Hi Friend,
Topet po.
Check ko lang: paano mo ni-install ang Compiz Fusion? Paanong animation ang tinutukoy mo, by the way? Nga pala, kailangan install mo rin yung compiz fusion plug-ins.
Na-try mo na ba gawin yung mga "things to do after installing Ubuntu" nung nag-search ka sa Google? Kasama kasi dun ang pag-install ng Compiz Fusion eh.
To be honest hindi ako gumagamit ng WINE. Although napapagana ng WINE ang mga Windows-based programs and applications, hindi 100% na gumagana ang lahat ng functionalities ng Windows-based program na gusto mong paganahin. For example ako ginagamit ko ang MS Excel sa work ko. May mga features and functions na hindi gumagana sa WINE kapag gumagamit ako ng MS Excel like automatically updating a graph, or Pivot Table. For games naman, for example although gumagana sila like Need for Speed, hindi naman available lahat ng graphics options the same way na nasasagad ko ang graphics ng kotse, na tipong fluid na talaga ang animation. Mas maganda basahin muna ang WINE website, and i-check mo kung na-test na nila yung application or program na gusto mong i-install to see kung gaano ka-stable yung Windows-based application na yun pag ginamit sa WINE.
If you really want to use WINE you always have to check the website of WINE. Kasi may mga nagte-test ng Windows applications and they rate kung gaano ka-functional yung application or program na yun pag ginagamit sa WINE. Nira-rank nila yun by "Platinum", "Gold", "Silver", or "Bronze". Pag Platinum ang rating ng application or program ibig sabihin gumagana lahat ng features ng program na yun pag pinagana mo sa WINE. Based sa mga nabasa ko sa website ng WINE, kaunti lang ang mga programs na gusto ko na may "Platinum" rating. That's why I still have a dual-boot configuration (Windows). Kung gamer ka, mas maganda may dual-boot ka. Less hassle. Then as you master Ubuntu, saka mo na diskartehan yung mag-full migration ka na sa Ubuntu and never to use Windows again. Kung other applications naman like office applications, sikapin mong matutunan ang mga Linux equivalents. For example: kung ang Windows ay may MS Office, ang Linux-based OS naman ay may Open Office. So ngayon inaaral kong gamitin ang Open Office, kaysa mag-WINE at gumamit pa ng MS Office. Yun ang true essence ng migration...as in hindi ka na talaga gagamit ng Windows-based na applications.
More to come.
EDIT: Friend, eto recommend ko sayo, napakagandang gamitin for newbies. Ginamit ko ito nung nagsisimula ako. May mga sagot and tutorials dito for the most common questions, lalo na sa mga kaka-install lang ng Ubuntu sa computer nila:
http://www.psychocats.net/ubuntu/index. Sobrang helpful, ginawa itong site na ito with the ultimate newbie in mind. Gaya ng sabi ko sayo sa mga posts ko kanina, saka na yung mga sudo-sudo, pagdaanan muna natin ang basics. Andito sa URL na ito ang common questions like:
- paano ma-install ang flash
- paano magdownload ng software
- paano mag-add ng repositories
- paano mag-setup ng WINE
- paano ba talaga ang tamang paggamit ng sudo, ano ang dapat ingatan, etc.
- paano mag-dual boot
- paano, etc. etc. etc.
Thanks sa compliment mo.
Pero I think mas madadalian ang mga forum members kung hindi tayo gagawa ng sobrang daming threads about Ubuntu. Mas madali na nakalagay lang sa kaunti (mas maganda nga sana kung isa lang) na thread, kasi ang mga forum boards ay may feature na kung tawagin ay "Search this thread". Mas madali mag-search sa loob ng isang thread, kaysa magsearch ng maraming thread tapos sa loob ng bawat thread magse-search pa ulit.
Yun lang ang palagay ko.