikikain po ako ah wala sila mommy at daddy eh
Lola: Hahahaha sakto ka apo at sabayan mo na si Francis
Arjay: Men tuloy ba kayo ngayon? (pabulong)
Francis: Oo bakit? (pabulong)
Arjay: heto ang yung pera at magiging regalo ko pakihanap na lang (pabulong)
Francis: Sige (pabulong)

Papasok na ang dalawa

Arjay and Francis: Lola pasok na po kami ah
Lola: Sige mag ingat kayo ah
Francis: Lola pag masama po pakiramdam nyo wag na po kayo magkikilos ah
Lola: Sige na wag mo ko alalahanin

At naglakad na sila, habang naglalakad nagkukuwentuhan ang dalawa

Arjay: Men handa ka na ba sa magiging date nyo?
Francis: Date? nino?
Arjay: Anu ka ba date ang tawag dun pag kayo lang dalawa ang magsasaya
Francis: Date na ba yun?
Arjay: Oo men, swerte mo makakadate mo si Cassandra, kwentuhan mo ko mamaya ah
Francis: Ikaw naman tutulungan lang nya ako mamili ng magiging regalo natin eh hehehehe
Arjay: Bakit ka kinikilig ang landi mo ah hahahaha, goodluck sa magiging date nyo dalawa kahit ganun lang yun date ang tawag
dun
Francis: Salamat men (brofist)

At pagdating sa school nakita nila si Christian kasama si Annie

Francis: Boss kamusta?
Arjay: Ayos ah pansin ko lagi kayo magkasama ni Annie
Christian: Ah ok naman kuya, kami na ni Annie wag lang kayo maingay kay ate ah
Francis: totoo ba yan Annie?
Annie: Wala eh nainlove ako sa boss nyo
Arjay: Alam mo boss walang problema yan eh kaso lagi ako nagugutom
Francis: Hahahahaha hoy wag mo na utuin yan, boss ate mo nasaan?
Christian: Si ate nasa classroom na ata nila eh maaga kami pumasok eh paano una na kami ah
Francis: Sige ingat kayo ah
Arjay: Libre mo ko mamaya ah boss
Francis: Men kinakabahan ako
Arjay: Saan sa magiging date nyo?
Francis: Oo eh, pare si Cassey ang kasama ko mamaya at baka marami ang makakita
Arjay: Ok lang yan men at kung may makakita wala naman problema siguro
Francis: Sabagay, paano kita kits maya puntahan mo na gf mo
Arjay: Hahaha ingat kayo mamaya ah yung regalo ko ah

At naghiwala na ang dalawa para pumasok sa kani kanilang klase, habang naglalakad si Francis papasok sa kanyang classroom
nakita nya si Cassandra na nakikipagkwentuhan sa kapwa nya kaklase kaya pinuntahan nya ang dalaga

Francis: Good morning sayo Cassey
Cassandra: Good morning din, sa recess na lang ah

At kinindatan sya ng dalaga, at agad nakuha ni Francis ang ibig sabihin ng dalaga, at habang papasok sa classroom kinikilig si
Francis

Francis: Nakita mo ba yun Francis? kinindatan ka nya grabe ang ganda nya talaga, nakakalambot ang pagkindat nya

At nanabik na si Francis, hinihiling na sana lumipas ng mabilis ang oras para recess na, hindi mapakali si Francis dahil sa tuwang nararamdaman nya
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat ts... pa update din ng date ts kc para makita kung nag update kna pla...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat sa update ts...ganda na ng storya..<^_^>
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Thank you Ts..magkakasakit yata ang lola ni Francis then sa graduation hindi magkikita sila City hunter at Cassey sa rooftop :slap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Thank you Ts..magkakasakit yata ang lola ni Francis then sa graduation hindi magkikita sila City hunter at Cassey sa rooftop :slap:

pareho tayo ng hula sir :rofl:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

:dance::dance::dance:
:thumbsup::thumbsup::thumbsup:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

waiting mode.....:beat:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

pa update na ts..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

nakaka kilig ts... update na agad (y)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

tapusin mo n ts :) .. Ts try mo pumunta sa go advance then edit mo yung title ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 28

Habang naghihintay na magrecess naisip nya yung larawang pinapagawa nya

Francis: Muntik ko ng makalimutan yung picture ah. Teka dahil sa wala naman kaming ginagawa na puntahan ko na lang si kuya
para matanong ko yung picture tapos balik na lang ako dito pag recess na

At nag ober da bakod na ang binata para puntahan ang photographer

Francis: Kuya magandang umaga, kamusta ang larawan na pinagawa ko?
Photographer: Hahahaha magandang balita Francis, naibalik ko sa dati yung larawan heto tignan mo parang hindi napunit diba?
Francis: Wow kuya ang galing mo talagang ginawan mo ng paraan
Photographer: Aba syempre tawag dyan photo restoration medyo nahirapan ako dahil sa kulay ng larawan
Francis: Kuya magkano babayaran ko?
Photographer: Wag na libre na yan para sayo, parang hindi tayo magkaibigan nyan eh
Francis: Kuya nakakahiya naman
Photographer: Wala yun sige na
Francis: Kuya maraming salamat ah sigurado ako matutuwa sya ng husto nito pag nakita nya ang larawang ito, kuya hindi na ako
magtatagal babalik na ako sa school ah
Photographer: Sige ingat ka

At masayang masaya nakabalik ang binata sa school, agad pinuntahan si Arjay para sa isang pabor na pagagawa

Arjay: Ganun ba? Sige puntahan natin sila
Francis: Sigurado ako sobrang matutuwa si Cassandra nito pag nakita nya ito

Pinuntahan ng dalawang binata ang mga classmate ni Cassandra na nakapunit ng larawan

Arjay: Ibalik nyo ito kay Cassandra, siguraduhin nyo na maibibigay nyo ito at humingi kayo ng sorry ah, pag kayo sumamblay
ayaw ko na makikita ang pagmumukha nyo dito sa naintindihan nyo ba?
Classmate #1,2,3,4,5: Opo opo
Arjay: May pasasabi ka pa ba men?
Francis: kaya ko pinapagawa sa inyo yan para naman hindi na magalit sa inyo si Cassandra, para sa inyo rin yan sige na bigay
nyo na

At bumalik na ang mga classmate ni Cassandra sa loob ng classroom para ibigay ang larawan na pinagawa ni Francis

Arjay: Bakit ba hindi na lang ikaw ang nagbigay kay Cassandra? sigurado ako matutuwa ng husto yun pag nalaman nya na talagang
pinagsikapan mo na ibalik sa dati yung larawan
Francis: Wag na men, hindi na mahalaga yun, para sa akin ang mahalaga yung kasiyahan nya
Arjay: Bilib na talaga ako sa pagmamahal mo kay Cassandra
Francis: Nilulubos ko lang ang nalalabing araw kasi pagkagraduate natin hindi ko na sya makakasama at makikita pa
Arjay: Oh paano balik na ako sa classroom?
Francis: Sige salamat men
Arjay: Basta ikaw lakas mo sa akin eh ako lang ang hindi eh

At naghiwalay na ulit ang dalawang magkaibigan

Classmate #1: Ahm Cassey may ibibigay sana kami sayo eh
Cassandra: Anu yun? (nakasimangot)
Classmate #2: Heto oh yung picture na napunit namin binalik namin sa dati na parang walang nangyari

At nagulat si Cassandra na buo na muli ang picture at parang walang nangyari, tuwang tuwang si Cassandra sa nangyari at
maiyak iyak ito dahil sa tuwa

Classmate #4: Sorry talaga ah sana mapatawad mo kaming lima
Classmate #1,2,3,4,5: Sorry Cassey
Cassandra: Hahaha anu ba kayo oo naman pinatawad ko na kayo salamat sa effort na ginawa nyo at naibalik nyo sa dati ang
picture na ito

Nakita ni Francis ang pangyayari na yun kahit sya ay masayang masaya dahil nagustuhan ni Cassandra ang ginawa nya

Francis: Buti naman at nagustuhan nya ang ginawa ko atleast naibalik ko ang dating saya at sigla nya

At bumalik na rin si Francis sa kanyang classroom, nasa kanya ang picture na punit punit na nilagyan na lang ng tape para
mabuo, habang nakaupo pinagmamasdan nya ang larawang punit at tinatanong kung sa sarili kung sino ba ang nasa larawan

Francis: Siguro mommy nya ito kasi kamukha nya eh

At napansin nya ang bracelet sa larawan

Francis: Teka parang heto yung bracelet na suot ni Cassandra ah, ibig sabihin maari mommy nya nga ito at gaano na lang din
kahalaga sa kanya ang bracelet na yun dahil nga galing pa iyon sa babaeng ito? grabe kaya pala ganun na lang kaluma yung
bracelet parang pinaglipasan na ng panahon

At paglipas ng ilang oras, dumating din ang pinakahihintay ni Francis ang recess kaya agad itong lumabas para hintayin ang
dalaga sa canteen, at ilang sandali lang din nakita nya ang dalaga na masiglang masigla

Cassandra: Hi! alam mo hetong araw ang pinakamasayang araw ko ngayong linggo
Francis: Wow! bakit naman?
Cassandra: Basta! akin na lang yun
Francis: hahahaha sige sige sabi mo eh masaya na rin ako para sayo
Cassandra: Dahil masayang masaya ako ngayon, lilibre kita kain muna tayo bago umalis
Francis: Aba! ayos sige libre mo ko ah nagugutom pa man din ako
Cassandra: Tara na habang wala pang masyadong tao

At masayang pumasok ang dalawa para kumain, lingid sa kaalaman ng dalaga alam ni Francis ang dahilan bakit sya masaya, at
masayang masaya pinagmamasdan ni Francis ang dalaga habang kumakain

Cassandra: Nakaisip ka na ba kung anu ang magiging regalo mo sa lola mo?
Francis: Hindi pa nga eh wala ako maisip eh gusto ko kasi yung talagang magiging masaya ang lola ko pag nakita nya yung
magiging regalo ko sa kanya
Cassandra: ang bait mong apo, lam mo swerte ng lola mo sayo kahit minsan may toyo ka, alam ba ng lola mo na minsan may toyo ka?
Francis: Hahahaha grabe ka ah syempre hindi ko pinapakita kay lola yun noh
Cassandra: Hayaan mo pag nagkita kami ng lola mo sasabihin ko sa kanya na minsan bad ka
Francis: Hahahaha yun ay kung makikita mo
Cassandra: Bilisan na natin teka diba ikaw yung naging tourist guide ko nung unang cutting ko?
Francis: Oo bakit?
Cassandra: Ako naman ang bahala sayo ngayon
Francis: Wow! sabi mo yan ah
Cassandra: Oo ako bahala expert ata ako pagdating sa pagiisip ng regalo

at nang matapos na silang kumain dumeretso na sila sa "lihim na lagusan" kung saan naghihintay si Arjay

Arjay: Men ingat kayo ah si Cassey ikaw na bahala dyan wag mo ililigaw yan
Francis: Salamat men
Cassandra: Hindi ka ba sasama?
Arjay: Hindi na si Francis na ang bahala, alis na kayo habang hindi pa tapos ang recess
Francis: Sige men teka bakit ka ba nandito?
Arjay: Gusto ko lang makita kung talaga bang nagcucutting class ang isang prinsesa hahaha
Cassandra: Hahaha uy pangalawa pa lang ito noh!
Arjay: Sige na alis na hahaha

At nag ober da bakod na ang dalawa

Arjay: Hahaha grabe si Francis nagawa nyang ipacutting classes ang isang prinsesa, iba talaga nagagawa ng pag ibig

Habang naglalakad palayo sa eskwela ang dalawa wala pa ring naiisip si Francis sa magiging regalo nya. Ang alam lang nya masaya
sya dahil magkasama sila ngayon ni Cassandra at "magdadate" sila

Francis: Ang swerte ko rin ngayong araw dahil kasama ko ang pinakamamahal kong si Cassandra, kung masaya siya mas masaya ako
hihihihi magdadate kami ni Cassey

At nagpunta sila sa isang shopping mall, nagulat si Francis dahil kilala si Cassandra ng mga security guard ganun din ng ilang
empleyado ng shopping mall

Francis: Kilalang kilala ka dito ah
Cassandra: Ay hindi ko pa pala nasabi na isa ito sa pag aari ng pamilya namin kaya ako ang magiging tourist guide mo ngayon
Francis: Grabe isa ka ngang prinsesa lahat na lang nasa iyo ah
Cassandra: Mamasyal muna tayo
Francis: Sige walang problema ikaw ang bahala sa akin eh

At namasyal sila sa loob ng mall, habang naglalakad at nagtitingin sa paligid nakakita si Cassandra ng isang photo booth

Cassandra: Diba wala pa tayong picture?
Francis: Picture?....nating dalawa?
Cassandra: Oo
Francis: Ah...eh...

Agad siyang hinila ni Cassandra papunta sa photo booth

Photo booth crew: Hi Ma'am at Sir pasok na po kayo sa loob at ng makuhaan kayo

Cassandra: Tara pasok na dali

Walang nagawa si Francis kundi pumasok sa isang boot

Photo booth crew: Ok Wacky picture tayo ah!
Cassandra: wacky picture daw

At nag wacky pose silang dalawa

Photo booth Crew: Ok isang big love sign naman

Francis: Paano yun?
Cassandra: Yung ginagawa ng mga korean sa mga movie yung tag isang kamay nila eh ipagdidikit para makabuo ng isang malaking
hugis heart
Francis: Ahh ok
Cassandra: Dali

At natapos ang kanilang picture taking, tawang tawa si Cassandra sa hitsura ni Francis sa mga picture

Cassandra: Hahahaha tignan mo hitsura mo dito oh photogenic ka pala pag wacky hahaha
Francis: Sabi kasi wacky eh kaya yan wacky
Cassandra: Yan tag isa tayo ng picture tago mo yan ah
Francis: Salamat sakto pagkagraduate natin sigurado ako mamimiss kita
Cassandra: Ako din naman eh, uy dun tayo oh sa amusement center paramihan tayo ng tiket
Francis: Tara!

At agad silang nagtungo dun para maglaro,

Cassandra: Kung sino ang maraming tiket ililibre ng natalo ah
Francis: Aba hindi naman ako patatalo sayo

At nagpaligsahan silang dalawa, hindi nagtagal natalo si Francis

Cassandra: Hahahaha libre mo ko talo ka!
Francis: Palagay ko nadaya ako eh, o sya lilibre ka sige
Cassandra: Alam mo ang masaya talaga ako pag kasama kita alam mo yung pakiramdam na talagang nageenjoy akong kasama ka
Francis: Masaya ako kung yan ang pakiramdam mo tara na at kain na tayo

At kumain sila sa isang fast food chain at nakatayo sila at tinitignan ang mga menu na nakapaskil sa pader

Cassandra: Pahinging 500
Francis: Heto oh
Cassandra: Ako na ang oorder at ikaw ang maghanap ng magiging upuan natin
Francis: huh? sure ka ikaw na lang?
Cassandra: Oo sige na hanap ka na
Francis: Opo boss

Hindi naman nahirapan na sa paghahanap ng lugar at umupo na sya para hintayin ang dalaga dala ang kanilang pagkain, mula sa
kanyang inuupuan natatanaw nya ang dalaga at napapansin nya ang ilang tao na namamangha sa kagandahan ng dalaga

Francis: Kahit ibang tao namamangha sa angking kagandahan nya, pakiramdam ko parang proud ako kasi kasama ko ang pinakamagandang
babae sa campus, samantala ako isang ordinaryong estudyante lang maswerte talaga ako ngayon

At ilang sandali lang ay nakaorder na si Cassandra at nagtungo na ito sa kanilang pwesto nagulat si Francis dahil hindi
nabawasan ang 500 na binigay nya

Francis: Wag mo sabihing?
Cassey: Kilala ako ng manager eh kaya wala ng bayad itong pagkain natin
Francis: Grabe ang astig mo ah
Cassey: Ikaw naman natural lang yun dahil kilala ang pamilya namin, kain na tayo
Francis: Sige

At habang kumakain sila may ilang tao na gusto magpakuha ng picture na kasama sya, hindi naman nabigo ang mga ito na pagbigyan
sila ng dalaga, napailing na lang ang binata sa nakikita

Francis: Matanong ko lang lagi ka ba nandito kaya ganyan ka na lang kilala ng mga tao?
Cassandra: Hindi ah tingin ka sa bandang itaas ng mall

At tumingin naman ang binata at nakita nya ang ilang naglalakihang signboard kung saan si Cassandra ang nasa larawan hawak ang
ilang produkto

Francis: Kaya pala kilala ka dahil endorser ka ng ilang produkto, hindi ka lang maganda, sikat ka rin pala
Cassandra: Hahahahaha ikaw naman si daddy lang naman ang nakaisip na gawin ko yan eh
Francis: ok naman ah alam mo kahit ako bibili sa ineendorso mong produkto eh
Cassandra: Nambobola ka ba o nanguuto?
Francis: HAhahaha
Cassandra: pagkatapos natin kumain hahanap na tayo ng magiging regalo mo sa lola mo
Francis: Oo, uy maraming salamat ah
Cassandra: Wala yun beside gusto ko rin naman mamasyal ngayon wala na rin kasi tayo ginagawa sa school eh
Francis: Sabagay
Cassandra: Palagay mo ba papasa ka sa final exam mo?
Francis: Hindi ko masabi eh bakit?
Cassandra: Paano kung bumagsak ka?
Francis: Eh di bumagsak, ibig sabihin nun malas ako
Cassandra: Haaay naku hindi ko rin maintindihan kung anu ang nasa utak mo
Francis: Hahahaha wag mo na lang isipin yun

Natapos na silang kumain at naglakad lakad na sila para maghanap ng regalo, habang naglalakad napapalingon ang mga
nakakasalubong nila sa kanila

Francis: Bakit ba sila napapalingon? dahil ba kay Cassey o dahil sa ako ang kasama ni Cassey? siguro iniisip nila na may mali
sabagay sa ganda ba naman ng kasama ko eh kahit ako siguro masasabi kong may mali

Sa kanilang paglalakad nakakita si Francis ng isang bata at isang tatay, napahinto ang binata at pinagmasdan nya ito

Baby boy: Papa ang galing po ng ginawa nyo
Father: Hahaha nagustuhan mo ba yun anak?
Baby boy: Opo sa susunod papa dun tayo ulit ah
Father: Ok sige babalik tayo dun

Naalala ni Francis ang kanyang ama, hindi napansin ni Cassey na wala na sa kanyang tabi si Francis kaya lumingon ito at
nakita nya si Francis na pinagmamasdan ang isang mag ama

Cassandra: Siguro naaalala nya ang papa nya, mahirap nga siguro ang wala ng magulang

At binalikan nya si Francis

Cassandra: Tara na Francis (nakangiti)

At hinawakan nya sa kamay si Francis at hinila para maglakad muli, napansin nya na parang gusto maluha ni Francis dahil sa
nakita

Cassandra: Francis dito tayo magumpisa maghanap ng regalo para sa lola mo baka dito magkaidea ka sabay na rin natin ang regalo ni Arjay
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

sundan mo n ts haha .. Bawal b iedit yung title sa go advance ? ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat s update ts
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ang ganda :D
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ganda ng story ts. . . gang ilang chapter kea aabot ang kwentong ito? haha
Keep it up ts... da best ka :D
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat sir sa update,ganda!!!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Salamat sa update...Hahaha hanggang 50 parts cguro to...Hangang tumanda sla.
 
Back
Top Bottom