Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [UPDATED]Apple Pie? - Fourteenth Slice

Hello pong muli! Hindi ko na makita yung thread ko sa isang forum
category kaya mukhang kelangan kong ilipat sa tamang section 'to. Hehe.

Salamat sa mga magbabasa!



First Slice

Pitong buwan nalang ang kailangang lumipas. Pitong buwan
nalang at ikakasal na ang babaeng nakasama ko sa loob ng anim
na taon - Apat na taon sa kolehiyo at dalawang taon sa
pagrereview at pagpasa sa board exam para maging CPA. At kung
ano ang pinakakomplikadong bagay?

Siguro alam nyo na. Palihim akong may gusto sa kanya at hindi
ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa kanya yon.
Hanggang sa nagkaganto na nga.. nagkanda peste peste na nga
ang caveman kong damdamin.

Sabihin na nating kailangan ng isang tao ng ilang buwan para
makabangon mula sa pag-ibig. In my case unrequited love. Isang
buwan para sa self-pity stage, kalahating buwan para sa self
-denial stage at kalahating buwan pa para sa acceptance. Tapos
isa pang buwan para makahanap ng panibagong partner, kasama
na dito ang getting to know stage. Pero di pa kasama dito ang
ligawan stage dahil depende na sa babae yun. Paano nalang ako?
Ilang taon nalang kaya yon para saken?!

"7 months nalang pala Chloe ah. Congratulations sa inyo ni Greg!"

"Salamat Ivo! Kung wala ka siguro sa buhay ko e hindi ko makikita
ang pag-ibig ko! Hulooog ka ng langit!"

"Ikaw tong anghel tapos ako pa hulog ng langit?"

"Ivo! Palabiro ka talaga! Kailangan mo na talaga ng babaeng
magpapatibok ng puso mo. You are so nice naman, bakit hindi ka
pa din nagkakagirlfriend? Nakakapagtaka!"

"Kung alam mo lang.."

Kung alam mo lang kung gaano kita sinubukang bakuran mula pa
nung first year college tayo nung una kitang nakita. Maikli ang
iyong buhok at hindi makikitaan ng kulay o kasiyahan ang mukha
mo. Nung pagkakataon pa lang na iyon ay natutunan ko ang
misyon ko sa buhay ay ang subukan kang pasiyahin. Ang
nakakatuwa nga lang na realisasyon e ako ang napasaya mo.

"Ivo? Kung alam ko lang na ano?"

"Kung alam mo lang na napakahirap maging tulay nyo ni Greg!
Manlibre ka naman ng breakfast!"

"Sure! Let's go then. Apple pie?"

May mga moment sa buhay na madidivide ang mga panahong
nabubuhay kang masaya ng mag-isa at ang araw na may
makikilala kang mas mataas pa pala ang kasiyahang dulot kesa sa
nag-iisa ka. Sa gantong paraan kami pinagtagpo ng tadhana.

"Martinez, Chloe G." Yun ang sabi ng nakaharap niyang ID.

Busy sa paghigop ng mainit na kapeng barako. Nag-iisa at tila
malalim ang iniisip. Habang ako? Kumakain ng dinadayong Apple
Pie na di nagtagal ay naging paborito kong almusal.

"Apple Pie, Ivo?"

"Syempre! Tsaka orange juice na din para sa inumin."

Sa pag-upo namin ay naalala ko din kung paano ko siyang
nilapitan para magpakilala. Mangining-nginig pa dahil hindi naman
ito araw-araw na nagyayari sakin. Kung san ko man nakuha ang
lakas ng loob na kausapin sya e hindi ko na matandaan. Siguro
dala na din ng Apple Pie na nakain ko.

"Ate meron bang nakaupo dito? May kasama ka po?"

Iniangat nya lang ang kanyang ulo at umiling. Ilang nakakailang
na minuto din ang lumipas bago ako nakapagsalitang muli. Tuliro
pa din at nananalanging sana ay magrewind ng 30 minutes ang
oras at bumalik nalang ako sa pagkain ko ng Apple Pie.

"Ivan nga po pala ate pero you can call me Ivo. Mukha pong
napakalungkot mo, may problema po ba? Meron po ba akong
maitutulong?"

Sablay. Nung unang pangungusap siguro e pasok pa. Pero sa
ikalawa? Dapat kinain nalang ako ng dinosaur mula sa prehistoric
era na nag-time spacewarp gamit ang wormhole teleporter pinto
na galing sa bulsa ni Doraemon. Pero everything went better than
expected. Lumuha lang naman siya lalo.

"Ano ka taga-charity? Tutulungan mo ko?"

Tinignyan niya ako ng mata sa mata at tumawa. Literal na iyak
tawa. Doon nagsimula ang kwento ng aming pagkakaibigan.
Nagkapanatagan ng loob at naging komportable. Mala pelikula
ang setting. Simula din non e naging personal clown, comforter at
tissue nya ako. Masaya akong makita siyang nakangiti. At katulad
ng iniinom kong orange juice ngayon, meron ding twist ang
tadhana para sa kwento namin. Magkalapit lang kami ng bahay.

"Remember when we first met Ivo? Ang galing galing ng
delivery mo sa pagiintroduce!"

"Naalala mo pa yon? Sinabi ko naman sayo, inexperienced ako.
Inexperienced!"

"Ay ganun ba. E bakit kaya sinabi mo din dating ang dami dami
mong naging girlfriend?"

"Sinabi ko lang yon para tabunan yung pinagmamayabang mong
highschool super heartrob boyfriend mo na nakipaghiwalay sayo!"

"Tse. Crush mo lang talaga ako nun at patay na patay ka sakin
kamo!"

Nung araw ding nagkakilala kami e nabansagan akong stalker sa
kadahilanang pareho kami ng dinaanan pauwi which is technically
paghahatid na din sa kanya. Wala naman talaga akong kaalam
alam na dun din pala siya nakatira kahit medyo may katagalan na
din akong nakatira don. Anyway, di ko naman iyon dinamdam.
Proud pa nga ako dahil nakita ako nila utol at ermat na may chicks
na kasama. Pero dahil nga stalker ako, napagpasyahan na din ni
Chloe na ipakilala nalang ako sa pamilya niya. Tindi diba?

"Ako pa may crush sayo ha. Ikaw nga tong text ng text dyan na
namimiss mo ko kahit kakahiwalay lang natin sa paguwi eh."

"Siguro nga crush kita. Sino ba namang hindi magkakagusto sa
madungis na unappealing na college student na nagtatanong
kung anong problema sa unang pagkikita. Diba diba?

"Ouch."

"Joke lang Ivo! Hahaha."


- - - Updated - - -


Second Slice

Sa bawat pagdaan ng mga araw para sa kanya, tila mas madilim
ang kasalukuyang araw kesa sa kahapon; Naging kabaliktaraan
naman iyon sa akin. Kakaiba ang kaparaanan nya para maglabas
ng mga hinanaing sa buhay. Alam na alam ko yun dahil araw-araw
siyang naghihimutok sa akin, araw-araw niyang inuulit ang
kanyang problema. Kulang na lang e i-tape niya 'to at i-play na
lang niya kapag natripan niyang ulitin. At syempre, dahil nga nasa
dugo ko na ang pagiging great listener e ako ang lagi niyang
audience sa kanyang mga sona.

"Two years Ivo! Imagine?! Two years ang sinayang niya!"

"Makakahanap ka din ng tunay na magmamahal sa'yo. Tumingin
ka lang kasi sa paligid."

"Awwww.. Typical boy talk! Ganyan kayong mga lalaki, always
talking in riddles! Kung gusto ko mang magpakalalim, makikinig
nalang ako sa The Script!"

"Hindi naman sa ganon. Ang sinasabi ko lang, bigyan mo ng oras
ang sarili mo na makapagmove-on. Mahalin mo muna ang sarili mo
ngayon tapos malay mo, hindi man ngayon o bukas e may gagawa
na ng trabahong pagmamahal sa'yo."

"E pano kung hindi na?! Pano kung tumanda nalang akong
dalaga?"

"Sa ganda mo'ng yan?"

"Yan ang gusto ko sa'yo eh!"

"Ikaw pa."

"Thank you friend!"

Alam ko ang iniisip niyo. In my defense e nagmomove on pa kase
sya. At oo, kaibigan muna. May tamang oras para gumawa ng
hakbang. Pero eventually narealize kong torpe lang talaga ako. At
'di ko pa naiinom ang gamot na makapagpapagaling sa akin.

"Ivo, kung papipiliin ka. Emma Watson o Emma Stone?"

"Emma Watson!"

"Pero nasa Amazing Spiderman si Emma Stone eh. Bakit si Emma
Watson?"

"Mas bata siya tsaka mas maganda siya para sakin. Tsaka nasa
Harry Potter naman siya ah?"

"Tse. Mas gusto ko si Emma Stone. Eto naman. Si FPJ o si Bong
Revilla Jr.?"

"Hands down. FPJ all the way! 'Isang bala ka lang!' "

"Hmm. Mas pogi si Papa Bong. Okay last one. Ako o si Carol?"

Si Carol lang naman ang 'oh so beautiful' na babaeng heads over
heels ako nung third year highschool pa lang ako. Mas mataas
siya ng batch sa akin at nagkataon na Prom Queen siya -- at
partner niya ako. Nabanggit ko lang ang tungkol sa kanya kay
Chloe bilang pagsheshare na din para malaman niyang nagkaroon
din ako ng mga pagkakataong nabalisa ako katulad niya.
Nakakamangha namang naalala niya pa ito kahit isang beses ko
lang naman nabanggit ang tungkol kay Carol.

"Ikaw nalang.."

"Ay. Talagang may 'nalang'? Hesitant? Bakit naman?"

"E syempre.."

Kung bakit tumataas ang kilay ng babae kapag idedescribe siya ng
isang lalaki e wala pa ding scientific explanation. Kasama din dito
ang biglang pagbigat ng triple ng kanilang mga kamay kapag may
mali kang nasabi. Wala pa ding naiimbentong treatment para sa
mga injury na natatamo ng mga taong nakararanas ng ganitong
phenomena maliban sa pagpapahinga at ice bag.


Source - Diksyonaryo ni Pilosopo Tasyo

"Unique ka kasi."

"Gumaganyan ka ah. Bakit unique? Alien ako ganon?"

"Mabait ka. Maganda, matalino at higit sa lahat e nakakausap kita.
May topping pa na kapitbahay kita. Package deal. Parang bucket
meal ng KFC"

"Tss. Bolero! Kung unique nga ako na katulad ng sinasabi mo.
Bakit ako iniwan ni Randy?"

At patuloy ang pagrereplay ng recorded na mensahe.

"Maiba tayo. Bakit sa tinagal tagal kong nakatira dito sa village na
'to e ngayon lang kita nakita?"

"E kasi ganito yun. Napagdesisyunan lang ni Mama na lumipat dito
mula nung nag-annul sila ni Papa. Si Papa naman pumunta na ng
states para mag unwind. Like mother like daughter ang peg no?"

"Ah bago lang pala kayo dito. Di naman sa gala ako pero kahit
papano kasi e napagbubuklod ko kung sino yung mga dayo dito at
kung sino yung mga matagal na. Di ko lang napansin na umalis na
pala yung mga nakatira sa bahay na tinitirhan niyo."

"I see. Since when pa kayo dito na resident?"

"Simula pa nung 6 years old ako. Isa kami sa mga unang
nagpatayo ng bahay dit-"

"So proud ka na niyan na mga sinaunang villagers kayo?"

"Ouch."

At patuloy ang pagrereplay ng recorded na mensahe.


- - - Updated - - -


Apple Pie? - Third Slice


There is only one happiness in this life. To love and be loved.

- George Sand

Para sa isang katulad kong unrequited lover boy, swak na swak
ang mga kataga ni George Sand sa akin. Kakaibang kasiyahan na
nga para sa'kin ang dinudulot kahit na one sided ang relasyon.
Walang label. Pero feeling boyfriend pa din ako sa kanya. Pano pa
kapag naging kami?

Mabilis na lumipas ang panahon na tila maikling sandali lang ang
isang school year. Nagpakita na din ang masayahing katauhan ni
Chloe. Ang dati niyang maikling bubhok na naging trademark niya
nung una ko siyang makita ay lumago na sapat na para maitali.
Ang mga mata niyang dati'y walang kapungay-pungay ay
nagkaroon na ng ningning. Kapansin-pansin din ang kaniyang
ilong na katamtaman lang ang laki at ang kanyang mga labi, na
kahit hindi na lagyan pa ng cosmetics ay natural na ang pagka
kulay rosas. Di ko din maitatanggi ang ganda ng hubog ng
kanyang katawan-- pero hindi ko na ilalarawan pa iyon dahil baka
macensor out pa ako ng cyber crime law. At siyempre, ang
pinakaburito ko. Ang tawa niya ay ginto- at kung susundin ang
lohikang ito, mayaman na akong minero sa di mabilang na
pagpapahalakhak sa kanya.

Kung tutuusin e sa kung anong meron mang namamagitan sa
aming dalawa ngayon e panalo na ako sa sitwasyon. Give and
take na din itong matatawag kahit hindi niya alam na may
naibibigay sya sa akin. Maliban syempre sa dialogue niyang
"salamat kaibigan"..

At dahil nga lalaki lang, ako na naghahanap ng more than friends
na relasyon e naglakbay para sa kasagutan. Madaming super pogi
akong nilapitan. Maraming payo ang aking hiningi. Madaming
librong tungkol sa pag-amin ang akin binasa. At iisa ang mensahe
nila.. Yun ay wag maging torpe.

"Chloe, anong balak mo ngayong bakasyon?"

"Wala naman. Sa bahay lang siguro at konting get-away. Kinukulit
ko nga si mama na magbeach kami eh."

"Ah eh.. Kung gusto mo, ipapaalam nalang kita kay tita.. Sumama
ka na lang samin sa probinsya, dun kasi kami magbabakasyon
ngayon summer e. Yun e kung gusto mo lang naman.."

"So, ipapaalam mo ako kay mama?"

"Oo! Ano, tara?"

"Pilitin mo muna ako!"

"Pilipitin muna kita?"

"Tse!!"

Kung gaano ka gv ang araw na iyon ay hindi ko maipaliwanag.
Umayon lahat sa inaasahan. Naipaalam ko si Chloe at agad naman
siyang pinayagan. Alas kwatro pa nga lang ng umaga ay
nakahanda na kaagad siya sa pag-alis at di mo mahahalatang
excited siya. Kung ako nga e mula sa pagligo ko hanggang sa
pagsisipilyo ay tulog pa din ang diwa ko.

Gamit ang family van, ang destinasyon namin ay Ballesteros,
Cagayan. Nakatulog kaagad si Chloe pagkaayos ng gamit at
pagkaupo niya pa lang. Ako ang natokang katabi niya sa back
seat. At sa di inaasahang pagkakataon, napasandal ang ulo niya
sa akin na naging dahilan para magkaroon ng palitan ng
makahulugang ngiti sa loob ng sasakyan. Siyempre kilig to the
bones naman ako.

"Mahaba-habang byahe 'to."

Nag-iisip. Paano nga ba ako makakapag-ayos ng posisyon na
magiging komportable si Chloe sa pagtulog at magiging hindi
nakakangawit na pag-upo naman para sa'kin? Ayaw ko yatang
masayang ang moment na to.

"Chloe.. Chloe.. Gising ka na muna. Kain muna tayo."

"Uhm. Nasaan na ba tayo?"

"Nasa Tuguegarao na tayo. Konti nalang ibabiyahe natin."

"Pwede bang matulog na lang ako?"

"Mamaya na pagkakain. Masarap mga pagkain dito!"

"Talaga?"

Pero napahiya din ako dahil sa pagbibida ko. Ang inakala kong
pagbili ng pagkain e naudlot dahil may baon pala kami at
maghahanap lang ng upuan.

Mangan tayon!


- - - Updated - - -


Fourth Slice

Umaga na ng dumating kami sa probinsya. Ang mga kapinsanan,
mga tiyuhin at tiyahin, lolo't lola at mga uzi ang sumalubong sa
aming pagbaba.

Instant na naging superstar si Chloe dahil na din sa mala-artista
niyang ganda at pigura. Ang iba ay tinawag na kaagad siyang
Carla Abellana, sa mga matatanda naman ay Sharon Cuneta. At
para makumpleto ang punchline nila, nagkaisa sila sa pagtawag
saking Paquito Diaz.

"Hi po sa inyo. Chloe po. Chloe Martinez!"

"Hi din po sa inyo kagalang galang na Bb. Martinez. Ivan Angelo
Ambrosio nga po pala!"

"Weh. Corny!"

"Ouch."

Malamig na simoy ng hangin. Mga lumilipad na paru-paro at ang
magandang huni ng mga ibon. Ibang-iba sa buhay urban. Kung
tutuusin, pwedeng kada summer e sumama samin si Chloe. Okay
tong ganto.

"Thanks Ivo ha."

"No need to mention it."

"Di lang yun. Thanks sa lahat."

"Sige lang. Basta ikaw. Mag-enjoy tayo ngayong summer! Pero sa
ngayon, dahil sa pagod na pagod ako mula sa byahe e matutulog
muna ako!" Sabay ismid

"Paano naman ako?"

"Ganito nalang. Tititigan mo ako hanggang sa magising ako.
Galing ng idea ko no?"

Napailing nalang siya sa sinabi ko. Kung sa bagay e napakaepal
ko nga dahil sa gagawin ko. Pasensya na pero tinamaan na
talaga ng antok eh. Magagawa ko?

Maraming oras ng paghihilik at pagikot ikot matulog ang lumipas.
Nakapag enjoy naman si Chloe kahit na wala ako. Nakasakay nga
din siya sa kalabaw na kahit kailan e hindi ko masubuk-subukan.
Nakuha din nilang mamitas ng bunga ng mangga; naubos nila ito
at tinirhan ako ng madaming buto. Ang alcala milk at bibingka
naman ay nanatiling todo bantay dahil na din sa bantang dala ko.

"Wooo! Gising na si batugan! Good evening!"

"Batugan ko ulo mo dyan eh. Buti naman at hindi ka nabore
kakahintay na magising ako?"

"Hello? Ivo aaminin kong nageenjoy akong kasama ka. Pero
thrice as fun sila kasama kesa sayo no!"

"Thrice yor peeeeeeeeeeeeeeeeeys" Literal kong pagbuga sa
bibig niya

"Baho ng hininga mo! Magmumog ka nga!"

Laugh trip. Nagising ako para malamang matutulog na pala sila.
Way to go! Bawi na lang ako. Matagal pa naman kami dito eh.

Yun ang sabi ko..

Pero ang sabi nila? 1 week lang kami dun..

1 WEEK.

At halos sa buong isang linggo na iyon ay nagpaulitulit ang mga
pangyayari nung unang araw. Hindi na nga kami nakakapagusap
ni Chloe at hindi ko na din naeenjoy ang bakasyon namin sa
probinsya. At ang pinakamasahol sa lahat ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid.

Kaya nung last day ng stay namin sa probinsya,
napagdesisyunan kong hindi matulog at mapanatili ang
kabuhayan ng diwa sa buong magdamag. Isang araw ng
pangaabuso ng sarili. Okay lang!

"Chloe, tara. May pupuntahan tayo!"

"Ha? Saan naman. Inaantok pa ko Ivo.."

"Sa beach!"

"Talaga? Pero saan yun? At tsaka 6 pa lang ng umaga oh!"
Pagkabigla niyang sagot

"Basta tara!"

Malamig pa din naman ang klima kahit tirik ang araw. Suot pa ang
damit pantulog ay puno ng buhay kaming nagtatatakbo papunta
sa tabing dagat. Maganda roon. Alam ko- dahil sa tanang
pagbabakasyon ng pamilya namin ay naroroon ako palagi.

"Ang ganda.. Ang ganda ganda Ivo.."

"Di ba?"

"Pero paano?"

"Tambayan ko to simula pagkabata. Teka relax ka lang. Dun tayo
sa banda run. Mas maganda dun."

Katulad ng nakikita ko sa mga pelikula, ganto ang tagpuan sa
isang climax ng isang love story. Nakakakilig na mushy na corny.
Pero wala naman talagang ganung scenario sa utak ko na iniisip
ko nung mga oras na iyon. Basta ang alam ko, gusto ko siyang
makasama dito.. Gusto ko siya..

"Super thank you Ivo.."

Pagkatapos noon ay isang matamis na halik sa pisngi ko. Sayang!
Dapat sa lips nga eh!

Pero kung gaano man karomantiko ang naganap na iyon at kung
gano man iyon nakapagdulot sakin ng matinding kasiyahan..

Hindi na lang sana. Sana hindi na lang natuloy ang trip na iyon.
Sana hindi ko na lang siya ininvite..

Kung alam ko lang.
 
Last edited:
Re: Apple Pie?

Nagbabalik po! Sorry sa mga pinaghintay ko ng napakahabang panahon. Babawi po ako! :D






Fifth Slice

"Bzzt bzzt bzzt"

"1 Message Recieved"

Weird. Pero first time kong makatanggap ng text message
ng dise oras ng gabi.

"I miss you!"

Si Chloe? 'Di ba't kakahatid ko lang sa kanya sa bahay nila
5 minutes ago? Ang labo!

"Ha? Kakahatid ko lang sa'yo sa inyo ah. Matulog ka na nga!
'Di ka ba napagod sa byahe e buong magdamag kang maligalig ah?"

Huling text niya yon nung gabing iyon. At dahil nga umasa pa
'kong may text pa na kasunod, e nakatulog na din ako na katabi
ang cellphone ko.

"Hi Ivo! Good morning!" Pabungad ni Chloe

"Ehh. Teka, bakit ka nandito sa kwarto ko? Anong oras na?"

"Trip lang."

"Noooo. Huwaag pooo!"

"In your dreams Ivo! Manyak!" Sabay karipas na tumakbo
palabas ng kwarto ko

Nagmadali akong nag-ayos at naglinis ng sarili. Alas dos na
pala ng hapon. Bwenas, pagod talaga ang katwan ko mula
sa escapade namin at byahe galing probinsya.

"Ivan Ambrosio! Lumabas ka na nga diyan at hinihintay ka
na ng girlfriend mo!" Sigaw ni Ermat

"Oo nga Ivo! Tara let's eat miryenda na!" Follow up naman
ni Chloe

Nagpintig ang dalawa kong tenga. Nagustuhan ko ang delivery
ng bawat salitang iyon, musika sa aking pandinig.

"Andyan na ho!"

Kataka-taka. Wala namang tao sa bahay namin na handang
gumastos ng pera para bumili ng pizza pero sa pagtapak pa
lang ng paa ko sa unang baitang ng hagdan ay naaamoy na ang
aroma ng italian delicacy na yon.

"Ivo kain na! Ito oh, I sliced one for you!"

"Nako ka Chloe, bakit naman nagabala ka pa?"

"Ah basta. As a sign of gratitude na din."

Tinignan ko siya ng matagal, nag-isip at pinabayaang
magrefresh ang utak ko.

"Na 'din'?"

"Yiheeeeeeeeeeee!" Chorus naman ng mga tao sa bahay

"Edi may iba pang dahilan?"

Manhid nga ba ako o feeling pogi lang ako na bigyan ng malisya
'to? Overthinking leads negativity.. Overthinking leads to negativity!

"Ivo, favor naman oh."

"AHHHHHH. Kaya pala may Pizza!"

"Noooooo. Iba pa yung compensation for this favor. Will you come
with me outside for a second? Sige na oh. Pretty please!"

"Para namang makakatanggi pa ko. Tara!"

Garden ang setting pero walang mga halaman o landscape. Pero
dun niya ko natripang dalhin at kausapin. Siguro mahilig siya sa
nature o siguro e trip nya ang mga batong nandudun.

"Andito na tayo sa tahimik. So ano na yung pabor na hihingin mo?"

Buntong hininga...

"Ganito kasi. Magvivisit si papa dito sa Philippines next week and
next week na yun! Pwede mo ba akong samahan? I mean kung
okay lang. Kung hindi e maghahanap na lang ako ng iba. Nagbabakasakali
lang naman."

"Bakit ka pa maghahanap ng iba kung alam mo naman yung isasagot ko?"

"I knew it Ivo!"

"Kiss?"

"In your dreams! Manyak!"

"Ouch."

At lumipas ang araw ng pizza ang putahe mula hapon hanggang
midnight snack.

 
Last edited:
Re: Apple Pie?

update po please kinikilig na ko eh..... more pa mooooore.....
 
Re: Apple Pie?


Sixth Slice


Hindi magkamayaw ang mga boses sa'king ulo.
Humihiyaw, pumapalakpak at nagchcheer: "Ivo! Ivo! Ivo!"

Hindi ko maipahiwatig ang sensasyong nadarama.
Hindi ko alam kung bakit lagi akong nakangiti-- o kung
bored man at natripang makipagusap sa mga tao ay di
ko mapigilan ang pagngiti kapag binabanggit ko ang
pangalan niya. Pero sa aking obserbasyon, sa bawat pagdaan
niya sa harapan ko'y biglang napapamarathon ang tibok ng
puso ko't lumalambot ang tuhod ko. Gusto ko 'tong
pakiramdam ko-- dahil para kay Chloe to.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan? Bagtit! Kaharap mo
lang si Cory oh!" Pagsira ni ermat sa pagmomoment ko

"Chloe po tita." Ani Chloe na nakangiti din pagkatapos
ng pambubully ni ermat sa akin

"Ay sorry Charlie.."

"Chloe po. Klo-wee!"

1 week lang pala eh. Sisiw. Marami pang panahon
para makapaghanda ako sa eyeball namin ng tatay
ni Chloe. Pero anong araw na nga ulit?

"It's Friday! Fridaay, fridaaay gotta get down on fridaaaay!"

"Ma, pakipatay naman yung radyo o. Wawasaken ko yaaan!"

Daaym. 2 days nalang pala at next week na!

"KAYA KA PALA NANDITO ANO?!"

Nakangiti pa din si Chloe. Pang horror ang setting dahil
subukan ko mang tumakbo pakaliwa, pakanan o papunta
sa likod e aabutan nya pa din ako ng sibat niya. Kaya ginawa
ko ang bagay na hindi susubukan gawin ng kahit sino para
makawala sa predator na nasa harapan niya.

Hinawakan ko siya sa kanyang balikat at dahan dahan ko
siyang itinumba at sinabihan na ipikit ang kanyang mga mata.

"OLE OLE OLE OLE"

At tumakbo ako papalayo.

Time left 'til the big day: 56 hours

First stop: Papogi pitstop ni Ces Budeng

Masakit pa ang katawan ko mula sa pagkaka power-tackle
sakin ni Chloe nang subukan kong tumakbo. Kung hindi pa siguro
binasag ni Gardo ang katahimikan e mapagkakamalan ko siyang
bouncer sa Ermita dahil na din sa laki ng kanyang katawan. Ang
kanyang kamao ay ang pinagsama-samang apat na kamao namin
ni Chloe, idagdag pa ng tank top nya at ang mga tattoo niya sa
katawan-- "I heart One D.." Di ko mabasa eh.

"Anohng guhpeeeeht poooohgiiihh?"

"Ah eh. Flat top!"

"Ay kuya, ano po bang pwedeng make over sa kanya para
magmukha siyang tao?" Singit ni Chloe

"Ok naman flat top sakin ah. Malinis daw sabi ni ermat!"

"Baka mukhang panlinis yung sinabi niya, nagkamali ka lang ng dinig?"

"Ha?"

"Kuya, wag niyo po siyang pagmukhaing walis ha?"

Ouch. Nasaan ba talaga ako? Aso ba ako? Pet groomer store ba 'to?
 
Last edited:
Re: Apple Pie?

more! updatessssssssss.... :D ganda boss
 
Re: Apple Pie?

Thanks sa mga bagong mambabasa!



Seventh Slice

Lumabas akong, believe it or not, kamukha si Michael Cera
ng Scott Pilgrim. Ilang oras ata ang lumipas para sa brain
storming sa kung anong magiging gupit ko na nauwi din naman
sa barbers cut.


"Saan na next destination natin Chloe?"


"Teka lang. Let's fix you."


Pagpag dito, pagpag doon ang peg ni Chloe. Ayos ng konti
sa buhok ko at pag-alis ng excess na pulbo sa mukha't leeg.
Para akong batang nakatayo lang habang inaayusan siya ng
nanay niya. Maya't maya din ang mga makahulugang ngiti ng
mga dumadaang estranghero of all ages. Yung ibang kumikindat,
lalaki pa.


"Let's go Ivo!"


"Saan tayo?"


"Shopping then food!"


"Kung tutuusin e date na to eh." Bulong ko


"Aba, bumabanat ka ha. Galawang Ivo!"


"Nag-aassume lang syempre!"


"It is a date nga naman afterall."


(Sigawan ng tao "Ivo! Ivo! Ivo!") Parang kamakaylan lang e
pag-ihi nalang ang nakakapag pakilig sakin. Pagbahing ng
panda ang nakakapag pangiti at Prozac nalang ang nagpapaayos
ng mood ko. Apat na salita lang pala ang kailangan para maramdaman
ko yon ng sabay sabay.. x 1,000,000.


"Uhm baby, ano kayang magandang isuot?"


"Pakiulit?"


"Assuming ka talaga. Hindi ikaw, ito oooh. Ang cute nya diba?"


Pandang stuffed toy. Sa kaunting oras na naglibot kami sa mall,
nakatagpo nya kaagad ang laruang ito at tinawag na baby. Cute.
Pero mas cute ako sa panda na yon. At mas cute sana kung ako
nalang ang tinawag niyang baby.


"Pero baby din naman kita Ivo. Tignan mo itsura mo, mukha kang
baby oh! Woooh!"


Mangilan-ngilan din na polo, blazer at polo short ang isinukat niya
sa akin. At kada sukat niya sa akin ng damit na may design na dragon,
bulaklak o di kaya'y chinese character ay nagliliwanag ang mukha niya--
at nangingiwi naman ang sa akin. Sa kabilang banda, kada magsusuot
ako ng mga nangugustuhan ko ay napapangiwi siya. Vice Versa. Sa huli'y
nagkasundo din kami na bagay sa akin ang professional look. Na kung
ilarawan niya'y "The get up of someone that is defending their thesis"
tapos tatay niya daw yung panel.


"Chloe, bakit sa dinami dami ng lalaking pwede mong yayain para
makipagkita sa daddy mo e ako pa?" Nasambit ko habang puno ang
bibig ko ng fries ng mcdo.


"You're my closest friend and the coolest one at the same time Ivo!"


"Paano ako naging coolest?"


"Edi hindi na ikaw yung coolest. Choosy ka ha. Tse!"


Tinanggap ko din naman iyon. Marahil ako nga ang pinakacool niyang
tropang lalaki.


"At dahil baby kita." Mahinang sabi ni Chloe

 
Last edited:
Re: Apple Pie?

update!!! more slice...
 
Re: Apple Pie?

grabe ang haba ts...:lol: thanks sa pag share ng kwento ts :salute:
babasahin ko na lang po next time, pag may more time ..
 
Re: Apple Pie?

Salamat sa pagtangkilik!



Eight Slice

"Forever is a long loooong time, but I wouldn't mind spending it by
your sideeeeee." Huni ni Chloe habang tinatahak namin ang kalye
papunta sa aming sub dibisyon.


Magara ang itsura ng kalsada kalakip pa ang maliwanag na ilaw na
nangagaling sa mga poste. Idagdag pa ang Christmas decorations
na nailagay na kahit nasa kalagitnaan pa lang ng Nobyembre.


"Ivo, wag kang matatakot kay daddy ha. Mabait naman sya eh."


"Alam mo, hindi ko naman talaga ako natatakot eh. Di ko din iniisip
yan. Pero ngayong nabanggit mo na nga, nabahag na yung buntot
ko. Bakit mo ako ginaganito Chloe?"


"Just be your self. Di naman sya nangangain eh!"


"Ano lang? Ah eh. Mabuti pa, idescribe mo siya ngayon. Anong gusto
at ayaw niya?"


"He kills for a living."


"HA?!"


"Joke lang Ivo! Hahahaha! Uhm. Mabait siya. Caring, thoughtful, tapos
mataas ang tingin niya sa mga babae. He spoiled me since only child na
nga ako tapos babae pa ako. Princess ba."


"Astig. Idol ko na sya!"


"He wrestles. Black belt din siya sa Jiu-Jitsu at Muay Thai. Nag boboxing- err.
Scratch that, kick boxing pala. Personal trainer sya sa US. I think kilala siya
na sparring or training partner ng mga UFC fighters."


"Bakit ngayon mo lang sinabi? I quit!"


"Ivo!"


"Pero seryoso.. Kung ganun naman pala ang daddy mo, bakit nagkahiwalay
yung parents mo?"


"Si daddy kasi, perfectionist siya. He wants everything to be on their right places.
Naniniwala syang yung binibigay niya e hindi pa best yun. He said he can do
better. Pero as he strived to be that person that he wanted to be for us, naging
distant sila ni mommy. Mom gave up on him kesyo walang oras para sa
pamilya, puro trabaho and the likes. So mom called it off. Kahit na labag yun kay daddy,
napilitan nalang siya. Dad is more than enough though. Pero yun siya eh, I love him for
what he is."


"May pagkakapareho pala kami. Pero pwede bang kumuha na ako ng insurance?
Natural disaster to Chloe!"


"Ivo, daddy ko yun! Please. Just be your self okay? I'm sure it'll be okay. He'll like you!
Ikaw pa!"


"Paano mo nasabi aber?"


"Eh kasi ano. Basta!"


Sakto namang nasa tapat na kami ng bahay nila, at bago pa man ako nakapagsalita
ay isang halik sa pisngi ang natamo ko sa kaliwang bahagi ng mukha ko. Lintek.
Hiroshima. Tinamaan ako ng atomic bomb.


"Pasko na pala" Sabi ko.


Sa pagpasok ni Chloe sa gate ng kanilang bahay, nakangiti at nagliliwanag ang
mukha habang sinasabing "Goodnight, see you tomorrow", bigla akong napaisip.


Pasko na sa puso ko.

 
Re: Apple Pie?

TS, slice 9!!! naging busy lang nakalimutan ko na mag comment di mo na sinundan... keep them coming...
 
Re: Apple Pie?

Ganda nito ts!


sna marami pang slice sana :)
 
Re: Apple Pie?

Pagpasensyahan na po ang kakulangan ng oras sa paguupdate. :( Tapos na po btw. Babawi ako. Promise! :))



Ninth Slice

Present day-

"Ivo, okay ka lang?"

Ilang minuto din akong nakatitig lang sa apple pie na
chinichicha ko. Ngumangata ng paunti unti-- Reminiscing,
dyan ako magaling. Marahil sa kadahilanang mahirap
pakawalan ang mga ala-ala. Sakto pang ang main cast e

ako at ang kaharap ko.

"World to Ivo, okay ka lang?"

Woosh.

"Ivan Angelo Ambrosio. Kaya mo yan. Tatay niya ang
imemeet mo. Imemeet mo ang tatay ng mahal mo, ng
mundo mo Ivan. Mundo ko.. Mundo ko."

Bugtong hininga. Agad-agad akong umalis sa harap ng
salamin pagkatapos kong ayusin ang huling hibla ng buhok
kong nakababa at pagpapalakas ng loob ko gamit ang mumunting
kontemplasyon.

"Ouch!" sabay naming sabi ni Chloe matapos kaming magkabungguan
ng magkasalisi kami sa kwarto

"Okay ka lang Ivo?"

"Mahabaging bathala!" Nasambit ko ng makita ko ang kanyang suot

White na formal attire na may yellow na design sa balikat at blue
naman sa may bandang bewang. Simple yet elegant.

"What's wrong Ivo? Nasaktan ka? Sorry! Sorry!"

"Hindi. Hindi. Chloe, ang ganda mo!"

"Why, thank you. Anne Curtis yata 'to!"

"Syanga? Mas maiging deskripsyon yung pinakamagandang
babae sa mga mata ko eh."

"Bolero."

"Totoo nga."

"Sure na?"

I have never been this sure my entire life; yun sana ang sasabihin ko.
Pero hindi yon ang tamang pagkakataon para sabihin yon.

"Hellllooooo. Ivooo? Ano bang meron sa apple pie mo't nakatitig ka diyan?"

"Ha? Ah eh. Wala naman. Iniisip ko lang yung magiging result ng
interview ko sa auditing firm.."

"Talaga? Sure na?"

"Oo. Kabado lang."

Pero wala naman talagang kayang makapagpakaba sa'kin liban kay
Chloe. Ang katunayan, sya pa nga ang dahilan ko kung bakit pumasa
ako sa board at motivated sa mga exams at interview ko.

"Kakausapin ka daw ni daddy, Ivo." Pagaabot ni Chloe ng cellphone
niya sakin kahit na makikitang sabog pa kong kumakain ng apple pie

"Ha? Si Tito Daryl? Bakit biglaan naman?"

"Take it na lang kase!"

Agad kong kinuha ang telepono. Nadinig kong muli ang dumadagundong
na boses ng erpat ni Chloe.

---

Hindi maipaliwanag ang gagawin. Saan ilalagay ang mga kamay ko?
Tuyong lalamunan. Tuyong labi. Trahedya 'to. Nagpapawis ba ko? Nauuhaw
ako. Tubig! Kailangan ko ng tubig. Iniangat ko ang aking kamay at
sumenyas ng peace sign. Sa tabi ko nama'y mahinang tumatawa si Chloe.

"Iho. Relax ka lang. Sobrang kabado niya Chloe ano? I like this kid!"

"Iho daw. Hahahaha. Parang Ivo lang 'no Ivo?" pagjujoke ni Chloe

Medyo nakapagrelax na din naman ako pagkatapos nuon. Nailibot ko
na din ang mga mata ko sa paligid. Senyales na bumabalik na sa normal
na presyon ang dugo kong kanina ata e nag 240/80.

"So you are Ivo. Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Gusto mo ba si Chloe?"

"Daddy!"

Inulit kong muli ang aking routine, pero imbes na stationary lang ang peace
sign ko e winagayway ko na ito na parang sumasabay sa musika ng Coldplay.
Ang kaninang altapresyon ay muling bumalik. Nagkaroon din ng karera ng
kabayo sa puso ko.

Tigidig tigidig.

Tigidig.

Tumayo ang tatay ni Chloe na sinabayan din ni Chloe ng pagtayo.

Tigidig.

Lumapit.

Tigidig.

Sumandig at bumulong.

Tigidig.

"Gusto ko ng tag-isang lalaki't babaeng apo ha." at umupo pagkatapos

Tila nagpatugtog ng kung ano mang the eagles na classic song sa background
ng restaurant na ito na naging dahilan para tumamis ang kinakain kong
Jalapeño at keema. Lumakas ang loob at natuwa sa bagong kakampi sa nararamdaman.

Tinignan ko si Chloe na nakatayo pa din at shocked pa din sa mga pangyayari.
Mapapagtanto ng kahit na sino ang kuryosidad sa mukha ni Chloe.-- "Anong sabi ni Daddy?"

Ngumiti lang ako.

"When we're hungry, Love will keep us alive."

 
Last edited:
Re: Apple Pie?



Tenth Slice

"Kung magmamahal ka, ibigay mo lahat. Walang half hearted sa pag-ibig. Dahil ang half heartedness na yan, kapag nadaanan ng pison ng problema, simot yan" Ani ni Tito Daryl ng sagutin ko ang teleponong iniabot ni Chloe




Paunti-unti kong inisolate ang sarili ko papunta sa salamin ng shop. Bumuntong hininga at lumingon kay Chloe at sumenyas ng wait.




"All or nothing po ako tito eh. Tapos ngayon, I'm all with nothing na. Hehe."




"Tama lang yan! Ganyang ganyan ako no. Hindi ko nga maintindihan yan si Chloe. Andyan ka naman pero pinili niya pa yung Greg na yon."




"Marami siyang oras nung kailangan ni Chloe tito eh. I mean, sapat para kay Chloe. Sakto. Hindi siya nagkulang."




Ang kaninang mukha kong pang poker ay nagmistulang nilukot na papel. Nalungkot. Nayamot.




"Okay lang tito. Makakamove on din ako."




"Lokohin mo lelang mo. Sa tingin mo, nakamove on pa ko sa nanay ng anak ko pagkatapos ng madaming taon?"




"Ay sorry na po tito. Ganun na lang naman yung kaya kong gawin tito. Paniwalain ko yung sarili kong malalagpasan ko to. Ikakasal na sya eh. Mahal na mahal ko sya tito. Pero ano bang magagawa ko? Letting go nalang kaya kong gawin."




"Saan ka ba magaling sa tingin mo Ambrosio?"




-----




4th year college




Maganda ang takbo ng mga bagay bagay samin ni Chloe. Simula ng ipakilala niya ako sa daddy niya 2 years ago e naging komportable to the max na kami. Naririyan yung magkatabi na kaming matulog. Sabay na kumakain, nagsusubuan. Nagliliwaliw kahit san. Nagkukwentuhan magdamag. Nagbobolahan. Nagshshare ng mga pangarap. In a nutshell, palagi kaming magkasama.




Amazing nga. Kung para sa nakakarami e #newyear #newme ang peg nila e naging early new year naman ang late november ko. Puro malalaking pagbabago ang naganap sa buhay ko. Siguro dahil na din sa kabig ng dibdib, pero ang alam ko, higit sa lahat-- ang lahat ng maliliit na bagay na pinarealize sakin ni Chloe, na nagsamasama para makagawa ng malaking larawan. Gestalt. Nakilala ko ng mas maigi ang sarili ko dahil sa kanya. Siya ang nagsilbing salamin ko. Siya ang repleksyon ng pagkatao ko.




"Trick or treat Ivo!!"




"Patawaaaaaad."




Sa loob ng apat na taon naming magkakilala ni Chloe, marami kaming naranasan na unang beses. Unang trick or treat, unang fireworks ng paskuhan, unang faulty fireworks ng lantern parade, unang sili ng bicol, unang one day old sa u-belt; unang typhoid fever sakin, unang pares ng vans, unang tapak ng jebs ng aso sa bagong vans, unang kilitian, unang hug.




Embedded na sa utak ko yun. Nakatattoo pa sa puso ko.




"Para kanino ka bumabangon?"




more like: "Kaninong ngiti ang unang iniisip mo sa pagbangon?"




Lalo na nung prelims.




"Ivo, ice cream tayo!"




"Sorry Chloe. Kelangan ko magaral para sa prelims eh. Next time na lang.."




"Alright. Nevermind. Can I stay here with you instead?"




Tumungo ako. Senyales na rak lang. Na siya namang upo niya at soundtrip sa likod ko.

Parehong tagpo ang makikita sa loob ng limang araw. Sa unang tatlo, natiyaga niyang mangulit lang ng konti. Sa ika-apat na araw, mangilan-ngilang suntok at submissions ang natamo ko. At pagdating sa ikalimang araw, dahil na din sa focus ko sa pagaaral at nadislocate na braso, naghumiyaw na din ang butsi ko.




"Please lang Chloe. Nagaaral ako eh!"




"Nakakaistorbo ba ako?"




"Wow. Issue pala to. Pilipitin kita habang nagaaral, tapos tatanungin kita. Nakakaistorbo ka nga ba?"




"That's a yes then."




"So kahit sorry wala?"




"I won't bother you ever again then."




"I screwed up alright. Good. Thanks."




At syempre. Unang away.



 
Re: Apple Pie?

Eleventh Slice

"Magaling ako sa pagpapangiti kay Chloe. Sa pagiimagine na worthy
ako sa kanya. Na isama siya sa mga pangarap ko."

"Yun naman pala. Anong gagawin mo ngayong naisip mo yan?"

"Magmumukmok pa din tito. Ano pa nga bang magagawa ko?"

"Pwede ding gawin mo yung di ko nagawa. Ipaglaban mo."

"Kaibigan lang ako tito eh."

"Kaibigan lang nga ba siya para sayo, sa tingin mo?"

Excited na excited pa kong ipagmalaki ang resulta ng prelim exams ko.
Taas noong naglalakad dahil hindi lang the usual na passing rate na 70%
ang nakuha ko, pang deans list ang galawan. Naks.

"Ang yabang mo Ivo ah. Mukhang maganda source ng sagot ah?"

"Oo nga. Ang yabang. Tsambalero!" Kantyaw ng mga kaklaseng kilala
ako bilang mangongopya at katingero

Pero wala talagang kaso sakin yon. Kantyaw, asar, you name it. Isang
feedback lang naman talaga hinahanap ko eh.

Alam nyo na yun.

Kung tutuusin, hindi naman talaga yung dragon ang pinakamalaking
problema ng mga knight in shining armor sa mga pelikula eh. Mas nakakayamot pa
din yung indecisiveness ng prinsesa. Yung tipong magagalit muna sya sayo kase
nagpunta ka pa din kahit delikado. Wow concerned. Ito namang si lalake pabida
muna, tsaka pa lang sasagipin kapag napinpoint na yung layunin nya.

"I love you Princess, that's why!"

Pero hindi ibig sabihin non, hindi na problema yung dragon. Malaking problema
pa din yun. Kaya nga mahaba yung screen time ng bakbakan with the dragon eh.

"Nakita mo si Chloe?" Paulit ulit kong tanong sa bawat kakilala kong nakakasalubong.

"Yung jowa mo?"

"Hehehehe. Hindiii nooo."

Sarap sa feeling.

Assuming ka Ivo.

Naniniwala akong masarap magkaron ng mga achievements sa buhay, pero
mas masarap kapag merong tao na mapagshsharan mo ng achievements na
natatamo mo. Yung pupuntahan mo pagkatapos ng isang buong araw ng
pagpapagod, siya yung takbuhan mo ng pagkukwento.

Yung makikinig kahit gano kaboring at kaspecific yung kwento mo.

Yung may halong tawanan, tsaka aasarin ka para tawanan lalo.

Yung may simpatya at empatya.

Yung may kurot sa puso. Kileg factor!

Ngayon, kung bakit ko nabanggit yung dragon sa mumunti kong pagbabalik
tanaw, e dahil nung araw na nasa pinakamataas na antas ako ng mood
ko, e sumalakay at sinakop ang mapayapa kong bayan na pag-ibig lamang
kay Chloe ang layunin.

I-picture mo ganito: bata ka, magpapasko tapos gusto mong ipagmalaki sa
nanay mo yung regalo mong natanggap kay santa claus.

Tapos...

You saw mommy kissing santa claus.

Badtrip no?

Hawak ang apat na exam paper na milestone ko dahil sa gradong lagpas
90 para proud factor, memoryang naglalahad ng pagpapaumanhin sa
pangyayari nung nakaraan, isang boquet ng rosas para sincere at apat
na tsokolateng nasa magarbong lalagyan para sweet.

Palakad-lakad sa quadrangle, sumisipol at hinahanap ang iniirog. Sa kaliwang
bahagi ng aking bisyon ay mapapansin ang dalawang taong masinsinang
nag-uusap. Parang malaking pagtatalo. Mugtong mata, pilit na ngiti at tila malayo
ang tingin.

"Siraulong lalaki to, nagpapaiyak ng babae." Naisip ko.

Paglakad ko pa ng konti, e tsaka ko lang napansing si Chloe pala yun.

At syempre, yung dragon sa fairy tale naming kwento.

Hulaan mo. G nagsisimula yung pangalan nya. Pwede syang mura.

'Di, joke lang.

Edi si Greg.
 
Back
Top Bottom