Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Stop work discrimination!

Simpleforummer

Amateur
Advanced Member
Messages
138
Reaction score
0
Points
26
Sagabal ba ang tatoo o edad sa trabaho?


*Nakakarumi ba sa tao ang isang maliit na tatoo hindi yung ugali niya o record?

*Kung kaya pang magtrabaho 30-60 bakit hindi?

ALISIN ANG MGA AGENCY!

ITAAS ANG SAHOD!

END CONTRACTUALIZATION!!!

-Conservative Pinoy Party

(Mahihirap at mangangawa)
 
Sagabal ba ang tatoo o edad sa trabaho?


*Nakakarumi ba sa tao ang isang maliit na tatoo hindi yung ugali niya o record?

*Kung kaya pang magtrabaho 30-60 bakit hindi?

ALISIN ANG MGA AGENCY!

ITAAS ANG SAHOD!

END CONTRACTUALIZATION!!!

-Conservative Pinoy Party

(Mahihirap at mangangawa)

Hahaha... Maganda to pero di kayang magawa ito sa ngayon. Kasi bopols at korup yong mga lider natin. Siguro, may iilan grupo o kumpanya lang ang makakagawa, usually mga NGOs at pribadong sektor na may adbokasiya. Kung ako ang tatanungin, simple lang naman ang sagot dyan para wala ng diskriminasyon. Ito ang sagot:

1. DAPAT ang estado o gobyerno ang magbibigay ng trabaho. Dapat pasiglahin niya ang industriya. Mag build siya ng maraming factories para marami ang makakapagtrabaho. Di yong aasa siya sa mga foreign investors, foreign aid at pangungutang. Tapos implement niya yong anti-discrimination law. Alisin yong palakasan at padrino system. Imaginin mo na lang kung lahat ng Pilipino na nasa 'able age' ay may trabaho, sigurado, malaki ang tax na makukuha, sisigla ang ekonomiya at mabilis ang development para sa mga imprastraktura. Kung iaasa mo kasi yan sa pribadong sektor i di talaga mangyayari yan, kasi nga, may mga standards sila.

2. DAPAT alisin na yong national item na mga kawani ng gobyerno at gawin na lang regional or localize. Kasi mas makakatipid yong gobyerno pag ginawa ito at proportionate din yong income nila sa cost of living dun sa kanilang rehiyon o siyudad. Dapat ito yong isang puntirya ng Federalism. Kasi pag malaki ang natiitipid ng gobyerno pede niya ito ilaan sa iba pang mga proyekto di lang puro increases sa pasahod.

3. DAPAT pasiglahin ang Research and Development o Innovation. Kasi pag may bagong tuklas o innovation, may mga bagong oportunidad na malilikha gaya ng trabaho at negosyo. Yong Samsung ng South Korea, paano ba yan nagsimula?

4. DAPAT limitahan ang political positions sa atin. Pag madami kasi ang pulitiko, marami talaga ang kurakot. Kanya kanya na lang silang pangungurakot, kahit pa sa barangay level.

5. DAPAT yong mga pribadong ahensya ay gawing pam publikong ahensya para may kontrol ang gobyerno. Di mo talaga maiaalis yong ENDO sa mga ahensya kasi nga pabago ang mga tao dyan, minsan, naglilipatan pa. Yong iba namang ahensiya pag sa tingin nila eh malaki na ang babayaran sa tao at gobyerno eh bigla magdi deklara ng bankruptcy, tapos mag rerehistro ulit ng bagong pangalan. Yan kasi ang technique ng mga ganid.

6. DAPAT alisin na yong civil service commission. Wala namang nagagawang matino ang komisyon na yan. May makikita ka mga posisyon kono pero filled-up na pala.

7. DAPAT ma kontrol yong pagtaas ng populasyon natin. Dapat yong mga magulang na hindi kayang suportahan o pag-aralin yong mga anak nila ay kasuhan 'quasi-judicial court' at pag napatunayan na nagkasala, dapat subject sila sa forced 'ligation' or 'vasectomy' dahil threat sila sa well-being and health ng sociedad. Yong mga anak nila ay dapat kupkupin ng DSWD at ipa adopt para magkaroon ng magandang kinabukasan kung wala namang nangyayari sa buhay nila.

8. DAPAT diversified ang economic activities ng mga tao. Di lang dapat nakaasa sa Call center at pagsasaka. Dapat yong development ay umabot sa mga probinsya at kanayonan. Syempre, pag marami ang trabaho sa probinsya di na yan pupunta sa mga malalaking syudad, na makakapag patindi ng traffic, polusyon, at pagtaas ng populasyon.

9. DAPAT empowered yong social services at DOLE ng gobyerno. Dapat yong departamento ng social services at DOLE ng gobyerno ay magpunta sa mga barangay at iisa-isahin interbyuhin yong mga kabahayan at tanungin kung iilan ang may trabaho o wala o anong skills meron sila. Kung may skills naman at walang trabaho dapat i-refer sa DOLE para magkatrabaho, pede, sa pribado o publiko o abroad. Kung walang skills, dapat idaan sa skills o business training at pagkatapos ng training, bigyan ng trabaho o kung gusto magnegosyo ng sari-sari store pautangin thru micro finance at dapat monitorin kung nasusunod ng tama. Kung ganito ang kalakaran, di na kelangan ang 4Ps na yan. Marami ngayon ang malilikom na pondo ng gobyerno dahil sa tax at efficient pa ang trabaho ng taga gobyerno, di yong tatambay tambay lang sila sa opisina.

10. DAPAT huwag gawing gatasan ang pribadong sektor. Sa nakikita ko kasi, ginagawang gatasan ngayon ng gobyerno ang pribadong sektor. Marami ngayon ang nagrereklamo, parang ang anak lang ata ng Dios ay yong mga taong gobyerno na panay ang increases sa sweldo, allowances at bonus. Kung ganyan ang pag-uugali ng gobyerno, marami ngayong pribadong negosyo ang magsasara at sigurado babagal ang ekonomiya. Ito na lang sweldo ng mga teacher, mali ang implementasyon. Tuloy marami ngayon sa mga private schools ang magsasara dahil maglilipatan na yong mga teacher nila sa publiko. Dapat regionalize ang pa sweldo para proportionate yong income nila sa mga gastusin dun sa lugar at itaas din dapat ang pa sweldo ng pribadong sektor. Pero kung ako lang ang tatanungin, mas mabuti pang wag na pataasin yong mga sweldo basta mababa lang presyo ng mga bilihin dahil lahat ay makakakain at makaka benepisyo. Pag mataas kasi ang bilihin, di talaga sasapat yong kita ng ibang kababayan natin at tuloy nabibighani gumawa ng kriminalidad. 'Survival', ika nga. Di naman pede aasa na lang sila sa mga pulitiko at maghihingi parati.




Ilan lang yan sa taas, marami pa actually. Ano sa tingin mo?
 
Last edited:
Reality is even na my BS degree kapa mahirap maghanap nang trabaho sa Pinas.
 
Back
Top Bottom