Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Save The Hopeless Princess PART 7

Part 1

Marjorie: hooy! aalis na kami hindi ka ba talaga sasama?
Francis: Hindi na mag enjoy na lang kayo ate
Marjorie's Husband: Are you sure men?
Francis: Yeah just enjoy and its your anniversary
Marjorie's Husband: Ok, hey i forgot to give you this
Francis: Oh? what is this?
Marjorie's Husband: Hahaha come'on just open it men, its our gift to you for being here for 5 years
Marjorie: Naiisip ko na bigyan ka namin ng ganyan para pag namamasyal ka eh pag gusto mo irecord ang lakad mo
para maganda naman ang recording diba?!
Francis: Wow! ate ang ganda nito ah! salamat ah, hey thank you bro!
Marjorie: Nagustuhan mo ba?
Francis: Oo naman sakto to habang nagmamasyal ako eh rerecord ko mga magagandang view dito
Marjorie: Hoy ingat ka ah,
Francis: Kayo din sige na ate at baka malate kayo sa biyahe nyo
Marjorie: Sige kaw din tawag ka na lang pag may problema ah
Francis: Ok ate

5 years na ang lumipas mula ng sumama si Francis sa ate nya, nanirahan sila sa Italy kung saan nakadestino ang asawa ng ate
nya, at dun na rin siya nag aral ng law...Kaya naman sya suportahan ng mag asawa pero gusto pa rin ni Francis na magkaroon ng
trabaho pagkatapos ng pag aaral nya sa umaga at hindi naman pinagkait sa kanya ng ate nya kaya pumayag ito hanggang kaya nya pagsabayin.
Nagtatrabaho si Francis bilang housekeeper sa red dragon business empire, may mga kapwa pinoy din na nagtatrabaho dun

Co-worker 1: Francis, pagkatapos mo dyan sunod ka na lang sa 19th floor ah umpisahan ko ng linisin yun para kahit papaano
kumokonti ang trabaho natin
Francis: Sige po sir, ayusin ko lang to tapos na rin ako maglinis dito

Umalis na ang kasama ni Francis, at patuloy lang sa paggawa si Francis at natapos din sa kanyang ginagawa ng may pumasok
sa session hall kung saan sila naglilinis

Secretary officer: Young Master biglaan po ata ang inyong pagdating at hindi man lang po kami nakapaghanda
John Carlo: Ok lang wag na kayo mag abala dumaan lang kami dito dahil galing kami sa isang meeting, si Mr. Barsolino wala pa ba sya?
Secretary officer: Ah sir may dinaan po sya pero papunta na rin po sya dito nauna lang po ako dahil galing po ako sa vacation
leave
John Carlo: Ganun ba? ok lang wala naman ako appointment sa kanya

Hindi nila namalayan na nasa sulok lang si Francis at pinagmamasdan sila, nang paalis na sana sila nakita nila si Francis at
dahan dahan naman yumuko ang binata para magbigay galang sa mga ito

Francis: Good Morning Sir

At hindi na nila binigyan ng pansin at nagpatuloy sila sa paglabas ng hall

John Carlo: Ah secretary napagisip isip ko na mula ngayon eh kasama nyo na ako sa tower na ito, ang sabi sa akin ni Papa eh
habang maaga pa ay subukan ko na daw magmanage ng isang branch natin para sa ganun ako na ang papalit sa kanya, ano sa
palagay mo secretary?
Secretary Officer: Young Master wala naman po ako nakikita problema dito para sa akin maganda po na dito kayo magumpisa bukod
sa ito ang pinakamaliit na branch eh nakakasiguro po ako na hindi kayo mahihirapan dito
John Carlo: Sige, Oo nga pala kailangan ko ng 2 unit kung maari eh hindi gaano kalaki para sa akin at yung isa eh para sa 2 tao
Secretary: Makakaasa po young master, kailangan nyo din ba ng security sir?
John Carlo: Sa akin kahit wag na, tatanungin ko na lang sya kung gusto nya
Secretary: Young Master may kailangan pa po ba kayo ipaayos?
John Carlo: Wala na....oo nga pala gusto ko makita ang employee list mula sa ibat ibang department lalo na ung sa trade department
Secretary: Sige po young master ibibigay ko po mamaya
John Carlo: Yun lang makakaalis ka na

At nagpaalam na ang secretary officer at lumabas na sya sa office ni John Carlo, Si Francis naman ay umakyat na ng 19th floor
para tulungan ang kasama nya sa paglilinis

Francis: Sir kanina po sa session hall may nakita ako kasama ni Secretary, narinig ko tinatawag nyang young master yung lalaki
Co-worker 1: Ah baka si Young Master John Carlo yun ang anak ng Chairman ng Red Dragon Business Empire
Francis: Wow, sya pala yun buti na lang at maayos ako bumati sa kanila
Co-worker 1: Bakit kaya sya nandito?
Francis: Ewan ko pero sa pinaguusapan nila parang napadaan lang ata sila dito
Co-worker: Ah baka kasama nya yung fiance'nya, ay maari mo ba kunin yung ibang gamit dun sa itaas dun sa may rooftop
Francis: Sir may problema po, hindi ko pa kasi nalilibot itong buong tower at ngayon lang ako nakapunta dito sa floor na to
dahil wala po yung kasama nyo
Co-worker: Hahahahaha oo nga pala ang mga baguhan hanggang 10th floor lang pala muna, o sige paglabas mo ng pinto sa gawing kanan
yung fire exit sa tabi nun paakyat yun sa rooftop at makikita mo yung storeroom ng mga utility II nandun mga ibang gamit ko
Francis: Ah may room din pala kayo dun sige sir kunin ko muna

Lumabas muna ng room si Francis para umakyat ng rooftop at nahanap naman nya ang paakyat sa rooftop, pagakyat nya natatanaw nya
ang magandang view

Francis: Wow! ang ganda pala dito tanaw mo lahat grabe ang ganda dun sa lugar na yun ah, matagal ding panahon mula ng huli ako
umakyat sa rooftop

Sa paglilibot ng kanyang mata napansin nya na may kasama pala sya sa rooftop at parang tulala at malayo ang tingin, hindi na
lang nya binati at dahan dahan na lang sya pumunta sa storeroom para kunin ang mga gamit at marahan na lang bumaba ng rooftop
at bumalik sa kasama nya

Francis: Sir heto na po ang mga gamit na pinapakuha mo
Co-worker 1: Halika at tulungan mo ko dito hawakan mo nga itong tubo at hihigpitan ko

Nagpatuloy sa trabaho ang binata, pero yung nakita nya sa rooftop ay iniisip nya pakiramdam nya parang matagal na nyang
nakita yun ilang sandali pa ang lumipas ng tinanong nya ito sa kasama

Francis: Sir pwede magtanong?
Co-worker 1: anu yun?
Francis: kanina po kasi pag akyat ko sa rooftop may nakita ako babae dun at parang tulala eh
Co-worker 1: Huh?! sigurado ka?!
Francis: Opo sir medyo hindi ko sya makita ng harap harapan pero maganda ang buhok nya at palagay ko sa side ng mukha nya parang maamo
Co-worker 1: Francis wag ka magbiro ng ganyan ah bawal kaya pumunta mga hindi staff ng tower na ito dun sa rooftop
Francis: Hala?! teka sir babalik ako baka tatalon yun sa palagay ko hindi sya empleyado dito sa tower
Co-worker 1: teka sasama ako mahirap na kung mag isa ka

At tumakbo sila paakyat ng tower, at pag akyat nila wala silang nakitang babae

Co-worker 1: Nasaan sinasabi mong tao?
Francis: Ah eh nandyan siya kanina nakatayo malayo pa nga ang tingin eh
Co-worker 1: Alam mo kinikilabutan lang ako sa sinasabi mo eh tara na nga at bumaba na tayo baka anu pa makita natin
Francis: Pero sigurado ako nandito sya kanina
Co-worker 1: report na nga natin yan, tagal ko ng pinaparequest na lagyan ng cctv yang rooftop na yan eh

Secretary Officer: Young Master heto na po ang mga listahan ng mga empleyado dito
John Carlo: Salamat ah oo nga pala gusto ko din malaman ang mga transaction record ng red dragon at montemayor empire
Secretary Officer: Ah sir tungkol sa bagay na yan para saan po ninyo gagamitin para sa ganun may remarks po ako mailalagay
John Carlo: Pag aaralan ko lang ang shipping ng mga trades, may problema ba dun?
Secretary: Wala naman po young master
John Carlo: Sa ngayon yun lang at maya maya aalis na ako lagay mo na lang sa magiging office ko mga hiningi ko
Secretary: Sige po young master at mag ingat kayo sa pag uwi

Lumipas ang buong araw at uwian na rin nila Francis, naisip nyang kumain kaya nagpunta sya sa isang food shop kung saan
tindang pinoy ang makakain

Cashier: Magandang araw sayo, anu po order nila
Francis: ahm bigyan mo ko ng isang palabok at samahan mo na rin ng fishball at kwek-kwek
Cashier: Yun lang po ba?
Francis: Oo yun lang buti na lang at may ganitong tindahan nakakamiss din kasi ang pagkaing pinoy eh
Cashier: Ah sir sorry pero wala kaming palabok, suggest ko sir eh mag mami na lang kayo
Francis: Ganun ba? sige take out na lang
Cashier: Ok sir heto na po
Francis: Salamat

At umalis na si Francis para sa park kumain habang hinihintay lumubog ang araw

Francis: teka irecord ko nga tong gagawin ko para maipakita ko naman kila tita

At nagumpisa ng kumain si Francis habang kinukunan ang sarili.

Francis: (Nagsasalita sa harap ng camera) Ahm nandito ako ngayon sa isang park medyo malapit lang sa bahay at heto kakain ng mami at kwek kwek hahaha nasa
Italy pero pagkaing pinoy ang kakainin...tita may nagtitinda kasi dito ng pagkaing pinoy, ayun ung tindahan puro pinoy din
ang nasa loob nyan kaya akala mo nasa carinderia ka medyo sosyal nga lang ng konti

Hindi napansin ni Francis na nahagip ng camera ang babaeng nakita nya sa rooftop na pumasok sa tindahang pinagbilan nya ng
pagkain

Cassandra Althea: Hi sis kamusta na?!
Cashier: Cassey? ikaw ba yan?!
Cassandra Althea: Ako nga sis! kamusta na?!
Cashier: Cassey!!!!!!! grabe after 6 years tagal mo hindi nagparamdam ah kala ko nga kinalimutan mo na ako
Cassandra: Althea: Im sorry sis long story kasi mula ng umalis ako sa Pinas, Kamusta pagmamanage ng shop?
Cashier: heto ok naman, grabe parang lalo ka pa gumanda ah sis buti andito ka sa Italy at napasyal ka dito nakakatampo ka
best friend mo ko pero pakiramdam ko tinaguan mo ko
Cassandra Althea: Sorry na po wag ka mag alala at ikaw pa rin naman ang best friend ko hayaan mo magkukwento ako sayo
pag may free time tayong dalawa
Cashier: What do you mean? dont tell me?....
Cassandra Althea: Yup! dito ako magpapatuloy ng study
Cashier: Kasama ba sya?
Cassandra Althea: Well anu pa nga ba magagawa ko kung pwede lang tumanggi sa una pa lang ginawa ko na
Cashier: Ok anyway masaya ako at nagpakita ka sa akin bruha! kala ko nagbago ka na eh...down to earth ka pa rin
Cassandra Althea: Hahaha isang palabok nga dyan sis
Cashier: haay naku sorry sister at wala kaming palabok at ikaw ang pangalawang nireject ko ng ganyan yung una ayun kakaalis lang
Cassandra Althea: Talaga? o sige kwek kwek na lang at anu ba maganda ipangtapat dyan sa kwek kwek?
Cashier: Well since kaw ang second na umorder ng wala gayahin mo na lang yung order nung nauna sayo mami at yang kwek kwek
Cassandra Althea: Hahahaha sige na nga libre ba yan?
Cashier: Ay grabe ngayon lang nagpakita ang prinsesa ng kagandahan at nagpalibre pa o sya anu pa magagawa ko
Cassandra Althea: Regards mo ko kay tita ah
Cashier: Oo ba matutuwa yun at nagkita tayo, heto na enjoy eating pinoy food
Cassandra Althea: Naku sis paki take out at babalik na ako sa tower hinihintay na nya ako eh
Cashier: Ok sayo lang to ah, wag mo bigyan yun
Cassandra Althea: Ikaw talaga hahahaha

At lumabas na ng food shop si Cassey para bumalik sa red dragon tower, pagbalik nya nakita nyang naghihintay na ang mga security group ni John carlo,
sakto naman ang paglabas ng tower ni John Carlo ng makita syang sakay ng taxi

John Carlo: Hi honey! kamusta pamamasyal? at anu yang dala mo?
Cassandra Althea: Ah heto binili ko dun sa shop ng best friend ko mga street foods namiss ko eh
John Carlo: What? street food? come'on hindi ka na dapat kumakain nyan remember you are the princess, akin na at baka marumi
pa yan
cassandra Althea: Pero gusto ko kumain eh masama ba?
John Carlo: Yes, masama at hindi bagay sayo kumain ng mga mumurahing pagkain, san mo gusto pumunta?
Cassandra Althea: Wala gusto ko ng umuwi
John Carlo: Ok sa ngayon dun tayo umuwi sa isa sa hotel na hawak natin at bukas sa condo na tayo dont worry two units ang
pinakuha ko at tag isa tayo
Cassandra Althea: Ok

Walang nagawa si Cassey kundi sundin lagi ang mga sinasabi ni John Carlo, sa loob ng maraming taon halos hindi na nya magawa
ang mga gusto nya mula ng pinagkasundo sila ng kanilang mga magulang

Part 2

Patuloy lang ang buhay kung saan maayos at masaya nabubuhay si Francis napagsasabay nya pag aaral at trabaho, hanggang dumating ang isang araw, nasa bahay lang sya naisipan nya ayusin ang mga lumang gamit nya nung nasa pinas sya...

Marjorie: wala ka ata magawa at naisipan mo buksan ung ilang gamit mo nakatambak ah

Francis: Oo eh baka may mapakinabangan pa ako sayang naman

Marjorie: sige d na kita aabalahin ayoko rin ng alikabok eh hikain pa ako

Francis: ge te medyo magtatagal pa ako dito eh

Marjorie: Aalis pala kami maya nag aaya kuya mo na mamasyal, sama ka kaya tutal wala ka naman ginagawa

Francis: Wag na siguro, d ko trip mamasyal eh hahaha

Marjorie: Sige ikaw bahala lagi naman eh since part 1 hindi ka na sumama sa amin

At natawa na lang si Francis, sa kalagitnaan ng pagkakalikot nya sa mga dating gamit nya naalala pa nya mga panahon nung nasa pinas sya lalo na ung magkasama sila ng bestfriend nyang si Arjay, napapangiti na lang sya sa tuwing may maalala gang sa may makita sya isang kahon...Kahon na ang laman mga alaala ng isang taong d nya akalain magiging bahagi ng buhay nya...

Francis: (nakangiti) hahahaha high school memories ko to mula sa isang babae, kamusta na kaya sya, grabe kung sa iba parang basura na lang ito, may sulat pala sya sa akin na d ko tinapos basahin, at ung bracelet nya na dapat ibabalik ko sa kanya...

Francis

Sa mga oras na to siguro magaling ka na, patawarin mo ko kung sa pagdilat ng mata mo wala ako sa tabi mo, maraming salamat sa pagligtas sa akin at patawad ng dahil sa akin nadisgrasya ka, sumulat ako dahil nagkaroon ng problema ang aming pamilya, nagkasundo mga magulang namin sa isang fixed marriage para lang maisalba ang negosyong pinaghirapan ng magulang ko, sa totoo lang ayoko gawin ito pero no choice ako dahil maraming tao ang umaasa sa aming negosyo...gustung gusto ko sabihin sayo na ang daya mo mahal mo na pala ako hindi mo sinasabi, gustung gusto kita sampalin at sabihin na ang selfish mo...pero alam ko hindi ko na magagawa un dahil sa mga oras na to nasa malayong lugar na ako kasama ang aking magiging kabiyak...Francis magpagaling ka ah at sana isang araw kung magkita man tayo muli gusto ko sana kwentuhan mo ko, gusto ko sana sa isang lugar kung saan maraming alitaptap na nagliliparan hindi pa kasi ako nakakita nun eh sabi ni daddy maganda daw pagmasdan un, dun kaya sa lugar kung saan mo ko dinala marami bang alitaptap dun? hindi ko na rin alam kung makakuwi pa ako dyan sa pinas, hangad ko na sana gumanda ang iyong buhay at maraming salamat minahal mo ko kahit mahal kita, hindi ko na masasabi syo. maraming salamat sa mga alaala

hanggang sa muli...

Cassey

Pagkatapos mabasa ni Francis ang sulat hindi nya alam ano ang magiging pakiramdam nya, pero isa lang sigurado isang nakakapanghinayang ang nangyari, lumabas si Francis sa basement nila dala ang kahon at dinala sa kanyang kwarto...

Francis: Kamusta na kaya sya? Ilang taon na ang lumipas sigurado ako masaya na rin sya kung nasaan man sya, Ok na rin ang nangyari siguro...siguro dapat maging open na ako sa ibang bagay para makalimot na rin ako...

Isang Umaga ang dumating...

Marjorie: Morning...kain ka na at baka malate pa kayo

Francis: Malalate na nga ako, sa school na ako kakain medyo bz lang kasi eh

Marjorie: Ganun ba teka wait mo lang baunin mo na to para makakain ka pag may time ka

Francis: Wag na te, bye....

At nagmamadaling lumabas ng bahay si Francis papasok sa kanyang school. Nang makarating sa school si Francis napansin nya ang isang babae may problema sa kanyang bisikleta at hindi naman nagdamot si Francis na magbigay ng tulong

Francis: Mukhang nabutasan ka ng gulong ah alam mo ba paano ayusin yan?

Abby: Hi! ahm hindi nga eh bad vibes ata ngyong araw

Francis: Hahahaha badtrip yan anyway since iisa lang school natin gusto mo gawin natin maya ng mga 12noon un lang ksi time na libre ako eh...ako pala si Francis dba ikaw ung sa isang food shop na ang tinda puro pinoy?

Abby: ah eh oo sa family namin ung shop na un teka madalas ka ba bumili sa amin? abby pala name ko

Francis: Hahahaha oo pag nasa work ako dun ako bumibili bago umuwi lika ipark natin bike mo maya kita tyo dala ko ung gamit para maayos yan

Abby: Thanks a lot ah nagtaka nga ako bakit Filipino ang salita mo eh hahaha

Francis: Wala un nu ka ba tayo lang din magtutulungan namukhaan lang kasi kita hindi ko alam na dito ka rin pala nag aaral ano course ang kinukuha mo

Abby: Ahm Culinary Arts ikaw ba?

Francis: Law ako eh

Abby: wow ang dugo sa utak siguro nyan hahaha

Francis: hindi naman slight siguro hahaha o sige kita na lang maya ah ingatz

Abby: yeah sure next time na bibili ka sa amin may discount ka hahaha kala mo makakalibre ka ah

Francis: ganun ba hahaha sayang sige bye muna...

At lumipas ang isang araw nagkaroon ng bagong kaibigan si Francis sa katauhan ni abby...

John Carlo: Hon baka hetong ilang araw eh wala ako marami pinapaasikaso si papa at kailangan ko pa pag aralan ung ilang shipping documents sa pagitan ng montemayor at ng red dragon, ok lang ba syo na si mommy muna ang makakasama mo?

Cassey: Ok na ako wag mo ko intindihin kaya ko naman sarili ko siguro kahit Butler na lang kasama ko nakakahiya sa mommy mo


John Carlo: ganun ba? sige maghahabilin na lang ako sa butler natin para alam na nya gagawin nya, nga pala babalik tyo ulit kay Dr. Gero para sa improvement mo

Cassey: Pwede bang next time na lang hindi kasi maganda nagiging effect ng procedures na ginagawa nya pakiramdam ko binibiyak ulo ko eh

John Carlo: Hindi kasi pwede hon, effect talaga yan after ng procedures bago tayo ikasal dapat magaling ka na

Cassey: haaay pakiramdam ko normal naman pakiramdam ko bukod sa sumasakit ulo ko

John Carlo: Konting tiis lang hon gagaling ka din. Ahm Miss Castro kayo na bahala sa kanya lilipat na ako sa kwarto ko

Miss Castro: Sige po young master good night po

John Carlo: Goodnight Hon

Hahalikan sana nya si Cassey pero nakita nya ang reaction ng mukha nito kaya d na nya tinuloy at pumasok na sya sa kanyang kwarto.

John Carlo: Sisiguraduhin ko magaling ka na bago tayo ikasal Cassey para sa ganun wala akong magiging problema...

Isang panibagong araw na naman ang dumating...naisipan ni Francis na isuot ang bracelet ni Cassey

Francis: Matagal ko ng hindi nausot ito, hmmm umpisahan natin ang umaga na suot ko ito

At habang paalis sya papunta sa school isang matandang lalaki ang kanyang nakita at binati nya ito ng maganda umaga at nakangiti namang binati si Francis at bago sila maghiwalay ng tuluyan nakita nya ang bracelet ni Francis...

Old Man: Ang ganda naman ng suot mong bracelet hijo medyo may kalumaan nga lang parang napagiwanan ng panahon

Francis: Ah salamat po lolo hmmm medyo luma na nga po ito at sa dating kaibigan ko po ito eh

Old Man: Ganun ba hahahaha bihira na lang ako makakita ng isang tao pinapahalagaan pa ang isang bagay na mula sa isang tao, o sige hijo at malayo pa lalakarin ko...

Francis: Ingat po kayo lolo...

At tuluyan ng nagkalayo ng landas ang dalawa

Old Man: Hindi ko akalain na makikita ko ang bracelet of the Gods, walang duda sa nakita ko, akala ko sa matagal ko ng pamamalagi dito sa mundo ay tuluyan ng nawala ang bracelet kung saan walang sinuman may gustong mag may ari...
 
Last edited:
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

up up waiting sa update :)
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

Wait lang po kayo nakakabwisit kasi mga tv network kasi ung idea ko tumutugma sa mga bagong ipapalabas nila, bilang author po nito ayoko ko po maquestion ang credible ko kasi masasaktan ako so para maiwasan un need ko palitan lahat although sabi ko sa inyo is buo na talaga ito pero dhil sa tv need ko ireplace ang majority scene sa imagination ko... sana maintindihan nyo po maraming salamat po.

Give me two days magiiba lang ako ng style at seriously need ko ibahin ang imagination ko lalo na ung mga part na napapaluha ako pag naiisip ko ung mga scene na un (sana maluha din kayo pag nabasa nyo na) basta two days start bukas
 
Last edited:
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

sige boss maraming salamat. wag kang mag alala buo ang suporta namin sayo at sa kwento mo.
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

ayus boss..thanks
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

oo nga boss copy paste lang sila sa ideya mo hayaan mo atleast sayo naman galing ikaw ang original boss keep it up!!
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

Still waiting sa update ni boss. Sana ipost na yung kasunod ��
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 4

eto na sya.. TS galingan mo ha. Kaya mo yan :) pati gf ko inaaway n ako kasi tagal tagal n daw di nassundan at araw araw nya pinapasilip d2 sa symbianize ung latest part. haaha
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 5

PART 5

Panibagong araw na naman ang nagsimula at naglalakad si Francis patungong school, suot nya ang bracelet at malalim ang kanyang iniisip.

Nang nasa loob na sya ng school napansin nya amg isang binatilyo na nakatayo malapit sa entrance area nakatitig sa mga estudyante nagpapasukan, pinagmasdan nya lang ito habang papalayo

At nakita nya si Abby na pinapark ang kanyang bisikleta

Francis: Morning...kamusta na bike mo?

Abby: Uy ikaw pala morning din heto ok na ok na sya, kaw kamusta ka?

Francis: Ganito pa rin oh pano kita kits na lng ulit if may problema ka sa bike mo, sabihin mo lang sa akin ah basta may discount ako sa shop nyo

Abby: HAHAHAHA oo sige ingat ka

Habang naglalakad palayo si Francis, may pahabol pa sya sinabi at kumakaway

Francis: Masarap pala ung goto na nabili ko nung isang araw

At napansin ni Abby ung bracelet na suot nya

Abby: Oo salamat...( pakiramdam ko nakita ko na ung bracelet na suot nya?), siguro baka saan ko lng nakita un

Nasa classroom na si Francis ng nakita nya ulit ung binatilyo at may kausap sya isang lalaki na parang nakikiusap sya.

Natapos ang ilang oras vacant time ni Francis ng maisipan nya tumambay sa ilalim ng mga puno at nakita nya ung binatilyo na nagwawalis, ng makita nya na may kumakalkal sa bag nya at may kinuha. Agad naman kumilos si Francis para bawiin sa mga estudyante ung kinuha nila

Francis: Ahm sayo ata itong mga gamit nakita ko ksi kinalkal nila bag mo dun habang nagwawalis ka

Young Man: Naku salamat, buti na lang at nakita mo, maraming salamat talaga ah

Francis: Naku wala un madalas talaga ako tumatambay dito at nakita ko lang ahm working student ka pala

Young Man: ahm oo need ko kasi pagkakakitaan eh, ako pala si Tony

Francis: Francis isa akong Law student ikaw ba?

Tony: Ahm high school student ako

Francis: Matagal ka na ba working student? kasi ako rin eh katulad mo as a maintenance crew naman

Tony: Talaga? saan naman?

Francis: Sa Red Dragon Empire

Tony: Teka dba yan ung pinakamalaking company sa mundo?

Francis: Oo eh

Tony: Uy baka pwede rumaket dyan kung may vacant position

Francis: Hahahaha hindi ko alam pero promise pag meron sabihan kita agad

Tony: Sabi mo yan ah, uy teka may baon ako marami akong dala tara samahan mo ko kumain

Francis: Huh? ah eh sige mapilit ka eh hahahaha

At nilabas nga ni Tony ang kanyang baon isang malaking baunan na pwede kumain ang 3-4 na katao

Francis: Ang laki naman ng baunan mo ikaw lang kakain nyan?

Tony: Oo kulang pa nga sa akin ito eh dahil andyan ka at tinulungan mo ko hayaan mo ko hatian ka sa baon ko

Francis: Hahahaha o sge dahil mapilit ka hati tyo sa baon mo

At kumain sila pero sa unang subo pa lang ni Francis hindi sya nasarapan at sobrang alat pero ng tignan nya si Tony ganado at masaya sya sa baon na dala nya

Francis: Bakit parang nasasarapan pa sya sa baon nya eh sobrang alat kaya, teka try ko ung iba baka heto lng ung maalat

Ngunit tulad sa unang nakain nya ung sinubukan nya at ubod naman ng asim, at sumubok pa rin sya pero hindi kaaya aya ang lasa ng pagkain pero si Tony ganado at talagang nasasarapan sya sa kanyang baon.

Tony: Masarap ung baon ko dba? Luto yan ng nanay ko, minsan sama ka sa bahay makikita mo ang galing magluto ng nanay ko

Francis: Talaga? ahh cge minsan pasyal ako sa bahay nyo medyo busog na rin ako salamat sa baon mo ah

At habang kumakain sila may ilang estudyante ang naglapitan sa kanila at may tira silang pagkain.

Student1: Tony may sobrang pagkain ako gusto mo sayo na?

Tony: Uy sige mukhang masarap yan ah

Student2: Heto rin Tony d ko naubos sayo na

Tony: Uy salamat ah

At nagtataka si Francis bakit parang may hindi tama sa nakikita nya

Student1: Heto oh lapag ko na sa lupa
Student2: Heto rin oh

At ng kukunin na ni Tony ung mga tirang pagkain, nakangiti ang mga estudyante at bigla sinabuyan ng buhangin gamit ang kanilang mga paa ang pagkain. At nabigla si Francis

Tony: Naku sayang naman ung pagkain

Students: Naku sorry namanhid kasi ung mga paa namin kasi galing kami sa practice eh sayang sobrang sarap pa naman nun

Alam ni Francis na sinadya talaga gawin un pero ng tignan nya si Tony dinampot nya pa rin at tsaka nya hinugasan ang pagkain at nilagay nya sa malinis na baunan nya. Nakangiti pa rin si Tony at nagpasalamat sa mga nagbigay

Tony: Salamat sa pagkain ah

Students: Naku wala un sige pakabusog ka ah

At umalis na ang mga estudyante at naiwan sila Francis

Tony: Sige kuya una na ako sayo ah may gagawin pa kasi ako eh

Francis: Teka ung pagkain bakit mo pa dinampot un kahit marumi na at hingusahan mo pa

Tony: Hayaan mo na kuya d naman gaano nalagyan ng dumi eh tsaka pwede pa, sa susunod na araw dun tyo sa bahay ah

Francis: sigurado ka ba hindi na ata safe kainin yan? ah sige wala ako pasok nun

Tony: sige kuya hanggang sa muli

At tuluyan na iniwan si Francis na nag aalala sa kanya. Natapos ang isang buong araw at naisipan nya pumunta sa isang plaza, nakita nya si Tony na naglilinis ng mga sapatos at lumapit sya ng kaunti at pinagmasdan nya, nakita nya ung baunan na pinaglipatan ng maruming pagkain at malapit na maubos.

Tony: Sir ok na po ang sapatos nyo ok na po ba ang ganitong kintab?

Customer: aba oo nga ah makintab nga dahil dyan dadagdagan ko ang bayad ko at masipag ka oh heto kita tyo sa susunod na araw

Tony: Naku sir maraming salamat po hayaan nyo po sa susunod mas iigihan ko pa ang paglilinis ng sapatos nyo andito lang po ako lagi sa lugar na ito

At iniwan na sya ng customer ng may lumapit na isang lalaki ulit at binigyan ni Tony ng pera at umalis agad ito

Francis: Sino kaya ung lalaki na un at bakit binigyan nya ng pera?

Umalis na si Tony at naglakad na ito, sinundan naman ni Francis dahil sa curious sya sa buhay ni Tony

At nakarating sila sa bahay ni Tony at nagtago ulit si Francis.

Francis: Kung pagbabasehan ung bahay hindi naman sila ung masasabing kapos sa pera pero bakit ganun na lang magtrabaho si Tony?

Tony: Nanay andito na po ako, hmmmmmm ang bango naman ng niluluto nyo nay

Tony's Mother: Oh andyan ka na pala sakto tapos na ako magluto magpalit ka na ng damit at kumain ka na rin

At sa malayo tanaw ni Francis na masaya si Tony. At tsaka na nya napagpasyahan na umalis na.

Sa kabilang dako...

Si John Carlo ay may kausap sa phone, at sa kalagitnaan ng kanilang usapan lingid sa kaalaman niya ay may nakikinig at ito ung personal butler ni Cassey mula sa Montemayor Empire na ngunit ilang saglit pa ay bigla na lang ito nalaslasan ng leeg ng isang assassin.

John Carlo: Nararapat lang sa kanya yan dahil ang mga hindi na dapat malaman ay dapat lihim lang, kayo na bahala dyan at gusto ko malinis

Assasin: Masusunod po young master.

John Carlo: Ngayon maayos natupad ang ilang plano ilang panahon naman at matatapos na rin ang procedure ni Cassey at agad namin idadaos ang kasal.

At may tumawag ulit sa phone nya mula sa Pilipinas.

Research Team: Young Master may nalaman kaming ilang information buhat sa ahensya ng gobyerno. Si Christian po ay lumipad dyan ayon po sa isang record. Nangalap din kami ng information mula sa school na pinasukan ni Lady Thea na may isang insidente na muntik pala itong masagasaan, at bilang pasasalamat ng pamilya Montemayor ung nagligtas kay Lady Thea ay tinayuan ng isang rebulto na nakapanglan kay Francis Santos ngunit sa kasamaang palad wala kaming makitang larawan nung Francis at hinanap namin ang kanyang pamilya at nalaman nmin na ulilang lubos pala ito, at ang kumupkop sa kanya ay wala na sa lugar na ito.

John Carlo: Si Christian pumunta dito sa Italy? ano pakay nya at bakit hindi ko nalaman un?

Research Team: Paumanhin po young master ngunit nalaman po namin ito huli na at nakabalik na rin po si Christian dito sa Pilipinas, siguro po business trip lang po iyon

John Carlo: Sige ipagpatuloy nyo lang ang paghahanap at kung may malaman kayo lalo na sa hinahanap natin ipagbigay alam nyo agad

Research Team: Makakaasa po kayo young master, sige po hanggang sa muli

At naputol na ang usapan nila sa telepono ng may bumabagabag sa isip ni John Carlo

John Carlo: Bakit pumunta si Christian ng hindi ko namamalayan? Mukhang nagmamatured na ata ang taong un...Christian ano ang pinaplano mo alam ko tutol ka sa akin para sa ate mo, magaling ka at nakapunta ka dito ng hindi ko namamalayan.

TO BE CONTINUE...
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 5

salamat sa update boss :)
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 5

hitted thanks boss.keep on updating..hehehe
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 6

PART 6

Nasa Red Dragon Tower si Francis oras ng trabaho nya at tulad ng nakagawian madalas sya ang kumukuha ng mga gamit nila sa rooftop at nakita na naman nya si Cassey, makikita mo sa kanya ang layo ng kanyang tanaw at lagi sya nakapwesto sa isang lugar...

Francis: Hi Maam andito na naman po kayo ibig sabihin hindi kayo basta isang bisita lang...

Cassey: Sa malayong lugar tinatanaw ko ang isang tao, iniisip kung kamusta na sya...

Francis: huh? ano po iyon maam?

at lumapit si Francis sa pagkakataon na ito makikita na nya ng harapan si Cassey...

Francis:(habang nagsasalita sa kanyang isipan) Ang kanyang mata nakakahulog ng damdamin ganito pala sya kaganda pag tinignan mo ng harapan... ang buhok nya na sinasayaw ng hangin hindi karaniwan sa kintab ng pagkaitim... pero bakit sya malungkot? bakit lagi sya andito?...gusto kita makilala pero ang layo ng sagot mo

Cassey: Sino ka nga kasi?

Francis: Ako po si Francis isang maintenance crew sa tower na ito

Cassey: Thea na lang itawag mo sa akin ang fiancé ni John Carlo

Francis: ho?(nagulat?) kayo ang fiancé ni Sir John Carlo?

Cassey: Oo ako nga at you're fired...dahil gusto ko lang sagabal ka sa pagtanaw ko dito

Francis: Naku ma'am sorry po pakiusap po wag nyo ako tanggalin hindi ko naman po alam at ginagawa ko lang ang simpleng security measures dito sa tower

At kanina pa pala nakikinig si Miss Castro sa kanila...

Miss Castro: Lady Thea mukhang hindi nga po tama na sibakin nyo sa trabaho ang lalaking ito, ginawa lamang nya ang kanyang tungkulin

Cassey: Ok ikaw na lang ang tatanggalin ko

At kinagulat ni Miss Castro ang inasal ng kanyang alaga

Cassey: Twice na nya ako inabala dito sa rooftop mukha ba ako magpapakamatay?

At humingi ng tulong si Francis kay Miss Castro

Francis: miss pakiusapan nyo po si maam na sana wag ka ako tanggalin wala naman po ako motibo

Miss Castro: Sige na baba ka na baka mainit lng ang ulo ni Lady Thea ako na bahala syo

Francis: Sige po salamat

At bumaba na si pobreng Francis at kabado na baka mawalan ng trabaho

Miss Castro: Lady Thea ako na po ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng ating empleyado

Cassey: Nakita mo ba ung reaction ng mukha nya?

Miss Castro: ho? ahh opo Lady Thea

Cassey: Ang lakas ng loob nya hingian ako ng ID para lang makapunta dito, hahaha ngayon alam na nya kung sino ako...

Miss Castro (Nagulat): Ah...eh...HAHAHAHA?!!! sabi ko na nga na nagbibiro lang kayo Lady Thea, pero paano po yung lalaking iyon mukhang kinakabahan na sya

Cassey: hayaan mo sya para alam nya saan sya lulugar...

Samantala ang kanyang fiancé ay patuloy pa rin sa pag aasikaso sa mga bagay na matagal na nya hinahanap...ang bracelet ni Cassey, ang bracelet of the Gods, at ang pitong tagapangalaga ng prinsesa...

John Carlo: Mukhang kailangan ko bumiyahe sa ibang bansa para makita ang ilang reasearch team sa kanilang ginagawa

at nagring ang kangyang cellphone...

Underground Officer: Young Master, nakalikom na kami ng panibagong ipapalit sa mga trabahador, gusto lang po namin malaman ano po ba plano nyo sa mga wala ng pakinabang?

John Carlo: Ibaon nyo para tumibay ang tunnel nyo, at ng makita nila ang kanilang sasapitin pag d sila sumunod

Underground Officer: Masusunod po maraming salamat po young master

at isang panibagong caller na naman ang tumawag...

Red Empire HR: Young Master nais ko po sabihin na wala na po may gustong maging butler ni Lady Thea dahil sa mga insidente ng pagkamatay...

John Carlo: Wag mo ng problemahin yan bago ako umalis ang Master Butler na ang bahala sa susunod na mgiging butler ni Cassandra

Red Empire HR: Young Master ung po employee master list ng tower naipasa ko na po sa inyo sino mga dapat tanggalin kayo na lng po bahala kung may gusto kayo palitan

John Carlo: Sige salamat

at natapos na ang kanilang usapan ng may ngiti...

John Carlo: lahat ay umaayon sa gusto ko mangyari, 90% ng montemayor assets ay nasa akin na, ang kanilang empleyado ay akin na rin. Cassey habang pinapatagal mo ang hindi mo pagpayag sa pagpapakasal marami ang magsasakripisyo sayo.
 
Re: Save The Hopeless Princess PART 6

:thanks: For the effort. Isa ako sa mga masugid mong taga pagbasa.
 
PART 7

Dr. Gero: Pero Young Master si Lady Thea ay hindi pa handa para sa huling procedure

John Carlo: Matagal ako mawawala kaya after ng procedure mahaba ang kanyang ipapahinga sapat na yun para pagdating ko ang wedding ceremony na ang susunod na gagawin

Dr. Gero: Hindi ba masyado ka nagmamadali para sa procedure?

John Carlo: Binabayaran kita ng higit pa sa halaga gusto mo kaya maliit na pabor lang naman ang hinihingi ko sayo Dr. Gero

Dr. Gero: ah...eh...masusunod po young master

At lingid sa kaalaman nila naka "BUG" ang ilang kwarto na madalas pasukin ni John Carlo kaya malinaw na narinig ang kanilang usapan...

Secretary Officer: Maliwanag na may masamang balak si young master, hindi ko pa alam ang kanyang plano, magiimbestiga pa ako

Isang memo ang nakapost sa bulletin ng tower na kung saan listahan ng mga empleyado ang wala ng trabaho.

Francis: Kasama ako sa listahan at talagang tinanggal nya ako dahil sa ganung rason lang, kailangan ko ng maghanap ng panibagong pagkakakitaan para masuportahan pag aaral ko.

Habang nasa bahay si Cassey naisipan nya buksan ang tv at ang unang nkita nya ay isang balita...

News Anchor: Marami ang nagwewelga sa harap ng red dragon tower ang dahilan ay nawalan sila ng trabaho sa nasabing tower, ayon sa tagapagsalita ng red dragon empire nasa crisis daw ang branch na un at kailangan nila talaga magbawas ng ttabahador, ngunit kung titignan halos 60% ng ekonomiya ng mundo natin ay sa kanila mismo nagmumula.

Cassey: Miss Castro totoo ba itong balita? at kailan pa?

Miss Castro: Ayon sa bulletin po nung isang araw pa naglabas ng memo si young master

Cassey: Teka bakit hindi ko alam ito?

Miss Castro: Paumanhin Lady Thea pero sinadya na po ata hindi ipaalam sayo dahil baka mapasama ang balita sa inyong kondisyon

Cassey: Pumunta tayo ngayon sa tower kakausapin ko si JC

Miss Castro: Pero Lady Thea baka pagalitan ako...

At bigla lumabas ng bahay si Cassey nagmamadali sumakay ng kotse...

Maraming manggagawa ang galit na nagwelwega sa harap ng tower at sa taas naman ay pinapanood sila ni John Carlo

Officer: Young Master maraming press media ang naghihintay sa press conference at ang mga shareholders at mga stockholders ay nagsisidatingan

John Carlo: Ihanda nyo ang isang kwarto para sa committee, yung press sabihin nyo wala pa ako balak magpa press con

Officer: Masusunod po young master

Nasa kalsada si Francis ng makita nya ang mga nagwewelga, lumapit sya para makita at makialam na rin sa nangyayari

Francis: Grabe ang dami nila at talagang galit sila

Nakita nya ang isang paparating na kotse...at huminto ito sa harapan ng tower kung saan nagwewelga ang mga nasisante, huminto muna ang mga nagwewelga at hinihintay sino ang lalabas sa kotse at ng makita nila si Cassey

John Carlo: Teka?! ano ginagawa ni Cassandra sa harap ng nagwewelga?! ANO PA TINUTUNGANGA NYO DYAN BUMABA NA KAYO AT IPASOK NYO SI CASSANDRA DITO BAKA MAPANO PA SYA!!!

At mabilis na nagsitakbuhan ang mga ilang guard para sagipin si Cassey...

Mga Nagwewelga: Teka dba sya ung fiancé ni John Carlo?!

Mga Nagwewelga: Oo sya nga un madalas ko makita sa loob yan

Mga Nagwewelga: IBALIK NYO KAMI SA AMING TRABAHO MGA WALA KAYONG PUSO!!!

Cassey: Huminahon po kayo, hayaan nyo po ako kausapin si JC para makabalik kayo sa inyong trabaho

At may ilang bumabato na sa kanya ng itlog, pinipilit sya awatin ni Miss Castro pero nagpupumiglas ito

Cassey: Bigyan nyo po ako ng ilang panahon para maayos ang crisis na ito pinapangako ko pk sa inyo na tutulungan ko kayo

Ngunit dahil sa ingay hindi sya marinig kahit nagsisisigaw na sya at nag umpisa na syang batuhin ng itlog, bulok na kamatis, at mga papel naiilagan pa nya at patuloy pa rin sya sa kakasigaw ngunit hindi na sya marinig at dumagsa na ang napakaraming binabato sa kanya at hindi na nya kayang ilagan pa, napaupo at yumuko na sila ni Miss Castro...

Nang makita nila may isang lalaking dumating para protektahan siya sa mga binabato sa kanila nakaspread ang kamay nito at sinasalo ang bawat itlog at kamatis na may kasamang galit...

Nakita ni Cassey ung lalaking naging panangga niya, kitang kita nya ung mukha nito na puro itlog at iba pang bagay, kilala nya ito at hindi sya makapaniwala.

Dumating ang mga guard ng tower at sinagip sila nito papasok sa tower, naiwan ung lalaking unang sumagip sa kanya...

Cassey: Ung lalaki na un niligtas nya ako, sinalo nya lahat ng galit ng mga tao...

John Carlo: Hon ok ka lang ba nasaktan ka ba? bakit ka ba pumunta dito?

Cassey: Bakit mo ginawa un?! Bakit mo sila tinanggalan ng trabaho, wala ako alam sa plano mo

John Carlo: Hon nasa crisis ang tower kailangan natin magtanggal

Cassey: Hindi ako naniniwala sayo Carlo!!!

John Carlo: YAN ANG HIRAP SA INYO MGA MONTEMAYOR PURO KAYO AWA!!! KAYA NGAYON WALA NA ANG MGA PINAGHIRAPAN NYO DAHIL SA AWA NA YAN!!!

Miss Castro: Young Master paumanhin po pinilit ko po sya pigilan ngunit sadyang nagmatigas sya

John Carlo: Dahil dyan Miss Castro pati ikaw tanggal ka na rin!!! You're FIRED!!!...

at bigla na lang din lumabas ng tower si Miss Castro at tumakbo ng mabilis ng umiiyak

Mga Nagwewelga: Diba isa ka rin sa natanggal bakit ka humarang?

Ngunit wala silang narinig kay Francis at nagumpisa na itong m aglakad palayo sa tower...Mula sa loob pinagmamasdan sya ni Cassey at nagtataka bakit sya niligtas nito
 
waitinnnnnnnggg.... . . . . . . . . . . . . . .
 
up up up ts.maraming salamat after 2 years kala ko wala na karugtong HAHAHA taposin niyo na po TY.
 
Back
Top Bottom