Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Speaking In Tongue Umiiral Pa Rin Ba?

...pero tulad nga ng sinabi, hndi natin sila ma jjudge sir. Thanks po sa repz..
,..hehe.pero hindi naman masama,but ang dapat ay wag nating dayain ang sarili,natin kc ung iba,totoo din, taz ang iba hindi,dinadaya lng nila ang sarili nila at ang holy spirit, at hindi maganda sa paningin ng Diyos,ang ganun dapat kc,ay nasa kaayusan 1cor14:26-39..
 
naiintindihan ba ng mga born again christians na gumagawa nito yung ibig sabihin nung ini speak in tounge nila or menimemorize or binabasa lang para i speak in tounge. Kasi kaming mga katoliko din daw noon ay latin ang linguwahe sa misa at sumasagot din daw ng latin yung nag mimisa kahit di alam yung meaning ng latin


Hi, Lyn. Salamat sa tanong mo :) Masaya ako dahil curious ka.

Most filipinos in Spanish times doesn't have the capacity(financial and sometimes political) to learn the language. They are just taught to speak the latin words even they don't understand it.

That is quite different when it comes to speak in tounges in the bible. As mentioned, the original purpose of this gift is to share the GOOD NEWS of SALVATION THROUGH JESUS THE CHRIST to those non-hebrew/greek speaking travellers in Israel.

Obviously, the apostles didn't know how to speak different languages, so it was a miracle/gift of God.
 
Hi, Lyn. Salamat sa tanong mo :) Masaya ako dahil curious ka.

Most filipinos in Spanish times doesn't have the capacity(financial and sometimes political) to learn the language. They are just taught to speak the latin words even they don't understand it.

That is quite different when it comes to speak in tongues in the bible. As mentioned, the original purpose of this gift is to share the GOOD NEWS of SALVATION THROUGH JESUS THE CHRIST to those non-hebrew/greek speaking travellers in Israel.

Obviously, the apostles didn't know how to speak different languages, so it was a miracle/gift of God.

To answer the question i leave this to you. The existence of Speaking in tongue is not a question, but the authenticity of one practicing the gift.

But again it is God's job to judge and not ours.
 
hindi ako naniniwal dyan meron akong napaonood na sikat na born again leader dito sa pinas nag speaking of tongue .. wala akong maiintindihan sa mga sinabi niya kaya hindi ako naniniwala.

pero sa speaking of tongue na nasa bible ay naniniwala ako.. bakit? dahil naiintindihan yun..
bakit nangyari yun? para mai preach ang gospel sa mga ibang bansa na iba ang language nila.
kaya napag kamalan silang lasing ng mga hudyo dahil hindi nila maintindihan yun pero yung ibang lugar naiintindihan nila ang mga sinasabi nila. isa iyon sa gift ng Holy Spirit
 
Yes.

is a gift from God from the works of the Holy Spirit.

Hindi mo po talaga maiintindihan kung hindi mo isinasapuso at ang pananalig mo sa Diyos, may kanya kanya tayong mga gifts po pero hindi natin alam kung pano natin gamitin. Ako, sinisikap ko pa rin na maging close ako kay God. Pero hindi ko kine-claim na magkaroon ako ng Speaking in Tongues.. Ang Diyos lang ang nakakaalam na kung tapat kang talaga sa Kanya.

Amen.
 
May mga relihiyon na nagsasabi na ang speaking in tongue ay lipas na raw at hindi na umiiral sa ngayon. Tutuo ba?

Kasi ako ng ipanalangin ng isang pastor na pumunta sa bahay namin para mag bible study. Nang ipanalangin niya ako, yung bibig ko bigla na lang gumalaw ay nagsasalita mag isa. nag iisip ako kung ano yon dahil hindi ko naman naiintindihan.

Ang sabi sa akin ng pastor, speaking in tongue. Ang sabi sa akin maganda daw na kaloob yan dahil palalakain daw nito ang aking espiritu.

At sa pagkakatipon sa mga born-again. Nakikita ko ang iba ay naggsasalita rin ng mga wika na hindi ko maintindihan. Eh ang misis ko ganon rin, nagsalita rin ng wika. Kaya nga kapag tinatanong ko siya kung naiintindihan ba niya ang pinagsasabi niya. ang sabi niya ay hindi.

Kaya tutuo pala ang speaking in tongue.

1Co 14:2 Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga.

Kaya pala hindi ko maunawaan at hindi rin maunawaan ng misis ko dahil ang espiritu pala ang nakikipag usap sa Dios.

Kaya ba naka experience na magsalita ng speaking in tongue?

Kasi may nagtuturo na lipas na raw. Kaya sa relihiyon nila, walang kaloob na magsalita ng wika na pakikipagusap sa Dios.

1Co 14:2 Sapagka't ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios; sapagka't walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga.
1Co 14:3 Datapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw.
1Co 14:4 Ang nagsasalita ng wika, ay nagpapatibay sa sarili; nguni't ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia.
1Co 14:5 Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika, datapuwa't lalo na ang kayo'y magsipanghula: at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika, maliban na kung siya'y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay.

Kung papansinin ang sinasabi ni Pablo napakahalaga rin na makapagsalita ng wika dahil patitibayin ang iyong sarili. pero nakakahigit pa rin ang panghuhula. Pero walang sinasabi si Pablo na huwag ng nasain. Pero mas dakila kung ang pagsasalita ng wika ay naipapaliwanag mo rin sa ikapapakinabang ng iglesia.


hindi ako naniniwala dito,
 
Tanong: "Ano ba ang pagsasalita sa ibat-ibang wika? Ang kaloob ba na makapagsalita ng iba't-ibang wika ay para sa panahong ito?"

Sagot: Naganap ang unang pagsasalita sa iba't-ibang wika noong araw ng Pentecostes sa aklat ng Mga Gawa 2: 1-4. Lumabas ang mga Apostol at ibinahagi ang Ebanghelyo sa malaking grupo ng tao at nakipag-usap sila sa mga ito sa pamamagitan ng kanilang sariling wika, “Paano sila nakapagsalita sa atin-ating wika tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos?” (Mga Gawa 2:11). Isinalin sa salitang Griyego ang salitang “Mga dila” bilang “Mga Wika.” Samakatwid, ang kaloob ng dila ay ang pagsasalita ng isang wika na hindi alam ng isang tao upang makapaglingkod sa iba na nakakaalam ng nasabing wika. Sa aklat ng 1 Corinto kabanata 12-14, tinalakay ni Pablo ang tungkol sa mahimalang kaloob, sinabi niya na “Kaya, mga kapatid, kung pumariyan man ako at magsalita sa inyo ng iba't-ibang wika, ano ang pakikinabangan ninyo sa akin? wala! Makikinabang lamang kayo kung ituturo ko sa inyo ang pahayag ng Diyos, ang nalalaman ko, ang mga mangyayari, at ang mga aral” (1 Corinto 14: 6).

Ayon kay Apostol Pablo, at sa pangyayari na inilarawan sa aklat ng mga Gawa, ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay mahalaga sa taong nakakarinig at nakauunawa ng mensahe ng Diyos sa kanyang sariling wika, subalit ito'y walang walang saysay – kung hindi ito isasalin sa kaniyang sariling wika. Ang taong may kaloob o may kakayahang makapagsalin ng sinasabi ng dila (1 Corinto 12: 30) ay nakakaunawa sa sinasabi ng taong nagsasalita ng iba't-ibang wika kahit na hindi niya alam kung anong klaseng wika ang ginagamit ng nagsasalita. Pagkatapos, ipapahayag ng taong nakakaunawa ang sinasabi ng taong nagsasalita sa iba't -ibang wika ang kahulugan ng mensahe para sa kaunawaan ng lahat. “Dahil dito, kailangang ipanalangin ng nagsasalita sa ibang wika na bigyan din siya ng kaloob na makapagpaliwanag nito” (1 Corinto 14: 13). Ito ang hatol ni Pablo kaugnay ng ibang wika na hindi naisasalin sa wikang naiintindihan ng lahat, “Ngunit sa pagtitipon ng Iglesya, mamasarapin ko pang magsalita ng limang kataga na mauunawaan at makapagtuturo sa iba, kaysa libu-libong salita na wala namang nakakaunawa” (1 Corinto 14: 19).

Ang kaloob o kakayahang makapagsalita ng iba't-ibang wika ay para pa ba sa kasalukuyang panahon? Binanggit ng 1 Corinto 13:8 na ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay nawala na, iniuugnay rin ang unti-unting pagkawala ng nasabing kaloob sa pagdating ng “perpekto” sa 1 Corinto 13: 10. Habang ito ang posibleng paliwanag, hindi naman ito malinaw sa teksto. Ginagamit din ng ilan ang mga talata kagaya ng Isaias 28: 11 at Joel 2: 28-29 bilang ebidensiya na ang pagsasalita sa ibang wika ay isang tanda ng nalalapit na paghatol ng Diyos. Inilalarawan din ng 1 Corinto 14: 22 na ang pagsasalita sa ibang wika ay tanda para sa mga hindi mananampalataya. Ayon sa ganitong pangangatwiran, ang kaloob o kakayahan na makapagsalita ng iba't-ibang wika ay ay isang babala sa mga hudyo na hahatulan ng Diyos ang Israel (sa pamamagitan ng pagwasak sa Jerusalem ng mga Romano noong A.D. 70), ang kaloob o kakayahang makapagsalita ng iba't-ibang wika ay hindi na gumaganap ngayon ng itinakda nitong layunin. Habang ang ganitong pananaw ay posible, ang pangunahing layunin kung bakit ang pagsasalita sa iba't-ibang wika ay natupad na at hindi na kinakailangang hingin pa ito. Gayunma, hindi malinaw na sainabi sa Bibliya na nawala na ang kaloob o ang kakayahan ng pagsasalita ng iba't ibang wika. Kung ang kaloob o kakayahan ng pagsasalita sa iba't-ibang wika ay aktibo pa rin sa mga Iglesya sa kasalukuyan, ito ay dapat na isasagawa ng ayon sa sinasabi sa Kasulatan. Dapat ito ay magiging totoo at nauunawaan ng nakakarinig (1 Corinto 14:10). Ito'y naglalayong ipahayag ang Salita ng Diyos sa isang tao na iba ang katutubong wika kaysa sa mangangaral (Mga Gawa 2:6-12). Subalit ito'y dapat na sang-ayon sa utos ng Diyos na ibinigay kay Apostol Pablo, “Kung may magsasalita sa ibang wika, sapat na ang dalawa o tatlo-hali-halili sila-at kailangang may magpaliwanag ng kanilang sinasabi. Ngunit kung walang magpapaliwanag, manahimik na lamang ang bawat isa at makipag-usap ng sarilinan sa Diyos” (1 Corinto 14:27-28). Ito'y bilang pagpapasakop rin sa 1 Corinto 14:33, “Sapagkat ang Diyos ay hindi nalulugod sa kaguluhan kundi sa kapayapaan, gaya ng dapat mangyari sa lahat ng iglesya ng Diyos.” Kayang ibigay ng Diyos sa isang tao ang kaloob o kakayahang magsalita sa iba't-ibang wika upang magawa niyang makipag-usap sa taong nagsasalita ng ibang linguwahe.

Ang Banal na Espiritu ay makapangyarihan at siyang nakakaalam sa pagbibigay ng mga kaloob na espiritwal (1 Corinto 12:11). Isipin lang natin kung ilan pang mga epektibong misyonero ang llilitaw kung hindi na sila kailangang mag-aral pa ng ibang wika, sa halip kaagad na silang makapagsasalita gamit ang wika ng ibang tao. Gayon man, tila hindi ito ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan. Ang kakayahang magsalita ng iba't ibang wika ay tila hindi na nangyayari sa ngayon kumpara sa panahon ng Bagong Tipan sa kabila ng katotohanang malaki sana ang maitutulong nito sa pagmimisyon. Ang karamihan sa mga mananampalataya na nagaangkin na nakakapagsalita sila ng iba't-ibang wika ay ginagawa ito sa paraang hindi sinasang-ayunan ng Kasulatan. Ang katotohanang ito ay naghahatid sa isang konklusyon na ang kaloob o kakayahang magsalita sa iba't-ibang wika ay nawala na. Ang mga naniniwala sa kaloob o kakayahang magsalita sa iba't-ibang wika bilang “wikang panalangin” para sa paglago ng kanyang sarili ay kinuha ang kanilang pananaw mula 1 Corinto 14:4 o 14:28, “Ang sariling pamumuhay espiritwal ang pinauunlad ng nagsasalita sa ibang wika, ngunit ang iglesya ang pinauunlad ng nagpapahayag ng salita ng Diyos.”

Sa buong kabanata 14 ng aklat ng 1 Corinto, binibigyang-diin ni Pablo ang kahalagahan ng pagsasalin ng ibang wika sa wikang naiintindihan ng tagapakinig (tingnan ang 14:5-12). Ang sinasabi ni Pablo sa talata 4 ay ganito, “Kung ikaw ay nagsasalita ng ibang wika at hindi mo ito isinasalin sa wikang mauunawaan ng lahat, wala kang ginagawa kundi pinapaunlad ang iyong sarili lamang, pinapalabas mong mas espiritwal ka kumpara sa iba. Kung ikaw naman ay nagsasalita sa ibang wika at isinasalin mo ito sa wikang nauunawaan ng lahat, pinapaunlad mo ang lahat.” Ang Bagong Tipan ay hindi nagbibigay ng instruksyon sa “panalanging gumagamit ng iba't-ibang wika” o partikular na naglarawan sa isang tao na “nananalangin gamit ang iba't-ibang wika.” Kung ang “panalanging gumagamit ng iba't-ibang wika” ay para lang sa pagpapaunlad sa sarili, hindi ba't hindi ito makatarungan para sa mga taong walang kakayahan o kaloob ng makapagsalita ng iba't-ibang wika? Kung magkagayon, ang mga mananampalataya na walang ganitong kakayahan ay hindi mapapaunlad ang kanilang mga sarili. Malinaw na isinasaad ng 1 Corinto 12: 29-30 na hindi lahat ay may kakayahan o may kaloob na makapagsalita ng iba't ibang wika.


(source: http://www.gotquestions.org/Tagalog/regalo-makapagsalita-ibat-ibang-wika.html )
 
Last edited:
Back
Top Bottom