Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Sumalangit nawa (nsfw)

Uumpisahan natin sa malanding dasal sa isa't isa
Papahabain natin ang gabi habang magkasama tayong dalawa
Tatlo

Mapapahiya ang tilaok ng manok
Dahil sasalubungin natin ang umaga
Sa 'yong nakakabinging ungol at garalgal na halinghing

Mahihiya ang kape
Dahil mas mainit pa ang ating katawang lupa
At hindi lalamig habang magkalingkis tayong dalawa

Matatanto ng Sodoma at Gomorra na hindi sila ang pinaka makasalanan
Dahil puno ang ating silid ng makamundong salita
Makamundong gawa
Ilang upos ng sigarilyo ang na sa sahig
Yumayanig ang baso ng alak sa ating ginagawang indayog
Na sumasabay sa kumpas ng iyong aliw-iw

Titingalain tayo ni Bathala
Lalagpasan natin ang kanyang kaharian
Dahil sa pagpagaspas ng iyong mga sariwang binti

Magiging musikero tayo ni Satanas
Dahil sa ating ginagawang himig na may taglay na libog
Ang iyong ungol na magsisilbing tono
Ang aking ginagawang panaghoy na humihiling pa ng karagdagang ginhawa ang magsisilbing ritmo
Ang palakpak na nasa pagitan nating dalawa ang siyang tiempo
Ang tunog naman nang ating pagkahapo ay magsisilbing bajo

Tayo ay gagawaran ng timpalak na hari at reyna ng kahipokritohan
Pagdating natin sa rurok
Lalapit sa Panginoon ang ating kaluluwa
Tatangapin natin ang kaluwalhatian ng D'yos
At mapapasigarilyo na lang pagtapos

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak,
at ng Espiritu Santo,
Amen.
 
hindian matatanggap ng lahat ang mensahe ng tula, pero maganda ang pagkasulat. nice work ts. :thanks:
 
Ahahaha natawa ako sa unang komento,hehe.. keep writing sir!
 
Back
Top Bottom