Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

Bakit hanggang ngayon hindi ko kayang magpaalam sayo? Ano ba talaga tayo? Ano bang klaseng pagmamahal yang pinararamdam mo sakin? After all these years kung ako tatanungin mo hindi ko din tiyak kung ano to. Pero nakikinig ako palagi sa sinasabi ng iba at naniniwala ako sa mga yun. Mag open kasana sakin at alam ko na napaka hirap pag usapan yun. Sana mag one on one talk ulet tayo personally at marami pakong sasabihin sayo. :sigh:
 
Miss na katrabaho ko sa ibang dept. Masyado ka na clingy. Sumasandal, kurot, touch sa legs at iniipit mo pa tuhod ko ng legs mo... Gusto mo ba? :what::noidea:
At ayun na nga mas lalo tayo naging close sa mga dumating na seminars, trainings.. mas naging touchy and clingy ka, mas dumalas chat and txt natin.. hatid sundo na din kita, halos araw araw at gabi gabi magkasama.. kaso wala tayong label, at confused ka pa din sa ex mo na bumabalik sayo.. at yun na nga nung umuwi ex mo, biglang nabago lahat.. completely opposite. Buti na lang tama mga kaibigan ko, didiskarte ka pa lang, dapat mag umpisa ka na mag move on. 💔
 
Ewan ko ba tuwing nagiging sweet ako sayo sa text medyo kinakabahan parin ako kasi baka mabasa ng mum mo at baka paktayin ako non. Haha. I hope masaya ka sa mga nasabi ko sayo kahit simple message lang sya. Masaya din ako kasi you said it back and that's important. That words na nasabi ko ay assurance narin na magstastay ako. Wala naman akong choice e haha. Gusto pa sana kitang kausapin kaso baka pagod kana. Kaya dito nalang yung mwa ko sayo. See you soon!
 
We'll see nalang siguro. We'll see. :-)
 
Siguro nagtataka sila sa pinost mo. Wala ka ng bukang bibig kunde umuwe kana!! Haha. Para akong paslit na pinapauwe ng magulang. Di nako uuwe dyan at ikaw mag effort pumunta dito kung gusto moko sakalin. Haha

:lmao:
 
Pangit ba ko? Kapalit palit ba ko? Why? :noidea:
 
Last edited:
Tanggalin natin yang feelings nayan. Tulungan mo ako :upset:
 
Hindi ko akalain ang mga pagbabago na gagawin ng panahon. Kung Sabagay, 15 yrs din yun. When I look back, hnd ko na maimagine na ako, tayo pala yun mga naaalala ko. Parang ibang tao na pakiramdam ko sa sarili ko ngayon kumpara noon.

Pero, walang magbabago sa sa kung sino ka sakin. In fact I am who I am dahil sayo. Sana masaya ka. Dahil masaya na ako. As in wala na ako hahanapin pa. Ngunit, naguiguilty ako maging masaya minsan pag naalala kita. Kmusta ka kaya? Nakahanap k na ba ng taong pra sayo? Nararanasan mo din kaya ang ligaya na nararanasan ko? I know you deserve the best.

I hope we meet each other again, kahit sa susunod na habambuhay.
 
Excited to move to our new house. ;-)
We've worked hard for this, imagine yong stress natin ng isang taon. 🫂
 
Like a clown I put on a show
The pain is real even if nobody knows
And I'm cryin' inside
And nobody knows it but me
😔
 
This is the time im starting to pull away from you. You asked the question that i'v been waiting for pero sadly ayaw kitang sagutin. SOrry kung na seenzone kita.
 
Ang hirap magmahal ng totoo, kasi pag nasaktan ka, ang sakit sakit 💔
 
Nakaka-pagod din pala talaga yung ikaw na lang palagi yung umiintindi pero hindi ka magawang intindihin pabalik. 😓
 
Hello. Gusto ko lang sabihin masaya ako para sayo, kung dati looking through a two way mirror lang ako, ngayon may barikada na. Alam kong magkaiba ang mundong ginagalawan natin, maraming bawal sabihin ay gawin.
Sorry kung late kong nasabi sayo fellings ko pero until now mahal parin kita ilove you (PS Hirap parin sabihin in person or tru chat)
Boss amo, wag mo sayangin panahon. Ipunin mo lakas ng loob mo, di tayo nakakasiguro ikaw din baka maabutan ka ng pagkagunaw ng mundo. 🤧. Wag kang matakot kung ano maging outcome.
Post automatically merged:

Ang hirap magmahal ng totoo, kasi pag nasaktan ka, ang sakit sakit 💔
Totoo po. Napakasakit. Lalong lalo na kung hindi talaga pwede na maging kayo kahit pagbalibaliktarin ang mundo. 😭
Post automatically merged:

Hello. Gusto ko lang sabihin masaya ako para sayo, kung dati looking through a two way mirror lang ako, ngayon may barikada na, to protect you. Alam kong magkaiba ang mundong ginagalawan natin, maraming bawal sabihin at gawin, malabong maging tayo sa bandang huli, ang mahalaga sa akin ngayon ay masaya ka. Enjoy life. Hayaan mo nang masaktan ako, it has been that way from the start but I still gambled, pati pamato tinaya ko. Sa dami ng tao sa mundo bat sayo pa talaga. 😞
 
Last edited:
Alam mo ba bakit kung sakali mang magkatime machine ayoko bumalik sa past or pumunta sa future?

Unahin ko muna yung future, sa takbo ng pagsasama natin ngayon, hindi ko alam at natatakot ako baka wala ka doon. Ayaw ko din nman sa bumalik sa past kasi maaring hindi ikaw yung makakasama ko ngayon. Gusto ko lang manatili sana ngayon, kasi alam ko andito ka, kasama kita, ito yung tunay at totoong ganap, hawak ko kamay mo, yakap din kita. Mahal kita alam ko yun, alam ko talaga, kahit nagdududa ka.

Bakit parang natatakot ako sa magiging sagot mo sa tanong na yun. Oo, kasi talagang takot na takot ako na magiging pahiwatig mo ay hindi mo na ako gustong makasama....

Kaya sagot ko na lang ay.... ayoko sa past and ayoko sa future, gusto ko lang ng now. Mahal Kita. :(
 
Oo tinataguan kita. Ayaw ko na muna kitang nakikitang online o kausap. I'm not mad or angry sayo. SAna hindi na matuloy yung bakasyon natin at hindi ko alam ang ikikilos ko pag nagkita tayo.
 
Natuwa ako at ang puso ko nung sinabi sa akin ni mami na nag-message ka sa kanya at nangamusta. Hindi man ako yung minessage mo directly, sobrang natuwa talaga ako. Nabubuhayan tuloy ako lalo dahil doon. And oh, the possibilities. :love::love::love::love:

Hanggang ngayon, lumipas man ang maraming taon, ikaw at ikaw pa din ang laman ng puso ko, ang mahal na mahal ko. Alam kong alam mo yan. Basta, isa sa mga araw na 'to, ikaw naman ang kakamustahin ko. Na-eexcite tuloy ako. Basta, pag-bubutihan ko talaga ng husto. Mag-iingat ka palagi ha? Mahal na mahal na mahal na mahal kita! ❤️❤️❤️❤️
 
Back
Top Bottom