Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SA PANAHON NG PANANAKOP ng mga HAPON SAN kaya sila

Hindi nakikialam sa problema ng tao ang mga engkanto. Anong kinalaman nila sa world wars eh di naman sila ang nagpasimuno nito kundi tao mismo. Dahil ba masisira yung kapaligiran eh dapat na sila makialam? May hiwalay na mundo sila sa tao at hindi sila magugulo kahit anong unos o giyera ang mangyari sa pinas. At bakit mag aaksaya sila ng panahon sa gusot na gawa din naman ng tao? tao mismo ang humanap ng solusyon hindi engkanto. Hindi naman sila nawala, wala talaga silang pakialam kahit ano pa mangyari sa atin dahil di nila kargo tayo bagkos matutuwa pa sila dahil mababawasan mga kakompetensya nila na manirahan sa mundo.

Ito totoong nangyari, membro ng USAFE lolo ko(tatay ni mama)noong world war 2, sa kabukiran ng bukidnon sila nakukubli dahil nahihirapan ang mga hapon kapag nasa kagubatan sila, kasama narin mga amerikano na kasama nina lolo. Kasama ni lolo yung kakambal niya noong panahon na yun. Nung tumukas na si McArthur paalis sa pinas, nawalan na ng pag-asa ang iilan para depensahan yung forest outpost nila na dahilan para ipag-utos ng natitirang senior officer nila na kano na umuwi na sila sa kanikanilang probinsya at hindi sila hahatulan ng desertion. Nilakad lang nila ang bukidnon papuntang bacolod, lanao del norte at sa 500 na pinoy na USAFE, nasa 20 na lang ang natira. Yung iba nagpaiwan sa kagubatan sa sobrang pagod, nalason sa kinain sa kagubatan, namatay sa injury, namatay sa sakit, at mga nagpatiwakal.
Sa kasagsagan ng paglalakad nina lolo at kakambal niya, naisipan nila mamahinga saglit, sinusundan nila ang isang human trail na ginagamit ng mga mangangahoy sa bukid sa pag-asang makakasalubong sila ng tao at makahingi ng tulong. Habang nakaupo, pumikit si lolo sa mismo pwesto niya sa human trail pero narinig siyang maliliit na tinig pero hindi niya maintindihan. sa pag aakala na baka nasundan sila ng hapon, dumilat siya para ipaalam sa mga kasama mga narinig niya pero hindi siya nakagalaw dahil sa nakita niyang naglalakad na mga dwende sa human trail. siguro sa gulat kaya di na makasalita o makagalaw si lolo. Nagkaboses lang siya ng malayo layo na yung mga dwende sa kinatatayuan niya. Naisip rin niyang humingi ng tulong sa kanila pero parang nahulaan ng isang dwende na nangunguna sa paglalakad at tiningnan lang siya sabay talikod na parang wala siyang pakialam. Nung bumalik boses niya, kinuwento niya ito sa kakambal at mga kasama niya at sila din nakita nila kung ano nakita ni lolo. Hindi lang ito ang unang beses na may kababalaghan silang naranasan sa kagubatan pero hindi na naikwento ni lolo o dahil sa ibang kasama niya na mismo nalaman ito. Di rin madaling mapaniwala si lolo sa mga ganitong bagay kaya hindi niya na ikinuwento yung ibang naranasan ng kasama niya sa kagubatan.

Kung iisipin baka ilusyon lang lahat ng naranasan nila pero dahil higit sa dalawang tao na nakakita sa mga dwende, sapat na siguro sa kanila na paniwalaan na may ganitong nilalang sa mundo natin.
 
sa iilang tao lang nagpapakita ang dwende,mapili din pala sila....Parang si God mapili magpakita ...sa lumang tipan...2x lang.....sa bagong tipan magpakita na sia sa anyong tao.....kaso napahamak pa sia ,pinako ng kapwa nya Hebrew sa cross
 
sinasakop na tayo ng mga kurakot sa gobyerno.san na yang mga philippine heroes na mga yan.ilabas na ang mga kapre,dwende atbp.
 
Back
Top Bottom