Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

salamat ts ahh sya nga pala yung gagamitin ko pong pintura di nyo inilagay.. para maihanda ko po yung preperasyon ng pintura na gagamitin..

2 gallon acrylic paint (ikaw na bahala sa Brand at choose ng color)
6 qrt top coat clear
3 gal. ordinary acrylic thinner
3 gal. premium acrylic thinner
1 qrt primer surfacer (kung may mamasilyahan lang)
1 qrt epoxy primer (kung may part na strip to metal)

sand paper

#120 (para sa masilya)
#220 (para sa putty)
# 400 (para sa pagliha ng primer at body color)
#1200 (para sa pagliha ng top coat clear kapag ira-rub down na)

others na kailangan din

used news paper
masking tape
basahan
paint thinner
spray gun
compressor
panala sa pintura
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

pabm nito boss for future ref..tnx
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

ts salamat po ha .. txt q nlng po sya and pm nlng din po kita sana mkadiscount aq hehehe
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

ts salamat po ha .. txt q nlng po sya and pm nlng din po kita sana mkadiscount aq hehehe

welcome

madali namang kausap yun.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir p help nman need q ung xpertise mo.ung mtor q po ay red xrm110 plano q pong pinturahan.ksi po ung iba nyang parts natatangal n ung kulay at my mga gasgas na po.so ano po dpat qng gawin? sugest ng friend q ung my mga gasgas gamitan q ng papel de liha.tiniry q po pangit ung kinalabasan dpat pla ung makinis n papel d liha.my m sugest po b kau ng step by step s pg pntura? smple po 1st. is kinisin muna ung my gasgas gagmt aq ng? etc......pls sugest.tnx in advance
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

pabm nito boss for future ref..tnx

welcome kayo dito boss

sir p help nman need q ung xpertise mo.ung mtor q po ay red xrm110 plano q pong pinturahan.ksi po ung iba nyang parts natatangal n ung kulay at my mga gasgas na po.so ano po dpat qng gawin? sugest ng friend q ung my mga gasgas gamitan q ng papel de liha.tiniry q po pangit ung kinalabasan dpat pla ung makinis n papel d liha.my m sugest po b kau ng step by step s pg pntura? smple po 1st. is kinisin muna ung my gasgas gagmt aq ng? etc......pls sugest.tnx in advance

yung part na may mga natatanggal nang paint (loose paint) ay tuklapin mo na, gumamit ka ng paleta o spatula.

Spatule_400_3.jpga1cd758a-bd0c-466c-8685-3222f2166065Larger.jpg

then saka lihain ng #220 sa part na mamasilyahan kung meron like gasgas or tuklap na pintura

dapat ipangliha sa putty ay #220 kung body filler naman ay #120

images

kung walang mamasilyahan lihain na agad ng #400

pagkaliha ng masilya kapag pantay na, sprayan ng primer surfacer 2-3 coat sa part lang ng may masilya

images

kapag natuyo, lihain uli ang primer ng #400

sprayan ng base color ang part na may primer

kapag tuyo na ay lihain uli ang lahat ng parts ng motor na pipinturahan ng #400

spray mo na ang base color, mga 4 layers

images

pagkatapos spray na rin ang top coat clear, 4 layers din

(pasensya na, car painting yung mga nasa picture pero same principles naman yan ng motorcycle painting)
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir pa estimate naman magkano kaya pa pintura at pa masilya usually ng L300 Van
aabot po ba ng 20k.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

tnx may thread na ganito dito. sir may tanong po ako gusto ko sanang pinturahan yung interior handle ng pintuan ng suv namin kaso di ko alam kung anung paint gagamitin para hindi matuklap. parang leather na plastic kasi ito. pwede ba gamitin yung mga spray paint nasa lata like phylux at maganda b yan? wala kasi akong magamit na compressor.
 
Attachments

  • handle.jpg
    handle.jpg
    809.2 KB · Views: 2
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir pa estimate naman magkano kaya pa pintura at pa masilya usually ng L300 Van
aabot po ba ng 20k.

oo, pwedeng umabot ng 20k hanggang 25. depende rin sa dami ng repair.

tnx may thread na ganito dito. sir may tanong po ako gusto ko sanang pinturahan yung interior handle ng pintuan ng suv namin kaso di ko alam kung anung paint gagamitin para hindi matuklap. parang leather na plastic kasi ito. pwede ba gamitin yung mga spray paint nasa lata like phylux at maganda b yan? wala kasi akong magamit na compressor.

pwede talaga spray paint like pylox, acrylic base paint ang bilhin mo. para sure na maganda ang spray paint na gagamitin mo, mag base ka sa price, mas mahal mas maganda.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

maraming salamat sir.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

post ko nalang ulit dito Sir, pa request nalang din kung paano gagawin? walang basag yung fairing

View attachment 146376
 
Attachments

  • 11qu91x.jpg
    11qu91x.jpg
    28.2 KB · Views: 3
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

maraming salamat sir.

you're welcome tol

post ko nalang ulit dito Sir, pa request nalang din kung paano gagawin? walang basag yung fairing

View attachment 848606

kung malalim ang gasgas, kailangang masilyahan ng body filler,
pero bago imasilya, lihain muna ng #120 ang part ng gasgas at paligid nito.
kapag naliha na ang masilya, lihain uli ng #220 para kuminis
sunod naman ay spot putty sa part na may masilya at maliliit na gasgas, mga 3 layers lang
lihain uli ng #220, kapag pantay na i-wet sand uli ng #400 para kuminis
patuyuin saka sprayan ng primer surfacer sa part na may masilya
kapag tuyo na ay lihain uli ng #400
spray na ang base paint ng 4 layers
spray ang top coat clear ng 4 layers
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

balak ko po pinturahan ang pinto namin sa kusina na flash door, bale plywood lang po siya. gusto ko sana pinturahan o varnisan ng parang nagmumukhang plastic ang pinto na makinis at medyo glossy. ano po marerekomenda niyo sir?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

pa estimate naman po ako kung Magkano Parepaint Ng Shogun R125 CandyRed and Black ang Ipa Kukulay?
Di KAsi Maganda Kinalabasan Ng Pag Karepaint Ko,,
 
kung on budget ka, stick ka lang sa quick drying enamel (glossy), through roller at huwag brush. pero masilyahan mo muna ng wood putty ang buong surface ng pinto, pagkatapos ay lihain ng #220. saka pinturahan ng enamel.

kung gusto mo talaga ng maganda (flawless), pwede mo i-apply ang car painting sa house like sa flash door mo. eto ang proseso:

i-paint ang primer sa buong door surface, then apply putty (mga 2 layers lang), kapag tuyo na ay lihain ng #220, pwedeng wet sanding pero huwag paglawain. pagkatapos ay spray uli ng primer. kapag tuyo na lihain ng #400 (huwag nang basain). spray na ang base color (acrylic or lacquer paint), pwedeng enamel through roller.

pa estimate naman po ako kung Magkano Parepaint Ng Shogun R125 CandyRed and Black ang Ipa Kukulay?
Di KAsi Maganda Kinalabasan Ng Pag Karepaint Ko,,

karaniwan, 2-3k ang estimate ko sa mga MC. pero depende pa rin sa materyales at kung maraming repair.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir papa air brush ko po yung motor ko anu po ba maganda? acylic or urethane? :noidea:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

para sa air brush, user friendly ang acrylic, madali kasi syang matuyo, unlike sa urethane ay matagal matuyo at may kamahalan pa.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

maraming salamat po sir. :salute:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir, yung hood po ng sasakyan ko laspag at kupas na yung paint pero hindi nman masyado at d nman kinalawang parang nasunog lang cguro sa init ng araw, gusto ko sana pa repaint ang hood lang kasi yung body ng sasakyan makintab pa. Pero nung dinala ko sa shop sabi nila dapat dw buong sasakyan ang pinturan kc kung hood lang mag iiba ang kulay sa original, kaya hindi na lang muna ako pumayag kasi makintab pa yung body ng sasakyan. at totoo ba yun kung paparepaint yung original na pintura mdali kalawangin? or ok lang ba kung sticker nalang pangtakip ko sa hood, fiber sticker yata twag dun.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

para sa air brush, user friendly ang acrylic, madali kasi syang matuyo, unlike sa urethane ay matagal matuyo at may kamahalan pa.

pero sa quality sir anu mas maganda????
 
Back
Top Bottom