Hindi affected, infected po. Magpagamot ka, kasi pag hahayaan mo yan ng matagal pwedeng magkacirrhosis ang atay mo tiyak madededo ka. Take ka ng large dose of ascorbic acid, at least 2000mg every day o 1000mg sa umaga at 1000mg sa gabi, para makatulong sa pagpatay sa virus. Madaling magamot lang yan. hUWAG kang mahiya, ihiwalay mo muna mga pinagkakainan mo para di mahwa ang mga kasama mo, hanggat maari hugasan ang mga ito ng mga antibacterial dishwashing agent at dapat running water hinuhugasan para hindi lang pabalik balik ang mga virus.
Concerned citizen lang po!
Ang pagkakaalam ko po, walang treatment ang chronic Hepatitis B. Honestly speaking, ayaw ko naman pong bigyan ng false hopes ang infected ng sakit na ito.
Ang
Hepatitis B po ay isang sakit sa atay, na dulot ng pagka-infect ng virus ng Hepatitis B. Ito po ay naililipat sa mga tao, gamit ang infected na dugo, contaminated na mga needles, by sexual contact, tattooing needles, at contact sa mga body secretions tulad ng gatas at semen.
Pagka-infect mo ng hepatitis B virus, may dalang kapupuntahan lang yan. It's either ma-eliminate mo completely ang virus dahil sa response ng katawan mo, or maging chronic sya at manatili sa katawan mo.
Kapag nainfect ka na ng hepatitis B virus, may 1-6 months bago lumabas ang mga sintomas. Early symptoms po ay headache, lagnat, panginginig, panghihina ng katawan, at paninilaw ng balat.
May vaccine po ang hepatitis B, para hindi ma-infect ng virus.
When it comes to treatment, walang direct treatment ang chronic hepatitis B, mas lalo nang wala syang cure. Sabi nga ng Wikipedia, "Although none of the available drugs can clear the infection, they can stop the virus from replicating, thus minimizing liver damage. ". Kaya kapang may hepatitis B ka, may ibibigay silang gamot para mapigilan ang pagdami ng virus.
Ang
virus po ay aparte sa bacteria. Ang bacteria ay nagagamot ng antibiotics at antibacterials. Ang virus po ay may antiviral, pero pinipigilan lang po nito ang pagdami nito. Ang viruses ay self-limiting, ibig sabihin, nasa virus at sa response ng katawan, mawawala din sya. But not in all cases of hepatitis B. Minsan, nagiging chronic sya, ibig sabihin, panghabambuhay.
At, kapag pinabayaan ang hepatitis B, at hindi napigilan ang pagdami ng virus, maaari itong mauwi sa liver cirrhosis, liver cancer, and eventually, death. Kaya mas magandang ma-manage ito.
Let's clear some misconceptions here:
Take ka ng large dose of ascorbic acid, at least 2000mg every day o 1000mg sa umaga at 1000mg sa gabi, para makatulong sa pagpatay sa virus.
Taking large (in this case, very large) doses of vitamin C is not recommended by experts as these may cause kidney stones to form, in a normal person, 500mg is enough. Though vitamin C is known to be a supplement for the resistance, its efficacy in preventing viral infections is not yet established.
Madaling magamot lang yan.
Chronic hepatitis B is manageable by antivirals, however, intake of medications must be strict, and is managed for lifetime.
hUWAG kang mahiya, ihiwalay mo muna mga pinagkakainan mo para di mahwa ang mga kasama mo, hanggat maari hugasan ang mga ito ng mga antibacterial dishwashing agent at dapat running water hinuhugasan para hindi lang pabalik balik ang mga virus.
As I said earlier, antibacterial is for bacteria, antiviral is for viruses. And, ang hepatitis B po ay hindi naililipat using eating utensils, unless dumudugo ang gilagid ng gumamit nito, at ginamit kaagad ng taong may sugat sa bibig.
I may have said some hope-removing things, but still, ito din po ang sasabihin ng doctors sa inyo. Proper management and treatment of chronic hepatitis B will be successful once you accept the disease process, and accept the treatment regimen established by the doctor. For those who are not infected, you might want to have some shots of hepatitis B, to prevent the occurrence of the disease.