Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

mg aaral si cassandra sa states tpos si francis mkkilala ng bagong chikabeb
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Sorry ah kung hindi ako nakakapagpost nitong mga nagdaang araw kasi sunud sunod ang celebrations dito sa bahay namin eh no time to update pero sa story na to 2 to 3 part na lang ang natitira at tapos na ito...palagay ko baka bukas na ako makapagupdate pero tatry ko ngayong araw sana hindi agad magumpisa yung celebration....salamat sa pag unawa Godbless
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

waiting mode
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

sige lang ts .. Basta tapusin mo n haha ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

paki update n ts...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

ok lang ts kahit bukas hintayin namin yan...good luck
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

up nakakabitin naman :D
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

wla pa din update si ts.. still waiting
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

update na ts :excited:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

PART 33

Lumipas ang ilang araw unti unti natanggap ni Francis ang pagkawala ng kanyang lola, may mga oras na namimiss ang kanyang
lola, unti unti na rin nya nililigpit ang mga gamit ng kanyang lola, dinadalaw sya ng kanyang tita at si Arjay naman ay
kasama nyang natutulog.

Arjay: Men, bigay ko daw sayo pag ok ka na sabi ni Cassandra binigay nya yan nung huling dalaw nya sayo
Francis: Salamat
Arjay: Men, siguro dapat na rin ako magpaalam sayo dahil alam mo naman na mag aaral na ako sa ibang lugar
Francis: Kailan alis mo?
Arjay: Mamaya na
Francis: Ganun ba?...hatid na kita men
Arjay: Wag na men...pagbalik ko isa na akong ganap na pulis
Francis: Ako, plano ko muna magtrabaho at pagnakaipon na tsaka na ako mag aaral...men maraming salamat sa pagalaga mo sa akin
nung panahon na tulog ako, hindi ko alam paano ako makakabawi
Arjay: Hahaha anu ka ba? kapatid na turing ko sayo kaya wala yun...

Nagyakapan ang dalawang magkaibigan

Arjay: Men, wag ka mawalan ng pag asa, alam ko maraming paghihirap ang haharapin mo basta wag ka bumitaw malalapagsan mo rin
yan
Francis: Ikaw din men hindi ko alam kung may araw bang hindi kita mamimiss pero isa lang sigurado, wala na akong partner sa
lahat ng bagay
Arjay: Ako din naman eh, mamimiss kita, siguro pansamantala lang itong paghihiwalay natin dahil may mga landas lang tayo na
dapat mag isa lang natin haharapin
Francis: Tama ka pansamantala lang ito, mag ingat ka lagi ah at lagi ka magdasal sa Kanya
Arjay: Hahahaha kailan ka pa naniwala sa kanya?
Francis: Nung nagising ako, sabi Nya mag uumpisa na ang plano Nya para sa akin

Umuwi na si Arjay, sya na lang ang natira sa bahay iniwan nya muna ang sulat sa loob ng kanyang kwarto at nag umpisa ulit
syang magligpit ng mga gamit ng kanyang lola, sa kanyang pagliligpit nakita nya ang dating sinuot nya nung nag js prom sya
kasama ang maskara at yung isang sapatos na binato sa kanya ni Cassandra pagkatapos ng sayaw

Francis: Sayang hindi nya rin nalaman na ako ang kanyang prinsipe ng gabing iyon...sadyang mapaglaro talaga ang tadhana

Natapos ang kanyang paglilinis, umalis muna sya ng bahay at tumungo ito sa eskwelahan para kunin ang diploma nya

Prinsipal: Oh Francis kamusta ka na?
Francis: Ok naman po nagpunta po ako dito para kunin ang diploma ko
Prinsipal: Ganun ba? gusto ko pala ibigay din sayo ang award na ito bilang pagkiklala sayo bilang isang bayani ng eskwelahan
Francis: Salamat po, maari po ba maglibot muna ako sa buong campus?
Prinsipal: Oo naman doon ka na dumaan para makita mo ang rebulto ginawa para sayo
Francis: Sige po salamat

Naglibot si Francis sa loob ng campus pero isa lang talaga ang gusto nya puntahan, ang lugar kung saan sila lang ang may
alam, lugar kung saan natuto syang magmahal, masaktan, at tanggapin ang katotohanang "pangarap lang talaga" ang babaeng
minamahal nya, Ang rooftop, pagdating nya sa rooftop naalala nya mga sandaling kapiling nya ang dalaga, yung pagsayaw nila,
yung sabay nilang pagrereview, at yung mga tawanan nila, pati nung una niyang nakita pagluha ng dalaga. Pinagmasdan nya ang
buong paligid ng rooftop.

Francis: Maraming salamat sa alaala, sana masaya ka na ngayon at maging maligaya, mag ingat ka lagi

Bumaba na si Francis at dumeretso ng lumabas ng eskwelahan, para sa kanya yun na ang huli nyang pagapak sa eskwelahang puno
ng magagandang alaala, pag uwi nya naisipan nyang basahin ang sulat na iniwan ni Cassandra para sa kanya

Francis,

Buti naman at nagising ka na

Cassandra

Malungkot na itinabi ang sulat at kinuha muli ang kahon na ang laman ay ang mga alaala nila ng kahapon

Francis: Nasa bag yun eh teka nandito sa ilalim ng kama

May nakita si Francis na isang bagay, bagay na hindi nya mawari kung anu yun at nasa sulok ng kama at pilit nyang inaabot,
nagulat si Francis ng makuha nya ang bagay na iyon...isang bracelet, ang bracelet na alam nya kung sino ang nagmamay ari,
nagtataka si Francis paano napunta ito sa kanyang kwarto

Francis: Hindi ko alam kung ilang beses ko ng napulot ito pero ang weird naman ata na lagi ko na lang sya napupulot at
bakit nandito sya sa aking kwarto?

Bumaba sya ng kwarto at pinuntahan ang kanyang tita sa kusina

Francis: Tita may tatanong po ako?
Francis' Auntie #1: Anu un?
Francis: Nagpunta ba dito si Cassandra?
Francis' Auntie: Oo ata kasi ang pagkakarinig ko gusto nya sumama kay Arjay para matulungan kumuha ng ilang damit mo, bakit?
Francis: Wala naman po sige tita

At bumalik na ulit si Francis sa kanyang kwarto at pinagtatagpi tagpi ang mga nangyari kung paano napunta ang hawak nyang
bracelet sa kwarto nya,

Francis: Nung panahon na tulog ako nagpunta dito si Cassandra? at naiwan o iniwan ang bracelet? teka ang sabi nya mahalaga
sa kanya ang bracelet na ito so kung iiwan nya wala akong naiisip na dahilan para gawin iyon, maari nga siguro natanggal ito
at hindi na naman nya namalayan dala na rin ng kalumaan. Itago ko na lang muna ito at tsaka ko na pagisipan kung ibabalik pa
ba kita dun sa mansyon o hindi na

Lumipas ang ilang buwan nagtatrabaho na si Francis sa isang restaurant at nanatili pa rin syang nakatira sa bahay ng lola nya
unti unti ay nagkakaroon na sya ng maliit na ipon bilang pang aral nya, malaki na ang pinagbago ni Francis naging positibo na
ang kanyang pananaw at patuloy na nagsisikap para makaipon. Isang araw may isang sasakyan ang huminto sa harap ng bahay at
nagtataka siya kung sino ito kaya lumabas sya ng bahay para tignan, paglabas ng tao sa sasakyan laking gulat nya ng makita
nya ito dumating ang kanyang Ate Marjorie nya mula sa ibang bansa

Marjorie: Kamusta ka na Francis?
Francis: Bakit ka nandito?
Marjorie: Para kunin ka
Francis: huh? hindi naman ako humihingi ng tulong sayo ah
Marjorie: Alam ko pero oras na rin siguro para tulungan ka lalo na nalaman ko ang iyong kalagayan naaksidente ka pala
Francis: Oo naaksidente nga ako pero ngayon ok na ako, at heto nagtatrabaho na para makaipon
Marjorie: Sumama ka na sa akin pag aaralin kita diba sabi mo gusto mo maging lawyer, tamang tama at kaya naman kita pag aralin
eh at oras na rin siguro para tayo namang magkapatid ang magsama matagal na ring panahon buhat ng iwan ko kayo ni papa at
makipagsapalaran sa ibang bansa at ngayon heto na ako oras siguro para bumawi sayo

Dumating din ang tita ni Francis at nakita silang magkapatid na nag uusap

Francis' Auntie #1: Nandito ka na pala Marjorie kamusta biyahe?
Marjorie: Ok naman po (nagmano)
Francis' Anutie #1: Sa loob na kayo mag usap pumasok na kayo

Pumasok na sila at patuloy pa rin sila sa kanilang usapan, parang may alam ang tita nya na hindi nya alam kaya nanahimik
muna sya

Francis' Auntie #1: Francis gusto ko malaman mo na sumulat ako sa kanya tungkol sa kalagayan mo
Francis: Huh? kalagayan? bakit mamamatay na ba ako?
Marjorie: Nalaman ko na nagtatrabaho ka para makaipon sa pang aral mo, kaya ako nandito ako to the rescue
Francis' Auntie #1: Francis oras na para sarili mo naman ang asikasuhin mo, gusto ko matupad ang pangarap mo, malaki ang
nawala sayo, sa nakikita ko heto ang pinakamagandang paraan ang alam ko
Marjorie: Pagnakatapos ka pwede ka bumalik dito atleast ok na ang kalagayan mo

Medyo napagisip isip din si Francis na panahon naman para sa sarili nya, nagtatrabaho sya para sa pag aaral nya pero
nasasayang ang panahon

Francis: Bigyan nyo ko ng panahon para makapagisip
Marjorie: Sige pero wag mo tagalan ah

Lumipas ang ilang araw nakapagdesisyon na si Francis, sasama na sya sa kanyang ate at mag aaral sya para matupad ang
pangarap nya, sa ngayon meron syang pupuntahan sa Mansyon ng mga Montemayor, Pagdating sa Mansyon tulad ng dati lagi na lang
sya nasisita ng guard sa harap ng gate nila

Guard: Boy, bawal kang sumilip silip dito
Francis: Hindi po may gusto lang sana ako makausap at ibibgay na rin ito
Guard: Ganun ba?...teka sino ba gusto mo makausap?
Francis: Si Cassandra (sana)
Guard: Ay si Ms. Cassandra matagal ng wala dito sa mansyon eh
Christian: Guard?, uy kuya musta na long time no see napadaan ka?
Francis: Boss kaw pala eh may gusto sana ako ibigay eh
Christian: Papasukin nyo manong, kaibigan namin ni ate yan

At pinapasok sya at nagkwentuhan muna sila ni Christian

Christian: Anu pala ang ibibigay mo?
Francis: Sa ate mo sana kaso sabi matagal ng wala eh
Christian: Oo, umalis si ate kasama ang mapapangasawa nya balang araw
Francis: Ganun ba? kamusta ate mo?
Christian: Malungkot sya kuya dahil hindi na nya magagawa mga gusto nya sa buhay kaya nalulungkot din ako para sa kanya
Francis: Siguro daddy mo na lang ang dapat kong makausap, nandyan ba?
Christian: SI daddy? bakit magkakilala ba kayo ni daddy?
Francis: Haahhaha hindi ah sa tingin ko sya ang nararapat pagbigayan nito eh

Sinamahan sya ni Christian sa loob ng bahay at tinawag ang kanyang ama, lumabas naman ng kwarto ang kanyang ama at nakita si
Francis, natandaan nya si Francis

Cassandra's Father: Ah Christian, pasok ka muna sa kwarto mo at may pag uusapan lang kami ng kaibigan ng ate mo
Christian: Sige dad
Cassandra's Father: Halika dito tayo mag usap

Pumunta sila sa conference room

Cassandra's Father: Anu sadyan mo dito hijo?
Francis: Unang una po maraming salamat sa pagsagot nyo sa pagpapahospital nyo sa akin nung naaksidente ako?
Cassandra's Father: Huh?...hospital?
Francis: Opo, nung muntik ng masagasaan si Cassandra
Cassandra's Father: Ikaw ang nagligtas sa anak ko?
Francis: Ako nga po, at isa pa isasauli ko lang po itong bracelet ng anak nyo sayang wala sya rito, hindi ko na matandaan
kung ilang beses ko na po sinasauli yan, sige po
Cassandra's Father: Teka, ikaw si Francis?
Francis: Opo bakit po?

Nagulat ang ama ni Cassandra sa mga nangyayari ngayon naasagot na ang mga tanong na dati pang iniisip nila

Francis: Kung sakali dumating si Cassandra, pakisabi hindi ako kailanman huminto na mahalin sya
Cassandra's Father: Alam mo bang wala na dito si Cassandra?, talagang walang pwedeng pumigil pag ang tadhana talaga ang
kumilos, ipinagkasundo ko sya para lang hindi malugi ang mga negosyo namin sa ibang bansa
Francis: Hindi nyo na po iniisip ang kaligayahan ng inyong anak, alam nyo po ba kahit isang simpleng bagay lang na may
kaugnayan sa kanyang mommy eh pinapahalagahan nya yung ng sobra, isipin nyo na lang po kung sakali buhay man ang inyong
asawa, anu kaya ang sasabihin nya

At lumabas na si Francis ng conference room at tumuloy na ring lumabas ng mansyon, nakita ni Christian ang buong pag uusap
nila, nakita nya ang bracelet na binigay ni Francis sa daddy nya at pati sya ay hindi makapaniwala sa nakita

Christian: Si Francis ang itinadhana ng bracelet para kay ate?...grabe sa una pa lang pinagtagpo na sila pero hindi ko
akalain na siya pala

Kinabukasan, nasa airport na sila Francis hinatid sila ng tita nya at ni Arjay

Arjay: Men mag ingat kayo dun ah, sana malagpasan mo ang mga darating na pagsubok dun tsaka size 7 ah nike ang tatak
Francis: Salamat men kaw din pagbalik ko sana isa ka ng magiting na pulis
Arjay: Hahaha at ikaw naman ang isang magaling na attorney

Nagyakapan ang dalawang magkaibigan, at sumunod naman niyakap ni Francis ang tita nya

Francis' Auntie #1: Heto na ang panahon para baguhin na ang buhay mo, mag ingat ka dun ah at lagi mo ko sulatan
Francis: Opo, maraming salamat po tita

Isang magarang kotse ang dumating at nagtinginan sila Francis, lumabas ang daddy ni Cassandra, at nagtataka siya bakit
dumating

Cassandra's Father: Sa palagay ko ikaw na dapat ang humawak nito

May hinagis ang daddy ni Cassandra na isang pouch at sinalo naman ito ni Francis, pagbukas nya nakita nya ang bracelet ni
Cassandra

Cassandra's Father: Ikaw ang itinadhana ng bracelet na yan na magsauli sa anak ko, kaya binabalik ko sayo yan, kung talagang
mahal mo anak ko, bumalik ka dito pag natupad mo na mga pangarap mo, kilala ko anak ko hindi susunod yun sa gusto ko kaya
magtiwala ka na hindi sya makakasal sa iba, dahil hanggang ngayon naniniwala sya sa kinuwento ko tungkol sa bracelet na yan

Ngumiti si Francis at binulsa ang bracelet ni Cassandra

Francis: Pagbubutihan ko ang pag araal ko at balang araw masasabi kong isa akong karapat dapat para sa anak ninyo
Cassandra's Father: Hihintayin ko yan hanggang sa dumating ang araw na yun

Pumasok na si Francis bitbit ang isang pag asang balang araw magkikita sila muli ni Cassandra.....THE END

- - - Updated - - -

DISCLAIMER: ANG MGA TAUHAN ARJAY, CHRISTIAN, JOHN CARLO AY PANGALAN NG AKING MGA MATAGAL KO NANG KAIBIGAN...SI FRANCIS AY PANGALAN NG AKING AMA (FRANCISCO)...PERO SI CASSANDRA AY KATHANG ISIP LAMANG, ANUMANG PANGYAYARI NA HUMALINTULAD
SA TOTOONG BUHAY AY HINDI KO PO SINASADYA, AT ANG STORYANG ITO AY AKO MISMO ANG ORIHINAL NA MAY AKDA...MARAMING SALAMAT PO SA MGA SUMUBAYBAY NG ISTORYANG ITO....INAALAY KO PO ITO SA AKING AMA NA MATAGAL NG PUMANAW....GOD BLESS!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

first blood ulit sa new update.
up up
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

hehehe natapos din men thanks pero parang bitin at good luck men...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

aw .. Ganda ng story ts .. The end n b talaga ?? Bitin ts bitin .. :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Upda

Hahaha may mga story talaga na minsan walang ending dahil kahit sa totoong buhay nangyayari din yan
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

inabangan ko to ts.. sobrang ganda pero bitin ang ending pwedeng dugtungan kahit konti kung paano sila uli nagkita at nagkatuluyan... para happy naman ending kasi sobrang bitin :) pasensiya na umaangal ako.... :p pero dugtungan mo pa to.. yung tipong buong kwento eh pinaikli mo tulad nung tv series na prison break may last episode na naging happy ending sila na nagka anak pa yung bida... :pray: waiting
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Hahahaha...sir naintindihan ko yang reaction mo at natutuwa ako kahit ako aminado akong bitin sya...masasabi ko na lang is...maraming salamat sa pagsubaybay mo...nainspired lang ako sa pelikulang ligo na u lapit na me yung pagkakaending nya na mas
matindi ang pagbitin nun at iiwanan ka ng isang tanong? "magkikita pa kaya sila ni Jen?"....so hindi ko alam kung naiwanan ko rin ba
kayo ng tanong sa inyong sarili pagkatapos mabasa ito...stock knowledge lang kasi ito na mula pa nung high school ako na laging
nagpaparamdam sa utak ko kaya minabuti ko ng buuin ngayon baka sakali kasi mabawasan ang laman ng utak ko (since kakalimutan ko na ito)...may part din dito na naging EMOTIONAL ako ng husto yun ung part na nasa isang mataas sila na lugar kung saan unang beses nacutting si Cassandra at nagkwento si Francis tungkol sa nakaraan nya, yun ay totoong naranasan ko kaya habang tinatype ko ang part na yun may halong luha kong ginawa ang part na yun....hintayin nyo ang next release kong "KAY TAGAL KITANG HININTAY" at hindi na ito katulad ngayon na by part kong nirerelease kasi buo kong irerelease ito at inuumpisahan ko ng buuin short story lang ito promise siguro mga 5 to 10 parts lang tapos yun na
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

ganda parin sir ng storie kahit bitin,the best ka!
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

sige ts waiting for next story :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

bitin po sir..anyways salamat sa story....may sequel cguro???....
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

baka may part 2 to?? hehehe.. ts.. ang ganda... pramis.. pwede makopya?? pabasa ko lang sa mga kilala kong adik sa ebook?


TIA!!
 
Back
Top Bottom