Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or van

brad TS,meron ka bang recommended brand sa mga spray paint in can?regardless yung price!!!:thumbsup:tnx!!!

actually, sa price ka pwedeng magbatay kung ano maganda.
kapag mahal, quality at durable ang paint, mas mura less quality at less ang durability nya.

dami nang lumalabas na brand name ng paint in can. pwede kang mag rely sa price nila(mas mahal mas quality). pero ilan sa mga kilalang brand ang krylon, rustoleum and duplicolor etc...
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or van

brad tnx sa info!!!!!!!!!!:thumbsup:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or van

brad tnx sa info!!!!!!!!!!:thumbsup:

you're welcome sir
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

sir kung hihilamusin natin tong multivan ko, magkano aabutin? bago ko ibenta ..para wala na pagagawa ang buyer.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

good day sir...

ask ko lang... any idea kung magkano aabot pa re-paint ng side mirror lang (left and right).

tapos kung sakali kayo ko kaya DIY to? yung mga spray paint (pylox, bosny, etc.) pde kaya gamitin? tips naman sir... thanks. :salute:
 
kung gagamit ka ng spray paint mura lang at depende sa brand.
ung 400cc na in can price ranges from P75-200 or above.

madali lang tol i apply ang spray paint DIY. dapat lang ay malikot ang kamay (left to right or up & down direction) while applying, dahil kapag inihinto ang kamay ay tutulo ang pintura. ang distance sa pipinturahan ay about 4-6 inches.
pwede pylox or bosny basta acrylic sya.

para mas matibay at makapit (dahil karamihan sa side mirror ay plastic) gamit ka ng primer surfacer saka i apply ang pintura.

sir kung hihilamusin natin tong multivan ko, magkano aabutin? bago ko ibenta ..para wala na pagagawa ang buyer.

kung minivan lang parang kotse rin ang dami ng pinturang magagamit niya. kung hilamos lang walang body repair, mga nasa P10-12k ang pwedeng sabihin ng paint contractor. kung maraming body repair mga 15k up.

:):):)
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

ok na thread to,,,,,,,

pre pano kung may gasgas na malalalim ung motor anong kaylgan bka i pylox lng gamitin ko para matangal ung gasgas,,,,,,

gamitan ko ba ng pangliha tas lihahin ko ung buong body or ung may gas gas lng

advance thank you:thumbsup:
 
kung malalim tol, masilyahan mo ng body filler(kung talagang malalim/putty lang kung di gaano). pero lihain mo muna para kumapit ang masilya. pagka apply ng masilya, lihain hanggang sa pumantay, masasalat mo naman kapag pantay na. saka mo ngayon i pylox.

kung buong motor pipinturahan mo, lahat lihain mo ng pinong liha (#400). kung portion lang o retoke lang, yung pipinturahan lang ang dapat mong lihain. pinong sanding paper (#400) ang gamitin sa pagliha ng kulay.

you're welcome sir. :beat::beat::beat:
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

bosing T.S , ask ko lang , ano ba yung posibleng dahilan bakit nagmamapa ang pintura ng van ko, kya pa bang alisin ng rubbing compound?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

aba okay tlaga toh. more power syo ts:salute:
 
maaaring sa tagal na ng pintura kaya nagmapa na parang may puti puti.

dapat dyan hilamusan na. wala ring epekto rubbing compound, lalo lang mamumuti.

kung ang tinutukoy mo nagmapa na parang bumakat yung parte na may masilya, di maayos ang pagkaka repaint nyan, inagad ang proseso nyan o minadali.

dapat dyan ay retokehin. :):)

aba okay tlaga toh. more power syo ts:salute:

welcome sir, thanks. :):)
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

TS ano maganda gawin sa bubung ng kotse ko one year na siya napinturahan pero ngayon may mga portion na parang kumulo?paano pa ma retouch ito na DIY lang?
 
1. kailangang alisin yun through sand paper (kung ibabaw lang ang kumulo) gamitan mo ng ginupit na tsinelas pinaka patigas ng liha.

2.applyan ng putty kung kailangan, lihain

3. pinturahan ng primer surfacer

4. spray na ng color.

kung hanggang sa ilalim ang kulo, dapat gamitan ng spatula or paleta, tungkabin yung part na may kulo, saka lihain ng husto. kung aabot hanggang sa lata,

1. applyan ng epoxy primer

2. patuyuin saka masilyahan

3. lihain hanggang pumantay

4. i-apply ang putty at patuyuin at lihain hanggang kuminis

5. spray ng primer surfacer.

6. spray ng color.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

ayos na ayos to thread starter. ikaw lang ang nagse share about sa car painting. sa ibang site wala.

sir ano po mgandang compressor na gagamitin? ilang cfm? pati spray gun na mganda pero di mahal?

magkano po pintura para sa kotse? ano po maganda brand pero di mahal? ok po ba yung rustoleum? gagamitin sa civic 94. ako lang gagawa.

magkano po 1gallon ng pintura?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

pa subscribe dito, plano ko kasi hilamusan ang kia cd5 ko :) hilamos ba eh yung papatungan lang ng topcoat? o papatungan din ng pintura? ang alam ko lang kasi eh yung strip :)
 
ang pagkakaalam ko sa hilamos ay lilihain ang kotse tpos papatungan lang ng gusto mong kulay na basecoat. sabay clearcoat.

yung strip naman tatanggalin ang lahat ng pintura, bale palalabasin ang bakal sabay patong ng primer, basecoat at topcoat.

tama po ba thread starter?
 
hilamos, term ng mga pintor ng kotse, means papatungan lang yung dating pintura, pero di topcoat lang kundi kulay muna at topcoat syempre para maging glossy or wet look.

strip to metal siguro ibig mong sabihin. meaning remove lahat ng pintura pati masilya, litaw lahat ng lata ang buong body ng car.

so mas mura kung magpapahilamos lang.

ang pagkakaalam ko sa hilamos ay lilihain ang kotse tpos papatungan lang ng gusto mong kulay na basecoat. sabay clearcoat.

yung strip naman tatanggalin ang lahat ng pintura, bale palalabasin ang bakal sabay patong ng primer, basecoat at topcoat.

tama po ba thread starter?

correct ka dyan menggoy. karaniwang ginagawa yan sa maraming body repair.

ayos na ayos to thread starter. ikaw lang ang nagse share about sa car painting. sa ibang site wala.

sir ano po mgandang compressor na gagamitin? ilang cfm? pati spray gun na mganda pero di mahal?

magkano po pintura para sa kotse? ano po maganda brand pero di mahal? ok po ba yung rustoleum? gagamitin sa civic 94. ako lang gagawa.

magkano po 1gallon ng pintura?

thanks.

dito sa pinas kilala ang valspar sa air compressor.
depende sa paggagamitan mo ng compressor. kung home service lang or personal, ok na yung maliit, mga 15 cfm. kung may talyer ka, 20-30cfm pwede na.

price ng pintura ay depende sa brand at quality. mas mahal mas maganda. mas mura less quality and durability.

kung gusto mo mura paint para sa civic mo, GUILDER pwede na.
pero sayang naman ang civic mo. gastusan mo na para gumanda, kung ako sayo RM ang the best based on my experience. maraming casa yan ang gamit na brand.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

Bos pa help. panu po e repair ung basag na flairing ng motor like don sa may hand break part. natumba kc kya nabasag.. tas pag mgpapalit ng paint in some part gamit ang in can spray.ok bang gamitin un tas panu xa gawing glossy... anu mga brand and materials ang mga gagamitin ko...
first timer po kc mg eexperiment lng...tnx in advance GBU
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

kung gusto mo mura paint para sa civic mo, GUILDER pwede na.
pero sayang naman ang civic mo. gastusan mo na para gumanda, kung ako sayo RM ang the best based on my experience. maraming casa yan ang gamit na brand.[/SIZE][/COLOR][/I][/B]

anong RM sir? magkano 1 gallon nun tsaka nung guilder? gusto ko sanang gawin na wetlook ang kotse. gagawin kong diskarte, mga limang coat ng clear coat. tama po ba ako sir? mas makapal na clear coat, litaw na litaw ang pagka wet look?

about sa air compressor, magkano po aabutin ng 30 cfm na air compressor na 2nd hand? may nabasa ako na dapat cfm ang titingnan pag bibili ng air compressor at hindi horsepower, tama po ba sir? at anong magandang klase na paint sprayer?

ok ba tong sprayer with compressor? yung motor ng compressor ay 650 watt motor. eto yung sa home tv shopping....

2127dz7.jpg
j9rjp3.jpg
 
Last edited:
Back
Top Bottom