Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

no need na tanggalin ang dating paint kung maayos pa, kailangan lang i wet sand ng matindi ng #400 ang buong body then saka i paint ang desired color. medyo maselan ipaint ang pearl white, kung ako sayo sprayan mo muna ng kahit 2 layers na black at saka mo i paint ang pearl white. iyon ay para hindi bumakat ang lumang paint ng car mo.

Maselan pala ang pearl white. Yun din iniisip ko eh. Baka mahirap din e maintain or mag paint ng small area na d mahalata.

Maayos pa naman ang pinta. may mga konting area lng na parang may maliit na bubbles. sabi ng dating may ari minadali daw yung last na pag pa pintura nila at umuulan pa minsan. Ang plan ko e strip to metal sa area na yun para ma check narin baka may kalawang at lagyan ng body filler/putty etc. hanapin ko nlang advice mo sa previous posts para sa exposed na metal.

Salamat master Solo_baric.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

sir my alam ka san makakadl ng car sticker? ung malalaking resolution ..
 
Sir ano po ang magandang maisasuggest nio dito na repair sa mga gasgas sa rear bumper ko?
fk0yxnj

http://imageshack.com/i/fk0yxnj
nayvxpj

http://imageshack.com/i/nayvxpj
f5ft43j

http://imageshack.com/i/f5ft43j

Salamat po sa mabilis na pagsagot.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

:thanks: bm ko pag ngpintura ko
 
sir, tanong ko lang po kung pano ipapaint yung flarings ng scooter ko, partikular Suzuki nex, yung pinakailalim at leeg nya, yung black part. gusto ko kasi gawing puti.
 
sir magkanu po ba mag pa pintura ng boha ng tmx ?? ansal or acrylic or uratain anu po bang magandang gamitin sa boha ??

up ko lang po to !! :-)
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

Tanong ko lang po, ano ba ang pwedeng gawin sa crack ng rear bumper? Dapat na bang palitan ang buong rear bumper o magagawan pa ng paraan at magkano naman po aabutin?
 
Attachments

  • carcar.jpg
    carcar.jpg
    30.1 KB · Views: 4
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

mga sir, tanong ko lang sa mga nakagamit na ng anzahl paint. sa pagtimpla ng paint, hardener at thinner. alin ang uunahin ihalo sa pintura hardener or thinner or ano ang tamang sequence. salamat mga sir :yipee:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

Maselan pala ang pearl white. Yun din iniisip ko eh. Baka mahirap din e maintain or mag paint ng small area na d mahalata.

Maayos pa naman ang pinta. may mga konting area lng na parang may maliit na bubbles. sabi ng dating may ari minadali daw yung last na pag pa pintura nila at umuulan pa minsan. Ang plan ko e strip to metal sa area na yun para ma check narin baka may kalawang at lagyan ng body filler/putty etc. hanapin ko nlang advice mo sa previous posts para sa exposed na metal.

Salamat master Solo_baric.

bubbles talaga ang resulta kapag nag paint ng umuulan lalo't minadali.

you're welcome gauntfly

sir my alam ka san makakadl ng car sticker? ung malalaking resolution ..

sorry tol, try mo na lang i-search sa mga site ng car stickers

yvxp.jpg

lihain mo muna ng #120 sa area na may gasgas at palibot niya na aabutin ng masilya, saka mo masilyahan ng Body Filler, saka lihain (wet sand) uli ng #120. kapag pantay na ay saka i-primer surfacer, kapag tuyo na ay lihain ng #400 then saka i-paint ang base clor sa area na may primer, i-wet sand uli at kasama nang i-wet sand ang buong bumper ng #400. i-paint ang base color sa buong Bumper at pagkatapos ay isunod ang top coat clear.

:thanks: bm ko pag ngpintura ko

you're welcome

sir, tanong ko lang po kung pano ipapaint yung flarings ng scooter ko, partikular Suzuki nex, yung pinakailalim at leeg nya, yung black part. gusto ko kasi gawing puti.

kung wala siyang pintura as in plastic pa lang, need na mag paint ka muna ng plastic primer bago i-paint ang base color.

Tanong ko lang po, ano ba ang pwedeng gawin sa crack ng rear bumper? Dapat na bang palitan ang buong rear bumper o magagawan pa ng paraan at magkano naman po aabutin?

kung on budget ka, pwede mo siyang i-epoxy non sag adhesive para magdugtong yung crack. kapag kapit na siya ay saka mo lihain para pumantay. masilyahan ang part na may adhesive kung kailangan, saka pinturahan ng primer surfacer, next ang base color then top coat. kung magpapa-pintura ka, just 1k budget is enough.

kung may budget syempre ba best ang replacement ng bumper.

mga sir, tanong ko lang sa mga nakagamit na ng anzahl paint. sa pagtimpla ng paint, hardener at thinner. alin ang uunahin ihalo sa pintura hardener or thinner or ano ang tamang sequence. salamat mga sir :yipee:

kahit anong mauna ay ayos lang, basta yung halo na gagawin mo ay ipi-paint mo lahat unless matutuyo o titigas lang ang matitira dahil may hardener (catalyst) na siya. sa bawat gallon of anzahl paint na bibilhin mo ay may kasama yon na hardener na pang 1 gallon din. karaniwang halo ng thinner sa base paint ng anzahl ay 50/50 ratio. kung medyo malapot pa ay dagdagan na lang ng konting thinner.

Originally Posted by rowenn0921
sir magkanu po ba mag pa pintura ng boha ng tmx ?? ansal or acrylic or uratain anu po bang magandang gamitin sa boha ??

mura lang yan kahit 2 boha pa. kung magpapapintura ka sa talyer, 2-3 hundred pwede na. ok na kung acrylic paint.kung gusto mong i-DIY, spray paint o in can ang mas madaling proseso.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

boss balak ko sana pintahan ang wood cabinet namin, ano po ba magandang pintura para sa kahoy? yung makinis na parang plastik ang pagkapintura?
 
sir new here pa estimate naman ng parepaint s honda wave ko sir ung kya lng ng budget or txt me nlng sir 09273843362
 
personally, nakapag paint na din ako ng mga cabinet at mga divider. inapply ko car painting process mula primer hanggang top coat. maganda ang kalalabasan kasingkinis din ng kotse.

i-primer mo siya ng epoxy primer
patuyuin saka lihain at masilyahan lahat ng outer part at flooring. putty ang gamitin mo kahit 2 layer lang para matanggal ang wood marks. pagkatapos patuyuin ay i-wet sand mo siya ng #220 (huwag mong masyadong paglawain ang tubig dahil kahoy ang minasilyahan mo, baka masira lang.) kapag makinis na ay pinturahan mo na ng primer surfacer then lihain uli at isunod na ang base color, kung gusto mo talagang glossy, i-top coat mo siya. kapag nagawa mo yan, may maganda ka nang cabinet at waterproof pa. ngapala gumamit ka ng spray gun.

kung nagtitipid ka, diretso mo na agad ng quick drying enamel yun nga lang hindi siya kasing ganda ng 1st option.

sir new here pa estimate naman ng parepaint s honda wave ko sir ung kya lng ng budget or txt me nlng sir 09273843362

DIY ba o ipapa pintura mo sa pintor?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

idol salamat dito
 
di ba pede magpinta ng kotse pg maulan? malamig ang paligid?
 
:welcome:

di ba pede magpinta ng kotse pg maulan? malamig ang paligid?

hindi pwede unless na may oven bake ka. mamumuti ang paint kapag nag spray ka ng umuulan or malamig ang panahon.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcyc

sir planning to dip our toyota revo, kasya na ba ung 1 galoon ? mga ilang coat po kaya ? using a PLASTI DIP type of paint po.. ano po ung hinahalo para maging pearl effect ung pintura ? TIA
 
Maraming salamat po sa sagot nyo tungkol sa rear bumper ng tsikot ko.

Totoo po ba na mas mahal mag pahilamos ng tsikot pag maulan/malamig (june - december) kaysa sa summer (say feb-may) sa mga car paint shop??
 
Galing talaga Idol... San location mo Sir?
 
sir im planning to DIY yung pagpapaint ng fairings ng motor ko...
any recomended brand? spray paint lang po gamitin ko eh...
and posible po ba na yung parang 7 colors ang mapaint ko? yung parang nagiiba iba yung kulay tapos pero more in blue pa din?
tips na din po sa pag paint ng fairings
thanks in advance!
 
medyo alanganin ang 1 gallon, mga 1.5 gallon para sure, lalo na kung pati loob ay pipinturahan. sa pagkakaalam ko sa plasti dip ay magiging matte or flat ang paint ng car mo at hindi siya pang matagalan dahil rubberized siya. maaari mo siyang tanggalin thru hand at ibalik ang dating paint na pinatungan mo.

how-to-remove-plasti-dip-from-your-car-video-57111-7.png

Maraming salamat po sa sagot nyo tungkol sa rear bumper ng tsikot ko.

Totoo po ba na mas mahal mag pahilamos ng tsikot pag maulan/malamig (june - december) kaysa sa summer (say feb-may) sa mga car paint shop??

hindi totoo yun, maaaring tinataga ka lang sa price ng pintor na kausap mo. magpa-paint ka tag-ulan man o tag-araw ay pareho lang. kung ako sayo magpa-paint ka ng car mo during summer o tag-araw para walang problema.

Galing talaga Idol... San location mo Sir?

taga malabon ako pero sa ngayon wala ako don, pero kung magpapagawa kayo, andon utol ko, mas expert sa painting at mas experienced siya about painting

sir im planning to DIY yung pagpapaint ng fairings ng motor ko...
any recomended brand? spray paint lang po gamitin ko eh...
and posible po ba na yung parang 7 colors ang mapaint ko? yung parang nagiiba iba yung kulay tapos pero more in blue pa din?
tips na din po sa pag paint ng fairings
thanks in advance!

di ako gaanong familiar sa mga spray paint about brand name. pero count on me, MAS MAHAL ANG PRICE MAS QUALITY AT DURABLE.

yung nag-iiba iba ang color ay custom painting yun, sa pagkakaalam ko walang spray paint na ganun at mga expert painter ang mga gumagawa nun.

welcome.
 
Back
Top Bottom