Re: Sa mga nakalaro o naglalaro ng Final fantasy ! Pasok!
TS wrong section,
dapat to sa computer gaming since wala naman link ng game tong thread mo.
pero anyways, sasagutin ko na din tanong mo, kung bakit naka-kaadik ang final fantasy...
first of all, di lahat ng gamer, casual or hardcore gamer alike, ay naglalaro ng mga ganitong klaseng laro (Japanese RPG ha, hindi western, kasi iba ang RPG ng western I.E. diablo
) kasi daw boring. marami akong kakilalang gamers din na mahilig sa RPG pero di nila type ang ganitong klaseng laro, naglalaro sila ng RPG pero yung mga western type ang gusto nila. pero, personally, I find final fantasy series addicting din kasi I'm also a fan. I've got to play and finished final fantasy tactics, FFI, FF4, FF6, FF7, FF8, FF9, FFX, FFX-2, and FF12. I've played final fantasy CC on gamecube pero di ko natapos
nasira na eh hahaha. pero back to the topic, sa palagay ko kaya malakas ang hatak ng mga games eh dahil sa kakaibang story telling niya. may deep stories kasi ang final fantasy series. pero lahat ng yan nag-iba na buhat nung magpalit na sila ng gameplay (nawala na yung feel niya kasi nga iba na yung gameplay.) Final fantasy XI and final fantasy XIV is an online game, so it's forgiven na walang story na sinusunod or ending whatsoever. Pero final fantasy XII, yung gameplay niya di na siya katulad nung dati na turn-based so nawala na yung spirit ng game dun pa lang, pati yung story niya di din ganun tumatak kasi nga kulang ng element. Maganda din naman siya kung talagang pag-uukulan mo ng pansin at panahon pero it's nowhere near sa level compared dun sa mga predecessor niya. Kung baga napaka mediocre lang nung story niya. At yung latest nga is yung Final Fantasy XIII kung saan, binalik nila yung pagka-turn-base niya pero di parin kasi nga real-time parin yung pag-attack kahit na may choices ka na nakikita sa screen. Sa story naman di din ganun kalinaw, at mahirap intindihin hahaha at saka yung gameplay niya, di malaman kung matutuwa ka o mababanas. Pag di napapagod daliri mo sa kapipindot sa controller, eh makakapatay ka ng kalaban kasi halos ganun lang yung gameplay niya, pindot dito pindot doon kapag battle mode na. Yung sense of exploration nila pareho nung final fantasy XII na binase sa mga mmorpg. Pero mas MMORPG like ang final fantasy xii kesa sa XIII. Ang maganda lang naman sa Final Fantasy XIII eh graphics. Kung fan ka ng final fantasy series kahit di maganda eh bibilhin mo talaga eh hahaha kasi nga dahil malakas ang hatak sayo lalo na pag nilaro mo yung mga classic final fantasy series... Maho-hook ka talaga. LOL