Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sanggunian Kabataan (SK) - Kailangan na bang tanggalin?

ncalmateo

Proficient
Advanced Member
Messages
283
Reaction score
0
Points
26
Sanggunian Kabataan (SK) - Kailangan na bang tanggalin dahil malaki na ang pinagkaiba kung ikukumpara sa panahon ni Pres. Marcos?


MAINIT na pinagtatalunan ngayon kung bubuwagin o hindi ang SANGGUNIAN KABATAAN (SK) lalo na’t nalalapit na ang barangay elections.
Sa bawat 10 tao na nakakausap ng inyong lingkod mayroong anim (6) hanggang pito (7) katao ang sumasang-ayon na buwagin na ‘yang Sangguniang Kabataan.

Ang laki raw kasi ng pagkakaiba nito sa dating KABATAANG BARANGAY (KB) noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Noong araw daw kapag sinabing KB ‘e talagang nakapagpapakita ng pruweba na siya ay isang lider-kabataan.
Ngayon daw kapag SK, ang natututunan kaagad ay kung paano magwaldas ng pondo hindi ang magserbisyo sa tao.
Walang mailunsad na malaking proyekto sa kanilang komunidad at sa halip ay sumusunod lang lagi sa kung ano ang gusto ng barangay chairman.

Ibig sabihin, ‘kupot’ din ang kalayaan nila para makapagserbisyo sa mga kapwa kabataan.
Kasi nga naman kapag hindi sila magkasundo ng kanilang barangay chairman tiyak iipitin lang ang mga project nila.
Kaya kumbaga, ang chairman at kagawad ng SK ay naoobligang ‘sumayaw’ sa tugtog ng kanilang barangay chairman.
Sa madaling sabi, ang SK ay hindi ‘naihuhulma’ para maging mahusay na lider kundi nagiging ‘hustler’ na politiko …

Alam naman natin na hindi lahat ay nagiging ganyan pero mas marami talaga ang napupunta sa ‘BALUKTOT na DAAN.’
Sa ganang atin, mas makabubuting buwagin na ang SK at bumuo na lang ng isang komite sa barangay para tumutok sa kabataan.
Ang pondong matitipid sa pagbuwag ng SK ay mas makabubuting ilaan at idagdag sa pondo para sa daycare at health centers.
‘Yan tiyak, malaki ang maitutulong n’yan sa buong barangay.​

 
tanggalin na.wala naman itong natutulong kung tutuusin.dami na reklamo dito eh
 
Kailangan na itong tanggalin. Bakit nga ba ngayon lang ito ipinanukala dapat matagal na alisin ang gobyerno ng mga kabataan. Sa aking pananaw wala nmn silang nagawa na nagdulot ng pagunlad sa ating bayan. Tinuturuan lamang sila na maging trapo. Ginagamit ng mga makapangyarihan sa lipunan upang ang kanilang boto ay kuhanin kapag dumarating na ang halalan.
 
Tanggalin na yung SK, dito nga sa amin yung SK e ginagawang assistant ng kapitan. Taga-encode at iba pa. Yung ngang mga tambay sa amin yung nagbuo ng sariling grupo, sila na yung nagbubuo ng mga liga, bantay pagka nagparade, at tanod din.

Kung gusto ng kabataan ng grupo, bumuo sila ng sariling grupo para malaman nila ang tunay na reponsibilidad sa pag-maintain ng grupo.
 
tanggalin dagdag gastos lang....puro pacute lang nman yan sila lalo tuloy yumyabang...
 
tanggalin n dapat ala naman nagagawa puro lng corrept, ni wala man lng projects na nagagawa :slap:
 
Corruption and Political Dynasty Starts here > Barangay Local Government
 
uu ts tangalin na kadalasan kc sa mga probinxa ung mga sk chairman erpat din nila ang chairman ng baranggay kya malayang mangurakot
 
kelangan sigurong itaas ang age limit, extend ang powers nila
 
tanggalin na. pero sana merun pa ngayun din ako. :D :laugh:
 
Hmm, hindi naman perwisyo ang sk although me iba na inaabuso ang kapangyarihan nila...

mga batang nagyayabang, kumukura, etc..

hindi naman kelngan tanggalin ang SK, siguro kailangan ng bagong patakaran...

like yung age ng pagiging SK official hindi ganun ka patas

dapat iset siya sa legal age like 18-21 years old para pag me nagawa siya kalokohan sure bol siya sa asunto...

->opinion
 
SK responsibilities?
-pag may pista mag fund raising
-pag may pa liga mag fund raising
-kung gusto mong bimilis yung registratioj mo sa comelec may bayad
-kung may beauty pageant mag fund raising
-maging parte ng Political Dynasty (SK Anak SB Magulang)
-mag hanap ng mabibilhan ng boto (vote buying) tuwing eleksyon at mag kamal ng libolibong piso sa pulitikong sinuportahan
 
Last edited:
Sa barangay namin, parang wala naman ginagawa ang mga SK. :lol:
Dagdag gastusin lang kasi eh, imbis na ilagay sa mas may kabuluhang bagay yung pondo kung san san pa dinadala.
 
dapat jn tanggalin na,.. d naman nagagamit ang buget n nilalaan para sa
kabataan,.. masmarami ang nabubulsa,.. dagdag gastos lng yan....
 
para saken hindi siguro , baguhin lang ang sistema mga batas , pag aralang mabuti ang mga by laws ..
 
dpt alisin na kasama yan s pondo ng gobyerno pero d wla nmn nggwa yan.. meron nmn barangay officials e..
 
Tanggalin na yan.
yung barangay dito,
ninakaw lang yung pondo ng Sk. :slap:
 
mas magandang tanggalin nalang ang SK. kase minsan dun nag mumula ang political dynasty. napansin ko lang dito samin na kapag malakas ka sa brgy chairman at pde kang tumakbo as SK pasok sa requirements e i aangat ka ng brgy chairman syempre ang sasakupan e iboboto nmn yung sk na un. para bang wala fair sa election. tapos kung minsan ang nanalong SK e ang natatangap na allowance pang buwan e ginagawang baon sa eskwela dagdag sa allowance ba e wala namn nagagawa sa barangay. parang unfair talaga ang SK hindi yung karapat dapat ang umuupo puro nalang pan lalamang
 
Back
Top Bottom