Pakurap kurap ang aking mga mata dahil sa tindi ng liwanag na nagmumula sa araw. Ibinaling ko ang aking tingin sa malayo upang maayos kong mapagmasdan ang mga nagdadaang ulap. Iba iba ang hugis, iba iba din ang laki. Maya maya pa'y may eroplanong papel na biglang dumaan, at unti unting nahulog sa damuhan.
Kasabay nito narinig ko ang iyong pagbungisngis. ipinikit ko ang aking mga mata at maya maya pay tumusok na ang eroplanong papel sa tuktok ng aking ilong.
Sa aking dagling pagtayo ang malakas mong pagtawa ang syang bumungad sa akin. Mukhang galak na galak ka, yumuyugyog pa pati mga balikat mo.
"Ano bang iniisip mo kasi dyan at hindi mo na ako pinapakinggan sa mga sinasabi ko" iyong sinambitla ng makita mo ang matalim na titig ng aking mga mata
Hindi ako kumibo, dahilan upang muli mong paliparin ang eroplanong papel papunta sa akin.
Labag man sa loob ko, kailangan ko pa rin naman ipaalam sayo ang nararamdaman ko.
"Iniisip ko kasi, malapit ka ng umalis, magkakalayo na tayo.. paano na ako" tugon ko halos maluha luha pa, akala mo batang inagawan ng kendi.
"Buksan mo yang eroplanong papel at tignan mo ang mga nakasulat"
Dali dali kong pinulot ang papel na muktikan ko ng lamukusin at punitin dahil sa inis
Dear Anne,
Alam kong medyo magkakalayo tayo ng matagal, pero two years lang naman yun, kontrata lang naman kasi diba.
Unang sulat sa papel.
Dear Anne,
Ayokong pag alis ko malungkot ka, ayoko ding mag alala ka sakin. Malaki na ako at baon ko ang pagmamahal mo para lagi kong alagaan ang sarili ko.
Dear Anne,
Ito yung pangarap natin diba, ang makapag ipon, makapag pakasal at bumuo ng sariling pamilya at magtayo ng negosyo. Gusto ko sa pag alis ko baon ko ang pinaka maganda mong ngiti, gagawin kong inspirasyon para maging matatag ang loob ko lalo na kung mamimiis kita.
Dear Anne,
Lagi mong tatandaan ikaw ang pangarap ko, at laging laman ng mga panalangin ko, na makasama ka sa haba pa ng buhay ko. Kaya, tumayo ka na at nagugutom nako!
Dear Anne,
Sayo lang hanggang wakas,
Ryan.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak o lalamukusin na lang ang mga papel na ito, pero dahil gutom na din ako tumayo na lang ako para makauwi na tayo.
Yes, two years will pass and beyond that I will forever be yours, future Mrs. de Guzman.