Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Save The Hopeless Princess PART 7

Part 1

Marjorie: hooy! aalis na kami hindi ka ba talaga sasama?
Francis: Hindi na mag enjoy na lang kayo ate
Marjorie's Husband: Are you sure men?
Francis: Yeah just enjoy and its your anniversary
Marjorie's Husband: Ok, hey i forgot to give you this
Francis: Oh? what is this?
Marjorie's Husband: Hahaha come'on just open it men, its our gift to you for being here for 5 years
Marjorie: Naiisip ko na bigyan ka namin ng ganyan para pag namamasyal ka eh pag gusto mo irecord ang lakad mo
para maganda naman ang recording diba?!
Francis: Wow! ate ang ganda nito ah! salamat ah, hey thank you bro!
Marjorie: Nagustuhan mo ba?
Francis: Oo naman sakto to habang nagmamasyal ako eh rerecord ko mga magagandang view dito
Marjorie: Hoy ingat ka ah,
Francis: Kayo din sige na ate at baka malate kayo sa biyahe nyo
Marjorie: Sige kaw din tawag ka na lang pag may problema ah
Francis: Ok ate

5 years na ang lumipas mula ng sumama si Francis sa ate nya, nanirahan sila sa Italy kung saan nakadestino ang asawa ng ate
nya, at dun na rin siya nag aral ng law...Kaya naman sya suportahan ng mag asawa pero gusto pa rin ni Francis na magkaroon ng
trabaho pagkatapos ng pag aaral nya sa umaga at hindi naman pinagkait sa kanya ng ate nya kaya pumayag ito hanggang kaya nya pagsabayin.
Nagtatrabaho si Francis bilang housekeeper sa red dragon business empire, may mga kapwa pinoy din na nagtatrabaho dun

Co-worker 1: Francis, pagkatapos mo dyan sunod ka na lang sa 19th floor ah umpisahan ko ng linisin yun para kahit papaano
kumokonti ang trabaho natin
Francis: Sige po sir, ayusin ko lang to tapos na rin ako maglinis dito

Umalis na ang kasama ni Francis, at patuloy lang sa paggawa si Francis at natapos din sa kanyang ginagawa ng may pumasok
sa session hall kung saan sila naglilinis

Secretary officer: Young Master biglaan po ata ang inyong pagdating at hindi man lang po kami nakapaghanda
John Carlo: Ok lang wag na kayo mag abala dumaan lang kami dito dahil galing kami sa isang meeting, si Mr. Barsolino wala pa ba sya?
Secretary officer: Ah sir may dinaan po sya pero papunta na rin po sya dito nauna lang po ako dahil galing po ako sa vacation
leave
John Carlo: Ganun ba? ok lang wala naman ako appointment sa kanya

Hindi nila namalayan na nasa sulok lang si Francis at pinagmamasdan sila, nang paalis na sana sila nakita nila si Francis at
dahan dahan naman yumuko ang binata para magbigay galang sa mga ito

Francis: Good Morning Sir

At hindi na nila binigyan ng pansin at nagpatuloy sila sa paglabas ng hall

John Carlo: Ah secretary napagisip isip ko na mula ngayon eh kasama nyo na ako sa tower na ito, ang sabi sa akin ni Papa eh
habang maaga pa ay subukan ko na daw magmanage ng isang branch natin para sa ganun ako na ang papalit sa kanya, ano sa
palagay mo secretary?
Secretary Officer: Young Master wala naman po ako nakikita problema dito para sa akin maganda po na dito kayo magumpisa bukod
sa ito ang pinakamaliit na branch eh nakakasiguro po ako na hindi kayo mahihirapan dito
John Carlo: Sige, Oo nga pala kailangan ko ng 2 unit kung maari eh hindi gaano kalaki para sa akin at yung isa eh para sa 2 tao
Secretary: Makakaasa po young master, kailangan nyo din ba ng security sir?
John Carlo: Sa akin kahit wag na, tatanungin ko na lang sya kung gusto nya
Secretary: Young Master may kailangan pa po ba kayo ipaayos?
John Carlo: Wala na....oo nga pala gusto ko makita ang employee list mula sa ibat ibang department lalo na ung sa trade department
Secretary: Sige po young master ibibigay ko po mamaya
John Carlo: Yun lang makakaalis ka na

At nagpaalam na ang secretary officer at lumabas na sya sa office ni John Carlo, Si Francis naman ay umakyat na ng 19th floor
para tulungan ang kasama nya sa paglilinis

Francis: Sir kanina po sa session hall may nakita ako kasama ni Secretary, narinig ko tinatawag nyang young master yung lalaki
Co-worker 1: Ah baka si Young Master John Carlo yun ang anak ng Chairman ng Red Dragon Business Empire
Francis: Wow, sya pala yun buti na lang at maayos ako bumati sa kanila
Co-worker 1: Bakit kaya sya nandito?
Francis: Ewan ko pero sa pinaguusapan nila parang napadaan lang ata sila dito
Co-worker: Ah baka kasama nya yung fiance'nya, ay maari mo ba kunin yung ibang gamit dun sa itaas dun sa may rooftop
Francis: Sir may problema po, hindi ko pa kasi nalilibot itong buong tower at ngayon lang ako nakapunta dito sa floor na to
dahil wala po yung kasama nyo
Co-worker: Hahahahaha oo nga pala ang mga baguhan hanggang 10th floor lang pala muna, o sige paglabas mo ng pinto sa gawing kanan
yung fire exit sa tabi nun paakyat yun sa rooftop at makikita mo yung storeroom ng mga utility II nandun mga ibang gamit ko
Francis: Ah may room din pala kayo dun sige sir kunin ko muna

Lumabas muna ng room si Francis para umakyat ng rooftop at nahanap naman nya ang paakyat sa rooftop, pagakyat nya natatanaw nya
ang magandang view

Francis: Wow! ang ganda pala dito tanaw mo lahat grabe ang ganda dun sa lugar na yun ah, matagal ding panahon mula ng huli ako
umakyat sa rooftop

Sa paglilibot ng kanyang mata napansin nya na may kasama pala sya sa rooftop at parang tulala at malayo ang tingin, hindi na
lang nya binati at dahan dahan na lang sya pumunta sa storeroom para kunin ang mga gamit at marahan na lang bumaba ng rooftop
at bumalik sa kasama nya

Francis: Sir heto na po ang mga gamit na pinapakuha mo
Co-worker 1: Halika at tulungan mo ko dito hawakan mo nga itong tubo at hihigpitan ko

Nagpatuloy sa trabaho ang binata, pero yung nakita nya sa rooftop ay iniisip nya pakiramdam nya parang matagal na nyang
nakita yun ilang sandali pa ang lumipas ng tinanong nya ito sa kasama

Francis: Sir pwede magtanong?
Co-worker 1: anu yun?
Francis: kanina po kasi pag akyat ko sa rooftop may nakita ako babae dun at parang tulala eh
Co-worker 1: Huh?! sigurado ka?!
Francis: Opo sir medyo hindi ko sya makita ng harap harapan pero maganda ang buhok nya at palagay ko sa side ng mukha nya parang maamo
Co-worker 1: Francis wag ka magbiro ng ganyan ah bawal kaya pumunta mga hindi staff ng tower na ito dun sa rooftop
Francis: Hala?! teka sir babalik ako baka tatalon yun sa palagay ko hindi sya empleyado dito sa tower
Co-worker 1: teka sasama ako mahirap na kung mag isa ka

At tumakbo sila paakyat ng tower, at pag akyat nila wala silang nakitang babae

Co-worker 1: Nasaan sinasabi mong tao?
Francis: Ah eh nandyan siya kanina nakatayo malayo pa nga ang tingin eh
Co-worker 1: Alam mo kinikilabutan lang ako sa sinasabi mo eh tara na nga at bumaba na tayo baka anu pa makita natin
Francis: Pero sigurado ako nandito sya kanina
Co-worker 1: report na nga natin yan, tagal ko ng pinaparequest na lagyan ng cctv yang rooftop na yan eh

Secretary Officer: Young Master heto na po ang mga listahan ng mga empleyado dito
John Carlo: Salamat ah oo nga pala gusto ko din malaman ang mga transaction record ng red dragon at montemayor empire
Secretary Officer: Ah sir tungkol sa bagay na yan para saan po ninyo gagamitin para sa ganun may remarks po ako mailalagay
John Carlo: Pag aaralan ko lang ang shipping ng mga trades, may problema ba dun?
Secretary: Wala naman po young master
John Carlo: Sa ngayon yun lang at maya maya aalis na ako lagay mo na lang sa magiging office ko mga hiningi ko
Secretary: Sige po young master at mag ingat kayo sa pag uwi

Lumipas ang buong araw at uwian na rin nila Francis, naisip nyang kumain kaya nagpunta sya sa isang food shop kung saan
tindang pinoy ang makakain

Cashier: Magandang araw sayo, anu po order nila
Francis: ahm bigyan mo ko ng isang palabok at samahan mo na rin ng fishball at kwek-kwek
Cashier: Yun lang po ba?
Francis: Oo yun lang buti na lang at may ganitong tindahan nakakamiss din kasi ang pagkaing pinoy eh
Cashier: Ah sir sorry pero wala kaming palabok, suggest ko sir eh mag mami na lang kayo
Francis: Ganun ba? sige take out na lang
Cashier: Ok sir heto na po
Francis: Salamat

At umalis na si Francis para sa park kumain habang hinihintay lumubog ang araw

Francis: teka irecord ko nga tong gagawin ko para maipakita ko naman kila tita

At nagumpisa ng kumain si Francis habang kinukunan ang sarili.

Francis: (Nagsasalita sa harap ng camera) Ahm nandito ako ngayon sa isang park medyo malapit lang sa bahay at heto kakain ng mami at kwek kwek hahaha nasa
Italy pero pagkaing pinoy ang kakainin...tita may nagtitinda kasi dito ng pagkaing pinoy, ayun ung tindahan puro pinoy din
ang nasa loob nyan kaya akala mo nasa carinderia ka medyo sosyal nga lang ng konti

Hindi napansin ni Francis na nahagip ng camera ang babaeng nakita nya sa rooftop na pumasok sa tindahang pinagbilan nya ng
pagkain

Cassandra Althea: Hi sis kamusta na?!
Cashier: Cassey? ikaw ba yan?!
Cassandra Althea: Ako nga sis! kamusta na?!
Cashier: Cassey!!!!!!! grabe after 6 years tagal mo hindi nagparamdam ah kala ko nga kinalimutan mo na ako
Cassandra: Althea: Im sorry sis long story kasi mula ng umalis ako sa Pinas, Kamusta pagmamanage ng shop?
Cashier: heto ok naman, grabe parang lalo ka pa gumanda ah sis buti andito ka sa Italy at napasyal ka dito nakakatampo ka
best friend mo ko pero pakiramdam ko tinaguan mo ko
Cassandra Althea: Sorry na po wag ka mag alala at ikaw pa rin naman ang best friend ko hayaan mo magkukwento ako sayo
pag may free time tayong dalawa
Cashier: What do you mean? dont tell me?....
Cassandra Althea: Yup! dito ako magpapatuloy ng study
Cashier: Kasama ba sya?
Cassandra Althea: Well anu pa nga ba magagawa ko kung pwede lang tumanggi sa una pa lang ginawa ko na
Cashier: Ok anyway masaya ako at nagpakita ka sa akin bruha! kala ko nagbago ka na eh...down to earth ka pa rin
Cassandra Althea: Hahaha isang palabok nga dyan sis
Cashier: haay naku sorry sister at wala kaming palabok at ikaw ang pangalawang nireject ko ng ganyan yung una ayun kakaalis lang
Cassandra Althea: Talaga? o sige kwek kwek na lang at anu ba maganda ipangtapat dyan sa kwek kwek?
Cashier: Well since kaw ang second na umorder ng wala gayahin mo na lang yung order nung nauna sayo mami at yang kwek kwek
Cassandra Althea: Hahahaha sige na nga libre ba yan?
Cashier: Ay grabe ngayon lang nagpakita ang prinsesa ng kagandahan at nagpalibre pa o sya anu pa magagawa ko
Cassandra Althea: Regards mo ko kay tita ah
Cashier: Oo ba matutuwa yun at nagkita tayo, heto na enjoy eating pinoy food
Cassandra Althea: Naku sis paki take out at babalik na ako sa tower hinihintay na nya ako eh
Cashier: Ok sayo lang to ah, wag mo bigyan yun
Cassandra Althea: Ikaw talaga hahahaha

At lumabas na ng food shop si Cassey para bumalik sa red dragon tower, pagbalik nya nakita nyang naghihintay na ang mga security group ni John carlo,
sakto naman ang paglabas ng tower ni John Carlo ng makita syang sakay ng taxi

John Carlo: Hi honey! kamusta pamamasyal? at anu yang dala mo?
Cassandra Althea: Ah heto binili ko dun sa shop ng best friend ko mga street foods namiss ko eh
John Carlo: What? street food? come'on hindi ka na dapat kumakain nyan remember you are the princess, akin na at baka marumi
pa yan
cassandra Althea: Pero gusto ko kumain eh masama ba?
John Carlo: Yes, masama at hindi bagay sayo kumain ng mga mumurahing pagkain, san mo gusto pumunta?
Cassandra Althea: Wala gusto ko ng umuwi
John Carlo: Ok sa ngayon dun tayo umuwi sa isa sa hotel na hawak natin at bukas sa condo na tayo dont worry two units ang
pinakuha ko at tag isa tayo
Cassandra Althea: Ok

Walang nagawa si Cassey kundi sundin lagi ang mga sinasabi ni John Carlo, sa loob ng maraming taon halos hindi na nya magawa
ang mga gusto nya mula ng pinagkasundo sila ng kanilang mga magulang

Part 2

Patuloy lang ang buhay kung saan maayos at masaya nabubuhay si Francis napagsasabay nya pag aaral at trabaho, hanggang dumating ang isang araw, nasa bahay lang sya naisipan nya ayusin ang mga lumang gamit nya nung nasa pinas sya...

Marjorie: wala ka ata magawa at naisipan mo buksan ung ilang gamit mo nakatambak ah

Francis: Oo eh baka may mapakinabangan pa ako sayang naman

Marjorie: sige d na kita aabalahin ayoko rin ng alikabok eh hikain pa ako

Francis: ge te medyo magtatagal pa ako dito eh

Marjorie: Aalis pala kami maya nag aaya kuya mo na mamasyal, sama ka kaya tutal wala ka naman ginagawa

Francis: Wag na siguro, d ko trip mamasyal eh hahaha

Marjorie: Sige ikaw bahala lagi naman eh since part 1 hindi ka na sumama sa amin

At natawa na lang si Francis, sa kalagitnaan ng pagkakalikot nya sa mga dating gamit nya naalala pa nya mga panahon nung nasa pinas sya lalo na ung magkasama sila ng bestfriend nyang si Arjay, napapangiti na lang sya sa tuwing may maalala gang sa may makita sya isang kahon...Kahon na ang laman mga alaala ng isang taong d nya akalain magiging bahagi ng buhay nya...

Francis: (nakangiti) hahahaha high school memories ko to mula sa isang babae, kamusta na kaya sya, grabe kung sa iba parang basura na lang ito, may sulat pala sya sa akin na d ko tinapos basahin, at ung bracelet nya na dapat ibabalik ko sa kanya...

Francis

Sa mga oras na to siguro magaling ka na, patawarin mo ko kung sa pagdilat ng mata mo wala ako sa tabi mo, maraming salamat sa pagligtas sa akin at patawad ng dahil sa akin nadisgrasya ka, sumulat ako dahil nagkaroon ng problema ang aming pamilya, nagkasundo mga magulang namin sa isang fixed marriage para lang maisalba ang negosyong pinaghirapan ng magulang ko, sa totoo lang ayoko gawin ito pero no choice ako dahil maraming tao ang umaasa sa aming negosyo...gustung gusto ko sabihin sayo na ang daya mo mahal mo na pala ako hindi mo sinasabi, gustung gusto kita sampalin at sabihin na ang selfish mo...pero alam ko hindi ko na magagawa un dahil sa mga oras na to nasa malayong lugar na ako kasama ang aking magiging kabiyak...Francis magpagaling ka ah at sana isang araw kung magkita man tayo muli gusto ko sana kwentuhan mo ko, gusto ko sana sa isang lugar kung saan maraming alitaptap na nagliliparan hindi pa kasi ako nakakita nun eh sabi ni daddy maganda daw pagmasdan un, dun kaya sa lugar kung saan mo ko dinala marami bang alitaptap dun? hindi ko na rin alam kung makakuwi pa ako dyan sa pinas, hangad ko na sana gumanda ang iyong buhay at maraming salamat minahal mo ko kahit mahal kita, hindi ko na masasabi syo. maraming salamat sa mga alaala

hanggang sa muli...

Cassey

Pagkatapos mabasa ni Francis ang sulat hindi nya alam ano ang magiging pakiramdam nya, pero isa lang sigurado isang nakakapanghinayang ang nangyari, lumabas si Francis sa basement nila dala ang kahon at dinala sa kanyang kwarto...

Francis: Kamusta na kaya sya? Ilang taon na ang lumipas sigurado ako masaya na rin sya kung nasaan man sya, Ok na rin ang nangyari siguro...siguro dapat maging open na ako sa ibang bagay para makalimot na rin ako...

Isang Umaga ang dumating...

Marjorie: Morning...kain ka na at baka malate pa kayo

Francis: Malalate na nga ako, sa school na ako kakain medyo bz lang kasi eh

Marjorie: Ganun ba teka wait mo lang baunin mo na to para makakain ka pag may time ka

Francis: Wag na te, bye....

At nagmamadaling lumabas ng bahay si Francis papasok sa kanyang school. Nang makarating sa school si Francis napansin nya ang isang babae may problema sa kanyang bisikleta at hindi naman nagdamot si Francis na magbigay ng tulong

Francis: Mukhang nabutasan ka ng gulong ah alam mo ba paano ayusin yan?

Abby: Hi! ahm hindi nga eh bad vibes ata ngyong araw

Francis: Hahahaha badtrip yan anyway since iisa lang school natin gusto mo gawin natin maya ng mga 12noon un lang ksi time na libre ako eh...ako pala si Francis dba ikaw ung sa isang food shop na ang tinda puro pinoy?

Abby: ah eh oo sa family namin ung shop na un teka madalas ka ba bumili sa amin? abby pala name ko

Francis: Hahahaha oo pag nasa work ako dun ako bumibili bago umuwi lika ipark natin bike mo maya kita tyo dala ko ung gamit para maayos yan

Abby: Thanks a lot ah nagtaka nga ako bakit Filipino ang salita mo eh hahaha

Francis: Wala un nu ka ba tayo lang din magtutulungan namukhaan lang kasi kita hindi ko alam na dito ka rin pala nag aaral ano course ang kinukuha mo

Abby: Ahm Culinary Arts ikaw ba?

Francis: Law ako eh

Abby: wow ang dugo sa utak siguro nyan hahaha

Francis: hindi naman slight siguro hahaha o sige kita na lang maya ah ingatz

Abby: yeah sure next time na bibili ka sa amin may discount ka hahaha kala mo makakalibre ka ah

Francis: ganun ba hahaha sayang sige bye muna...

At lumipas ang isang araw nagkaroon ng bagong kaibigan si Francis sa katauhan ni abby...

John Carlo: Hon baka hetong ilang araw eh wala ako marami pinapaasikaso si papa at kailangan ko pa pag aralan ung ilang shipping documents sa pagitan ng montemayor at ng red dragon, ok lang ba syo na si mommy muna ang makakasama mo?

Cassey: Ok na ako wag mo ko intindihin kaya ko naman sarili ko siguro kahit Butler na lang kasama ko nakakahiya sa mommy mo


John Carlo: ganun ba? sige maghahabilin na lang ako sa butler natin para alam na nya gagawin nya, nga pala babalik tyo ulit kay Dr. Gero para sa improvement mo

Cassey: Pwede bang next time na lang hindi kasi maganda nagiging effect ng procedures na ginagawa nya pakiramdam ko binibiyak ulo ko eh

John Carlo: Hindi kasi pwede hon, effect talaga yan after ng procedures bago tayo ikasal dapat magaling ka na

Cassey: haaay pakiramdam ko normal naman pakiramdam ko bukod sa sumasakit ulo ko

John Carlo: Konting tiis lang hon gagaling ka din. Ahm Miss Castro kayo na bahala sa kanya lilipat na ako sa kwarto ko

Miss Castro: Sige po young master good night po

John Carlo: Goodnight Hon

Hahalikan sana nya si Cassey pero nakita nya ang reaction ng mukha nito kaya d na nya tinuloy at pumasok na sya sa kanyang kwarto.

John Carlo: Sisiguraduhin ko magaling ka na bago tayo ikasal Cassey para sa ganun wala akong magiging problema...

Isang panibagong araw na naman ang dumating...naisipan ni Francis na isuot ang bracelet ni Cassey

Francis: Matagal ko ng hindi nausot ito, hmmm umpisahan natin ang umaga na suot ko ito

At habang paalis sya papunta sa school isang matandang lalaki ang kanyang nakita at binati nya ito ng maganda umaga at nakangiti namang binati si Francis at bago sila maghiwalay ng tuluyan nakita nya ang bracelet ni Francis...

Old Man: Ang ganda naman ng suot mong bracelet hijo medyo may kalumaan nga lang parang napagiwanan ng panahon

Francis: Ah salamat po lolo hmmm medyo luma na nga po ito at sa dating kaibigan ko po ito eh

Old Man: Ganun ba hahahaha bihira na lang ako makakita ng isang tao pinapahalagaan pa ang isang bagay na mula sa isang tao, o sige hijo at malayo pa lalakarin ko...

Francis: Ingat po kayo lolo...

At tuluyan ng nagkalayo ng landas ang dalawa

Old Man: Hindi ko akalain na makikita ko ang bracelet of the Gods, walang duda sa nakita ko, akala ko sa matagal ko ng pamamalagi dito sa mundo ay tuluyan ng nawala ang bracelet kung saan walang sinuman may gustong mag may ari...
 
Last edited:
Up mo padin ts, sayang naman.. tsaka marami kang fans dito sa symbianize
 
naku po never ko naisip na may fans ako dito, masaya lang ako na may bumabasa sa likhang isip ko. Sorry po talaga mahirap kasi gawin sa cp dahil sadyang luma na rin talaga gamit ko...magkataon lng talaga may magamit ako susulitin ko agad un
 
naku po never ko naisip na may fans ako dito, masaya lang ako na may bumabasa sa likhang isip ko. Sorry po talaga mahirap kasi gawin sa cp dahil sadyang luma na rin talaga gamit ko...magkataon lng talaga may magamit ako susulitin ko agad un

buti nagparamdam ka ts
 
Lagi naman ako nagpupunta dito eh, may teaser ako na nilabas, back read n lng kyo...sorry po talaga ulit
 
lagi naman ako nagpupunta dito eh, may teaser ako na nilabas, back read n lng kyo...sorry po talaga ulit

nung napost po ung teaser mo ts nabasako agad mainit init pa ngaun inaamag na hahaha
 
Back
Top Bottom