kanya-kanyang pananaw at choice lang yan tol... pero kung pagbabasehan ang mga bagong games ngayon, kung developer ka, talo ka pag di mo tinodo sa graphics yung product mo kasi aminin natin o hindi yun ang unang tinitignan ng mga gamers/consumers ngayon. ang story di naman basta basta makikita yan, kung baga intrinsic feature ng game ang story at gameplay whereas yung graphics ng game andiyan na yan, sa box pa lang makikita mo na yung itsura ng game which in my opinion yun ang malakas humatak sa market. let's say may game na isa diyan na di gaanong maganda yung graphics pero maganda yung story at nakasabayan niya yung isa pang game na parehong genre pero maganda graphics, mas mabibili ang may mas maganda graphics kasi nga panlabas na anyo yan, yan ang unang-unang nakikita ng mata natin. kaya nga nasabi ko na, it could've been better kung maganda din sana yung gameplay at story ng final fantasy xiii. big fan ako ng final fantasy series kaya lang naman ako nakabili ng xiii eh dahil fan ako, pero nung nilaro ko na siya, di ko nagustuhan kaya di ko tinapos
nawalan ako ng gana kasi hinahanp ko yung feeling ng final fantasy na nakasanayan ko na. sa tingin ko ang last na final fantasy na masasabing authentic final fantasy eh final fantasy X/X-2 the rest medyo disappointing na. habang tumatagal at habang paganda ng paganda ang graphics ng mga games ngayon, siya naman pababa ng pababa ang quality ng mga games na nabubuo ngayon, dinadaan nila sa ganda ng graphics kasi nga yun ang patok at marketing strategy nila.