Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

REQUEST: Bbq Sauce Recipe

marshmallowmonster

Amateur
Advanced Member
Messages
106
Reaction score
7
Points
28
Mga kasymb pahingi naman nung bbq sauce na ginagamit sa mga Chicken Bbq yung mga main ingredients niya ata ay toyo ketsup kaso hindi ko na alam yung iba eh.
 
meron akong sariling recipe pero sa pork bbk ko sya inaaply at gustong gusto ng mga kakilala ko. honestly and funny but true, hindi ako marunong magluto ng manok, pero share ko na rin sayo pwede mo i-try sa manok.


Papa Ketchup
Lea and Perrins Worcestershire Sauce
PorkCubes(siguro gawin mo nalang chicken cubes)
Salt
Marca Pinya Soy Sauce (kung wala, datu puti)
Magic Sarap
Segunda na paminta (ung semi durog)
Garlic(optional)
cooking oil
malaking bowl
kaserola
nagbabagang ihawan or smokeless na ihawan
tong - ung pang ikot ng inihaw
kalan na may gasul
tinidor panghalo



*Getting Started*

preparation:

ilabas ang kaserola, pakuluan ang karne hanggang lumambot sa preferred mong lambot, lagyan ng konting toyo at magic sarap at pork/chicken cubes


habang nagpapakulo, ihanda na ang pang marinade. haluin sa malaking bowl ang papa ketsup, KONTING KONTING patak ng Lea and Perrins(ako mga anim na patak lang), paminta, marka pinya soy sauce konti lang, konting cooking oil.


kapag tapos na magpakulo, ung pinag kuluan, ihalo sa marinade pero konting konting sabaw ng pinagkuluan lang.

Haluin ng haulin, tikman from time to time, magdagdag ng ketsup or lea and perrins kumporme sa panlasa mo. Pag nahuli na ang tamang panlasa, ihalo ang karne at ibabad ng 1 hr or depende sa gusto mo. dapat covered lahat ng part ng karne.

antayin hanggang maabsorb ang marinade, atsaka umpisahan ihawin.


*Habang Iniihaw*

isalang ang karne sa ihawan
pahiran ng marinade ang IBABAW
antayin na medyo dumikit ang marinade sa ibabaw, antayin maluto ang ilalim
baliktarin ang karne, then pahiran uli ang IBABAW(na kanina ay ilalim)
antayin maluto
ilagay sa pinggan at tikman mo muna, kung okey na, pwede na kainin.



Good luck.
 
Back
Top Bottom