Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sino si devilbat?

BABALA: Ito po ay hango sa totoong kwento ng buhay ni devilbat sa symbianize. Ang maikling kwentong ito ay tungkol sa di kapanapanabik na buhay ni devilbat sa symbianize.

Sino si devilbat?

Siya isa sa mga
symbianize-contributor_zps21cdfdf4.gif
sa symbianize na:

  • supplier ebooks, mobile games at applications, reviewers, math at engineering books
  • dakilang pirata ng mga librong gawang pinoy (Bob Ong, Pugad Baboy, Kikomachine Komix, Eros Atalia) at engineering books na tatak pinoy
  • spammer sa Forum Games at sa Newcomer’s Introduction (noon :D)
  • mahilig mag update ng sariling thread
  • walang inuurungan sa diskusyon at di nagpapatalo
  • invisible mode pero laging online
  • astig, da best, hulog ng langit, mapagbigay, mabait, laging handang tumulong
  • mayabang, pinipili lang ang tinutulungan, snob, mahangin, mayabang sapagkat contributor
  • isang inhenyero ayon sa kanyang siggy

Ilan lang yan sa mga tumatakbo sa isip ng kapwa symbianizer tuwing naririnig ang pangalang devilbat sa symbianize subalit sino nga ba si devilbat?

Si devilbat ay isa sa mahigit 80 milyong madlang pipol ng ‘Pinas na kabilang sa libu-libong inhinyero partikular na sa mga inhinyera elektrika. Nagtapos sa isang sikat at malaking unibersidad sa norte. Mahilig sa online games, sports, programming, internet surfing at sumali sa forums kaya naligaw sa symbianize. Mula ng magawi sa tahanang ito naging isang tambay sa symbianize na kadalasang makikita sa section/sub-section na E-books & Audiobooks, Forum Games, Adult Zone, Android Zone, Samsung, School & Education at Non-Symbian Software Zone. Sa kabila ng pagiging busy sa pag-aaral, trabaho at review classes di pa rin nakakaligtaang maglog-in sa paboritong tahanan sa Web World. Symbianize na ang pangunahing binubuksan sa web.

2nd Feb 2011 Wed (Ang Itinakdang Araw)

>>Isinilang si devilbat sa symbianize. Tulad ng karamihan, naligaw sa tahanang ito sa pangungulit kay pareng Google tungkol sa UBT/FBT at PC Applications, sa kakulitan ko naibulgar na rin ni pare ang kasagutan sa aking mga katanungan sa katauhan ng mga forums. Matagal na ring napapabilang sa sari-saring forums at napapadaan din sa symbianize at napilitang magregister dahil sa hindi makita ang links at attachments sa mga threads. Hindi na rin naisipang tumapak sa Newcomer’s Introduction dahil isang newbie lang sa symbianize at hindi sa forum ang nasa isipan.​



3rd Feb 2011 Thu 14:52 (Unang Thread)

>>Isang araw matapos maging opisyal na miyembro ng symbianize, naisipang gumawa ng sariling thread. Ang thread na ito ay tungkol sa pag-unlock ng Huawei modems, isang repost at walang kwentang thread. Hindi lang repost at walang kwentang thread kundi closed thread pa, sa di inaasahang pagkakataon napindot ang “Close this thread after post”. Datapwat isang newbie na hindi nagbasa ng Forum Guidelines, 5 minuto makaraang magpost gumawa ulit ng bago sa dahilang hindi alam iopen ulit ang saradong thread. Ang thread ay nagtagal na mas maraming binigo kesa tinulungan, ito rin ang naging susi ng pagiging adik sa symbianize dahil araw-araw na inuupdate ang thread sa pagsagot sa kapwa symbianizers. Nagsimula din ang pagiging adik sa paggawa ng thread at naisapang ishare ang lahat ng laman ng laptop ko tulad ng maobiles games & applications, e-books, PC games & applications, reviewers at di nagtagal halos lahat ng laman ng bahay na libro. :lol:



2 (Warning Na Natanggap)

22nd Mar 2011 Tue 15:06
>>Isang masamang regalo ang natanggap sa nakakataas, napatawan ng warning na tatagal ng isang buwan para sa sms posting daw?!! Unang reaksyon? Ang buong akala ay hindi lang sang-ayon o di na nagustuhan ng nagbigay ng warning ang opinyon ko sa post na yun. Ang post ay matatagpuan sa Government & Politics ngunit ng mabasa ulit ang Forum Guidelines ay naliwanagan sa aking pagkakamali. Ito na rin ang hudyat ng pagreport sa mga nagpopost pa rin ng sms type.​



26th Oct 2011 Wed 11:40
>>Muling nakatanggap ng masamang regalo, isang warning naman sa multi-posting/spamming/flooding daw?!! Unang reaksyon? Nagtataka at nagagalit dahil ginamit ko naman ang quote button ngunit nagpost pa rin ako ng magkasunod :D, magulo ba? Di na umangal at umapela dahil ng muling basahing mabuti ang Forum Guidelines ako’y namulat sa aking pagkakamali dahil lilipas din ang isang buwan at muling mawawala ang di kanaisnais na palamuti ng aking profile. Ito rin ang naging hudyat ng mas aktibong pang pagreport ng paglabag ng ibang miyembro sa Forum Guidelines, sa una ay upang maghiganti at idamay ang ibang nagkasala ang motibo ngunit unti unting napalitan ng pagtulong sa mga nakakataas ang dahilan ng pagrereport.​



382 na araw mula ng maging Symbianizer, (Contri Na Ako :clap: :yipee:)

>>Instant? Mabilis? Ito marahil ang nasa isip ng karamihan sa kapwa symbianizers. Ano ang aking ginawa? Ginawa ko lamang po ang bukambibig na “Help & Share”, nag-upload ng sangkatutak na mobile games & applications, e-books, reviewers, konting PC Applications atbp.

Naisipan umiba sa uso sa pagshare ng link sa thread. Ang naisip na paraan na malimit ginagawa ay hangga’t maari inuupload ko dito sa site mismo sa pamamagitan ng pag-attach sa mga threads ang karamihan sa mga nashare ko (maliban sa PC Applications na di practical iattach sa site :D) sa dahilang kahit hindi na updated yung thread ko buhay na buhay pa rin ang link at para ipakita din na hindi para kumita ang prayoridad ng pagbabahagi ko (maliban sa ilang blogs ko na gumagamit ng affiliate links ngunit lahat ng nasa blog ko ay matatagpuan din dito sa site ng libre :D). Ang paraang ito ay maaaring nakakadagdag sa bigat ng site at hassle para sa ibang members pero ito ang pinakamagandang paraan upang manatiling buhay ang links maliban sa regular na pag-update ng links a file hosting sites. Kung ako man ay gumamit ng file hosting site ay aking ginagamit ang mga madadaling site na makapagDL tulad ng Mediafire at Zippyshare (diskarte lang para hindi agad madelete ang file alo na sa MF). Panatilihin din ang respeto sa ibang members at tumugon sa kanilang katanungan ng maayos pero kung hindi sapat ang kaalaman sa tinatanong ng iba marapat ng huwag makialam at umastang magaling.

Inasam ko din maging Contributor mula nang makatanggap ng unang +reputation at idinaan ko ito sa gawa at hindi sa pangungulit, garapalang paghingi, pagsigawan ang mga “bakit siya meron, ako wala; marami naman ako natulungan bakit wala akong +reputation” at kung anu-ano pang paraan ng kaepalan na ginagawa (bato bato sa langit, matamaan na ang matamaan :D). Palakasan? Sa tingin ko naman ay wala naman, isang patunay po ang account ko nagsimula sa wala pero nabigyan pa rin ng green cube. Ngunit ang pagiging Contributor ay hindi dahilan para hindi na ako maging aktibo dahil kung ano ako nung simula ganun pa rin hanggang ngayon.​




>>Ang pag-iwas sa mga section/sub-section na ito ay malaking tulong din sa pag-iwas sa gulo, warning, infraction at negative reputation. Dito kasi sa mga lugar na ito lumalabas ang tunay na kulay at ugali ng karamihan sa members. Sa mga nabanggit na lugar din (maliban sa Traditions & Beliefs kasi di pa ako nagcocomment dun hanggang ngayon) nagkaroon ng hater, kaaway o anumang tingin ng iba kay devilbat ng symbianize sa dahilang hindi nila nagustuhan ang aking opinyon, natalo sa debate o sadyang pikon lang at di marunong tumanggap ng pagkatalo o pagkakamali. Hindi ako nakatanggap ng warning, infraction o red reputation kahit madalas akong tumambay at sumali sa diskusyon sa mga lugar na ito dahil sa pagpapanatili ng respeto kahit mainit na ang usapan sapagkat ang mga thrash talkers ay alam nilang talon a sila o di kayang panindigan ang sinasabi. Ngunit ang pag-iwas sa mga nabanggit na lugar ang pinakamainam pa rin upang maiwasan din ang warning, infraction at red reputation lalo na kung immature at mainit ang ulo.​



231, (Symbianize Friendlist)

>>Marami ba? :thumbsup:, Mahigit kalahati siguro sa bilang na ito ang nadagdag sa listahan dahil sa unang customized avatar ko, epektib pala ang babaeng avatar :lol:

Di ko akalain na nakakalinlang (:hello: mga brader na kapwa tambay ng AZ :salute:) yun samantalang malinaw naman ang nakalagay na
malesymbol_zps969eb922.png
sa profile ko. Ang nakakatawa pa, marami nanghihingi ng number at nagtatanong kung totoong piktyur ko yun porke ba babae ang avatar babae din o binabae ang may-ari hindi ba pwedeng fansign, hinahangan yung pic o trip lang.:lmao:

Ngunit meron din naman mga natulungan at nagustuhan ang mga thread ko sa listahan ng symbianize friends.​



Symbianize Legend (Di Na Narating)

>>Ang huling User Title na inaasam ko ngunit hindi na narrating dahil sa ganap ng naging berdie. Walang anumang panghihinayang dahil ang kapalit naman ay pagiging isang berdie.​



6 (Thread Na May Berde) at 1 (Post Na May Berde)

>>Gulat ba kayo? Hindi po lahat ng thread ng thread na ginagawa ko ay instant na mag berde na sa katunayan po 7.5% lang po ng thread ko ang nabigyan ng positive reputation ngunit hindi ito naging sagabal sa patuloy na pagiging aktibo sa site at paggawa ng makabuluhang thread. Matagal na rin po yung huling +reputation na aking natanggap pero hindi rin ito sapat na dahilan para​



15,000 + (Bilang Ng Posts)

>>40% (Makabuluhang post sa makabuluhang thread), 20% (welcome message sa Newcomer’s Introduction), 35% (posts sa Forum Games), 5% (others)​


Salamat sa mga nagsayang ng oras para mabasa ang boring na thread na ito.
 
Binasa ko talaga. gusto ko din maging contributor haha
 
Isa ren ako sa mga nag aasam na magkaron ng rank na kulay berde :salute:
 
ANG GALING NG STORY Ni SIR DEVILBAT

natawa:lol: po ako sa
Hindi lang repost at walang kwentang thread kundi closed thread pa, sa di inaasahang pagkakataon napindot ang “Close this thread after post”.


=====================================

naka relate din ako sa
Hindi na rin naisipang tumapak sa Newcomer’s Introduction dahil isang newbie lang sa symbianize at hindi sa forum ang nasa isipan.
hehe:lol:... hindi din kasi ako nadaan dun..

sige po, icontinue ko muna ang pagbasa sa buhay ninyo..


=====================================


at nakarelate din ako sa
>>Marami ba? , Mahigit kalahati siguro sa bilang na ito ang nadagdag sa listahan dahil sa unang customized avatar ko, epektib pala ang babaeng avatar

Di ko akalain na nakakalinlang ( mga brader na kapwa tambay ng AZ ) yun samantalang malinaw naman ang nakalagay na sa profile ko. Ang nakakatawa pa, marami nanghihingi ng number at nagtatanong kung totoong piktyur ko yun porke ba babae ang avatar babae din o binabae ang may-ari hindi ba pwedeng fansign, hinahangan yung pic o trip lang
hehe
 
very inspiring! :)

mabait po yan si sir devil bat :D

Binasa ko talaga. gusto ko din maging contributor haha

Isa ren ako sa mga nag aasam na magkaron ng rank na kulay berde :salute:

ANG GALING NG STORY Ni SIR DEVILBAT

natawa:lol: po ako sa



=====================================

naka relate din ako sa

hehe:lol:... hindi din kasi ako nadaan dun..

sige po, icontinue ko muna ang pagbasa sa buhay ninyo..


=====================================


at nakarelate din ako sa

hehe


salamat po sa lahat ng nagbasa,

iupdate ko ito kapag may nadagdag na kabuluhang pangyayari sa buhay, :D
 
ayos ang istorya.kelangan ang kgaya mu dito devilbat ;)
 
:salute: Isa kang ehemplo Bro, ngayon nasa tugatog kana ng Tagumpay bilang isang Moderator at narating :hat:
 
:hat:maraming salamat sa naiambag mo sir,
magsilbing eye opener din ito sa mga nabigyan ng regalo na kapag makapgreact
eh parang di matanggap:rofl: patunay lamang ito na si sir devilvat eh may pinagdaanan din pero
hetot marami na naiambag at may ehemplo na symbianizer:thumbsup:
 
ohhh curious lang kay sir :clap:
 
I :salute: you po. Thanks for the nice story of yours.
 
nakaka relate ako dito, sir ^^
share ko rin po ung dahilan ng pagsali ko sa Symbianize. September 2 this year naghahanap ako ng source kung saan ko pwd ma i-download ung leaked photos ni Jennifer Lawrence after ko mabasa sa yahoo ung balita. (syempre! si Jennifer Lawrence kaya yun!) :lol: search ako agad sa yahoo/google pero bigo ako wala akong nakitah sa kadahilanan siguro na sariwa pa sa mga araw na iyun.. dahil sa pagiging frustrated ko nag facebook nlng ulit ako at pag log-in ko (boom!) ANC 24/7 news about Hollywood Star Leaked Photos un unang una bumulaga sa news feed ko, nung binasa ko ung mga comments at meron isa dun na nagsabi. "sa Symbianize meron" ayuuuun! dali-dali ko sineach ung Symbianze.. oo Symbianze ung na search ko wrong spelling pa pero buti nlng sa google ako nag hanap dami option at ayun na nga! nag register muna ako at na download ko na nga d ako nabigo..... YES! :yipee:
after ko i download naghanap pa ako sa AZ :D at napunta ako sa PC Applications at ayun bigla ako nag ka interest agad, inayus ko agad profile ko, gumawa ako ng sarili kong signature at avatar pero not allowed pa ako mag customize avatar nun dahil wala png isang buwan kaya un naging first goal ko dito sa Symbianize. mawala ung "New" at maging Symbianizer nalang at ma i-upload itong kasalukuyang customize avatar ko.. at hanggang nagsimula na rin akong gumawa ng thread at mag share din ng kung anu-ano sa laptop ko nakakainganyo kc lalo na pag magaganda ang feedbacks hehe mas nakaka motivate pa lalo mag share..... at sa ngaun nga nangangarap narin ako magkaroon ng green cube sa profile ko, ito na ung goal ko ngaun :excited:
un lang TS. pasensya na mahaba nainganyo lang ako naka relate kc ako sa post nyo :)
salamat TS. keep on sharing po sana marami pa kayo ma inspire.. more power sa lahat ng bumubuo sa Symbianize :clap:
 
Ang kewl mo naman TS! ;)

Natuwa ako basahin story mo. :)
 
magandang istorya mo sir Devilbat.. Electrical Engineering ako ngayon at tuwing nangangailangan ako ng reference books. devilbat lage ang keyword na ginagamit ko. :) :) :) Maraming salamat po sa inyo sir.. :salute:
 
idol salamat sa makabuluhang kwento mo sa susunod na ako mag MMK hehe..
 
isang taos-pusong pasasalamat sa mga nag-aksaya ng oras para basahin ito.:D
 
ayus do sir bat salamat sa mga laro hahahah more power:dance::clap:
 
Si Sir Devilbat ay legend na Dito sa Symb,,dami nya natulongan at isa na ako doon,,,Thanks sir for sharing!!!!
 
Saludo sayo sir devilbat! Isa ako sa mga natulungan ng pdf books mo, wala budget pambili eh hehehehe
:salute:
 
Back
Top Bottom