Sa kabila
Lumapit sa mesa ng cafeteria, dala ko ang tray na pinaglagyan ng ulam kong tilapia at kaning kakasandok lang ni Aling Kusing mula sa kanyang malaking kaldero. Wala nang tao sapagkat alas tres na ng hapon at ang lahat ay nasa kanya-kanyang klase na at eto ako nahuli sa pagpasok kaya hindi na pinayagan pang makasama pa, kasalanan ng WIFI to sa bahay.
Sinimulan ko nang kumain, tumutulo na ang pawis ko dahil sa init ng lugar dahil ang bubong lamang ng cafeteria ni Aling Kusing ay tagpi-tagping mga ginamit sa pangangampanya ng mga pulitiko nung nakaraang buwan, andoon ang lahat ng kanilang mukha, nakangiting panalo.
Umiinom na ako ng binili kong malamig na buko juice nang bigla akong natigilan, bigla kang kumaway. "Aba, di rin pala sya pumasok." sabi ko sa sarili ko. Napangiti na lang ako ng makita ko ang mapupungay mong mga mata at ang matamis mong ngiti, "Hello sayo!" ang iyong bati. Halos bumulwak ang iniinom ko noong narinig ko ang mga salitang 'yon. Binaba ko ang hawak kong baso at humarap sayo, natuon ang atensyon ko sayo at wala akong maalala sa lahat ng sinabi mo. Buong paligid koy animo'y tumigil sa pag-ikot kakatitig sayo, wala ka ring tigil sa kakasalita at kakakaway na may kasama pang malakas na tawa. Para na akong hinehele, ang mainit na simoy ng hangin naging kumportable, ang maliit na cafeteria ay naging engrande.
Halos ilang minuto mo akong kinakausap, kumanta ka pa habang sinusuklay mo ang iyong buhok. Suot mo'y pambahay lang at wala akong pakialam kung naiingayan na si Aling Kusing sayo. Sinasabayan ko rin ng tawa ang mga biro mo kahit ilang libong ulit ko na tong narinig sa mga kaibigan kong tambay sa kanto.
Akala ko'y magiging masaya na ang buong hapon ko...
Ngunit di ko inasahan, biglang nagtext ang matalino kong kaibigan. Ubos na pala ang DATA ko, di na natuloy ang facebook live mo.
"Aling Kusing! Pa-load na rin nga po."