Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others The guy with an empty heart


THE GUY WITH AN EMPTY HEART
credits to chichi :love:

Para sa mga babaeng iniisip nilang sila lang ang nasasaktan, umaasa at naghihintay na madali samin ang magmove-on

Jin Navarro
Lara Bernardo
Eyang Navarro
Nath Salvador


Chapter 1

Introduction

Malamig ang simoy ng hangin kasabay ang maiingay na tunog na nanggagaling sa musika sa loob ng venue kung saan ako dumalo sa Halloween party. Habang kinakanta ang beer ng itchyworms “Nais kong magpakalasing dahil wala ka na.Yeah!..” “Hoy! Jin nag-iisa ka nanaman dyan kasama mo pa bote ng isang beer. Kailan ka mag-momove-on halos 4 na taon na rin simula ng umalis si Lara dito satin. Si Nath, sya ang matalik kong kaibigan na wala ng ginawa sa buhay kundi sundan ako, Pareho kami ng School mula elementary at college. Oh bakit ganyan ang costume mo Nath kala ko ba magzombie ka ngayon kagaya sa walking dead?. Ang hirap humanap ng prosthetic kaya namili na lang ako Frankenstein na maskara. Teka bat ka nga ba nag-iisa dito, tara sa loob maraming babae doon gusto daw makipag-kilala sayo. Hayaan mo na sila gusto mapag-isa. Ano ka ba Jin kaya nga kita niyaya dito eh para may bago naman sa buhay mo hindi puro trabaho. Hanggang ngayon ba si Lara pa rin? Ano ba nangyari senyo ni Lara? Pare para naman namang di mo alam.


Apat na taon ng nakakaraan, Jin gising na! bata ka di ka pa nag-aalmusal anong oras na 11:00 o’clock ng tanghali magkaka-ulcer ka nyan. Nay, Ano ka ba linggo naman ngayon walang pasok tulog muna ko 5mins. Ano oras ka nanaman ba umuwi kagabi? Naglaro ka nanama ng dota no?. Hay naku ito na gigising na po. Ganito lagi ang bungad sakin ni Nanay. Alam nyo na tipikal na nanay ayaw magkakasakit ang kanilang anak kaya kailangan na kumain. Paggising ko harap agad sa salamin tipong aayusin ko ang mahaba kong buhok na umaabot na hanggang batok kelangan ko na magpagupit dahil nagsimula na ang pasukan at pinag-iinitan nanaman ako ng adviser namin at ng guard sa school. Tatlong buwan na rin noong huli akong nagpagupit. Ako iyong tipikal na lalaki na mahilig sa sa mga online games at maglaro ng dota walang pake sa mundo basta kakain ako at maglalaro. Nasa 4th year high school na rin ako, hindi man ako ang number sa klase masasabi ko naman na okay ang studies ko dahil nasa 1st section ako pero ang nasa huling ranking ako sa buong klase. Hindi kasi talaga ako mahilig mag-aral kumbaga kung ano iyong mga naalala ko sa turo kahapon iyon yung mga sinasagot ko sa exam. Simple lang iyong buhay ko pasok tapos punta sa comshop kasama si Nath ang besfriend ko. Wala din naman kasi akong lovelife siguro dahil di ko masyado iniisip tsaka masyadong magastos para sa fifty pesos kong baon. Iyong kalati kasi nito pwede ng pangdota sayang naman kung ipang loload ko pa para makipagtextmate. Ako kasi iyong bahala na kung ano ang mangyari bukas. Kasi di ko naman hawak ang kapalaran kaya live wild young and free.
Iyong kwarto ko nga pala asa second floor so kailangan ko pa bumaba mula sa hagdanan diretso ito sa living room. Nagulat na lang ako na kumakain ng pizza dun si Nath kasama si Eyang. Si Eyang nga pala ang kakambal ko mas bata sya sakin ang number 2 sa klase lagi kami pinagkukumapara pero wala naman sakin iyon. Siya ang positive at ako ang negative sa pamilya namin kasi nga pasaway ako. Nagmana sya kay Papa na matalino ewan ko ako siguro 50% naman ang naman ko sa mommy ko kaya lagi ako huli sa ranking sa school. Nath kanina ka pa nandito?. Oo pre kumakain na nga kami ni Eyang eh kain ka na almusal este tanghalian tapos gala tayo. Bakit ano meron? Promo ngayon ano ka ba linggo bilisan mo baka mawalan tayo puwesto sa shop. Ako ba talaga pinuntahan mo dito o si Eyang?. Pare kaw anu ka ba? Wag ka magselos, magugustuhan ko ba iyong kapatid mo eh kamuka mo iyon.
Pagpunta namin sa shop may bakante pa isa. Nath ako muna mauna tapos pagmay bakante ulit saka tayo magdota. Ate 1hour nga po sa number 3, umupo na ko tapos nagtype ng username at password para iopen ung swordsman ko sa Gurdians online. Ito iyong kinaadikan kong laro matapos masira iyong server ng Rage online. Nasa likod si Nath habang naghihintay ng bakante. Pare magpapalevel ka ba ngayon?. Hindi mangkill tayo ngayon para masaya sabay ngisi para ganahan ako maglaro dota mamaya. Para malaman nila gaano kalakas si Kirito (name ng character ko sa laro) Nath ito oh babaeng swordsman kill natin. Pare sabi ng swordman wag ko daw sya kill nagpapalevel daw sya maayos. Sorry weak sya eh haha! Palakas ka muna ineng sabay type sa keyboard. Aba tingnan mo sinabi nya sakin, hintayin ko daw iyong malakas nyang character. Jin sabihin mo sige hintayin ko weak mo character kahit magsama kayo.

Iyong number 4 time na mag-extend ka pa ba?

Hindi na po ate.

Sakto Nath aalis na katabi ko, tara dota. Pare kala ko ba kill mo rin second charcter nung swordsman na babae wag na weak din iyon.

Nath : Jin nakita mo iyong katabi mo iyong babae na nakasalamin.

Jin: Hindi eh bakit?

Nath : Mukang maganda eh kaso di ko maaninag maxado mukha nakasombrero eh

Jin : Ang payat kaya ganun ba mga type mo kaya pala type mo si Eyang eh haha! Gusto ko babaeng may curves tsaka mas lalaki pa sya sakin maglakad tapos ang haba ng jersey shorts nya mahaba pa suot ko. Tara dota na.
Alas singko ng umuwi ako sa bahay. Kuya pumasok ka na sa school hindi ko na alam idadahilan sayo kapag di ka pa pumasok bukas baka patawag na si nanay. Nakakahalata na si ma’am kayong dalawa kasi ni Nath iyong absent. Oo nga pla 1st week of school absent kami ni Nath, nagprakstis kasi kami tapos dumayo sa ibang shop dahil sa dota.



Itutuloy...
 
Back
Top Bottom