Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others SuperMoon

Ready na aking backpack. Tent. Tsaka instax ni Nene. Patuyo na ang kailangan kong damit. Handa na akong ibaon sa limot ang lahat. Ilang araw na nga ba akong wala sa sarili? Buwan na siguro. Yung mga dahon bumagsak na pero ako lutang pa.

Gusto kong mamundok. Sa Mt Pulag. Pupunta ako dun sa pinakamatarik para kung mahulog ako kahit paano ay malapit na ako sa langit. Gagawa ako ng note na kung matatagpuan akong walang buhay ang ilalagay sa cause of death ko ay LOVE hindi TANGA.

CAUSE OF DEATH :TANGA LOVE.


Alam kong magbabara ang lababo dahil sa sinulid, papel at plastik mula sa aking labada kanina pero hinayaan ko lang. Parang relasyon namin ni Yvette. Pinabayaan ko lang. Paalala daw ang gamot sa nakalimot. Siguro. Pero paano kaya paalalahanan ang pusong nakalimot?

"Magkano po dito? Tao po."

"Ano po 'yon?" kunot noong tanong ko. Wala naman akong tinitinda.

"Magkano po itong shorts at pants."

"Ate sinampay ko yan. Hindi ukay."

"Ah sorry. Dikit-dikit kasi."

Ako na ang hindi marunong maglaba. Ako na ang hindi maayos. Aminado naman ako. Laging ako ang may kasalanan matapos lang ang usapan. Hindi ko nga daw siya ipinaglaban. Tinanggap ko lang ang hiwalayan. Pero tumahimik lang naman talaga ako. Silence is not equal to cowardness. Gusto ko lang maging mahinahon.

Tuyo na ang labada. Buti pa ang damit dahil nakakaramdam pa ng init. Hinihintay na ako ng Mt. Pulag. Swerte ng bundok may dumadating kahit hindi nag-iimbita, hindi problema ang layo at higit sa lahat kasama sa pagbuo ng pangarap. Sana ako din. Sige ikaw na din.

Paalis na ako nang makita kong humupa na ang tubig sa lababo. Saka ko narealize na kahit katiting na chance may pag-asa pa pala. Yung lababo hindi nag-give-up. Ang Ginebra nga nagchampion na. Never say die daw ika nga! Bakit nga ba nung pwede pa ayaw ayusin? Noong wala na saka hahabulin. Tanga ko no? Oo nga e. Kaya ako ito ngayon pilit naghahabol. Baka pwede pa. Kung hindi na baka maipilit pa. Mahal pa e. Wala ng atrasan.

Malayo na ang byahe ko para umatras pa. Lakas ng loob ang baon ko dala ang inspirasyong mula sa bumarang lababo. Tumakbo ako sa bilihan ng ticket ng MRT. Hinanap ko ang butas. Wala. Tap na lang pala! Hinabol ko ang paalis na tren at pilit nakipagsiksikan. Tagaktak ang pawis. Bumakat sa puti kong damit ang 1-pack abs.

"Aray. Aray. Wait." Halos mapilipit ang aking braso.

"Huwag na kasing ipagpilitan. Masasaktan ka lang." sabi ng babaeng nasa harap ko.

"Oo nga. At least, I tried. Kahit wala ng puwang natuto na akong lumaban. Hindi baleng nasaktan," sagot ko.

"Kaso 'di lang ikaw. Hindi lang ikaw ang nahihirapan." Ipit na ipit sya sa laki ng aking backpack. "Please..."

"Sorry."

"Sabi nga ni Angelica ang sorry di lisensya."

Bumaba ako. Sumara na nga ang pinto ng MRT. Umalis ang tren. Nakangiti na sila. Ako nakasimangot. Hindi kasi nila alam ang pakiramdam ng naiwan.


Umalis si Yvette noong akala kong natutulog siya. Akala ko humilik. Hikbi pala. Akala ko sinisipon. Umiiyak pala. Akala ko naglalaro ako ng dota pinapanood ko pala si Jelai. Yung asawa niya. Yung anak nila. Ang buhay nila. Tumakbo palabas si Yvette. Walang hilamos at walang tsinelas. Bumalik pa siya. Pinabaunan ako ng sampal. Kung artista ako sasabihin ko sana magkaibigan na lang kami.

Alam kong hindi ko na mahal si Jelai. May kati lang sa sulok ng aking utak na gusto kong kamutin. Gusto kong matuldukan. Hindi ko napansin na yung kati sugat na pala. Yung dapat tuldukan, ilang nobela na. Paulit-ulit kong ginagawa na tila ayokong tapusin. Isang nakakaumay na senaryong kasamang tinutunaw ng aking sikmura.


Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na tren. Hinintay ko ang espasyong para sa akin. Imposibleng lumawag ang MRT, pero alam kong may magbubukas kahit hindi ko kailangan kumatok at bibigyan ako ng pagkataong pwede pa akong pumasok.


Masalimuot ang daan papunta sa apartment nina Yvette. Ang kalsada ginawang extension ng bahay. Kung mamalasin matatalsikan ako ng mantika, madudulas sa nagkalat na drain ng washing machine at makatatapak ng ipinagbabawal na amoy. Pero walang makakapigil sa pusong umiibig.


Ramdam mo sana
Tumitibok ang puso
ng umiibig

Iyong pagbuksan
Katok sa 'yong pintuan
Sana'y pagbigyan

"Yvette, alam kong may mali ako. Hindi na ako magpapaliwanag. Gusto ko lamang humingi ng tawad, pagkakataon at patunayang mahal kita."

"Hindi ko kayang magbigay ng sagot sa gusto mo sa ngayon." Halata sa boses na hindi siya interesado.

"Maghihintay ako."

"Matatagalan. Nasaktan ako." Pumasok siya ng bahay at halatang nagdouble-lock pa.

"May dala akong tent. Saka damit," habol ko.

Lumabas si Yvette. May dalang chips. "Manood na lang muna tayo ng supermoon. Saka na ako mag-iisip."

-wakas-
 
Ang tindi ng isang ito! Panalo bawat linya at mula umpisa hanggang pagitna hanggang malapit na matapos,lihim kong hinahanap ang pagpasok sa eksena ng supermoon,ahaha. Ang galing! Swabe!
 
Last edited:
may pagka ROLEX80 ito kung bumanat
 
Back
Top Bottom