Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

salamat ng marami ts sa thread na to, marami akong natutunan.

:10: keep on sharing
 
good eve po sa lahat!
baka may gustong bumili ng pintura jan,
1galon weber urethane jet black with catalys
1galon weber urethane ferrari red with catalys
meron din akong weber urethane thinner,.
naparami kasi yung binili naming pintura para sa kotse at van na pipinturahan namin,.
kung may itrsado reply lang po kayo,.
name your prize po :)
presyong kasymbian :)

pahabol meron din akong wash primer, primer surfacer
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

napadaan lang ts...

Gud evening....
 
Sir ano po ba mga kaylangan para mag makapag buff ako ng motmot?
tsaka tutorial din po sana kung paano. SALAMAT!
Gusto ko po kasi i-BUFF yung carb at ENGINE COVER ko :thumbsup:
 
dapat pina-itim mo, kung ano gusto mo dapat yun ang gawin nila. karapatan mo yun dahil binayaran mo sila. pwede mo i-reklamo sa kanila.

talagang halos kalahati napupunta sa labor, mahirap kasing trabaho ang auto paint, skill kasi o talent ang binabayaran sa kanila.

pero sa 30k na hilamos, medyo mahal yun.

dko pa napapapinturahan sir malamig pa panahon sa summer pa :)
so pwde pala kung anong kulay gusto ko kung body ng car ay red tapus yung ductail
nya pwde ako mag request na itiman? hindi naman kaya sila mahirapan? kung detalyado
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

napadaan lang ts...

Gud evening....

welcome here sir.

Sir ano po ba mga kaylangan para mag makapag buff ako ng motmot?
tsaka tutorial din po sana kung paano. SALAMAT!
Gusto ko po kasi i-BUFF yung carb at ENGINE COVER ko :thumbsup:

kung pinturado ang engine cover mo, rubbing compound ang gamitin mong pang shine, kung aluminum pa siya, metal polish ang kailangan para kumintab.
gamitan mo lang ng basahang malinis, tapos medyo bilugin ito at lagyan ng rubbing compound at itubog ng bahagya sa gaas o paint thinner.

salamat ng marami ts sa thread na to, marami akong natutunan.

:10: keep on sharing

welcome here madam

dko pa napapapinturahan sir malamig pa panahon sa summer pa :)
so pwde pala kung anong kulay gusto ko kung body ng car ay red tapus yung ductail
nya pwde ako mag request na itiman? hindi naman kaya sila mahirapan? kung detalyado

hindi naman, talagang challenging ang mag paint ng sasakyan, kaya nga mahal ang magpapaint di ba? dapat talaga detalyado. kaya nga may term na auto detailing. the price is right naman kaya hindi sila magrereklamo.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Hello po Sir Solo_Baric! Thanks po dito sa thread nyo, mukang madami na kayo natulungan. Gusto ko lang din po humingi ng payo o suggestion sa inyo sa pagpili ng pintura sa motor ko.

Eto po ang motor ko. Gusto ko sana gawing metallic gold yung ibang fairings (plastic parts).

1148858_10202269651093374_437059978_n.jpg

Tapos parang ganitong kulay po ang gusto ko kalabasan:

2012121806192820026.jpg

Ano po maipapayo nyo sir? Salamat po in advance!
 
Attachments

  • 1148858_10202269651093374_437059978_n.jpg
    1148858_10202269651093374_437059978_n.jpg
    71.9 KB · Views: 0
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Hello po Sir Solo_Baric! Thanks po dito sa thread nyo, mukang madami na kayo natulungan. Gusto ko lang din po humingi ng payo o suggestion sa inyo sa pagpili ng pintura sa motor ko.

Eto po ang motor ko. Gusto ko sana gawing metallic gold yung ibang fairings (plastic parts).

https://fbcdn-sphotos-e-a.akamaihd....720/1148858_10202269651093374_437059978_n.jpg

Tapos parang ganitong kulay po ang gusto ko kalabasan:

http://www.shopping2cheap.com/upfile/2012-12-18/2012121806192820026.jpg

Ano po maipapayo nyo sir? Salamat po in advance!

magandang combination yan, white and metallic gold, kahit sa mga van, yan ang karaniwang combination ng mga two tone paint. explore mo lang ang painting sa MC mo, sky is the limit naman. maganda yung sample picture mo. gamitan mo lang ng masking tape kung gagawa ka ng mga gold stripe. after mong malagyan ng metallic gold, mas maganda na i-top coat clear mo ang lahat white and gold para mas glossy at pinaka protection niya na rin.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

hindi naman, talagang challenging ang mag paint ng sasakyan, kaya nga mahal ang magpapaint di ba? dapat talaga detalyado. kaya nga may term na auto detailing. the price is right naman kaya hindi sila magrereklamo.

salamat sir..:)
yung auto detailing ba matatawag na hilamos din yun?
yang 25k na hilamos kasama na kaya pati internal ng kotse
as in tatanggalin yung mga upuan at pipinturahan
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

mga sir, anu sa tingin nyo magandang color sa rims ko? muka kasing stock, saka what type ng paint ang kelangan iapply? baka kasi meron specific paint type para sa rims?

View attachment 154325
 
Attachments

  • IMG_2968.JPG
    IMG_2968.JPG
    1.1 MB · Views: 3
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

salamat sir..:)
yung auto detailing ba matatawag na hilamos din yun?
yang 25k na hilamos kasama na kaya pati internal ng kotse
as in tatanggalin yung mga upuan at pipinturahan

kasama ang painting sa auto detailing. kumbaga ay make over ng auto. eto isa sa meaning ng auto detailing - "Auto detailing is the performance of an extremely thorough cleaning, polishing and waxing of an automobile, both inside and out, to produce a show-quality level of detail. Besides improving appearance, detailing helps to preserve resale value of a car."

kapag sinabing hilamos ay kasama talaga ang loob, kahit pa sa engine at rim ng wheels. hindi na tatanggalin ang upuan kung painting, liban na lang kung may body repair sa part ng under seat.

mga sir, anu sa tingin nyo magandang color sa rims ko? muka kasing stock, saka what type ng paint ang kelangan iapply? baka kasi meron specific paint type para sa rims?

View attachment 880281

bright metallic ang maganda, pero mas mahal ang paint na yun sa mga karaniwang silver metallic. maganda rin kung may makikita kang chrome paint halos ang outcome ng paint niya ay parang stainless.

REALCHROME-VS-MIRRACHROME-lg.jpg
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

kasama ang painting sa auto detailing. kumbaga ay make over ng auto. eto isa sa meaning ng auto detailing - "Auto detailing is the performance of an extremely thorough cleaning, polishing and waxing of an automobile, both inside and out, to produce a show-quality level of detail. Besides improving appearance, detailing helps to preserve resale value of a car."

kapag sinabing hilamos ay kasama talaga ang loob, kahit pa sa engine at rim ng wheels. hindi na tatanggalin ang upuan kung painting, liban na lang kung may body repair sa part ng under seat.
wow san yan sir? kasama din rim pag hilamos?
yung mga pinagtatanungan ko dito hiwalay ang price ng paint sa rim
pati balak ko pahilamusan ng ibang color
month ba inaabot pag nagpahilamos or weeks lang?
ayaw ko pabilisin baka bumula pintura :)
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

.

bright metallic ang maganda, pero mas mahal ang paint na yun sa mga karaniwang silver metallic. maganda rin kung may makikita kang chrome paint halos ang outcome ng paint niya ay parang stainless.

http://www.kustomrides.com/images/D/REALCHROME-VS-MIRRACHROME-lg.jpg

how about sir sa dark colors? di kasi ko mahilig sa mga chrome like effect, gusto ko sana yung sporty look or mga gunmetal colors, do you think bagay sa rims ko mga ganun?
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

ts ..pwede kayang gamitin ang laquer thinner na puree ..sa epoxy primer ..baka kasi pag nag apply na ko ng base coat eh baka kumulo ..pwede kaya yun..??
 
sir m here again mangungulit hehehe...sir solo ask q lng po kung pwede gmitin q n sand paper 1000g png tngal ng orange p eel tpos sundan q ng 1500 dn 2000? ask q din po kung pwede steps ng pag paint n after ng 4base coat, wet sand q ng 1000g den apply ako ng clearcoat? Prng antagal po mwala ng orange peel. Bka mytips po kau para mbilis mwla ang orange peel. Ty po Godbless sir
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Good day pa sa inyong lahat!
Balak ko po kasi sana magpa repaint ng kotse ko sa malapit na talyer dito. Pero naisip ko pa na mas makakatipid pag yung pinsan ko na lang ang mag pintura since marunong din naman po siya dahil graffiti artist po siya. Ask ko lang po yung process ng pag pintura at yung kung ano ang dapat bilhin. Sana po yung detailed info nag makuha ko. Honda Civic po kotse ko. Salamat po ng marami! :) :) :)
 
TS.. pa estimate naman ho all in magkano magagastos ko sa pag pa hilamos? since wla pa budget pang repaint
bali ang problem lng po nun car ko eh..ngsipag bakbakan yung paint,tipong my mga bukol bukol pero di nman gasgas.. ksi wlang garahe, babad sa init,ulan,lamig
Auto is Lancer Itlog 95'

Thanks in Advance
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

wow san yan sir? kasama din rim pag hilamos?
yung mga pinagtatanungan ko dito hiwalay ang price ng paint sa rim
pati balak ko pahilamusan ng ibang color
month ba inaabot pag nagpahilamos or weeks lang?
ayaw ko pabilisin baka bumula pintura :)

1-2 weeks lang kapag hilamos. kapag may body repair ay mas matagal. hindi talaga dapat madaliin ang painting para maganda ang outcome.

how about sir sa dark colors? di kasi ko mahilig sa mga chrome like effect, gusto ko sana yung sporty look or mga gunmetal colors, do you think bagay sa rims ko mga ganun?

depende rin sa design ng rims mo. maganda i-combine ang nickel plated sa gold or black.

images

images

ts ..pwede kayang gamitin ang laquer thinner na puree ..sa epoxy primer ..baka kasi pag nag apply na ko ng base coat eh baka kumulo ..pwede kaya yun..??

hindi ko pa na try na ihalo sa epoxy ang lacquer thinner, para safe acrylic thinner na gamitin mo sa epoxy primer

sir m here again mangungulit hehehe...sir solo ask q lng po kung pwede gmitin q n sand paper 1000g png tngal ng orange p eel tpos sundan q ng 1500 dn 2000? ask q din po kung pwede steps ng pag paint n after ng 4base coat, wet sand q ng 1000g den apply ako ng clearcoat? Prng antagal po mwala ng orange peel. Bka mytips po kau para mbilis mwla ang orange peel. Ty po Godbless sir

pantanggal talaga ng orange peel ang #1000, pwede rin ang 1500 or 2000. kung medyo matindi ang pagka balat suha at makapal naman ang top coat clear ay magandang gamitin ang #1000.

dapat ipangliha (wet sand) sa base coat ay #500 or #600, gamitan mo ng flat na goma, tulad ng ginupit na tsinelas na ipangsasapin sa liha. pagkatapos maliha, spray ng base coat kahit 2 layers lang then usunod agad ang top coat clear.

images

Good day pa sa inyong lahat!
Balak ko po kasi sana magpa repaint ng kotse ko sa malapit na talyer dito. Pero naisip ko pa na mas makakatipid pag yung pinsan ko na lang ang mag pintura since marunong din naman po siya dahil graffiti artist po siya. Ask ko lang po yung process ng pag pintura at yung kung ano ang dapat bilhin. Sana po yung detailed info nag makuha ko. Honda Civic po kotse ko. Salamat po ng marami! :) :) :)

eto need mo:
1.5 gallon base color
4 gallon acrylic thinner
primer surfacer - kung may mamasilyahan
epoxy primer - kung may litaw na lata na pipinturahan
sand paper - #120 para panliha ng masilya, 220 para panliha ng putty, 400 para panliha ng primer surfacer at base color, 1200 panliha ng top coat bago i-rubbing
iba pang kailangan: compressor, spray gun, news paper, masking tape, rubbing compound, paint thinner, basahang malinis.

TS.. pa estimate naman ho all in magkano magagastos ko sa pag pa hilamos? since wla pa budget pang repaint
bali ang problem lng po nun car ko eh..ngsipag bakbakan yung paint,tipong my mga bukol bukol pero di nman gasgas.. ksi wlang garahe, babad sa init,ulan,lamig
Auto is Lancer Itlog 95'

Thanks in Advance

kailangang i-strip ang mga bukol bukol hanggang sa pinagmumulan nito. kapag natanggal na, dapat i-wet sand ng #120 saka masilyahan.
talagang masisira ang paint kapag nakabilad lagi ang sasakyan, advisable talaga na nakalilim sa garahe ang car para tumagal ang paint.

karaniwang hilamos ngayon ay nasa 15-25k, depende sa paint materials at dami ng repair.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

kailangang i-strip ang mga bukol bukol hanggang sa pinagmumulan nito. kapag natanggal na, dapat i-wet sand ng #120 saka masilyahan.
talagang masisira ang paint kapag nakabilad lagi ang sasakyan, advisable talaga na nakalilim sa garahe ang car para tumagal ang paint.

karaniwang hilamos ngayon ay nasa 15-25k, depende sa paint materials at dami ng repair.

Ahh ok ok medyo pricey nrin pla hilamos eh noh!

Saan banda shop mo sir, sainyo ko na lang kaya ipatrabaho to,bka sakali mka discount
:giggle:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Boss pwede ko ba sprayan ung swing arm motor ko, black flat black ba? kelangan pa primer? sagot agad sir
 
Back
Top Bottom