Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 29

Francis: Sige palagay ko baka makaisip ako ng isang magandang regalo

Sa kanilang paghahanap hindi naman nabigo na makahanap ng ipangreregalo, isang radyo ang nabili ni Francis at sinang ayunan
din ito ng dalaga at nabili rin nila ang hinabilin ni Arjay na isa namang hand bag

Francis: Naalala ko nga pala na mahilig sya makinig ng mga drama sa radyo habang nagluluto, at sa tanghali pagnagpapahinga
Cassandra: Magandang pang regalo nga yan bukod sa simple sigurado ako na nakakatulong din yan para hindi sya mabagot
Francis: Sabik na akong makita ang magiging reaction ni Lola pag nabuksan na nya ito
Cassandra: Naku sigurado yun
Francis: Ok na din itong regalo ni Arjay, salamat ulit sa pagtulong ah laking tulong ang ginawa mo
cassandra: Ikaw naman wala yun
Francis: Balik na tayo sa school

Nakalabas na sila ng shopping mall bitbit ang kanilang nabili, sa kanilang paglalakad napansin ni Cassandra ang isang batang
biglang tumawid sa kalsada para habulin ang tumatalbog na bola hindi ito namalayan ng nanay nito kaya si Cassandra na
ang biglang tumakbo para sagipin ang bata pero huli na dahil sa paparating na isang truck. Maraming tao ang agad nakapansin
at natigil, naramdaman na lang ni Cassandra na may tumulak sa kanila upang sila ay hindi mahagip ng rumaragasa na truck at
ng sila ay bumagsak sa isang gilid habang yakap nya ang bata nakita nya ang isang lalaking sumalpok sa truck na nilipad at
nagpagulong gulong sa daan dahil sa lakas ng pagbangga nito. Maraming tao ang agad nagtakbuhan para saklolohan ang nabangga
at ang nanay ng bata ay agad kinuha ang batang nailigtas. Kilalang kilala ni Cassandra ang lalaking nabangga ng truck kaya
agad itong tumakbo patungo sa lugar kung saan dumapo ang lalaki, at ang lalaking iyon ay si Francis, Hindi nagkamali si
Cassandra sa nakita, si Francis ang tumulak sa kanya para iligtas sila

Agad nyang hinawakan si Francis, umiiyak at ginigising ang binata

Cassandra: FRANCIS!!!! GUMISING KA!!!!! FRANCISSSSSS!!!!!!

May malay pa si Francis at tumingin ito kay Cassandra

Francis: Ma....saya....ako....ok......ka...lang.....sor....ry...hin.....di....na....ta....yo....magkasama.....ga....graduate
Cassandra: TULUNGAN NYO KAMI!!!!!!! TUMAWAG KAYO NG AMUBULANSYA!!!!!!!!! DALIAN NYO!!!!!!!!!!!!!

Agad naman kumilos at dumating agad ang ambulansya para saklolohan sila, agad dinala sa malapit na hospital si Francis.
Nashock pa rin si Cassandra sa nangyari at agad ito tumawag sa kanilang mansyon, para ipaalam ang nangyari agad naman
dumating ang daddy ni Cassandra at yumakap ito agad sa kanya

Cassandra: Daddy huhuhuhu si Francis.....
Cassandra's Father: Ano ba ang nangyari bakit nasa malapit kayong shopping mall natin anak
Cassandra: tinulungan ko si Francis na bumili ng magiging regalo nya para sa lola nya huhuhuh daddy si Francis tulungan natin
sya
Cassandra's Father: Wag ka magalala anak tutulungan natin sya dyan ka muna at aasikasuhin ko lang sandali mga kailangan nya

Iniwan muna sya sandali at naisipan din nyang tumawag sa eskwelahan para makausap si Arjay

Cassandra: Hello, Arjay si Cassey ito si Francis naaksidente niligtas nya ako sa rumaragasang truck huhuhuhuhu
Arjay: Ano?! teka saang hospital ba kayo pupunta kami dyan ni lola?
Cassandra: Dito sa pinakamalapit na hospital sa shopping mall huhuhuhu

Agad binaba ni Arjay ang telepono at agad ito lumabas ng eskwelahan at nagmamadaling pumunta sa bahay ni Francis para isama
ang lola ni Francis sa hospital pero pagpasok ni Arjay sa bahay, hinanap nya ang lola nila at nagulat sya sa nakita. Nasa
sahig at walang malay ang lola ni Francis. Agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at naisugod din nila ito sa hospital,
pero huli na ang lahat patay na ang lola ni Francis. Nanghina si Arjay sa narinig at nag umpisa na itong lumuha.

Arjay: Paano ko sasabihin kay Francis ito?, tapos pati sya nasa hospital din

Ilang oras na ang lumipas, na EMERGENCY ROOM pa rin sila Cassandra at ang daddy nito hinihintay kung ano na ang lagay ni
Francis, nanginginig sa takot at nerbyos si Cassandra at hindi nya rin magawang hindi umiyak

Cassandra's Father: Tahan na anak walang magagawa ang pag iyak mo buti pa pagdasal natin na sana maging maayos ang
kalagayan niya at ligtas sa kapahamakan
Cassandra: Daddy huhuhu dapat ako yung nasagasaan pero iniligtas nya ako kaya sana daddy tulungan natin sya huhuhuhu
Cassandra's Father: Wag ka mag alala inayos ko na ang lahat, ipagdasal natin siya

Ilang sandali ay dumating si Arjay, tuliro ito at galing lang din sa kakaiyak

Cassandra: Arjay si Francis huhuhuhuhu
Arjay: Kamusta na ang lagay nya
Cassandra's Father: Wala pa ring balita hinihintay rin namin
Cassandra: Huhuhuhuhu nasabi mo na ba sa lola nya ang nangyari?

Hindi na kumibo si Arjay para sagutin ang tanong ni Cassandra

Cassandra's Father: Cassey anak buti pa magpahinga ka muna ipapahatid muna kita pauwi ng bahay ako na muna ang maiwan dito
Arjay: Buti pa po samahan mo nyo na si Cassey
Cassandra: Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nalalaman ang lagay ni Francis
Cassandra's Father: Sige ibibili ko muna kayo ng makakain sa labas

At umalis sandali ang daddy ni Cassandra at naiwan sila Arjay at Cassandra. Napansin ni Cassandra na lumuluha si Arjay

Arjay: Hindi ko alam kung anu ang magiging reaction ko, Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya pag ok na sya
Cassandra: Ano ibig mong sabihin Arjay?
Arjay: Wala na si lola

Lalong nagulat si Cassandra sa narinig

Cassandra: Huh?! hindi maari huhuhuhuhu
Arjay: Kaya nga hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya pag naging ok na sya eh huhuhuhu

Nurse: Doc bumababa ang heartbeat nya
Doc: i electrical shock natin
Nurse: Ready na doc!
Nurse: Doc ang pulsebeat humihina rin!

Ilang oras pa ang lumipas at patuloy pa rin silang naghihintay sa lagay ni Francis

Cassandra's Father: Cassey, anak, dun na kayo sa loob ng isang kwarto para makapagpahinga na rin kayo. Ahm hijo kaano ano mo
ba yung Francis?
Arjay: Kababata ko po sya
Cassandra's Father: Ganun ba? Cassey dadating si Manang para samahan ka hindi ako pwede magtagal dito balitaan nyo ko kung sa
magiging lagay nya, maiwan ko na muna kayo
Arjay: Sige po maraming salamat, ingat po kayo
Cassandra: Daddy huhuhu
Cassandra's Father: Sige...

At umalis na ang daddy ni Cassandra, nasa loob sila ng isang kwarto para makapagpahinga sila

Arjay: Pahinga ka na ako na muna ang bahala gigisingin na lang kita pag nandyan na ang doktor
Cassandra: Arjay huhuhu
Arjay: Tama daddy mo ipagdasal na lang natin na sana maging ok sya

At dumating ang tagapag alaga ni Cassandra at niyakap nya agad ang alaga nya

Manang: Tahan na nagdala ako ng ilang damit mo para makapagbihis ka at pagkain na rin para makakain ka sigurado ako magiging
ligtas din sya wag ka magalala

Lumabas na muna si Arjay naupo sa isang tabi, tulala, magulo ang kanyang pag iisip, at naluluha

Arjay: Hindi ko alam kung ano ang kanyang magiging reaction pag nalaman nya na wala na si lola, bakit ganito ang nangyayari
sa best friend ko. Lord iligtas nyo po ang best friend ko, at sana maging maayos ang kanyang kalagayan

Lumipas pa rin ang ilang oras nakatulog na si Cassandra sa kakaiyak, gayun din si Arjay sa kanyang inuupuan. Isang trahedya
ang agad napalitan sa ilang sandaling ligaya ni Francis, lalo na wala na ang kanyang pinakamamahal na lola, sa mga oras na
ito patuloy pa rin nakikipaglaban para sa kanyang buhay si Francis

Lumabas na ang doktor at agad tumayo si Arjay gayundin ay lumabas din si Cassandra

Doctor: Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?
Arjay: Opo kami po
Doctor: Si Francis ay nagtamo ng bali sa katawan lalo na yung right arm nya at ilang buto sa kanyang ribs, sa ngayon ay ok
na ang kanyang vital signs pero minomonitor pa rin dahil nasa ilalim sya ngayon ng coma
Arjay: Coma?...yung parang matagal syang matutulog
Doc: Ganun na nga, kaya nasa maselan pa syang condition
Cassandra: Doc, may pag asa ba gumaling si Francis?
Doc: Hindi ko pa masasabi yan, dahil hanggang ngayon minomonitor pa rin namin ang kanyang vital signs which is bumubuti na
pero maari rin ito magbago agad dahil sa pagkakacoma nya, hindi ko pa masabi pero sa ngayon ang magagawa lang natin ay
ipagdasal na sana bumuti at gumanda ang kanyang kalagayan
Cassandra: Doc, yung pagkakacoma nya kailan sya magigising?
Doctor: Depende sa kondisyon ng katawan ng pasyente, kadalasan kasi inaabot ng 6 months parang "naghibernate" ang utak o
mahahalintulad natin sa isang switch na sa ngayon ay "nakaoff" kaya wala akong specific time kung hanggang kailan sya
sa ganyang kalagayan pero kung ang vital signs nya ay mabilis nakakarecover masasabi kong nasa maganda ng kalagayan ang
pasyente at tanging pag gising na lang nya ang ating hihintayin...sa ngayon yun lang msasabi ko
Arjay: Doc pwede na po ba namin syang makita?
Doctor: Sa ngayon hindi pa pwede hintayin muna natin ang 1 o 2 araw at tsaka namin pagdedesisyunan kung maari nyo ng dalawin
ang pasyente...makakaalis na ako
Cassandra: Gawin nyo po ang lahat doc
Doctor: Oo ginagawa namin ang lahat
Arjay: Salamat po doc

Naiyak si Cassandra sa sinabi ng doctor pakiramdam nya kasalanan nya ang nangyari kung bakit naging ganun ang kalagayan ni
Francis

Cassandra: Kasalanan ko ito kung bakit sya ganyan ngayon
Arjay: Wag mo isipin yan dahil hindi iniisip ni Francis yan nakakasiguro ako hindi sya nagsisisi sa ginawa nya na iligtas ka,
Sa ngayon ipagdasal natin sya na sana agad syang makarecover at magising, sa ngayon magandang balita yun na
Cassandra: Gusto ko sya makita Arjay
Arjay: Tibayan mo loob Cassandra, sa ngayon ang tanging magagawa natin ay maghintay, gagaling sya naniniwala ako

Nagumpisa na naman umiyak si Cassandra. Si Arjay naman ay hindi alam kung paano nya sasabihin sa kaibigan ang pagkamatay ng
lola nila, sa ngayon tanging paghihintay lang ang kanilang magagawa at magdasal
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

saklap nmn ng nangyari .. Nakakaawa ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

kawawa nmn ang prinsepe mailigtas lng prinsensa nya...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

grabe naman si ts....sobrang malupit...hahahah...salamt sa update
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Boss pa update.... hehehe,, tuwang tuwa ako sa kwento.. kanina ko lng nakita ko lng kanina after 3 hrs tapos ko ma basahin gang 29.. hehehe
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

sobrang kawawa talaga ang prinsipe...
salamat sir sa update!!!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

WLA p update c ts

- - - Updated - - -

WLA p update c ts
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ano kaya mangyayari kay francis???? siguro pag-aaralin siya ng tatay ni casandra sa ibang bansa pag nakatpos na si francis siya ang magma manage sa mga negosyo nila??? sa tingin niyo :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Ang mgkakatuluyan pala jan c Arjay at Cassandra :slap:...joke lng mga sir:lol:, bilisan mo kasi mg-update TS naiinip na kami sa ganda ng kwento mo..more power to you!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

syete di ako makakatulog nito.. nabitin ako :upset:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

UP-date :pray:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

wala pa update...
wait jutsu mode muna
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

p-update pls...

- - - Updated - - -

p-update pls...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

uuuupppppdatesssss plssssss
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

busy ata .. -.- .. Ts pag nag.update k tapusin mo n haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 30

Ilang sandali lang ang lumipas dumating na rin ang ilang kaanak ni Francis, at ipinakilala naman ni Arjay kay Cassandra
ang mga ito at kinuwento nila ang pangyayari

Francis' Auntie: Maraming salamat dahil hindi nyo pinabayaan ang pamangkin ko, maari na kayo makauwi para makapagpahinga na
kayo, kami na bahala dito
Cassandra: Ayoko po umuwi tita
Arjay: Cassey kailangan mo rin magpahinga hayaan mo babalitaan kita agad pag may pagbabago sa kalagayan ni Francis sa ngayon
kailangan na natin umuwi
Manang: Tama ang sinasabi ng kaibigan mo hija, kailangan mo rin magpahinga

Wala na rin nagawa si Cassandra kundi sumunod na lamang dahil wala rin sila magagawa kung hindi maghintay sa paggising ng
binata, umuwi na muna sila Cassey at Arjay, naiwan naman ang tita ni Francis para magbantay. Sumakay na ng kotse si Cassandra
ng may pag aalinlangan dahil ang gusto nya ay nasa tabi lang sya ni Francis hanggang sa magising ito. Kinabukasan nagkita ang
dalawa sa eskwela nabalitaan na rin ng eskwela ang nangyari kay Francis, marami ang gustong makibalita lalo na ang mga
leader ng samahan

Cassandra: Kamusta ang lagay ni Francis?
Arjay: Wala pa rin sinasabi sila tita pero mamaya pupunta ako para makibalita kaw kamusta pakiramdam mo?
Cassandra: Hindi pa rin ako nakapagpahinga ng maayos dahil iniisip ko ang kalagayan nya
Arjay: Huwag mo hayaan ang sarili mo dahil pag nagising si Francis at nalaman nya na nagkasakit ka baka magalala yun
Cassandra: Sasama ako mamaya para madalaw din sya

Dumating ang mga leader ng bawat grupo para makibalita sa nangyari

Christian: Kuya anung nangyari kay kuya Francis?
Arjay: Sa ngayon sabi ng doktor stable na ang lagay nya pero nacoma sya at hindi alam kailan ito magigising
2nd year leader: Nabalitaan namin ang pagligtas nya sa inyo
3rd year leader: Balak namin dumalaw sa kanya maari ba Arjay balitaan nyo kami kung kailan maari na syang dalawin
Arjay: Sige
3rd year leader: Nabalitaan nyo na ba mamaya ilalabas na ang mga pangalan ng nakapasa?
Arjay: Ganun ba? hihintayin ko mamaya para malaman ko kung pumasa kami o hindi
2nd year leader: Aalis na kami balitaan mo na lang kami
Arjay: Salamat sa pagdamay
Cassandra: Sana makapasa sya
Arjay: Yan din pinapanalangin ko magandang balita ito pag nagising na sya, sa ngayon patuloy lang tayo sa pagdasal na sana
mabilis syang makarecover at magising para sabay kami aakyat sa stage, Maiwan muna kita Cassey hanggang sa muli
Cassandra: Sige

Pumasok na lang si Cassandra sa kanyang classroom para magpahinga at tahimik na lang ito umupo at tumingin na lang sa bintana
ilang oras na ang lumipas ay recess na lumabas si Cassandra at nagtungo ito sa canteen, ramdam nya na parang may kulang dahil
sa ganitong oras may isang lalaking nakangiti na naghihintay sa kanya para sabayan syang kumain at ililibre sya pero ngayon
wala yung lalaking iyon. Magisa umorder si Cassandra, na dati ay may kasabay sya, kumain sya sa isang mesa pero tulad ng dati
marami ang nakisabay sa kanya hinayaan nya lang ang mga ito, naalala nya rin na pag ganito marami ang nakisabay laging
napupunta sa sulok ang lalaking iyon dahil sinisiksikan sya, natutulala si Cassandra dahil sa mga alaala na yun, walang gana
kumain si Cassandra kaya hindi nya naubos ang biniling pagkain, nagpunta sya sa lihim na lagusan, at pinagmasdan nya ang
pader na naghahati sa dalawang magkaibang mundo, naalala nya kung paano sila nagtulungan kung paano umakyat sa pader na yun,
naalala nya kung paano sya silipan ito, at naalala nya ang aksidenteng halik ng sila ay nakatawid. Naluha na lang si
Cassandra dahil namimiss nya ang lalaking iyon,habang naglalakad pabalik naalala muntik na syang mahuli ng tito nya pagkatapos
nyang magcutting at biglang sinalo siya ng lalaking nagturo kung paano magcutting, sariwa pa kay Cassandra ang mga alaala na
yun. Pagbalik sa classroom nakita nya ang mga kapwa nyang 4th year student na dinudumog ang isang bulletin board at lumapit
ito, nakita nya na nilabas na pala ang listahan ng mga gagraduate, nakisiksik sya para tignan ang mga pangalan at may
hinahanap syang isang pangalan

Cassandra: Sana nasa listahan sya

Nakita nya ang pangalan ni Arjay natuwa sya dahil nakapasa ito pero nagpatuloy pa rin sya sa paghahanap at nakita nya ang
pangalan ni Francis, Naluha si Cassandra sa nabasa nya dahil pumasa si Francis at siguradong aakyat ito sa stage katulad
nya, Lumayo na sya sa board at sakto pa lang ang pagdating ni Arjay, nakita nya ito at agad na syang lumapit para sabihin

Cassandra: Nakapasa kayo ni Francis! gagraduate kayo! masaya ako at sabay sabay tayo aakyat sa stage
Arjay: Talaga?! nakapasa kami! magandang balita ito pag narinig ni Francis tiyak natutuwa iyon ng husto

Pumunta na sila Arjay at Cassandra sa hospital para kamustahin ang lagay ni Francis, at nakita ni Cassandra na iba na ang
nagbantay

Arjay: Tita kayo na po pala ang nagbantay kay Francis, ah tita si Cassey po kaibigan namin
Francis' Auntie #2: Kaw pala yung niligtas ng pamangkin ko, maupo muna kayo
Cassey: Magandang araw po sa inyo
Arjay: May balita na po ba tita sa lagay ni Francis?
Francis' Auntie #2: Kakaalis lang ng doktor, sinabi nya na mabilis ang pagrecover ng katawan ni Francis at mamaya lang ay
ilalabas na sya para dalhin sa kanyang kwarto at maari na natin syang makita
Arjay: Buti naman at gumaganda na ang kalagayan nya
Francis' Auntie #2: Pero nasa under state pa rin sya ng coma at yun na lang ang tanging hihintayin natin

Hindi pa rin palagay ang loob ni Cassandra sa narinig, pero kahit paano ay maganda na ang kalagayan ni Francis

Arjay: Tita baka gusto nyo muna umuwi maari po ako magbantay muna para makapagpahinga kayo
Francis' Auntie #2: ok lang ba sayo arjay na maiwan ko muna kayo dito?
Arjay: Opo tita wala na po kami ginagawa sa school eh
Francis' Auntie #2: Ahm hija maraming salamat pala sa pagsagot nyo sa pagpapahospital sa pamangkin ko
Cassandra: Naku wala po kayo dapat ipagpasalamat dahil kulang pa po yan sa pagkakaligtas nya sa akin
Francis' Auntie #2: Maiwan ko muna kayo at uuwi muna ako
Arjay and Cassandra: Ingat po kayo

Pagkaalis ng tita ni Francis naupo sila Arjay at Cassandra, pinagmamasdan ang bawat taong dumadaan sa kanilang harapan

Arjay: Bibili muna ako ng maiinom natin maiwan muna kita ah
Cassandra: Sige

Naiwan si Cassandra at dumating ang isang nurse

Nurse: Kayo po ba ang kamag anak ni Francis?
Cassandra: Kaibigan po pero kasama po ako sa nagbabantay
Nurse: Sige po sunod po kayo at ihahatid ko kayo sa kanyang kwarto

Sumunod naman si Cassandra sa nurse at hinatid sya sa kwarto ni Francis

Nurse: Nasa loob po sya ng kwartong ito sige po
Cassandra: Salamat po nurse

At paghawak nya sa doorknob ng pinto sa unang pagkakataon makikita nya si Francis pagkatapos ng ilang araw mula ng ito ay
maaksidente, binuksan na nya ang pinto at nakita nya ang isang lalaking nakahiga sa isang kama, at unti unti syang lumalapit
nakita nya ang kaawa awang hitsura ni Francis at walang malay, at may nakasaksak sa kanyang bibig, hindi kayang tignan ni
Cassandra ang binatang nagligtas sa kanya, at maya maya ay dumating ang nurse na naghatid sa kanya at may hawak ito

Nurse: Ma'am heto po ang damit at ilang personal na gamit ang aming narecover mula sa pasyente
Cassandra: Salamat po

Nakita nya ang wallet ni Francis at tinignan nya ang laman nito, at nagulat sya dahil nakita nya ang isang lumang larawan na
punit punit at idinikit sa isang tape, nagtataka sya bakit na kay Francis ang larawan ng kanyang ina, hindi na nya namalayan
ang pagpasok ni Arjay

Arjay: Nakita mo na pala ang lumang larawan na yan?
Cassandra: Bakit nasa kanya ito? may alam ka ba?
Arjay: Hindi ko na pwede ilihim sayo yan ang totoo may alam nga ako bakit nasa kanya yan
Cassandra: Bakit?
Arjay: Cassandra ang totoo si Francis ang gumawa ng paraan para maibalik sa dati ang larawan na yan dahil nakita nya ang
labis mong pagkalungkot kaya gumawa sya ng paraan para maibalik nya ito at maibalik ang dati mong saya...Mahal ka ni Francis
dati pa pero mas pinili nya na ilihim ito dahil tanggap na nya na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa kanya, lalo na ng
malaman nya na nakita mo na ang nakatadhana sayo, saksi ako sa kanyang kalungkutan at kung gaano ka nya kamahal tinanggap nya
ang katotohanan na yun na hanggang dun na lang sya kaya habang hindi pa tayo gumagraduate ginagawa na nyang maging masaya ang
mga huling araw nyo para may baunin syang magagandang alaala pag hindi ka na nya nakita

Naluha si Cassandra sa sinabi ni Arjay at muli nyang pinagmasdan ang mukha ni Francis at hinawakan ang kamay nito

Cassandra: Ang daya mo mahal mo pala ako bakit hindi mo sinasabi?...Francis kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung
binalik sa akin ang larawan ni mommy pero mas lalo akong sumaya ng malaman kong ikaw pala ang dahilan ng lahat, Akala ko
turing mo sa akin ay kaibigan lang kaya naman hindi ko sinasabi sayo na mahal na rin kita, oo nakita ko na yung
lalaking sinasabing nakatadhana sa akin pero hindi ko pa sya nakilala, kung maihihiling ko lang na sana ikaw yun Francis,
hiniling ko na. Maraming salamat sa pagmamahal na pinaramdam mo, sa saya na binahagi mo, kung paano mo pinaranas na kung
gaano kasarap ang buhay ng isang simpleng estudyante...Francis kung naririnig mo ko mahal na mahal kita, sorry dahil nasa
ganyan kang kalagayan hindi ko gusto mangyari sayo yan huli na siguro para aminin ko itong nararamdaman ko sana pagmulat ng
mata mo nasa tabi mo ko para naman malaman mo na sa pangalawang buhay mo hindi ka nag iisa

Naluha sa tuwa si Arjay sa narinig mula kay Cassandra kaya lumapit ito na rin sya sa higaan ni Francis

Arjay: Tol gising ka na, gusto ko malaman mo na pumasa tayong parehas at sabay tayong gagraduate kaya sana gumising ka na,
hindi na kita malalagpasan dahil natupad mo na maging isang greatest hero, bilib na talaga ako sayo. kung naririnig mo
siguro si Cassandra ngayon malamang kinikilig ka dahil alam na natin na mahal ka pala nya

Lumipas ang ilang araw nanatili pa ring tulog si Francis at patuloy pa rin ang pagdating ng ilang kakilala, kaibigan at
pati mga nakaaway nya, marami na rin ang nakakaalam sa ginawa ni Francis kaya may mga ilang official ng kanilang lugar ang
dumalaw din kasabay ng isang pagkilala bilang kabayanihan sa kanyang ginawa at kalakip ng medal ay kaunting pinansyal
gayundin ay napagkasunduan na itayo sya ng isang rebulto sa eskwelahan bilang pagkilala bilang bayani ng kanilang eskwelahan

Hanggan sa dumating ang araw ng graduation, masaya ang lahat ng estudyanteng dadalo sa kanilang araw ng pagtatapos maliban
kina Arjay at Cassandra

Nasa eskwelahan na sila Arjay at Cassandra pero hindi pa sila nagkikita

Cassandra: Dad, maiwan ko lang po kayo sandali ah may pupuntahan lang ako
Cassandra's Father: Sige

Tumungo si Cassandra sa rooftop tulad ng napagusapan makikilala nya ang lalaking misteryoso pagdating ng graduation,
pag akyat nya walang tao ang rooftop kaya naghintay pa sya ng ilang sandali

Cassandra: Siguro wala pa sya kaya hintayin ko muna ng ilang sandali

Lumipas ang ilang sandali ay walang dumating sa rooftop kaya nagpasya na syang bumaba ito, nadismaya sya sa nangyari dahil
hindi tumupad sa usapan nila ang lalaking iyon

Cassandra: Baka pagkatapos ng graduation ceremony nandito na sya

Bumalik na sya sa kanyang ama na naghihintay sa kanya

Cassandra's Father: San ka ba nagpunta tara na at umpisa na ang march nyo
Cassandra: Nag ayos lang dad tara na po

At nagumpisa na ang ceremony at lumipas ang ilang oras isa isa na silang umaakyat ng stage para kunin ang kanilang diploma.
Tinatawag ang pangalan ni Francis pero walang umakyat kaya nilagpasan na ito alam ng lahat na walang Francis na aakyat
malungkot si Cassandra dahil hindi nya kasabay sa graduation si Francis, natapos ang tawagan at naging madamdamin na ang
mga nangyayari oras na kasi para magpasalamat sa kanilang mga naging kaibigan sa loob ng apat na taon, oras na rin para
pasalamatan ang mga mga magulang nila na naitaguyod sila sa kanilang pag aaral. Natapos ang ceremony at naisip ni Cassandra
na umakyat muli sa rooftop para makipagkita ang lalaking misteryoso pero tulad ng unang akyat nya wala pa rin nagpakita
hanggang sa bumaba na lang ito at umuwi.

- - - Updated - - -

Sorry po kung late na ang update ko kasi dumating ang best friend ko eh si ARJAY (mismo!) kaya nagsaya muna kami at kahapon lang sya nakauwi salamat sa pang unawa...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

thanks s pag-update TS..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Salamat sa update...Ganda ng storya..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ang ganda ... nakaka bitin nga lang hehhehe.. sana mas mahaba ang susunod na update ts kung hindi yari ka :boxer: :punish:ahahhaha
 
Back
Top Bottom