Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

thanks sa reply TS... ipa-pawashover ko na first week of january honda city ko. Salamat sa thread mo at may konting knowledge na ako about car painting, hirap kasi pagkausap mo nasa shop na wala kang alam kung ano ang pinagsasabi.

you're :welcome: tol

ser mejo nalito ako sa mga nabasa ko hahaha..

magpipintura kase ko ng fairings ng motor ko gamit ko pylox

ang primer ko pylox na white..2 coatings pagkatuyo wetsand ako para pumantay at mawala yung kintab at dulas..


ganto ba next?


apply base coat na light green 2-3 coatings tapos mag wet sand ba ulit?

oo, wet sand uli tapos base coat uli ng 2-3 coat saka isunod ang top coat

tapos topcoat tapos wetsand ulit?

after ng top coat, huwag mo na i wet sand

Sir, paano po ang gagawin kapag nagasgasan yung flairings ko. Natumba po kasi ako dahil napapreno sa harap. Medyo hindi po halata kasi matte black yung paint job. Nagpapanget lang po kasi gumaspang yung nagasgas. Ano po ang pwede kong gawin? TIA :lmao:

- - - Updated - - -

uubra po ba yung kakaskasin ko ng pino na liha na basa para pumantay po yung kuhay?

kapag niliha mo ng pino pwede rin kaso mahahalaha na niliha mo siya, mas ok kung ipa retoke mo na siya.
kung gusto mo i-DIY, bili ba ng in can ng flat black, saka mo spray sa nagasgasan
 
pagka apply ng base color, syempre pag tuyo na saka i wet sanding.

tama, pagkatapos ng primer at pagkatapos ng base coat.

top coat, yun ang last na lilihain (wet sanding), ang kasunod na ay rubbing o pagpapakintab.

pagka apply ng top coat, mas magandang kinabukasan na i wet sanding.



nabasa ko kase to ser kaya kala ko after topcoat mag wet sand ulit..

ok ser maraming salmat...

haha DIY talaga ko no idea at all..nag tanong lang bahagya sa paint center na pinag bilhan ko ng spray in can.haha

yunf masilya naman pinanood ko sa pinsan ko..nagets ko naman agad ambilis lang talaga tumigas hahaha..good for a beginner naman pag mamasilya ko hahaha..

ok lang ba #320 na liha gamit ko?
 
Last edited:
you're :welcome: tol





kapag niliha mo ng pino pwede rin kaso mahahalaha na niliha mo siya, mas ok kung ipa retoke mo na siya.
kung gusto mo i-DIY, bili ba ng in can ng flat black, saka mo spray sa nagasgasan

okay na sir! pina retoke ko na po. may nakilala po ako na marunong mag airbrush. nakuha naman sa 800 pesos. hehehe!!

salamat po sa respond! :yipee:
 
Sir meron po ba kayong SHOP near ANTIPOLO?? or any CONTACT NUMBER na pwede matawagan at maTXT??
Thank you and nice thread sir. :clap::clap::clap:
 
nabasa ko kase to ser kaya kala ko after topcoat mag wet sand ulit..

ok ser maraming salmat...

haha DIY talaga ko no idea at all..nag tanong lang bahagya sa paint center na pinag bilhan ko ng spray in can.haha

yunf masilya naman pinanood ko sa pinsan ko..nagets ko naman agad ambilis lang talaga tumigas hahaha..good for a beginner naman pag mamasilya ko hahaha..

ok lang ba #320 na liha gamit ko?

kung body filler ang lilihain mo, gamit ka ng #120, at ang pangkinis ay #220
kung putty naman, #220 ang panliha at ang pangkinis ay #400

kung nagpa practice ka pa na mag masilya, konting hardener lang ilagay mo para hindi agad tumigas.


okay na sir! pina retoke ko na po. may nakilala po ako na marunong mag airbrush. nakuha naman sa 800 pesos. hehehe!!

salamat po sa respond! :yipee:

ok good luck! parang mahal pa yata singil sa'yo ha.
kung maganda naman pagkaka retoke, ok na rin


Sir meron po ba kayong SHOP near ANTIPOLO?? or any CONTACT NUMBER na pwede matawagan at maTXT??
Thank you and nice thread sir. :clap::clap::clap:

wala kaming shop. pero may utol ako na mas expert, pwede mo kontakin. taga malabon siya
PM ko sa'yo # nya.
 
di ako pamilyar sa mga terms mo ser..haha

ano yung body filler at putty?


ang ginawa ko kase ganto...pinamasilya ko sa pinsan ko yung fromt fairings ng motor ko..ok naman kaya nag primer ako ng spray paint na white...pag katuyo nakita ko may mga butas butas pa pala na maliliit...kaya minasilya ko ulit hahaha


kaya po tinanong ko kung tama ba next step ko bago ko mag base coat


status:

namasilya ko na sya ulit tingin ko naman makinis na talaga hindi perfect na buong fairing sobrang kinis na pero ok naman na sya lalo yung malallim wala na...


*papatungan ko po ulit ng primer na white 2 coatings tapos
* wet sand para pumantay tapos
*base coat color okee green 2 coatings

ano next bago ko mag topcoat wet sand muna ulit?




2 coating tantya ko sa isang spray paint e haha low budget pa kase XD
 
di ako pamilyar sa mga terms mo ser..haha

ano yung body filler at putty?

body filler, yan yung nilalagyan ng hardener, ina-apply sa malalalim na lubog o gasgas

putty, hindi na nilalagyan ng hardener, minamasilya sa mga maliliit na lubog at gasgas, ina-apply din after ng body filler para kuminis



ang ginawa ko kase ganto...pinamasilya ko sa pinsan ko yung fromt fairings ng motor ko..ok naman kaya nag primer ako ng spray paint na white...pag katuyo nakita ko may mga butas butas pa pala na maliliit...kaya minasilya ko ulit hahaha

pag may butas butas na maliliit, pamasilyahan uli ng putty para mawala mga butas at para kuminis.


kaya po tinanong ko kung tama ba next step ko bago ko mag base coat

after maliha ang masilya or putty, isunod ang primer patuyuin at lihain ng #400
then, spray ang base coat ng 3 layers, then wet sand ng #400 at saka sptay uli ng base coat saka isunod ang top coat clear



status:

namasilya ko na sya ulit tingin ko naman makinis na talaga hindi perfect na buong fairing sobrang kinis na pero ok naman na sya lalo yung malallim wala na...


*papatungan ko po ulit ng primer na white 2 coatings tapos

oo tama, 2 or 3 coats

* wet sand para pumantay tapos
*base coat color okee green 2 coatings

at least 3 coats i-apply mo

ano next bago ko mag topcoat wet sand muna ulit?

liha muna ng base coat, tapos spray uli ng base coat saka isunod ang top coat clear


2 coating tantya ko sa isang spray paint e haha low budget pa kase XD

pwede na rin, pero mas maganda sana kung hanggang 3 coats gawin mo kahit sa top coat clear
 
Mga sir may alam ba kayong nag aair brush... malapit yung around muntinlupa o las pinas...
 
Hi TS,

Maganda po itong thread ninyo, very informative po :praise:

Bago lang ako dito sa symbianize.

Marami po akong katanungan, sana po mabigyan nyo ako ng tips or suggestions.

ano po ang magandang paint para sa frame ng mc? Actually nirepaint ko na ito, gumamit ako ng epoxy primer, tapos acrylic top coat and clear coat. Maganda naman yung kinalabasan, the problem is, madaling matuklap yung paint, na remove ko naman lahat ng old paint ng frame at niliha ko rin ito bago nirepaint. May mali ba sa combination ng epoxy primer and acrylic?

About din po sa anzahl paint, safe po ba ito sa plactic?

Last question po, yung air compressor na gamit ko may halong tubig, ano po dapat gawin para mawala yung tubig?

Marami pong salamat at mabuhay po kayo.
 
haha ser salamat sa tips..


kainis sa primer ko na white na bosny parang masyadong malabnaw e pag spray ko nagkakaroon ng tulo...pag pinatuyo ko naman lihahin ko hirap pantayin naliliha ko tuloy lumalabas yung orig color ng fairing color black haha
 
sir, nakapag primer na ako na urethane (hood po ng sasakyan).... pwede ko ba na patungan ng acrylic lacquer spray can? ilang patong po maganda pag na spray ko na ang acrylic lacquer, ano na po ang susunod? salamat
 
Last edited:
gusto ko to tnx

you're :welcome: here tol

Mga sir may alam ba kayong nag aair brush... malapit yung around muntinlupa o las pinas...

sa ngayon sir wala pa. may isa rito na marunong kaso taga nueva ecija yata. back read lang ng konte, makikita mo mga post niya rito.

Hi TS,

Maganda po itong thread ninyo, very informative po :praise:

Bago lang ako dito sa symbianize.

Marami po akong katanungan, sana po mabigyan nyo ako ng tips or suggestions.

ano po ang magandang paint para sa frame ng mc? (acrylic or lacquer) Actually nirepaint ko na ito, gumamit ako ng epoxy primer (tama yung ginamit mong epoxy primer, pwedeng patungan yan ng acrylic or lacquer), tapos acrylic top coat and clear coat. Maganda naman yung kinalabasan, the problem is, madaling matuklap yung paint, na remove ko naman lahat ng old paint ng frame at niliha ko rin ito bago nirepaint. May mali ba sa combination ng epoxy primer and acrylic? (tama naman, kaso baka may naiwan pang grasa o langis sa frame nung pinturahan mo kaya madaling naalis, para siguradong walang grasa o langis, dapat bago ka nag epoxy primer, pinunasan mo ng acrylic thinner ang buong frame lalo na sa part na maraming grasa, dapat totally walang grasa kapag nagpintura ka)

About din po sa anzahl paint, safe po ba ito sa plactic?

pwede naman siya sa plastic, pero dapat gamitan mo siya ng primer na anzahl din
at kapag plastic ang pipinturahan, huwag gaanong makapal, 2-3 coat lang


Last question po, yung air compressor na gamit ko may halong tubig, ano po dapat gawin para mawala yung tubig?

may ikinakabit sa compressor para masala ang tubig, tawag dun ay water filter may mabibili nun sa mga paint center.

Marami pong salamat at mabuhay po kayo.

gallery41bd1e5b1ffac.jpg


61tzgnInBaL._SX355_.jpg


haha ser salamat sa tips..


kainis sa primer ko na white na bosny parang masyadong malabnaw e pag spray ko nagkakaroon ng tulo...pag pinatuyo ko naman lihahin ko hirap pantayin naliliha ko tuloy lumalabas yung orig color ng fairing color black haha

malabnaw talaga kapag in can, huwag gaanong itutok ang pag spray, dapat medyo malayo at magalaw dapat ang kamay kapag nag spray.
ang pagliha sa tulo, gamitan mo ng ginupit na tsinelas at doon ipatong ang liha para pantay ang kalabasan.


WetSandingExperiment1045.jpg



sir, nakapag primer na ako na urethane (hood po ng sasakyan).... pwede ko ba na patungan ng acrylic lacquer spray can? ilang patong po maganda pag na spray ko na ang acrylic lacquer, ano na po ang susunod? salamat

pwede naman, at least ay 3-4 na patong o coats, pagkatapos i-wet sand mo siya ng #400
afper ma wet sand ay base coat uli ng 4 coats saka isunod ang top coat clear (3-4 layers din)

kaso baka hindi gaanong maganda ang outcome ng painting mo, mas magandang gamitin pa rin sa hood ay spray gun
 
Last edited:
sir pwede ba ako magpa pintura sa inyo? toyota liteace ang van ko. gusto ko na rin sana matuto na mag pintura. salamat po.
 
panget pala ng bosny na black..bat kaya ganun ser makintab sya kaso pag hinawakan bumabakat yung kamay tapos gasgas na...wala syang topcoat
 
Nice Thread Sir..
Tanong ko sana kung paano da best ko gawin sa kalawang sa gilid ng body ng oto ko..lagyan ko ba sya ng anti rust or spray ko na lang ng pintura?
Salamat in advance po..
 
Boss, ano maganda sa pang paint sa mags ng motor and ano mga kailangan. Thanks. :help:

Color: Neon Green :beat:

attachment.php
 

Attachments

  • images.jpg
    images.jpg
    10.1 KB · Views: 5
sir pwede ba ako magpa pintura sa inyo? toyota liteace ang van ko. gusto ko na rin sana matuto na mag pintura. salamat po.

pwede sa utol ko, taga malabon. mas may experience yon sa painting. PM ko sa iyo cp # niya. di na kasi ako pwede.

panget pala ng bosny na black..bat kaya ganun ser makintab sya kaso pag hinawakan bumabakat yung kamay tapos gasgas na...wala syang topcoat

yan ang mostly na complain sa bosny, nangyayari yan kapag naagad at napakapal ang pag spray. gamit ka na lang ng ibang brand.

Nice Thread Sir..
Tanong ko sana kung paano da best ko gawin sa kalawang sa gilid ng body ng oto ko..lagyan ko ba sya ng anti rust or spray ko na lang ng pintura?
Salamat in advance po..

i wet sand mo yung kinalawang ng #120, then spray mo ng epoxy primer, patuyuin saka lihain ng bahagya sa part na mamasilyahan.
yan ang maganda para ma prevent ang kalawang.


Boss, ano maganda sa pang paint sa mags ng motor and ano mga kailangan. Thanks. :help:

Color: Neon Green :beat:

http://www.symbianize.com/attachment.php?attachmentid=994217&stc=1

kung class ng paint ang tinatanong mo, ACRYLIC or URETHANE ang maganda
para mag glossy, pa lagyan o ng TOP COAT CLEAR
 
Back
Top Bottom