Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

@solo_baric
Sir mag kano aabutin ng hilamos sa lancer pizza pie ko? Yung bumper ko naman nagbabakbak na paint. At makakamura ba ako kung sa akin
ang gastos pang bili ng mga kailangan na pintura? Labor lang sana babayadan ko.

hilamos nasa 15-25k ang range niya, depende sa materials,pintor at shop
kapag nababakbak na, ibig sabihin hindi na kapit ang paint, kung malaki na ang portion na bakbak, bakbakin mo na lahat ng paint sa bumper.
mas makakamura kung sa'yo ang materyales. kumikita rin kasi ang pintor sa pagbili ng materyales kapag labor at materials ang kontrata.

sir, san ba pwede makabili ng RM Brand na acrylic? dami ko ng pinagtanungan wala akong mahanap, sabi pa ng iba, phased out na daw ang RM Brand.

kung wala ka nang mabili, ibang alternative brand na lang bilhin mo.

anong masilya maganda sa dugtungan ng kisame..... kadalasan kasi bumibitak

pang automotive na masilya bilhin mo, BODY FILLER, yan yung may hardener, hindi na bibitak yan, mabibitak ang kisame pero yan hinde.

ts can i paint urethane without adding catalyst???

hindi pwede, kapag walang catalyst, hindi matutuyo ang urethane paint
 
Sir Paki-explain nmn po kung para saan po ung mga item sa pag-paint.
Pasensya na po sir.
But very nice thread po ito para sa ating may mga sasakyan...

top coat = 3 to 4 quart (depende kung gusto mong mejo kapalan ang top coat)
-

thinner = 2 gal.(premuim thinner pangsara ng kulay at top coat clear)
-
thinner = 1 gal.(ordinary para sa primer kung may masilya o putty)
-
putty = 1 quart ok na kung konti lang naman gasgas o maliliit na lubog o alon.
-
primer surfacer = kailangan din lalo na kung may mamasilyahan o putty. kahit kalahating quart lang, 1 quart kung maraming masilya.
-
rubbing compound at wax para pampakintab.
-
 
Sir, I have two questions:

1. Masisira ba ang paint (urethane) kapag nalagyan ng brake fluid?
2. Pwede ba idilute ang stripsol sa tubig pa hindi siya maging masyadong matapang?

Thanks po.
 
sir gusto sana palitan ng kulay ung bike frame ko
gumamit ako ng sandpaper ung 1000
para mawala pagkaglosy

tapos

bumili ako ng BOSNY YAMAHA PURPLE spray

pag ka spray ko ang panget parang tumutulo

anu ba mganda gawin mga sir ? salamat sa makakatulong
 
pang finish coat na yan, spray siya after mai spray ang final spray ng base color

thinner = 2 gal.(premuim thinner pangsara ng kulay at top coat clear)

inihahalo sa base color paint at sa top coat clear

thinner = 1 gal.(ordinary para sa primer kung may masilya o putty)

inihahalo naman ito sa pag spray ng primer at first coating ng base color

putty = 1 quart ok na kung konti lang naman gasgas o maliliit na lubog o alon.

pang masilya ito sa maliliit na lubog at minor scratches

primer surfacer = kailangan din lalo na kung may mamasilyahan o putty. kahit kalahating quart lang, 1 quart kung maraming masilya.

yung mga part na minasilyahan ay need munang sprayan ng primer surfacer bago pinturahan ng base color

rubbing compound at wax para pampakintab.

pampakintab yan syempre

-

Sir, I have two questions:

1. Masisira ba ang paint (urethane) kapag nalagyan ng brake fluid?

kung ang tinutukoy mo ay raw paint pa, yung nasa lata pa at nahaluan ng brake fluid, oo, masisira na siya
kung ang tinutukoy mo naman ay car painted na ng urethane at nalagyan ng brake fluid, hindi siya masisira, matibay ang urethane (kung painted na)

2. Pwede ba idilute ang stripsol sa tubig pa hindi siya maging masyadong matapang?

hindi ko pa nasubukan yan, talagang matapang ang paint remover, mahapdi at makati yan sa balat kapag nalagyan ka.

Thanks po.

you're :welcome:

kaya tumulo ay masyadong kumapal ang spray mo, at baka naitutok mo ng matagal.
dapat sa pag spray ay malikot ang kamay, pag press ng spray paint, dapat magalaw ang kamay

- - - Updated - - -

sir naka sagasa ako ng aso, di naman nabasag bumper ko kaya lang pumutok ung pintura. pag hinatak ko ung pintura sumasama ung iba pa.

1.pano kaya diskarte sa pag masilya?
2. ano ang mga kailangan kong bilin na gamit.
3. mag papatimpla ako ng pintura ano pong klase para bumalik ung kintab at gano kadami
4, may nabibili bang murang pang spray bukod sa compressor. san mabibili
5. mas maganda kaya kung tuklapin lahat ng pintura para di na mag masilya?

DIY ko nlang sana. salamat po

View attachment 209717
 
Attachments

  • 20150401_172258-1-1.jpg
    20150401_172258-1-1.jpg
    1.3 MB · Views: 8
Last edited:
Sir 3 months pa lang motor ko pero gusto ko na palitan kulay kasi dami kapareho. Spray paint in can lang gagamitin ko
*need pa rin ba i primer?
*ano technic para may pagka metallic at super glossy?
* need din ba i wet sanding pagka apply ng clear coat?
Plastic fairings po ung ssprayan ko.

Tia ts
 
sir naka sagasa ako ng aso, di naman nabasag bumper ko kaya lang pumutok ung pintura. pag hinatak ko ung pintura sumasama ung iba pa.

remove mo na lang lahat ng pintura, gamitan mo ng paleta o spatula

1.pano kaya diskarte sa pag masilya?

kapag bago ka pa lang mahirap magmasilya, paturo ka muna sa may alam.
bago magmasilya, apply muna ng plastic primer o kaya ay epoxy primer

2. ano ang mga kailangan kong bilin na gamit.

body filler, spot putty, epoxy primer o plastic primer, base color, top coat cear, acrylic thinner, sand paper #120, #220, #400

3. mag papatimpla ako ng pintura ano pong klase para bumalik ung kintab at gano kadami

kung bumper lang, 1 quart may sobra na yun. yung mahal na brand bilhin mo para maganda outcome pati kintab

4, may nabibili bang murang pang spray bukod sa compressor. san mabibili

may mga portable na compressor, sa mga mall meron like ACE Hardware

5. mas maganda kaya kung tuklapin lahat ng pintura para di na mag masilya?

mas maganda nga tuklapin na lahat

DIY ko nlang sana. salamat po

you're welcome bro

View attachment 1020073

Sir 3 months pa lang motor ko pero gusto ko na palitan kulay kasi dami kapareho. Spray paint in can lang gagamitin ko
*need pa rin ba i primer?

depende sa color na ipapalit mo. may mga color kasi na kapag ini spray mo ay hindi agad tumatakip kaya bumabakat pa rin ang ilalim na paint

*ano technic para may pagka metallic at super glossy?

may metallic talaga na paint, mga dark color paint piliin mo dahil yun ang mga glossy

* need din ba i wet sanding pagka apply ng clear coat?

pwedeng i wet sand pwede ring hindi. pero karaniwang ginagawa ko, pagka spray ng base final coat, diretso na sa top coat clear.

Plastic fairings po ung ssprayan ko.

Tia ts

welcome sa inyong lahat
sana after nyo ma DIY, post nyo pictures ng outcome job nyo
 
Sir pa help.
Balak ko po kasi pinturahan yung cover at yung hub ng motor ko (honda wave 125).
Gusto ko po gamitin yung Anzahl.
Ano po ba yung kailangan at pa estimate po ng price na magagastos.
wala po ako balak mag papaint sa iba.
Gusto ko ako lang para makatipid and may compressor kasi dito sa bahay.
 
sir help po.
balak ko pnturahan raider ko. ano po b klase ng mga pintura at mgandang tatak gagamitin mula s primer gang top coat? nde ko din po alam step. compressor po gagamitin ko. malaking salamat po s tulong
 
Salamat po sa pag sagot may follow up lang po.

So tatanggalin ko sya ng spatula. Once na tanggal na lahat ng pintura ano po ang process na gagawin ko? Salamat sa sagot sir mahilig kasi akoag DIY kaya medyo matanong.

San po location mo sir?
 
need mo ng:
1 quart base color
1/2 gallon urethane thinner
kung wala namang gasgas o repair ang motor mo, di na need ng body filler or spot putty
sand paper #400
masking tape
magpa guide ka rin sa marunong na pintor, ang anzahl kasi ay medyo complicated i-apply, di tulad ng acrylic

sir help po.
balak ko pnturahan raider ko. ano po b klase ng mga pintura at mgandang tatak gagamitin mula s primer gang top coat? nde ko din po alam step. compressor po gagamitin ko. malaking salamat po s tulong

maraming maganda ngayon, mag base ka sa price, mas mahal mas quality at durable (hal. ng mga brand: GLASURIT,RM, NIPPON, etc.)

step:
1. wet sand muna ng #400 (lahat ng pipinturahan)
2. base color 3-4 coats (kung kakulay o same color ang ipipintura, di na need mag primer)
3. wet sand uli ng #400
4. spray uli ng base color kahit 2 coats lang
5. then saka isunod agad ang top coat clear 3-4 coats

Salamat po sa pag sagot may follow up lang po.

So tatanggalin ko sya ng spatula. Once na tanggal na lahat ng pintura ano po ang process na gagawin ko? Salamat sa sagot sir mahilig kasi akoag DIY kaya medyo matanong.

San po location mo sir?

wet sand, then epoxy primer or plastic primer
wet sand uli, masilyahan ang mga gasgas at mga lubog na part saka lihain (#120 kung body filler, #220 kung spot putty.) at apply ng putty para pang kinis
primer uli (surfacer) after makinis o ma wet sand ang masilya
wet sand uli, saka spray ang base color
wet sand uli, then base color at saka isunod ang top coat clear

you're welcome

malabon city area
 
sir tanong lng po mag kano po aabutin at saan po maganda mag pa hilamos ng sasakyan..
cAR: Mitsubishi Spacegear 1998 (LOCAL)
color: silver at darkgray ata
Loc : antipolo proper
 
Salamat po sir Solo_Baric

you're :welcome:

sir tanong lng po mag kano po aabutin at saan po maganda mag pa hilamos ng sasakyan..
cAR: Mitsubishi Spacegear 1998 (LOCAL)
color: silver at darkgray ata
Loc : antipolo proper

ang estimate ay depende sa pintor, materials na gagamitin at sa shop
sa mga van or suv karaniwan naglalaro sa 20-30k
kung gusto mo kontakin mo lang utol ko, mas expert na pintor yan (nasa siggy ko)
 
Good Day Sir, ask lng po sana ako, gusto ko repaint yung crankcase ng motor ko, kaso mahirap po tanggalin yung dating paint nya, anu po ba ang pangtanggal nun sir? at anung best paint product color silver gray gagamiting sir? TIA
 
PAINT REMOVER lang katapat nyan, iphid lng thru paint brush then wait for 1 minute saka mo tanggalin gamit ang spatula o kaya ay steel brush.
maraming nang brand na maganda, mag stick ka lang sa mga mas mahal na brand para makatiyak kang maganda at matibay.
 
boss pde ba tong proseso na to?

kasi prang may puti na dun sa pinuntirahan ko ng glossy..

ginwa ko kasi pag kaliha ko hanggang sa pumatay gamit ang #1000 sandpaper.. diretsu pylox na..

tama ba yan?

or kung mag pipintura ako same procedure then apply ako ng clear na top coat?

ilang oras bago i apply ang top coat pagkapintura?
 
boss solo magkano sa shop nyo magpapintura ng sasakyan mitsulancer scrape to metal? hehe thanks
 
Last edited:
boss solo_baric ako yun dating nagtanong sayo about dun sa kotse ko na may kupas ang kulay .. ngayon kasi nabangga siya ng taxi tapos ang ginawa nirepair nila yun kotse ko dahil nabutas yun bumper sa likod at at lumusot yun bumper.. ang nangyare ang ganda ng pagkakagawa kaso nung nagtananong ako sa kanila kung magkano pa washover ang mahal ng singil saken 30k daw wash over lahat kasi may bulutong na tatangalin at lalatero yun bubong .. gagamitin nila is anzhal dahil yun daw ang maganda tama lang ba ng price na yan/..?? saka TS nagoffer siya saken sabi niya saken pede din daw nila i home service para makamura ako .. ako nalang daw bahala sa gamit at compresor tapos siya na bahala gumawa babayaran ko nalang siya ng labor .. tingin mo TS mga magkano kaya ang labor ng ganyan .. kasi mahal kapag sa talyer nila makikita ng amo niya eh

saka TS. ask ko naren kung ako nalang kaya ang mgDIY kasi may kapitbahay ako marunong din sa pagpipintura dahil yun kotse niya siya lang din ang bumabanat at pede ko naman hiramin yun compressor at gun niya .. tingin mo mga magkano kaya aabutin kung ako nalang ang gagawa..
thanks TS>
 
Back
Top Bottom