Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Romansa sa Dyipni *3rd update*

.


Uy pare. Alas otso ng umaga ginising ako ni Auntie. Sarap pa nga ng hilik ko nun. Yung tipong gumagaralgal muna sa lalamunan sabay susundan ng pabulong na sipol. May art di ba? Ganun daw kasi ako maghilik. Nadiskubre yan ni Babby, yung barkada ko na pinsang buo ko din, nung minsang nakitulog ako sa kanila dahil napagsarhan ako sa bahay. Romualdo talaga pangalan nya pero nabansagan syang Babby nung high school dahil kasing lusog nya ang isang uri ng hayop na paboritong nginangasab ng mga Pinoy tuwing pyesta, lalo na kung nililitson muna ito. Pero hula ko binarbero lang ako ng pinsan kong 'yon. Meron ba namang ganoong klaseng paghilik? Hinala ko nga gumaganti lang si mokong dahil dyinok-joke ko sya dati tungkol sa napakalusog nyang pangangatawan. Medyo na-hurt ata siya noon dahil "biglang nangilid ang kanyang mga luha, na sinundan ng mga impit na hagulgol, wari baga'y pilit itinatago sa kaharap ang durog nitong puso." Naks. Nabasa ko lang 'yan sa isang pocket book romance na 'di ko na maalala ang title.

Sa'n na ba ako? Ayun, nasa bahay pa rin. Kakagising lang. Papikit-pikit pa ang mapupungay (sabi ni nanay) kong mga mata.

"Sundo... 8:30... Judy... cancelled..."

Hindi naman patelegrama kung magsalita si Auntie pero sa hinaba haba ng sinabi niya eh yun lang talaga ang pumasok sa ngarag ko pang utak. Buti na lang at napanood ko na lahat ng episodes ng Detective Conan sa dvd (pirated lang yung cd) kaya't na-solve ko agad ang misteryo ng mahiwagang mga katagang iyon. Sa pamamagitan ng matinding lohika at deductive reasoning ay na-decode ko din ang nilalaman na mensahe---sunduin si Judy sa school mamayang 8:30 dahil cancelled ang klase. Genius di po ba?

Ibinuka ko ng kaunti ang aking mapupungay (sabi nga ni nanay) na mga mata at tinitigan ang kulay asul na wall clock na nakasabit sa itaas ng tokador. Hindi ko agad maaninag ang oras dahil walang mga numero ang orasan at sa halip, ay napalitan ito ng nakangiting mukha ni Mayor Freddie Tinga & Family na may nakasulat pang Forwad Taguig sa bandang ibaba. Tanging yung dalawang kamay ng orasan na lang ang palatandaan na orasan nga iyon.

Alas otso dyes na, nakangiting sabi ni Mayor Freddie.

Dagli akong bumangon at umupo sa papag, sabay kapa ng cellphone sa higaan. Nasalat ko ito sa ilalim ng unan. Naalala ko tuloy bigla. Ka-text ko pala kagabi si cutie_gurl, yung teksmeyt ko na ayaw naman magpakilala. Nanghula lang daw siya ng number at destiny daw ang nagtakda na number ko ang nabuo niya. Akalain mo yun? Pati pala paghanap ng teksmeyt eh para na lang naglalaro ng number game sa perya. Tsk tsk. Iba na talaga ang panahon ngayon. Kanya kanyang trip na ang mga tao. Hay.

5 new messages, bati ng cellphone sa akin, pagkabukas ko lang ng keypad. Lahat galing kay cutie_gurl at pare-parehas lang ang message---huy gsing k p b? Binura ko agad ang mga text nya. Mamaya na lang ako magrereply, sabi ko sa sarili ko. Tama lang din dahil chek op na pala.

Napatitig ulit ako kay Mayor Freddie. Maasim na ang mukha nito. Alas otso bente na, wika niyang nakasimangot.

Shit.

Dali-dali akong nagpalit ng damit at patakbong tinungo ang kusina para magmumog at maghilamos. Pagkatapos kong padaanin ng tatlong beses ang suklay sa nagrerebelde kong mga buhok ay lumabas na ako ng bahay. Nagmamadali kong tinahak ang maliit na eskinita patungo sa waiting shed na katabi ng bigasan nila Mang Steve. Duon kasi ang sakayan ng jeep na papunta sa school nila Judy.

Judy. Ang cute at makulit kong six years old na pamangkin, na kung tinotopak ay daig pa ang Muslim kung maghuramentado. Wish ko lang, sana sipagin ang titser nila ngayon at magturo ng magturo o di kaya'y makipaghuntahan muna sa kapwa guro ng katabing kwarto at pagtsismisan ang titser sa Room 311 na lubog na daw sa utang (sabi ng titser sa room 310) dahil laging laman ng madyongan gabi-gabi. Kahit saan sa dalawa. Ang mahalaga ay makarating ako doon na hindi pa dismissal dahil 'pag nagkataon na nag-antay 'yon ay tiyak na all hell will break loose, ika nga. Pati siguro purgatoryo ay mabubulabog.

May tatlong minuto pa akong naghintay sa waiting shed bago nakasakay. Hindi naman ako masyadong nainip dahil may kasabay akong tseksing kolehiyala na papasok pa lang sa school at nag-aabang din ng masasakyan. Hindi ko masyadong napansin na makinis at maputi ang kutis niya, singkit ang mata, may dimple sa kaliwang pisngi, kasing kulay ng hinog na makopa ang labi, hugis puso ang mukha, may kalakihan ang hinaharap at mala-Coke sakto ang hubog ng katawan. Masyado kasing nakatuon ang isip ko kay Judy.

Maya-maya may pumarang jeep sa harap ng waiting shed. Antigo na ito at animo’y matandang hikain kung umandar ang makina. Dios mio. Makakarating kaya ako sa paroroonan ko nito? nasa isip-isip ko. Nauna ng sumakay si Miss Kolehiyala. Pinili niyang umupo sa may bandang dulo, sa likod mismo ng driver. Dahil ayokong makaperwisyo ng ibang pasahero ‘pag mag-abot na ako ng bayad, pinili ko na ring umupo sa bandang dulo. Sa tabi niya.

Sa wakas umusad na din ang pagong, este, jeep. Shit! ang bagal. Napamura ako. Pakiramdam ko para akong nakasakay sa isang tram sa Star City, yung lumilibot sa Safari Land. ‘Ladies and gentlemen,’ sabi ng naka polo barong na tour guide na kamukhang kamukha ng driver ng jeep, ‘ang una niyo pong makikita sa may bandang kaliwa natin ay ang Palingon Barangay Hall. Diyan po ang tirahan ng sampung crocodilus curacutus, isang uri ng buwaya na dito lang matatagpuan sa Plipinas. Sa bandang kanan naman po natin, yung nakikita niyong malaking mansion ay ang tirahan ng isa sa pinakamabangis at pinakamasibang hayop sa mundo. Ito po ay classified na hybrid dahil cross po ito ng buwaya at baboy. Kilala po ito sa tawag na congressman dahil sa mahilig itong kumain ng pera, lalo na yung tigbebente-singko sentimos na barya. At sa gawing unahan naman ay...’

"Manong, sa tabi lang po."

Naputol ang daydreaming ko ng malamyos na tinig na iyon. Si Miss Kolehiyala pala. Saglit akong dumungaw sa bintana ng jeep. Nasa tapat kami ng Holy Spirit College of Taguig. Dito pala siya nag-aaral. Dali-dali niyang inayos ang salansan ng mga books na hawak at inilapat ang mga ito sa dibdib niya. (Ang swerte ng mga libro.) Sa sobrang bigat siguro ng mga ito ay muntik na siyang madapa at mapasubsob sa sahig ng jeep. Mabuti na lang at napahawak siya sa kaliwang kamay ko.

"Ay! sori..." Namula ng bahagya ang kaniyang mga pisngi, na lalo namang nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Inayos niya ulit ang mga libro at pagkatapos ay nginitian ako. Yun ata ang tinatawag na killer smile dahil pakiramdam ko ay para akong nagka-heart attack.

"Ha... Hi-hindi... okay lang," namumula ring sambit ko. Tulala pa rin ako habang minamasdan ko siyang nagmamadaling pumasok sa main gate ng school at yakap-yakap pa rin ang kanyang mga libro. Swerte talaga ng mga hinayupak na librong yun.

Nang maramdaman kong umandar ang jeep ay saka ko lang napansin ang isang lukot na piraso ng bond paper na nakasuksok sa gitna ng hintuturo at hinlalaki ng aking kaliwang kamay.




****
itutuloy...



PART II

PART III



note: this is my first try at writing tagalog fiction. Comments and constructive criticisms are highly appreciated. :hat:
 
Last edited:
Re: Romansa sa Dyipni

asan yung kasunod..haha

bitin i want more!!:pray:
 
Re: Romansa sa Dyipni

:rofl: cutie_gurl :rofl:

padre loko ka talaga, bumulwak ang tawa ko nung nakita ko cutie_gurl :laugh:

anyways, may babasahin nanaman ako dito sa stories and essays :lol: sana ituloy mo to padre :rolleyes:

very entertaining and as usual, napatawa mo nanaman ako sa mga descriptions mong "crocodilus curacutus" :lmao:

keep it up!
 
Re: Romansa sa Dyipni

May tatlong minuto pa akong naghintay sa waiting shed bago nakasakay. Hindi naman ako masyadong nainip dahil may kasabay akong tseksing kolehiyala na papasok pa lang sa school at nag-aabang din ng masasakyan. Hindi ko masyadong napansin na makinis at maputi ang kutis niya, singkit ang mata, may dimple sa kaliwang pisngi, kasing kulay ng hinog na makopa ang labi, hugis puso ang mukha, may kalakihan ang hinaharap at mala-Coke sakto ang hubog ng katawan. Masyado kasing nakatuon ang isip ko kay Samantha.

:rofl: Hindi mo pa masyadong napansin :rofl:

Sinu si Samantha (isang misteryo na hanggang ngayon ay tumatatak sa aking isipan, kahit nahuli nako ng boss ko na nagbabasa nito) :think:

I cant wait for the continuation :salute:

EDIT: first time ko nahuli :slap:
 
Last edited:
Re: Romansa sa Dyipni

:rofl: cutie_gurl :rofl:

padre loko ka talaga, bumulwak ang tawa ko nung nakita ko cutie_gurl :laugh:

anyways, may babasahin nanaman ako dito sa stories and essays :lol: sana ituloy mo to padre :rolleyes:

very entertaining and as usual, napatawa mo nanaman ako sa mga descriptions mong "crocodilus curacutus" :lmao:

keep it up!
:D don't worry itutuloy ko ito. And gracias for reading and the input as well. :hat:

May tatlong minuto pa akong naghintay sa waiting shed bago nakasakay. Hindi naman ako masyadong nainip dahil may kasabay akong tseksing kolehiyala na papasok pa lang sa school at nag-aabang din ng masasakyan. Hindi ko masyadong napansin na makinis at maputi ang kutis niya, singkit ang mata, may dimple sa kaliwang pisngi, kasing kulay ng hinog na makopa ang labi, hugis puso ang mukha, may kalakihan ang hinaharap at mala-Coke sakto ang hubog ng katawan. Masyado kasing nakatuon ang isip ko kay Samantha.

:rofl: Hindi mo pa masyadong napansin :rofl:

Sinu si Samantha (isang misteryo na hanggang ngayon ay tumatatak sa aking isipan, kahit nahuli nako ng boss ko na nagbabasa nito) :think:

I cant wait for the continuation :salute:

EDIT: first time ko nahuli :slap:
Gracias pot2. :hat: :lol: Actually, mali ko 'iyan. Dapat Judy yan, hindi Samantha. Samantha is a real nephew of mine who, incidentally, shares the same characteristic with Judy. :lol: Pinalitan ko ng Judy para hindi masyadong halata na siya nga iyon. Just like Babby, Auntie and Miss Kolehiyala, they're all based on real life people. :D
 
Re: Romansa sa Dyipni

padre : clap: nakakaaliw naman at napangiti ako sa kwento mo na medyo may kilig factor sa bandang last part :D sana may kasunod agad :hyper: natawa din ako sa cutie_gurl tsaka dun sa hilik na may art :rofl:

nice padre :clap:
 
Re: Romansa sa Dyipni

ang ganda naman
sana po ituloy mo na agad nakakabitin :dance:
:salute::thumbsup:
 
Re: Romansa sa Dyipni


GREAT JOB BRO :thumbsup: all original,
akala ko libro ni bob ong yong nababasa ko...:thanks:
ituloy mo na..nakakabitin:rofl:
 
Re: Romansa sa Dyipni

..nsan po yung kasunod? bitin..



..ganda po.. hhehheehe..
 
Re: Romansa sa Dyipni

astig ha. try to finish this. ipapasa ko sa mga friends ko, mga indie film makers. maybe they'll pick up on it. :D

'course, papasa ko lang. the rest is up to them and your story.
 
Re: Romansa sa Dyipni

Padre pio, haha diba english prof. Ka po? Anyway, ang galing nio haha. Aabangan ko ung kasunod... Napagul0ng nio ko sa kakatawa haha. :rofl:
 
Re: Romansa sa Dyipni

.



"Uy pare!" Isang iritadong boses ang nagpa-alala sa akin na nasa earth pa pala ako at wala sa isang paraiso na kami lang ni Miss Kolehiyala ang nagsasalo. "Saan ba'ng baba mo? Pateros na to." Nabanaag ko sa frontview mirror ang nakakunot na noo ni Manong drayber. Ako na lang pala ang pasahero. Sa sobrang hiya ay halos lundagin ko na ang jeep, makababa lang agad. Namataan ko pang iiling iiling si Manong habang pinagagapang papalayo ang karag nitong sasakyan. Nang dahil sa chicks ay napagkamalan pa ata akong autistic. Hay malas.

Malungkot na binagtas ko ang makitid na kalye papasok sa school nila Judy.

Chicks. Malas. Pag buhay ko ang pag-uusapan, tila kakambal na ng salitang chicks ang malas. Hindi ko tuloy maiwasang balikan sa isip ko ang mga nangyari sa jeep na lalo lang nagpatibay sa teyoryang iyon. Nang makita ko ang lukot na bond paper na naiwan ni Miss Kolehiyala ay dali-dali ko itong binulatlat. At sa dalawa o tatlong guhit ng segundong dumaan habang pinapatag ko ang papel sa aking kanang hita ay marami ang naglaro sa aking isipan: Pabiro kong inisip na baka napansin niya ang isang katotohanang nanay ko pa lang ang nakakaalam---ang katotohanang hawig ko si Tom Cruise. Na naging dahilan upang ma-lab at pers sayt siya sa akin. Na nagtulak naman sa kanyang gumawa ng da moves upang maibigay ang number niya.

Na nagtulak naman sa akin na umasa. Na naging dahilan naman sa aking pagkabigo. Pagkabigo dahil walang cellphone number sa papel. Sa halip ay mga misteryosong letra ang nakasulat-kamay doon. Parang mga pormula sa mathematics na hindi ko naman mabasa dahil simula pa noong high school ako ay allergic na ang mga mata ko sa mathematical symbols. Hay ulit.

Binilisan ko na lang ang paglalakad at pilit na iwinaksi sa isip ang mga pangyayari. Charge it to experience, sabi nga ng teacher ko sa English. Pero ang hindi ko lang maipaliwanag ay kung bakit ganoon na lang ang panghihinayang na naramdaman ko. Kung tutuusin ay chance encounter lang naman iyon.

Charge it to love?
Deym, ang cheesy.

****


Masalimuot. Mainit. Maingay. Siksikan. Nag-uunahan. Nagtutulakan. Ang mga nasa loob ng gate na gustong lumabas ay hindi makalabas dahil nakaharang ang mga gustong pumasok na hindi rin naman makapasok dahil nakaharang ang mga gustong lumabas. Yan ang eksenang nadatnan ko sa harap ng Pateros Catholic School, kung saan nag-aaral si Judy ng Grade 1. Napailing ako. Naisip-isip ko tuloy, Ang hirap pala mag-aral sa private school; araw-araw kang dadaan sa butas ng karayom. Laking pasalamat ko at sa Mababang Paaralan ng Palakang Bato lang ako pinag-aral nila tatay noon. Hindi kami kailanman nagsiksikan at nagtulakan. Kahit gawin pang higaan ang classroom namin ay walang problema dahil sa ilalim ng puno ng kaymito lang kami nagkaklase.

"Palabasin 'nyo muna kasi ang mga lalabas!" sigaw ng matabang gwardya sa may guard house habang hinihimas-himas nya ang batutang nakasukbit sa kanyang baywang. Sa masalimuot niyang mukha ay halatang nauubusan na ito ng pasensya at parang may balak na atang paghahambalusin ang mga nagkakagulo sa gate.

Bago pa nya maisakatuparan ang masama niyang binabalak ay lumayo na ako sa kumpol ng mga tao. Kinabahan ako bigla. Hindi kaya nagwawala na si Judy sa loob kaya nagkukumahog ang mga taong lumabas? Ibang klase ang pamangkin kong iyon kung maghuramentado. Noong Linggo lang ay tinopak ito habang dumadalo kami ng misa. Naghihiyaw ito ng malakas na parang sinaniban ng labinlimang engkanto. Ang kawawang pari, litung-lito; hindi na alam kung itutuloy ang misa o i-exorcise na lang ang demonyong akala niya'y sumapi sa pamangkin ko. Ang 'di niya alam, tinopak lang si Judy dahil nabagot ito sa haba ng sermon niya.

Inusisa ng aking mapupungay ('wag nang kontrahin si Nanay) na mata ang nagkukumpulang mga tao sa main gate ng eskwelahan. Karamihan ay mga estudyante at magulang ang naroon. Napagtanto kong malabong makapasok ako agad kung doon ako dadaan at makikipagsiksikan. At by hook or by crook, kailangang mapuntahan ko na si Judy. Diskarte na ang hinihingi ng pagkakataon. Dahan-dahan kong nilapitan ang nakatayong gwardya sa guard house habang suot-suot ko ang isang aanga-anga at probinsiyanong mukha. At dahil promdiprabins nga ako, yun naman talaga ang suot-suot kong mukha araw-araw kaya't hindi ako nahirapan sa pag-arte. Nagpalinga-linga ako, animo'y hindi alam kung saan pupunta. Nahihiyang tiningala ko ang mamang nakaharang sa maliit na pinto ng guard house. Saglit na napahinto ang tingin ko sa malaking tiyan nitong nakausli sa pinto. Ilang taon na kaya itong nasa sinapupunan niya?

"Se-ser," nag-aalangang sambit ko, kamot kamot ang ulo na hindi naman makati, "pamangkin po ako ni Ma'm Ranoco. Hatid ko lang po tung sose kasi naewan niya po sa bahay." Nakakapagtakang biglang naging Bisaya ang punto ko.

"Wala namang Ma'm Ranoco dito ah."

Patay.

Ako.

"Tanga, 'iyon ata yung bagong titser na pumalit kay Ma'm Quisumbing." Galing ang tinig sa loob ng guard house. Bahagya akong sumilip sa loob. Isang gwardyang abala sa pagsusulat sa logbook ang aking Tagapaligtas.

Saved by the guard ako.

"Siya pala yun? Seksi naman pala ng tita mo," sabay kindat sa akin. Isang ngiting aso ang gumuhit sa bilugan niyang mukha. "O, dito ka na dumaan sa teacher's gate. Paregards na lang sa tita mo ha!" ang huli kong narinig habang nagmamadali kong hinakbang ang maliit na gate sa gilid ng guard house. May pahabol pang sinabi ang matabang gwardya pero hindi ko na yun napansin. Nakita ko kasing may nagkukumpulang mga tao sa isang gilid ng building sa loob ng school. Tila may pinagkakaguluhan sila.

Si Judy agad ang pumasok sa isip ko.




itutuloy...
 
Last edited:
Re: Romansa sa Dyipni

nabitin na naman ako padre :ohno: :D natawa ako dun sa tom cruise, ke judy na nasapian during the mass at dun sa jeep na dahil sa chicks napagkamalan kang authistic :rofl:
galing padre :clap:
 
Re: Romansa sa Dyipni *update*

Bitin nanaman po oh....hehe :thanks: ang ganda.
 
Re: Romansa sa Dyipni *update*

..padre pio, bitin nanaman.. ..pero ganda tlga..
 
Re: Romansa sa Dyipni *update*

:rofl: nasapian ng labinlimang engkanto :laugh: may naalala ko dyan padre, kasi may nagpopost sa thread namin ng iba't ibang dummy at kung anu anu pinagsasasabi, parang nasaniban ng labinlimang engkantong mukhang hippopotamus :laugh:

another excellent piece, actually continuation pala to. after reading it padre, i can only say that it's really worth the wait (tama ba? :unsure:)

padre di ako nambobola pero pwede ka na talaga gumawa ng book. and i'm quite certain i'll be the first in line to buy it. i'm such a huge fan :salute:

as usual, keep it up, wag ka sanang tamarin ituloy ito :whistle: :lol:

:clap: bravo!
 
Last edited:
Re: Romansa sa Dyipni *update*

padre pio bitin pa rin pero okay lang at least nabasa ko na part 2 sa uulitin uli hehehe thank you....
 
Re: Romansa sa Dyipni *update*

may continuation na pala ngayon ko lang nabasa :slap:

pero bitin na naman :lmao:

padre pakituloy na po ulit :giggle:
 
Re: Romansa sa Dyipni *update*

Bravo!bravo! :clap: Nakakabitin.:salute: ang galing mo Padre.wish ko lang makasulat din ako ng ganito.excellent piece :champ:
kelan kaya ang kasunod n yugto?makikita pa kaya nya yung chicks na jeep?anu na kaya nangyari kay judy?naghurumintado na kaya ito?:lol: nakakaaliw Padre abangan ko ang susunod na kabanata.
 
Back
Top Bottom