Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The Biggest Secret by Dr. David Icke ~ Summarized/Bulleted

pandot

Amateur
Advanced Member
Messages
138
Reaction score
9
Points
28
View attachment 378003

Chapter I – The Martians have landed?
Summarised/Bulleted


Brotherhood ~ Ito ay ang lahi mula sa gitnang bahagi ng Middle East ng sinaunang panahon. Sila ay lahi mula sa kanya ding lali (interbreeding bloodlines = nagkakaanak sa kadugo). Sila rin ang may gawa ng mga mystery schools, secret societies, at relihiyon upang kontrolin at ikulong ang isipan at damdamin ng sangkatauhan (general public), at pag-awayin ang mga ito (digmaan). Ang natatanging mga kasapi ng tribo ng salinlahi (bloodlines) na ito ay hindi lamang puro lalaki, may mga babae ding may matataas na katungkulan. Ngunit mas maraming di hamak ay mga lalaki kung kaya ito ay tinawag na “Brotherhood”. Tinatawag din itong Babylonian Brotherhood.

Brotherhood Agenda ~ o kaya ay “Great Work of Ages”. Ang lahat ng ginagawang pagkontrol/pag-impluwensiya ng lahing ito sa mga istruktura ng institusyon ay upang magkaroon ng centralised control of the planet. Ang mga istruktura ng kasalukuyang panahon ay sila rin naman ang may gawa (gubyerno, negosyo, pananalapi, sandatahan at media).

Brotherhood hierarchy ~ Ang pagpili ng magiging lider ng kapatirang ito ay minamana mula sa sinusundang ama. Mula pagkasilang hanggang sa magkaisip itong hahalili sa ama ay iniindoktrinahan nang maging ubod ng talino, walang pagmamalasakit sa kapwa, maging arogante at ituring na mga mabababang uri ng tao ang lahat ng taong nasa ibaba niya. Ang ilang kilalang bloodlines ay ang mga sumusunod:
o British House of Windsor
o Rothschilds
o European Royalty and aristocracy
o Rockefellers
o Eastern Establishments of United States (ito ang grupo na nagtatakda kung sinong magiging presidente, business leader at banking administrator ng America)

Cabal ~ Ito ay ang pinakamataas pang lahi kaysa Brotherhood na kumikilos para sa pansarili nilang interes at hindi para sa Brotherhood.

Extraterrestrials ~ May dalawang teorya na isinaad si Dr. Icke, ang mga Anunnaki diumano na galing sa planetang Nibiru (Planet X) na sumiping sa kanilang likhang tao upang maging aliping-manggagawa sa kanilang minahan ng ginto sa Africa, ay direktang ninuno ng lahing Brotherhood at Cabal. Ayon naman kay Desborough ang mga white Martians ay nagtungo rito sa ating planeta nang masira ang kanilang planetang Mars at ito ay ang mga kilala natin sa ancient history bilang Phoenecians at Aryans. Naiwan nila ang mga advanced technologies nila sa Mars, kung kaya’t ginamit nila ang kanilang nalalaman upang lumikha ng teknolohiya dito sa mundo.

Cataclysm ~ Ito ay ang Great Flood, pag-ulan ng nagbabagang bato mula sa kalangitan (maaaring ibinugang malalaking bato mula sa bulkan), upheavals o ang pagbaligtad diumano ng mundo (polar shift) etc., ay nilipol ang mga advanced civilisation na ito. Ang mga extraterrestrials at mga naging mga anak nila ay nalipol ng nasabing delubyo. Ang mga nakaligtas ay nahati sa dalawang kategorya:
o Extraterrestrials na tinaglay ang karunungan ng kanilang mga teknolohiya sa pinanggalingan nilang planeta (Mars)
o Humans o slave race na walang muwang sa karunungan gaya sa mga extraterrestrials ~ ang mga taong ito ay ang Black Race na nadatnan ng mga white Martians sa Africa at ginawang mga aliping manggagawa mula sa mga pagmimina ng ginto at pagtatayo ng mga Pyramids at iba pa. Ang mga umaalipin sa kanila ay ang mga Phoenicians at Aryans, o ang kilala natin sa mga history book bilang Egyptian civilisation. Kanilang alipin ang mga negro o may maitim na balat.
Paalaala: May mga tinanggal na akong mga impormasyon na nakakalula sa dami at mahaba-habang sulatin kung isasalin gaya ng Anunnakis, kung paano nilikha si Adan at Eba ng mga ito, ang Book of Enoch at iba pa. Sa kabanatang ito na mula sa akda ni Dr. David Icke na pinamagatang The Biggest Secrets, ay ipinokus ko lang ang mga impormasyon sa pinagmulan ng “Brotherhood”.

Reference: The Biggest Secrets by Dr. David Icke, Chapter I: The Martians have landed?, pages 1 – 16.
 

Attachments

  • icke.png
    icke.png
    618.5 KB · Views: 3
Last edited:
Back
Top Bottom