Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ts sulitin mo na pag.uupdate tagal nmin naghintay ee haha joke lang ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat ts sa update n ulit waiting...:):):)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 31

Pagdating sa bahay mula sa graduation ceremony nagkaroon ng salo salo ang pamilya ni Cassandra, kahit malungkot ang dalaga
pinilit na lang maging masaya, habang kumakain sila isang tawag mula sa telepono ang dumating at ang ama ni Cassandra ang
sumagot, nagulat at tila natulala ang ama ni Cassandra sa sinasabi mula sa telepono, pangalawang beses na nila nakita ito,
at nagtanong ulit ang dalaga

Cassandra: Dad bakit po?
Cassandra's Father: Hmmmmm nothing come'on lets eat! for the celebration of my lovely daughter! Cheers!
Christian: Cheers!
Cassandra: Cheers!
Cassandra's Father: Ahm Cassey anak anu na plano mo ulit?
Cassandra: Sa UP po ako mag aaral at nagtake na po ako ng exam dad
Cassandra's Father: Hmmmm how about sa abroad ka mag aral? like France kung saan dun nag aral ang iyong mommy
Cassandra: No, dad dito po ako mag aaral at buo na ang decision ko
Cassandra's Father: Anak i straight you to the point, hindi naman lingid sa iyong kaalaman na kayo ng kapatid mo ang susunod
na magiging President at CEO ng mga kumpanyang hawak natin here and abroad kaya napagisip isip ko na sa ibang bansa ka mag
aral para naman maging karapat dapat ka sa magiging posisyon mo sa Montemayor Group of Companies and Montemayor International
Corporation
Cassandra: Dad, i know that but i already decide that i will take my college here
Cassandra's Father: After this we will talk about that matters, lets continue

Kakaiba ang pakiramdam ni Cassandra ng mga sandaling iyon alam nya parang may mali at gusto nya malaman iyon, kaya hindi sya
mapakali kung bakit naging ganun ang kinikilos ng kanyang ama, natapos ang kainan at nagbihis na si Cassandra, nagpunta na
ang dalaga sa conference room ng mansyon kung saan ang kanyang ama ay naghihintay

Cassandra: Dad anu po ba ang dapat namin malaman?
Cassandra's Father: Anak ang totoo nito ang ilan nating kumpanya sa labas ng bansa ay unti unting nalulugi at nagkaroon tayo
ng malaking utang sa tito Rio mo, anak hindi ko pwede isara ang mga iyon dahil maraming ofw ang umaasa sa atin at alam mo yan
Cassandra: So anu po ba ang dapat kong malaman sabihin nyo na po
Cassandra's Father: Anak para mawala ang malaking utang natin, gusto ng tito Rio mo na magmerge ang company nila at natin
Cassandra: Ano po ang kinalaman ko dun?
Cassandra's Father: Anak, gusto ng tito Rio mo na ikasal kayo ng kanyang anak na si John Carlo

Hindi na muna nagsalita ang dalaga, at parang nasasakal sya sa kanyang narinig

Cassandra's Father: Anak, alam ko ayaw mo at isang mabigat na desisyon ang iyong gagawin pero bakit hindi mo subukan kilalanin
si JC? mabait, responsableng anak, gwapo, at higit sa lahat nararapat para sayo
Cassandra: Paano po pag hindi po ako pumayag sa gusto nyo mangyari?
Cassandra's Father: Anak, please wag ka magsalita ng ganyan maraming tao ang nakasandal sa atin, gusto ko sana kilalanin mo
muna sya, at iyon ang dahilan bakit gusto ko mag aral ka sa ibang bansa para magkasama kayo at magkilala ng lubos
Cassandra: Akala ko po ba hindi nyo kami didiktahan sa magiging buhay namin?!...bakit ngayon pati magiging buhay ko sa
hinaharap dinidikta nyo na rin?...i hate you dad!
Cassandra's Father: Anak oo sinabi ko yun pero hindi ko inaasahan na mangyayari ito kaya sana unawain mo muna

Naluha si Cassandra at tumakbo itong lumabas ng conference room, mabigat ang kanyang loob dahil sa sinabi ng kanyang ama

Cassandra: Bakit kung kailan may mahal na ako tsaka pa nangyayari ang ganito?

Walang malay pa rin si Francis at patuloy pa rin syang inoobserba, si Arjay ay nandun para kwentuhan sya kung ano ang
nangyari sa graduation

Arjay: Men alam mo ba hindi ako masaya na umakyat ng stage hindi dahil sa hindi ako honorable ah, hindi kasi natupad ang
pangarap nating sabay tayo aakyat ng stage eh, binanggit nga pala ang pangalan mo kanina pero alam mo umasa ako na aakyat
ka dun at kukunin mo ang diploma mo, heto ang akin tignan mo nakasulat talaga ang pangalan ko, parang kailan lang ng unang
taon natin sa high school...akala ko magpapakatino na tayo nun pero hindi pala pinamunuan natin ang eskwelahan ng 4 na taon,
namimiss ko yung magkasama tayo lagi sa away, pag may chicks akong gusto ligawan lagi kang nasa likod ko, men parang kailan
lang ng magkaroon tayo ng isang pangarap anu ba iyong sayo? maging pinakamagaling na attorney at ako naman ang pinakamagiting
na pulis...hahaha parang kailan lang ng pangarapin mo maging pinakaleader ng mga grupo dun at ng nakuha mo na iniwan mo ang
posisyon na yun at nangarap ulit na maging greatest hero naman, kahit magbest friend tayo naging magkaribal tayo sa mga
pangarap natin....at ikaw ang nanalo....men, sa pagising mo hindi ko alam kung nasa tabi mo pa ako dahil alam mo naman na
kailangan ko na rin lumayo para magpatuloy sa pag aaral...kaya sana bago pa mangyari yun kung maari lang gumising ka na para
naman makapagpaalam naman ako sayo ng maayos

Tumulo ang luha ni Arjay dahil sa pagkalungkot, dumating ang tita ni Francis para magbantay at nadatnan nya si Arjay nakita
nya ang luha sa mga mata nito at naramdaman nya ang pagkamiss sa matalik nyang kaibigan, niyakap nya ito para damayan

Francis' Auntie #1: Alam mo ba na hindi sya naniniwala sa Diyos?
Arjay: Opo
Francis' Auntie #1: Pero sa kabila nun, kung titignan mo naging mabuti pa rin sya sa kanyang kapwa, tignan mo ang kanyang
mukha hindi mo makikita ang mukha ng pagsisisi sa ginawa nyang pagligtas, alam mo naniniwala ako na hindi sya papabayaan ng
Diyos kahit hindi sya pinaniniwalaan nito, kaya umaasa tayo na sya ay magigising at magkakaroon ng pangalawang buhay
Arjay: Hindi ako huminto na umasa na mangyayari iyon
Francis' Auntie #1: Arjay, bata pa lang kayo alam ko na mga pinagdaanan nyo, yung pag aaway nyo dahil kung sino ang bida sa
pinapanood nyo tuwing hapon, pag malakas ang ulan naghahabulan kayo at tanda nyo pa ba yung mga cards na kinokolekta nyo
hahaha higit pa sa magkapatid ang turingan nyo kaya nararamdaman ko ang iyong pagluha, ang mabuti pa umuwi ka na at magpahinga
congratulations nga pala
Arjay: Salamat po tita, sige po uuwi na ako

Lumipas ang dalawang araw mula nung graduation, dumalaw si Cassandra sa hospital

Arjay: Cassey ikaw pala buti napadalaw ka?...kamusta ka mula nung graduation sorry ah kung hindi na tayo nagkita nung panahon
na yun kasi ayaw kong makita mo kong malungkot eh
Cassandra: Ok lang tulad mo rin malungkot din ako ng araw na yun, kamusta na si Francis?
Arjay: Ayan tulog pa rin, pero patuloy pa rin ang pagbuti ng katawan nya
Cassandra: Buti naman kanina ka pa dito?
Arjay: Medyo si tita may binili lang sandali, ayan na pala
Francis' Auntie #1: Oh napadalaw ka cassey
Cassandra: Magandang Araw po tita dumalaw po ako para mangamusta po sa lagay nya
Francis' Auntie #1: Bumubuti naman sya salamat pala sa pagdalaw, ahm Arjay maari ba ikuha mo ng ilang damit si Francis dun sa
kwarto nya?
Arjay: Sige po tita pakilista na rin ang ilang gamit na kailangan nyo po para masabay ko na rin
Cassandra: Maari ba ako sumama?
Arjay: Hmmm ikaw walang problema sa akin
Cassandra: Sige sama ako

Sumama si Cassandra papunta sa bahay nila Francis, sa unang pagkakataon nakarating sya sa bahay ni Francis

Arjay: Dito nakatira si Francis kasama ang lola nya halika pasok ka at tuturo ko ang kanyang kwarto
Cassandra: Sige

Pumasok ang dalaga ibang iba ang loob ng bahay kumpara sa loob ng Mansyon nila, isang simpleng lumang bahay ang kanyang pinasok

Arjay: Halika dito ang kwarto ni Francis, ok lang ba kung iwan muna kita at aayusin ko lang ang ilang gamit na nasa labas?
Cassandra: Sige ok lang

Naiwan sa kwarto si Cassandra, pinagmamasdan nya ang buong kwarto ng binata

Cassandra: Maayos pala sa kwarto si Francis, at simple lang din ang kanyang kwarto

Nakita nya ang ilang larawan mula nung bata pa sya at kasama ang kanyang mga magulang, mga poster ng anime

Cassandra: Ganito pala ang isang kwarto ng simpleng estudyante

Sa kanyang pagmamasid napansin nya ang isang kahon at kinuha nya ito

Cassandra: Anu kaya ang laman ng kahon na ito?

Binuksan nya ang kahon at nakita nya ang laman

Cassandra: Anu kaya ito?...ilang wrapper ng chocolate candies na may nakasulat na "Biruin mo isa sa mga paborito nyang pagkain to",
Isang walang laman na lata ng softdrink na may nakadikit na sulat "Pinaginuman nya ito"...Mp3 player na may sulat na
"nagpractice kami ng sayaw gamit ito", isang barbecue stick na may sulat na "first time kumain ng fishball hahaha"...isang
tinidor na may sulat na " First time kong nakasabay syang kumain at palabok ang kinain namin at yun din ang official naming
pagkakakilala", teka panyo ko ito ah at may sulat din "binigay nya sa akin pagkatapos akong umiyak", at mga ilang notes na
tumutukoy sa isang babae at isang face mask? teka kilala ko ang facemask na ito!

Nagulat si Cassandra napagtanto nya na ang misteryosong lalaki sa rooftop at si Francis ay iisa, at ang mga ilang simpleng
bagay na may ugnayan sa kanilang dalawa ay tinago ng binata, nadurog ang pakiramdam nya at nagumpisa maluha, tinignan pa ang
ilang bagay na nakatago at may nakita syang isang sulat na nakasulat ang kanyang pangalan "Cassandra Althea sa araw ng graduation
(A farewell letter)"

Cassandra: Kaya pala hindi sya dumating sa rooftop dahil sya pala mismo ang lalaking iyon, kaya pala ang nararamdaman ko sa
lalaking iyon ay katulad ng nararamdaman ko sa kanya, sya rin pala ang nakilala ko nung iniwan ako ng mahal ko sa rooftop,
sya rin pala ang dumamay sa akin at nagbigay ng panyo, sya rin pala ang tinuruan kong sumayaw ng madatnan ko syang sinasayaw
nya ang mop, sya rin pala ang kasabay kong nagrereview, at napakatanga ko naman at bakit hindi ko agad naisip na iisa lang
pala sila....

Binalik na nya ang mga bagay na yun sa kahon ulit, sakto naman ang pagbalik ni Arjay napansin niya na ito mugto ang mata

Arjay: Napano ka Cassey? ok ka lang ba?
Cassandra: Wala ito may naalala lang ako kaya naluha ako
Arjay: Ganun ba o sya ayusin ko lang mga damit nya at aalis na tayo
Cassandra: Sige

Ngayon alam na ni Cassandra na iisa lang si Francis at yung taong nasa rooftop lalong umusbong ang pagmamahal ni Cassandra
sa binata dahil sa ginawa nitong pagpapahalaga sa mga maliliit na bagay na hindi nya akalain magpapaalala sa kanya at
nagpatunay na talagang dati pa ay mahal na sya ng binata.

Cassandra: Alam mo bilib din ako sa best friend mo?
Arjay: Huh? bakit mo naman nasabi yan?
Cassandra: Basta kami lang dalawa ang nakakaalam para sa akin napahanga nya ako sa ginawa nya kakaiba talaga sya
Arjay: Kung anu man iyon tiyak pagnarinig nya yun matutuwa at kikiligin yun
Cassandra: Sa ginawa nya binigyan nya ako ng dahilan para mahalin sya

Dumating na sila sa hospital at pinagmasdan ni Cassandra ang mukha ni Francis

Cassandra: Salamat at binigyan mo ko ng dahilan para mahalin ka

Lumipas ang ilang sandali nagpaalam na ang dalaga para umuwi
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

yun oh!!! salamat sa update ts..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Thank you TS. Nag aabang talaga ako palagi sa update mo. :salute: Sana everyday na ang updates
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

update na ulit ts :salute: :thumbsup: :thumbsup:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

nice ts .. Update pa :) .. Salamat at matatapos n rin ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

update ts sulitin mo na nauubusan na kami ng relief goods:excited:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

pa update n ts..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

update pls
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 32

Pag uwi ni Cassandra mula sa hospital, nadatnan nya ang isang kotse, ibig sabihin may bisita sila, pagpasok ng mansyon isang
binatilyo ang agad nakita ni Cassandra. isang matangkad na lalaki at ngumiti ito sa kanya, nagtataka ang dalaga kung sino
itong lalaki na hindi pa nya talaga nakikilala

John Carlo: Ikaw siguro si Cassandra Althea Montemayor?, ang ganda mo pala higit pa sa iniisip ko
Cassandra: Ako nga sinu ka?
John Carlo: Im John Carlo Dela Cerna, im the son of Rio Dela Cerna
Cassandra: Ah ikaw pala yun so alam mo na siguro
John Carlo: Yeah, you look so pretty at tama si daddy bagay tayo
Cassandra: Wala ako panahon para ientertain ka ahm yaya pakisabi kay daddy po na nakauwi na ako
John Carlo: Teka, hindi ka ba nahihiya sa akin?, ako ang mapapangasawa mo so dapat ngayon pa lang pinakikisamahan mo na ako
Cassandra: Well, gusto ko sana malaman mo na ayoko mapangasawa ka dahil marami pa akong pangarap sa buhay na gusto ko ako
lang mag isa ang gagawa nun, excuse me

Paakyat na sana si Cassandra ng dumating ang daddy nya

Cassandra's Father: Hello Cassey ahm i guess na nagkakilala na kayo ni John Carlo
Cassandra: Hi dad, hmmm yeah anyway aakyat na ako dad medyo pagod pa ako eh
Cassandra's Father: Saan ka ba galing anak?
Cassandra: Hospital dad
John Carlo: Hospital?...sino dinalaw nya dun tito?
Cassandra's Father: Yung nagligtas sa kanya 3 months ago, hanggang ngayon nasa under sya ng coma
John Carlo: I see
Cassandra's Father: pagpasensyahan mo na si cassey baka wala lang sa mood yan
John Carlo: Ok lang tito

Sumunod ang daddy ni Cassandra patungo sa kanyang kwarto, para kausapin ito

Cassandra's Father: Cassey, anu masasabi mo sa kanya?
Cassandra: Dad wag nyo sabihin papayag kayo sa gusto ni tito na mag merge ang kumpanya nyo at sa kanya
Cassandra's Father: Anak 100,000...yan ang bilang ng ofw na umaasa sa kumpanya natin, kung hindi ka papayag sa gusto nila
yang 100,000 na yan mawawalan ng trabaho...anak sa bawat desisyon na ginagawa natin laging may umaasa, at kung hindi tayo
magmemerge sa kanila yung ilang kumpanya na tinaguyod namin ng mommy mo sa labas ng bansa mawawala ng parang bula. Anak
hindi ko gusto ang nangyayari sa atin pero hindi ako papayag na unti unti nila kukunin ang kumpanya natin hanggang sa
bansa na lang natin ang natitira, kaya sana pumayag ka ng mag aral sa ibang bansa kasama sya para ngayon pa lang nagkakasundo
na kayo
Cassandra: Dad, naalala mo ba yung mga sinabi mo tungkol sa bracelet ni mommy?...sabi mo yun ang nagtadhana sa inyo pero
bakit ngayon kayo ang nagdidikta ng magiging buhay ko?...alam nyo may kilala akong tao na hindi sya naniniwala sa tadhana
ang alam lang nya ay malas at swerte at yun ang taong nagligtas sa akin...sa buong buhay ko oo malaya ako nagagawa ang gusto
ko pero hindi lahat ng naiisip ko eh nagagawa ko
Cassandra's Father: Sa ayaw sa gusto mo, mag aaral ka sa ibang bansa anak unawain mo sana ito ginagawa ko ito para sa yo rin
Cassandra: Makakalabas na kayo ng kwarto ko, magpapahinga muna ako

Lumabas ang daddy ni Cassandra, at tulad ng dati tutol pa rin si Cassandra sa gustong mangyari ng kanyang ama na mag aral sa
ibang bansa. Nag umpisa umiyak si Cassandra at tumingin sa salamin

Cassandra: Akala ko mala fairytale ang buhay ko, yun pala hindi...sila din pala gagawa ng kwento ng buhay ko

Buong araw ng hindi lumabas si Cassandra ng kanyang kwarto, gumawa sya ng isang sulat. Lumipas ang dalawang araw lumabas na
rin sya ng kanyang kwarto at nakita sya ulit ng kanyang ama

Cassandra: Papayag na ako sa gusto mo na mag aral ako sa ibang bansa na kasama sya, pero hayaan mo muna ako magpaalam sa mga
taong mahalaga sa buhay ko
Cassandra's Father: Maraming salamat anak at nauunawaan mo rin ang plano ko, sige 2 days para gawin yan at tapos aalis na
kayo agad kasama si John Carlo

Malungkot si Cassandra dumalaw sa hospital at bakas sa kanya ang biglaang pagpayat nya

Arjay: Cassey anu ba nanagyari sayo bakit parang ang lungkot mo? may problema ka ba?
Cassandra: Wala ito, kamusta sya?
Arjay: Ganun pa din
Cassandra: Arjay maraming salamat at nakilala kita at naging kaibigan ko, aalis na ako, mag aaral na ako sa ibang bansa
Arjay: Teka nagbibiro ka ba?
Cassandra: Pakibigay itong sulat pag nagising na sya

Lumapit si Cassandra sa higaan ni Francis, at nag umpisa na tumulo ang kanyang luha

Cassandra: Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa pagkakaligtas mo sa akin, akala ko nasa tabi mo ko pagmulat ng
mata mo, maraming salamat sa mga magagandang alaala babaunin ko ito sa pag alis ko, Francis sa pag gising mo sana wala na
ako sa isip mo para hindi mo na ako hanapin...hindi ko alam kung ako ang nakatadhanang gigising sayo pero tulad ng ginawa
kay sleeping beauty....sana magising ka ng halik ko sa mahaba mong pagkakatulog

Hinalikan ni Cassandra si Francis sa labi

Cassandra: Paalam sayo...

Lumabas na si Cassandra ng kwarto at naiwan sila Arjay. Mula noon hindi na dumalaw si Cassandra hanggang sa dumating ang
isang araw...

Francis Auntie #1: Gumagalaw ang daliri ni Francis?! Arjay! Arjay!
Arjay: Bakit tita?
Francis' Auntie #1: Tawagin mo ang doktor si Francis gising na!
Arjay: Huh!

Agad dumating ang mga nurse at doktor para suriin si Francis, unti unti minulat ang mata ni Francis at nakita nya ang ilang
mukha na nakapaligid sa kanya...

Doctor: Francis naririnig mo kami kung oo igalaw mo ang iyong kaliwang daliri

At ginalaw ni Francis ang kanyang daliri senyales na naririnig sila, masayang masaya sila Arjay at Auntie dahil sa pagkagising
ng binata, inobserba siya ng doktor kung naapektuhan ang kanyang utak

Doctor: Sa observation namin, nakakamangha hindi naapektuhan ang kanyang utak isa itong himala dahil sa lakas ng pagbangga nya
hindi namin akalain na mananatili pa ring walang problema sa kanyang utak talagang nacoma lang sya pag nagtuloy tuloy ang
ganitong kalagayan nya maari na sya ilabas ng hospital...kung maari lang iwasan muna natin na sya ay mapagod o mastress

Isang linggo mula sa pagkakagising ni Francis maayos na ang kanyang kalagayan at nakakausap na rin sya
Francis: Bakit hindi dumadalaw si Lola sa akin? galit ba sya?
Arjay: Men, si lola kasi eh marami ginagawa lalo na't nalaman nya na gising ka na
Francis: Men anung araw na ba? si Cassandra kamusta sya?
Arjay: Ok naman si Cassandra, men apat na buwan kang natutulog

Natahimik si Francis nang malaman na apat na buwan syang naglagi sa hospital tumingin ito sa bintana

Francis: Men kunin mo ang isang kahon na asul dun sa kwarto ko at dalhin mo
Arjay: Sige men, nga pala gusto ko malaman mo na nakapasa ka men at nakagraduate din pag magaling ka na sabay natin kunin ang
diploma mo may mga sorpresa naghihintay sayo sa school

Ngumiti na lang si Francis sa sinabi ni Arjay. Lumipas ang isang araw dala na ni Arjay ang sinasabing kahon na pinakuha nya
nagtataka si Arjay sa laman ng kahon

Francis: Men alam mo ba nalate ako ng apat na buwan?
Arjay: huh?
Francis: Apat na buwan mula ng nandito ako, hindi ako tumupad sa usapan namin
Arjay: Usapan? Nino?
Francis: Kung hindi lang nangyari sa akin ito sana alam na nya na gaano ko sya kamahal dahil may usapan kami na magkikita
sa isang lugar kung saan kami lang dalawa ang may alam, pagtatapat ko na sana sa kanya na mahal ko sya dati pa

Natahimik si Arjay sa sinabi ni Francis, naalala nya pala na mahal din pala sya ni Cassandra, at yung tinutukoy ni Francis
ay iniisip nya na si Cassandra ang tinutukoy.

Lumipas ang dalawang linggo nakalabas na ng hospital si Francis at sabik itong umuwi sa bahay para yakapin ang kanyang lola,
at pagdating sa labas ng bahay, isang tahimik na bahay ang sumalubong sa kanya

Francis: Men, tita bakit tahimik ang bahay?
Francis' Auntie #1: Akyat muna tayo
Arjay: Oo men akyat muna tayo

Nagtataka si Francis bakit parang may gusto silang sabihin na hindi nila magawa, pagpasok nila ng bahay

Francis: Lola! nandito na po ako!!!!!!!

Walang lola ang sumalubong sa kanya, tinignan nya ang dalawa at parehas itong nakayuko, tinignan nya ang kwarto ng lola nya
pero wala din, pumunta sa kusina pero wala rin sya nakita

Francis' Auntie #1: Wala na lola mo Francis, namatay sya sa araw ng maaksidente ka
Francis: Huh?! hindi totoo yan nagbibiro lang kayo dba?!
Arjay: Men totoo kaya hindi na muna namin sinabi nung nagising ka na baka maapektuhan ang pagaling mo

Agad tumungo sa puntod ng lola nya sila Francis at dun sya naniwala na wala na nga ang lola nya, unti unti syang lumapit sa
puntod at hinaplos ang lapida ng kanyang lola, dito nagsimula tumulo ang kanyang luha

Francis: Sabi nyo hindi nyo ako iiwan?...sabi nyo makikita nyo pa ako na magiging attorney balang araw...Lola binilihan ko
pa nga kayo ng regalo para sa darating na birthday nyo, heto oh yung radio diba gustung gusto nyo nakikinig ng drama tuwing'
hapon?...lola natulog lang ako ng apat na buwan iniwan nyo na ako....huhuhu....paano na yung pangarap ko na kasama kayo?
huhuhu....

Naawa ang tita ni Francis kaya niyakap sya at ganun din si Arjay ramdam nya kung gaano kamahal ni Francis ang kanyang lola.
Para kay Francis malaki ang nawala sa kanya mula nung naaksidente sya, pakiramdam nya parang gumuho ang kanyang mundo ngayon
wala na ang kanyang pinakamamahal na lola
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

May part 32 na..yahuuu, basa mode:clap:
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

salamat ts :) .. Sinadya mo bang 2 beses mo pinost yung part 32 ?????
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

kalungkot nman
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

nadala ako ts... sana sundan mo agad to .... ano kaya mangyayayri ???? isip isip hehheheh :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ts sundan mo na agad bukas bagong tagasubaybay mo ako good job galing mo talaga...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

john carlo????????? Sino yan?????????............salamat sa update<^_^>
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

part 33 plsss....
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

nawala na yung lola nya tapos umalis naman si cassandra.. wawa naman si francis :weep:
 
Back
Top Bottom