Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Take a Chance

So this is the very first time na magsusulat ako ng isang story, A LOVE STORY actually. hihihi! Open naman ako sa mga constructive criticism, so kung may mapuna kayo sa likha ko don't hesitate to let mo know. Thanks! :)

So here's the first Part..
Enjoy Reading! :yipee:
===================================================

District 9 bar

Elodie's POV
♪No I'm not tryin' to be rude,
But hey pretty girl I'm feelin' you
The way you do the things you do
Remind me of my Lexus coup
That's why I'm all up in yo grill
Tryna get you to a hotel
You must be a football coach
The way you got me playin' the field♪


Ignition by R. Kelly

.. I’m so back! It’s been 3 years. Hays. It really feels so goooo-

“Miss beautiful, pansinin mo naman ako. Kanina pa kita kinakausap e.” sabi ng asungot sa tabi ko.

Andito ako sa bar ngayon kasi gusto ko muna magisa. Parang wala pa akong lakas ng loob para makita yung mga taong naiwan ko dito sa Pinas. Panigurado sooooobrang daming tanong ng mga kaibigan ko at sobrang daming kutos din ang matatanggap ko sa kanila. Perfect na sana ang pagtambay ko dito sa District 9 bar, perfect song, perfect weather, perfect drinks and perfect spot pero may asungot na dumating.

“Ay sorry kuya, hindi kita masyadong marinig e.” with matching sweet smile. Don’t get me wrong, I don’t want to flirt with him I just don’t have much time and energy para magmaldita. Baka kapag minalditahan ko to magdulot pa ng kumosyon at mapunta sa amin ang atensyon dito sa bar. Sawa na ako sa atensyon ng tao.

“Ok lang miss. Sorry din kung makulit ako. Hehe, medyo tipsy na din ako. Sorry talaga. By the way I’m Henry.” Aniya while extending his hand.

“Nice to meet you Henry. I would love to be your friend pero mukang wrong timing. Gusto ko muna sanang maging magisa na uminom dito. Pasensya ka na ha.” Wika ko, while smiling.

“Okay, I respect your privacy lovely lady. But may I know at least your name?” pangungulit nitong asungot ay este Henry.

“Just call me anything you want.” Nauubusan na ako ng pasensya sa asungot nato.

“Can I call you mine?” while grinning.

Napasama pa ata ang pagiging pasensyosa ko sa asungot nato. Dapat pala sinungitan ko na. Hays.

Inhale, exhale. I’m trying to compose myself nang mas lalong inilapit ni asungot ang katawan nya sa akin.

Okay, I’m outta here. Ayokong madagdagan ang kasalanan ko.

“Excuse me Henry, I need to visit the comfort room I feel uncomfortable here.” Diretsang sabi ko.

Paalis na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa bewang. At dahil na rin sa gulat, nasuntok ko sya sa muka. Akalain mong sa tangkad nya naabot ko ang muka nya, bagay lang sa kanya asungot sya. Pero sad to say hindi sya natinag sa suntok, pero at least nabitawan nya ang bewang ko. I’m making my way again nang hablutin ni asungot ang braso ko.

“Yan ang gusto ko sa babae, lumalaban.” Wika ni asungot habang mas hinihigpitan ang hawak sa braso ko. Nasasaktan na ako pero ayoko ng iskandalo. I composed myself again, and tried to please him to let me go.

“Henry ayoko sana ng gulo. Pupunta lang ako sa CR, babalik na lang ako para makapgkwentuhan na tayo ha.” Sabi ko habang hinahabaan ang aking munting pasensya.

“YOU’RE NOT GOING ANYWHERE!.” Sigaw nya, habang mas hinihigpitan ang hawak sa braso ko.

Superman, help meeee!

Ace’s POV

♪Crystal poppin' in the stretch Navigator
We got food every where
As if the party was catered
We got fellas to my left
Honeys on my right
We bring em both together we got junkin' all night
Then after the show its the (after party)
And after the party its the (hotel lobby)
Around about 4 you gotta (clear the lobby)
Then head take it to the room and freak somebody♪

Ignition by R. Kelly

This is lifeeee! I got my fellas to my left, honeys on my right, we bring em both together we got junkin’ all night. Hahaha! Saktong sakto tong kanta para sakin ngayon.

For more than 3 years, ito na ang naging buhay ko. Magtrabaho sa umaga at magpakalunod sa alak at babae sa gabi. Para kahit papaano makalimutan ko naman ang kagaguhan ko sa buhay. It’s been 3 years… erase erase, ayokong magdrama ngayon gusto ko lang ienjoy tong gabi na to!

“Pre sa tingin mo ba boyfriend nya yon?” tanong ni Darwin kay Denver.

“Mukang hindi pare, pero hindi mo ba talaga kakilala yon? Parang Nakita ko na kasi yung babae” sabi ni Denver.

“hay nako! Mga galawan mo talaga Denver. Hahaha! Lahat na ata ng babae Nakita mo na!” tumatawang pag epal ko sa mga kaibigan ko.

“grabe ka talaga sakin pare! Hahaha! Pero parang Nakita ko na talaga yang babae na yan, di ko lang matandaan kung saan.” Wikang ni Denver habang pilit iniisip kung saan nakita ang babae.

Nacurious din ako sa babaeng pinag uusapan nila kaya sinundan ko din ng tingin ang direksyon ng babae.

“wow!” yaan lang ang nasabi ko ng makita ko ang babae. Hindi ko makita ang muka ng babae, kasi sa katawan nya ako nakatingin. Hahahaah! Ang hot nya kahit nakapants, simpleng blouse at ponytail lang sya. Ganito mga tipo kong babae, para syang si-

“Woah!” nagulat ako sa sigaw ni Denver at Darwin. Paano ba naman sinuntok ni Hottie yung pangit na lalaki na humawak sa bewang nya. Yes Hottie, since hot naman sya, Hottie na lang itatawag kosa kanya. Hihihi!

Bilib din ako sa Hottie na to, kaliit liit na babae pero ang lakas ng loob manuntok ng mukang bouncer na lalaki. Pamilyar din sakin ang wangis ng muka ni Hottie, pero isa lang ang sure ako, hindi sila Denver ang kasama ko nung una kong makita to. Almost 2 years pa lang kaming magkakilala nila Denver at Darwin e. Workmates kami kaya kami nagkakila-kilala. And since then, palagi na kaming magkasama sa inuman at pambababae.

“YOU’RE NOT GOING ANYWHERE!” sigaw ni asungot.

Halatang uncomfortable si Hottie, mukang magpapakahero na naman ako baka sakaling maka score ako sa Hottie na to hahahaha. May sinasabing lugar at pangalan si Denver pero hindi ko maintindihan kasi ang ingay dito. Pero hindi nya sa amin sinasabi, it’s like parang may narecall sya at sa sarili nya iyon sinasabi. Oppps, mukang naalala na nya. Patayo na sana si Denver nang pigilan ko sya, aba’t uunahan pa ako nitong pare ko na to. Pero hindi nya ako mauunahan kay Hottie.

“Pare ako na rerescue kay Hottie, may kamuka din sya para sakin e.” wika ko.

“Sino?” tanong ni Darwin.

“Kamuka nya yung maiikama ko ngayong gabi. HAHAHA!” sagot ko.

“Gago ka talaga pare! Hahaha” saad ni Darwin.

Naglalakad na ako nang marinig ko ang boses ni Denver, pero hindi ko na sya pinansin. Nagmamadaling pinuntahan ko na si asungot at si Hottie.

I came on the right time, hahaha! Napigilan ko ang paglapit ng maduming labi ni asungot sa balat ni Hottie.

“Pare, ang babae iginagalang, inirerespeto at minamahal hindi binabastos, lalo na kung muka kang asungot.” Sabi ko, habang hawak ang muka nya.
Hahaha! Oo, hinawakan ko ang muka nya para di nya mailapat ang labi nya sa balat ni Hottie ko. Awe kakabakla hahaha.

“Hoy! Wag kang makialam dito! Ikaw ang asungot!” mayabang na wika ni asungot. Binitawan ko na muka nya bago pa nya malawayan ang kamay ko.

Sinasagad ng pangit nato ang pasensya ko.

“Try me bro.” wika ko.

Akmang susuntukin nya ako sa makinis at gwapo kong muka pero bago pa man tumama ang puro kalyo nyang kamao sakin sinipa ko na sya sa tyan.

Sapul! Napaatras sa sakit si gago.

“Sabi ko sayo wag mo akong susubukan e.”

Elodies’s POV

“Pare, ang babae iginagalang, inirerespeto at minamahal hindi binabastos, lalo na kung muka kang asungot.” Sabi ng lalaking kadarating lang.

Parang nabato ako sa kanatatayuan ko nang marinig ko ulit ang boses na yon.. Hindi ako pwedeng magkamali, boses nya yon.. bakit parang bumalik lahat.. lahat ng sakit.. lahat ng pagsisisi.. lahat ng paghihirap ko.. lahat bumalik.. akala ko kaya ko na.. I thought 3 years is enough to move on from everything.. ang bigat.. ang bigat ng pakiramdam ko..

Napabalik ako sa kasalukuyan ng maamoy ko ang paboritong pabango nya. Nakalapit na pala sya sakin. Nakayuko lang ako. Hindi ko sya kayang tignan, hindi ko pa sya kayang harapin.

Tatalikod na sana ako nang bigla nyang hinawakan ang braso ko. Para akong nakuryente, parang nabuhay na naman ang mga munting paru-paro sa tyan ko, na akala ko ay mga patay na.

“Miss okay ka lang?” wika nya.

Bakit parang nagpapawis ang mata ko? Nakakaiyak pala.. after more than 3 years naitanong nya kung okay lang ba ako.

“O-okay lang.” sagot ko habang nakayuko pa din.

Okay naman ako, akala ko okay ako.. pero okay na ba talaga ako? Tanong ko sa sarili ko.

“Wag ka nang matakot miss, andito na ako. Poprotektahan kita.” Wika nya.

Gusto kong tumawa. Parang isang napakalaking joke yung mga salitang binitawan nya. Nakakatawa sya.

“Miss may kasama ka ba?” tanong ulit ng makapal na mukang lalaki nato.

I just chose to stay silent. Ayoko ng magsalita. Ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Gusto ko nang umalis sa lugar nato.

“Miss wag ka nang matakot ha, andito na ako.” Wika nya sabay hawak nya sa baba ko. Inaangat nya ang muka ko. Wala na akong lakas, kaya hinayaan ko na lang sya na makita ang muka ko. But this time, I will not let him see my pain, the pain that he caused me. Hindi ko hahayaan na makita nya ulit akong umiiyak nang dahil sa kanya.

Ace’s POV

Napatumba ko na ang asungot na bastos. Haa! Akala nya uubra sya. Hinanap agad ng mata ko si Hottie, andon lang sya sa isang tabi at nakayuko. Nagbago na sya, wala na ang palaban at amazona na dating sya. at hindi nga ako nagkamali.. kakilala ko sya, mali, kilalang kilala ko sya. Maaaring madaming nagbago sa kanya ngayon, pero alam ko na sya to. Parang naguunahan ang mga salita na gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong makipagkwentuhan sa kanya, gusto kong marinig ang boses nya. Gusto kong.. gusto kong akapin sya.. gusto kong magsorry..

After all these years, akala ko tama ang desisyon ko. Pero kalian pa naging tama ang desisyon na mahigit tatlong taon ko nang pinagsisihan.. akala ko okay na ako, akala ko nakalimutan ko na. pero paano ko naman makakalimutan ang kaisa isahang babae na tyaga sa lahat ng kagaguhan ko.. hindi ko man lang inintindi ang nararamdaman nya, hindi ko naisip na tao din sya. May pakiramdam, nasasaktan at napapagod..

Ilang beses ko syang tinatanong pero hindi sya sumasagot. Parang ayaw nya akong kausapin. Sobrang gago ko naman kasi. Ako may kasalanan ng lahat ng ‘to.

Hindi na ako nakatiis, nilapitan ko na sya. Gusto ko syang akapin, pero pinigilan ko ang sarili ko.. ano naman kasing karapatan ko para akapin sya.. I caused her so much pain..

“Miss okay ka lang?” simpleng tanong ko sa kanya. Nagkunwari ako na hindi ko sya nakilala. Siguro ito naman din ang gusto nya.

Naghintay pa ako ng ilang minute bago sya nagsalita.

“O-okay lang.” simpleng sagot nya habang nakayuko pa din, but it brings shivers on my nerves. Andito pa din ang epekto nya sa akin.

Bakit ayaw mong ipakita ang muka na matagal ng hinahanap hanap ng mata ko? Bakit mo ipinagkakait na makita ko ang muka na matagal na akong nangungulila? Yan ang mga katagang nais ko sanang bitawan, pero sino ako para magtanong nyan? E ako tong gago na may kasalanan ng lahat.

“Wag ka nang matakot miss, andito na ako. Poprotektahan kita.” I really meant those words. Andito na ulit ako, handa na kita ipaglaban at protektahan sa lahat.

Her shoulders were shaking, at first at thought she was crying but I realized that she’s laughing at me. She’s laughing on the last words that I’ve said. I can’t blame her. Maybe she’s thinking that it was a big joke. Gago ka talaga Ace!

“Miss may kasama ka ba?” lakas loob kong tanong. Buo na ang desisyon ko, hindi ako papayag na hindi ko makausap ang babaeng tatlong taon ko nang hinahanap.

Pero bigo naman ako. Hindi sya sumagot.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan ko sya. Gustong gusto ko na syang makita.

“Miss wag ka nang matakot ha, andito na ako.” Saad ko habang unti unting inaangat ang kanyang muka. Gusto kong makita kung ano ang iniisip nya. Sya kasi yung tipo ng tao na makikita mo sa muka nya, sa mata nya kung ano ang iniisip nya. Napakadali nyang basahin.

Hindi naman ako nabigo, dahil nagpaubaya sya. Parang namagnet agad ng mga labi nya ang mata ko, doon una pumunta ang tingin ko. Ganon pa din ito hindi nagbabago, maliit na mapulang labi.. teka.. nagkamali ako, may nagbago.. nakangiti ito pero bakit parang hindi saya ang nakikita ko? Lumandas ang paningin ko sa kanyang maliit na ilong. Hindi katangusan ang ilong nya pero bagay na bagay sa maamo nyang muka.. sumunod kong tinignan ang mga mata nya.. mga matang nakakalunod.. mga matang hinayaan kong malunod sa luha dahil sa kagaguhan ko.. nagulat ako sa nakita ko, sa kauna unahang pagkakataon hindi ko mabasa ang iniisip nya. Hindi ko pa nakikita ang ganitong reaksyon mula sa kanya. Ganito ba kasakit ang nagawa ko? Gusto ko nang saktang ang sarili ko dahil nakapagago ko, wala akong kwentang lalake! Hindi ko nga alam kung lalake pa ba talaga ako dahil sa mga nagawa ko sa kanya. Pero napabalik ako sa realidad nang biglang may humila sa kanya.

Denver?

Hinila sya ni Denver at inakap.

Ang sakit.

Gusto kong pumatay ng tao.

Elodies’s POV

Hinayaan kong makita nya ang muka ko, ayoko din lokohin ang sarili ko kasi matagal ko na ding hinahanap hanap ang muka nya. Pero sinigurado ko na hindi nya mababasa kung ano ang iniisip at nararamdaman ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at tila hindi sya gumagalaw, siguro sinusubukan na naman nyang basahin ang iniisip ko. But opps, I will not let you win this time. Haaa!

Nagulat ako nang biglang may humila sa akin palayo sa kanya at ang mas lalo kong ikinagukat ay kung sino ang humila sa akin.

JD?


To Be Continued..
 
Back
Top Bottom