Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Tambay, Tsismis at Tagay

Tambay, Tsismis at Tagay- Prologue

"Ganyan! Sige pa, bilisin mo at diinan ng diinan para lalong sumarap"
"Ah shit, malapit na! Dumudugo na 'yan, isang diin pa para makuha muna ang pinakaunang dugo ng babaeng 'yan"
"Dafuq! Isang tira nalang hindi mo pa naipasok. Sayang yun pre, sayang yung 250!"
"Oo nga. Kabado masyado si Tropa. Patay na sana yung Lina na yun kung na first skill mo ng maayos!"
Sabi ko sa tropa kong naglalaro ng Dota2. Kala mo kung ano na, ano? Ito lang naman kadalasang nangyayari kapag nalalaro kang mag-isa habang nanonood ang kabarkada mong nagiging coach at analyst sa dami-dami ng sinasabi ay bano din naman pag sila yung nasa sitwasyon.

"Mas bobo kayo, kayo maglaro dito. Tang ina!" sigaw ni Jessie na na-dedo ang hero habang pini-pitik ng malakas yung right click ng mouse at hinahampas hampas ang keyboard na halos mabiyak na sa laki ng katawan ng anito.

Patuloy parin sa pag co-coach ang mga ka-tropa kong mga walang magawa sa buhay lalong-lalo na ang pinaka trash-talker sa aming magtrotropa na si Ombet.
"Benta muna mga item mo please, isa kang pabigat sa team nyo promise!" sigaw ni Ombet na ang laki ng ngisi at yumuyog-yog pa ang bilbil sa tiyan dahil natatalo na ang team nila Jessie. Tawanan kaming lahat sa nangyayari dahil namumula na sa galit si Jessie habang sinisisi ang mga ka team mate niya sa laro dahil pang tatlong talo niya na ito ngayong araw. Pagkatapos ng game ay biglang walk-out si Jessie na hindi maipinta ang mukha at umo-usok ang ilong sa galit.

"Lagot kayo! Babalik uli 'yun magdadala ng back-up" pabirong sabi ko sa mga tropa kong naka ngisi parin dahil sa pangyayari.
"Ano back-up back-up, dapat bayad dalhin dito" biglang sigaw ng may-ari ng Computer Shop na pumipiyok piyok na ang mga mata dahil naisahan nanaman ng kanyang customer.
Natahimik kaming lahat dahil dagdag kulubot nanaman ito sa problemadong may-ari na ang laki na ng lugi sa mga utang naming magbabarkada. Iba kasi magalit si Bossing Tong kapag nai-isahan at isa na rito ang habit niyang patayin ang connection kapag naglalaro kaming magbabarkada.

Ganito lang naman ang kadalasang eksena sa pang araw-araw na buhay ko bilang isang tambay. Minsan ako ang nasa sitwasyon na tina-trash talk ng mga ka-tropa at minsan naman yung iba. Paikot-ikot na sitwasyon at nakabase nalang talaga sa panahon kung ikaw yung naglalaro at nanonood ang mga demonyo mung ka-tropa. Kumbaga tradisyon na naming magkaka-tropa ang mag trash talk-an, bangayan at sigawan. Ito yung mga masarap kaibiganin na kahit sigawan kayo, bangayan kayo pero sa tawanan parin mag-tatapos ang drama. Sarap diba? Hindi yung puro kayo kaplastikan na mabait pagkaharap mo pero ang daming reklamo pag absent ka sa tropa. Masarap kasi sa pakiramdam yung sinasabi mo kung ano ang iniisip mo at pinapakita mo kung ano ka talaga at tanggap ka parin nila bilang kaibigan. Minsan umaabot rin sa puntong wala kayong kibo sa isat-isa pero nagiging okay parin pagkalipas ng ilang araw.

"Sana ganito nalang araw-araw para masaya" sabi ko sa sarili habang hina haplos-haplos ang dulo ng unan para makatulog at makapaghanda sa susunod na naman na kabanata ng aking buhay "Tambay, Tsismis at Tagay".
 
Back
Top Bottom