.
Alam kong hindi ito ang tamang oras. Paumanhin kung kailangan kong putulin muna ang paglipad ng iyong diwa. Gising na. Isasama kita sa lugar kung saan tayo ay malaya, masaya, walang hahadlang sa pag-ibig at samahan na ating iningatan.
Nahawakan lang ang kamay mo'y malayo na ang aking nalakbay. Nakangiti ka na para bang walang takot man lang na dumadapo sa 'yong puso't isipan. Tinitigan ko ang iyong mga mata, natanaw ko ang masayang buhay kasama ka. Sinimulan mong itapak sa loob ng bangka ang walang sapin mong paa na tulad rin ng dahilan kung bakit inibig kita, nadudumihan man dulot ng mahirap na pamumuhay ay nananatiling malinis ang puso, pagkatao, at dangal.
Sa pagdampot ko ng sagwan ang maamo mong mukha ang nagsabing walang dapat na ikatakot, gagawin natin ang idinidikta ng ating mga damdamin. Kapag nagsama ang dalawang pusong walang pagaalinlangan, sa huli ay walang dapat na pagsisihan.
Bilog at maliwanag ang buwan. Kalmado ang tubig at kasundo ng hangin ang puti mong balabal. Ang mga puno't halaman ay hindi na rin binalak na maging hadlang sa ating daan. Sa aking marahan na pagsagwan, sila ay saksi sa desisyon na magbabago sa ating mga buhay.
Tinanaw mong muli ang inyong barong sa huling pagkakataon. May bigat at lungkot man ang pagiwan sa kinalakihang pamilya at tahanan, sinabi mong kapag tunay na pag-ibig na ang nagsalita, dapat sundan ang agos at huwag matakot kung saan ka nito maaring tangayin.
Isasama kita. Hindi ko sasayangin ang lahat ng ating sakripisyo para sa ating pagmamahalan. Mahal kita, at sa ating paglayo, patutunayan kong mali ang iniisip nila. Patutunayan kong sa tunay na pag-ibig, hindi masama at hindi hadlang kahit pa ang pagitang langit at lupa.
~~
www.kwentistablog.blogspot.com