Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [UPDATED]Apple Pie? - Fourteenth Slice

Hello pong muli! Hindi ko na makita yung thread ko sa isang forum
category kaya mukhang kelangan kong ilipat sa tamang section 'to. Hehe.

Salamat sa mga magbabasa!



First Slice

Pitong buwan nalang ang kailangang lumipas. Pitong buwan
nalang at ikakasal na ang babaeng nakasama ko sa loob ng anim
na taon - Apat na taon sa kolehiyo at dalawang taon sa
pagrereview at pagpasa sa board exam para maging CPA. At kung
ano ang pinakakomplikadong bagay?

Siguro alam nyo na. Palihim akong may gusto sa kanya at hindi
ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa kanya yon.
Hanggang sa nagkaganto na nga.. nagkanda peste peste na nga
ang caveman kong damdamin.

Sabihin na nating kailangan ng isang tao ng ilang buwan para
makabangon mula sa pag-ibig. In my case unrequited love. Isang
buwan para sa self-pity stage, kalahating buwan para sa self
-denial stage at kalahating buwan pa para sa acceptance. Tapos
isa pang buwan para makahanap ng panibagong partner, kasama
na dito ang getting to know stage. Pero di pa kasama dito ang
ligawan stage dahil depende na sa babae yun. Paano nalang ako?
Ilang taon nalang kaya yon para saken?!

"7 months nalang pala Chloe ah. Congratulations sa inyo ni Greg!"

"Salamat Ivo! Kung wala ka siguro sa buhay ko e hindi ko makikita
ang pag-ibig ko! Hulooog ka ng langit!"

"Ikaw tong anghel tapos ako pa hulog ng langit?"

"Ivo! Palabiro ka talaga! Kailangan mo na talaga ng babaeng
magpapatibok ng puso mo. You are so nice naman, bakit hindi ka
pa din nagkakagirlfriend? Nakakapagtaka!"

"Kung alam mo lang.."

Kung alam mo lang kung gaano kita sinubukang bakuran mula pa
nung first year college tayo nung una kitang nakita. Maikli ang
iyong buhok at hindi makikitaan ng kulay o kasiyahan ang mukha
mo. Nung pagkakataon pa lang na iyon ay natutunan ko ang
misyon ko sa buhay ay ang subukan kang pasiyahin. Ang
nakakatuwa nga lang na realisasyon e ako ang napasaya mo.

"Ivo? Kung alam ko lang na ano?"

"Kung alam mo lang na napakahirap maging tulay nyo ni Greg!
Manlibre ka naman ng breakfast!"

"Sure! Let's go then. Apple pie?"

May mga moment sa buhay na madidivide ang mga panahong
nabubuhay kang masaya ng mag-isa at ang araw na may
makikilala kang mas mataas pa pala ang kasiyahang dulot kesa sa
nag-iisa ka. Sa gantong paraan kami pinagtagpo ng tadhana.

"Martinez, Chloe G." Yun ang sabi ng nakaharap niyang ID.

Busy sa paghigop ng mainit na kapeng barako. Nag-iisa at tila
malalim ang iniisip. Habang ako? Kumakain ng dinadayong Apple
Pie na di nagtagal ay naging paborito kong almusal.

"Apple Pie, Ivo?"

"Syempre! Tsaka orange juice na din para sa inumin."

Sa pag-upo namin ay naalala ko din kung paano ko siyang
nilapitan para magpakilala. Mangining-nginig pa dahil hindi naman
ito araw-araw na nagyayari sakin. Kung san ko man nakuha ang
lakas ng loob na kausapin sya e hindi ko na matandaan. Siguro
dala na din ng Apple Pie na nakain ko.

"Ate meron bang nakaupo dito? May kasama ka po?"

Iniangat nya lang ang kanyang ulo at umiling. Ilang nakakailang
na minuto din ang lumipas bago ako nakapagsalitang muli. Tuliro
pa din at nananalanging sana ay magrewind ng 30 minutes ang
oras at bumalik nalang ako sa pagkain ko ng Apple Pie.

"Ivan nga po pala ate pero you can call me Ivo. Mukha pong
napakalungkot mo, may problema po ba? Meron po ba akong
maitutulong?"

Sablay. Nung unang pangungusap siguro e pasok pa. Pero sa
ikalawa? Dapat kinain nalang ako ng dinosaur mula sa prehistoric
era na nag-time spacewarp gamit ang wormhole teleporter pinto
na galing sa bulsa ni Doraemon. Pero everything went better than
expected. Lumuha lang naman siya lalo.

"Ano ka taga-charity? Tutulungan mo ko?"

Tinignyan niya ako ng mata sa mata at tumawa. Literal na iyak
tawa. Doon nagsimula ang kwento ng aming pagkakaibigan.
Nagkapanatagan ng loob at naging komportable. Mala pelikula
ang setting. Simula din non e naging personal clown, comforter at
tissue nya ako. Masaya akong makita siyang nakangiti. At katulad
ng iniinom kong orange juice ngayon, meron ding twist ang
tadhana para sa kwento namin. Magkalapit lang kami ng bahay.

"Remember when we first met Ivo? Ang galing galing ng
delivery mo sa pagiintroduce!"

"Naalala mo pa yon? Sinabi ko naman sayo, inexperienced ako.
Inexperienced!"

"Ay ganun ba. E bakit kaya sinabi mo din dating ang dami dami
mong naging girlfriend?"

"Sinabi ko lang yon para tabunan yung pinagmamayabang mong
highschool super heartrob boyfriend mo na nakipaghiwalay sayo!"

"Tse. Crush mo lang talaga ako nun at patay na patay ka sakin
kamo!"

Nung araw ding nagkakilala kami e nabansagan akong stalker sa
kadahilanang pareho kami ng dinaanan pauwi which is technically
paghahatid na din sa kanya. Wala naman talaga akong kaalam
alam na dun din pala siya nakatira kahit medyo may katagalan na
din akong nakatira don. Anyway, di ko naman iyon dinamdam.
Proud pa nga ako dahil nakita ako nila utol at ermat na may chicks
na kasama. Pero dahil nga stalker ako, napagpasyahan na din ni
Chloe na ipakilala nalang ako sa pamilya niya. Tindi diba?

"Ako pa may crush sayo ha. Ikaw nga tong text ng text dyan na
namimiss mo ko kahit kakahiwalay lang natin sa paguwi eh."

"Siguro nga crush kita. Sino ba namang hindi magkakagusto sa
madungis na unappealing na college student na nagtatanong
kung anong problema sa unang pagkikita. Diba diba?

"Ouch."

"Joke lang Ivo! Hahaha."


- - - Updated - - -


Second Slice

Sa bawat pagdaan ng mga araw para sa kanya, tila mas madilim
ang kasalukuyang araw kesa sa kahapon; Naging kabaliktaraan
naman iyon sa akin. Kakaiba ang kaparaanan nya para maglabas
ng mga hinanaing sa buhay. Alam na alam ko yun dahil araw-araw
siyang naghihimutok sa akin, araw-araw niyang inuulit ang
kanyang problema. Kulang na lang e i-tape niya 'to at i-play na
lang niya kapag natripan niyang ulitin. At syempre, dahil nga nasa
dugo ko na ang pagiging great listener e ako ang lagi niyang
audience sa kanyang mga sona.

"Two years Ivo! Imagine?! Two years ang sinayang niya!"

"Makakahanap ka din ng tunay na magmamahal sa'yo. Tumingin
ka lang kasi sa paligid."

"Awwww.. Typical boy talk! Ganyan kayong mga lalaki, always
talking in riddles! Kung gusto ko mang magpakalalim, makikinig
nalang ako sa The Script!"

"Hindi naman sa ganon. Ang sinasabi ko lang, bigyan mo ng oras
ang sarili mo na makapagmove-on. Mahalin mo muna ang sarili mo
ngayon tapos malay mo, hindi man ngayon o bukas e may gagawa
na ng trabahong pagmamahal sa'yo."

"E pano kung hindi na?! Pano kung tumanda nalang akong
dalaga?"

"Sa ganda mo'ng yan?"

"Yan ang gusto ko sa'yo eh!"

"Ikaw pa."

"Thank you friend!"

Alam ko ang iniisip niyo. In my defense e nagmomove on pa kase
sya. At oo, kaibigan muna. May tamang oras para gumawa ng
hakbang. Pero eventually narealize kong torpe lang talaga ako. At
'di ko pa naiinom ang gamot na makapagpapagaling sa akin.

"Ivo, kung papipiliin ka. Emma Watson o Emma Stone?"

"Emma Watson!"

"Pero nasa Amazing Spiderman si Emma Stone eh. Bakit si Emma
Watson?"

"Mas bata siya tsaka mas maganda siya para sakin. Tsaka nasa
Harry Potter naman siya ah?"

"Tse. Mas gusto ko si Emma Stone. Eto naman. Si FPJ o si Bong
Revilla Jr.?"

"Hands down. FPJ all the way! 'Isang bala ka lang!' "

"Hmm. Mas pogi si Papa Bong. Okay last one. Ako o si Carol?"

Si Carol lang naman ang 'oh so beautiful' na babaeng heads over
heels ako nung third year highschool pa lang ako. Mas mataas
siya ng batch sa akin at nagkataon na Prom Queen siya -- at
partner niya ako. Nabanggit ko lang ang tungkol sa kanya kay
Chloe bilang pagsheshare na din para malaman niyang nagkaroon
din ako ng mga pagkakataong nabalisa ako katulad niya.
Nakakamangha namang naalala niya pa ito kahit isang beses ko
lang naman nabanggit ang tungkol kay Carol.

"Ikaw nalang.."

"Ay. Talagang may 'nalang'? Hesitant? Bakit naman?"

"E syempre.."

Kung bakit tumataas ang kilay ng babae kapag idedescribe siya ng
isang lalaki e wala pa ding scientific explanation. Kasama din dito
ang biglang pagbigat ng triple ng kanilang mga kamay kapag may
mali kang nasabi. Wala pa ding naiimbentong treatment para sa
mga injury na natatamo ng mga taong nakararanas ng ganitong
phenomena maliban sa pagpapahinga at ice bag.


Source - Diksyonaryo ni Pilosopo Tasyo

"Unique ka kasi."

"Gumaganyan ka ah. Bakit unique? Alien ako ganon?"

"Mabait ka. Maganda, matalino at higit sa lahat e nakakausap kita.
May topping pa na kapitbahay kita. Package deal. Parang bucket
meal ng KFC"

"Tss. Bolero! Kung unique nga ako na katulad ng sinasabi mo.
Bakit ako iniwan ni Randy?"

At patuloy ang pagrereplay ng recorded na mensahe.

"Maiba tayo. Bakit sa tinagal tagal kong nakatira dito sa village na
'to e ngayon lang kita nakita?"

"E kasi ganito yun. Napagdesisyunan lang ni Mama na lumipat dito
mula nung nag-annul sila ni Papa. Si Papa naman pumunta na ng
states para mag unwind. Like mother like daughter ang peg no?"

"Ah bago lang pala kayo dito. Di naman sa gala ako pero kahit
papano kasi e napagbubuklod ko kung sino yung mga dayo dito at
kung sino yung mga matagal na. Di ko lang napansin na umalis na
pala yung mga nakatira sa bahay na tinitirhan niyo."

"I see. Since when pa kayo dito na resident?"

"Simula pa nung 6 years old ako. Isa kami sa mga unang
nagpatayo ng bahay dit-"

"So proud ka na niyan na mga sinaunang villagers kayo?"

"Ouch."

At patuloy ang pagrereplay ng recorded na mensahe.


- - - Updated - - -


Apple Pie? - Third Slice


There is only one happiness in this life. To love and be loved.

- George Sand

Para sa isang katulad kong unrequited lover boy, swak na swak
ang mga kataga ni George Sand sa akin. Kakaibang kasiyahan na
nga para sa'kin ang dinudulot kahit na one sided ang relasyon.
Walang label. Pero feeling boyfriend pa din ako sa kanya. Pano pa
kapag naging kami?

Mabilis na lumipas ang panahon na tila maikling sandali lang ang
isang school year. Nagpakita na din ang masayahing katauhan ni
Chloe. Ang dati niyang maikling bubhok na naging trademark niya
nung una ko siyang makita ay lumago na sapat na para maitali.
Ang mga mata niyang dati'y walang kapungay-pungay ay
nagkaroon na ng ningning. Kapansin-pansin din ang kaniyang
ilong na katamtaman lang ang laki at ang kanyang mga labi, na
kahit hindi na lagyan pa ng cosmetics ay natural na ang pagka
kulay rosas. Di ko din maitatanggi ang ganda ng hubog ng
kanyang katawan-- pero hindi ko na ilalarawan pa iyon dahil baka
macensor out pa ako ng cyber crime law. At siyempre, ang
pinakaburito ko. Ang tawa niya ay ginto- at kung susundin ang
lohikang ito, mayaman na akong minero sa di mabilang na
pagpapahalakhak sa kanya.

Kung tutuusin e sa kung anong meron mang namamagitan sa
aming dalawa ngayon e panalo na ako sa sitwasyon. Give and
take na din itong matatawag kahit hindi niya alam na may
naibibigay sya sa akin. Maliban syempre sa dialogue niyang
"salamat kaibigan"..

At dahil nga lalaki lang, ako na naghahanap ng more than friends
na relasyon e naglakbay para sa kasagutan. Madaming super pogi
akong nilapitan. Maraming payo ang aking hiningi. Madaming
librong tungkol sa pag-amin ang akin binasa. At iisa ang mensahe
nila.. Yun ay wag maging torpe.

"Chloe, anong balak mo ngayong bakasyon?"

"Wala naman. Sa bahay lang siguro at konting get-away. Kinukulit
ko nga si mama na magbeach kami eh."

"Ah eh.. Kung gusto mo, ipapaalam nalang kita kay tita.. Sumama
ka na lang samin sa probinsya, dun kasi kami magbabakasyon
ngayon summer e. Yun e kung gusto mo lang naman.."

"So, ipapaalam mo ako kay mama?"

"Oo! Ano, tara?"

"Pilitin mo muna ako!"

"Pilipitin muna kita?"

"Tse!!"

Kung gaano ka gv ang araw na iyon ay hindi ko maipaliwanag.
Umayon lahat sa inaasahan. Naipaalam ko si Chloe at agad naman
siyang pinayagan. Alas kwatro pa nga lang ng umaga ay
nakahanda na kaagad siya sa pag-alis at di mo mahahalatang
excited siya. Kung ako nga e mula sa pagligo ko hanggang sa
pagsisipilyo ay tulog pa din ang diwa ko.

Gamit ang family van, ang destinasyon namin ay Ballesteros,
Cagayan. Nakatulog kaagad si Chloe pagkaayos ng gamit at
pagkaupo niya pa lang. Ako ang natokang katabi niya sa back
seat. At sa di inaasahang pagkakataon, napasandal ang ulo niya
sa akin na naging dahilan para magkaroon ng palitan ng
makahulugang ngiti sa loob ng sasakyan. Siyempre kilig to the
bones naman ako.

"Mahaba-habang byahe 'to."

Nag-iisip. Paano nga ba ako makakapag-ayos ng posisyon na
magiging komportable si Chloe sa pagtulog at magiging hindi
nakakangawit na pag-upo naman para sa'kin? Ayaw ko yatang
masayang ang moment na to.

"Chloe.. Chloe.. Gising ka na muna. Kain muna tayo."

"Uhm. Nasaan na ba tayo?"

"Nasa Tuguegarao na tayo. Konti nalang ibabiyahe natin."

"Pwede bang matulog na lang ako?"

"Mamaya na pagkakain. Masarap mga pagkain dito!"

"Talaga?"

Pero napahiya din ako dahil sa pagbibida ko. Ang inakala kong
pagbili ng pagkain e naudlot dahil may baon pala kami at
maghahanap lang ng upuan.

Mangan tayon!


- - - Updated - - -


Fourth Slice

Umaga na ng dumating kami sa probinsya. Ang mga kapinsanan,
mga tiyuhin at tiyahin, lolo't lola at mga uzi ang sumalubong sa
aming pagbaba.

Instant na naging superstar si Chloe dahil na din sa mala-artista
niyang ganda at pigura. Ang iba ay tinawag na kaagad siyang
Carla Abellana, sa mga matatanda naman ay Sharon Cuneta. At
para makumpleto ang punchline nila, nagkaisa sila sa pagtawag
saking Paquito Diaz.

"Hi po sa inyo. Chloe po. Chloe Martinez!"

"Hi din po sa inyo kagalang galang na Bb. Martinez. Ivan Angelo
Ambrosio nga po pala!"

"Weh. Corny!"

"Ouch."

Malamig na simoy ng hangin. Mga lumilipad na paru-paro at ang
magandang huni ng mga ibon. Ibang-iba sa buhay urban. Kung
tutuusin, pwedeng kada summer e sumama samin si Chloe. Okay
tong ganto.

"Thanks Ivo ha."

"No need to mention it."

"Di lang yun. Thanks sa lahat."

"Sige lang. Basta ikaw. Mag-enjoy tayo ngayong summer! Pero sa
ngayon, dahil sa pagod na pagod ako mula sa byahe e matutulog
muna ako!" Sabay ismid

"Paano naman ako?"

"Ganito nalang. Tititigan mo ako hanggang sa magising ako.
Galing ng idea ko no?"

Napailing nalang siya sa sinabi ko. Kung sa bagay e napakaepal
ko nga dahil sa gagawin ko. Pasensya na pero tinamaan na
talaga ng antok eh. Magagawa ko?

Maraming oras ng paghihilik at pagikot ikot matulog ang lumipas.
Nakapag enjoy naman si Chloe kahit na wala ako. Nakasakay nga
din siya sa kalabaw na kahit kailan e hindi ko masubuk-subukan.
Nakuha din nilang mamitas ng bunga ng mangga; naubos nila ito
at tinirhan ako ng madaming buto. Ang alcala milk at bibingka
naman ay nanatiling todo bantay dahil na din sa bantang dala ko.

"Wooo! Gising na si batugan! Good evening!"

"Batugan ko ulo mo dyan eh. Buti naman at hindi ka nabore
kakahintay na magising ako?"

"Hello? Ivo aaminin kong nageenjoy akong kasama ka. Pero
thrice as fun sila kasama kesa sayo no!"

"Thrice yor peeeeeeeeeeeeeeeeeys" Literal kong pagbuga sa
bibig niya

"Baho ng hininga mo! Magmumog ka nga!"

Laugh trip. Nagising ako para malamang matutulog na pala sila.
Way to go! Bawi na lang ako. Matagal pa naman kami dito eh.

Yun ang sabi ko..

Pero ang sabi nila? 1 week lang kami dun..

1 WEEK.

At halos sa buong isang linggo na iyon ay nagpaulitulit ang mga
pangyayari nung unang araw. Hindi na nga kami nakakapagusap
ni Chloe at hindi ko na din naeenjoy ang bakasyon namin sa
probinsya. At ang pinakamasahol sa lahat ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid.

Kaya nung last day ng stay namin sa probinsya,
napagdesisyunan kong hindi matulog at mapanatili ang
kabuhayan ng diwa sa buong magdamag. Isang araw ng
pangaabuso ng sarili. Okay lang!

"Chloe, tara. May pupuntahan tayo!"

"Ha? Saan naman. Inaantok pa ko Ivo.."

"Sa beach!"

"Talaga? Pero saan yun? At tsaka 6 pa lang ng umaga oh!"
Pagkabigla niyang sagot

"Basta tara!"

Malamig pa din naman ang klima kahit tirik ang araw. Suot pa ang
damit pantulog ay puno ng buhay kaming nagtatatakbo papunta
sa tabing dagat. Maganda roon. Alam ko- dahil sa tanang
pagbabakasyon ng pamilya namin ay naroroon ako palagi.

"Ang ganda.. Ang ganda ganda Ivo.."

"Di ba?"

"Pero paano?"

"Tambayan ko to simula pagkabata. Teka relax ka lang. Dun tayo
sa banda run. Mas maganda dun."

Katulad ng nakikita ko sa mga pelikula, ganto ang tagpuan sa
isang climax ng isang love story. Nakakakilig na mushy na corny.
Pero wala naman talagang ganung scenario sa utak ko na iniisip
ko nung mga oras na iyon. Basta ang alam ko, gusto ko siyang
makasama dito.. Gusto ko siya..

"Super thank you Ivo.."

Pagkatapos noon ay isang matamis na halik sa pisngi ko. Sayang!
Dapat sa lips nga eh!

Pero kung gaano man karomantiko ang naganap na iyon at kung
gano man iyon nakapagdulot sakin ng matinding kasiyahan..

Hindi na lang sana. Sana hindi na lang natuloy ang trip na iyon.
Sana hindi ko na lang siya ininvite..

Kung alam ko lang.
 
Last edited:
Re: [UPDATED]Apple Pie? - Eleventh Slice

thanks, any update:)
 
Apple Pie? - Twelfth Slice

Twelfth Slice


"Ang di ko talaga kasi maintindihan, bakit yung kapatid mo pang si Gregory?
Bakit hindi ibang tao?"

"Okay na din siguro yun tito Daryl. At least, it stays in the family."

"Pero yan nga ba yung gusto mo? Yung managinip na lang at magimbento
ng mga senaryo sa ulo mo? Pakakawalan mo nalang yung pundasyon mo?"

"Hmm. Tito Ivan. Pwede na po siguro yun."

---

The brave gets the beauty. True. True. Pero the dragon swept the beauty, tapos
di ako brave. Leche

Sino ba naman ang magaakalang sa dinami daming taong pupwedeng kumamig sa
prinsesa e si Luigi pa, at hindi si bowser na ineexpect mo?

Bakit hindi yung heartrob ng school? Bakit hindi yung bolerong gumagamit ng
matatamis na salita sa pagpapahulog ng loob? Bakit?

Bakit yung kaugali ko pa? Bakit yung kamukha ko? Bakit yung mas matangkad lang sakin ng konti?

Bakit yung utol ko?

Bakit hindi ako?

Leche talaga.

---

"Okay ka lang Chloe?"

"Yep." matipid niyang sagot kasabay ang pagkusot ng kanyang mga mata

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"May lakad pa ako eh."

"Di naman to magtatagal Chloe eh."

Iniabot ko ang boquet ng rosas at tsokolate at sinabing: "Sorry Chloe."

Nota lang mga idol ko. Hindi masamang maging makulit. Hindi purkit ngumiti
siya sa unang beses e okay na. At hindi purkit hindi tama ang pagkakataon
e hindi mo na dapat sabihin ang nararamdaman mo.--May mga instances talagang
nagiging tama ang pagkakataon dahil sa sobrang kamalian nito.

"Tignan mo Chloe!" Sabay pagyayabang ko sa kanya ng grades na nakuha ko.

"Kahit bali yung siko ko, okay lang!"

Hindi sweet.Manhid.Engot.Stupido

At dun na nga natapos ang chapter ng pagiging sweet namin.

-----

"Eh men, nagsorry naman ako. Pinagmalaki ko lang naman yung nakuha kong
grado diba?" inopen up ko kay Greg pagkatapos akong mawalkoutan ni Chloe
nung nakaraang linggo

"Eh kuya, bakit kasi kailangan mong isumbat pa yung pagkakabali ng siko mo?"

"Eh totoo naman ah!"

"Namamalian lang ako kuya."

"Ah basta. Kakausapin ko nalang siya kapag kinausap niya na ako. Mamimiss
din ako nun panigurado."

Pero hindi dumating yun. Walang text message na dumating. Walang balita.
Good news naman na palagi siyang nasa bahay. Awkward na tinginan ang namumuo
sa bahay sa tuwing dumadating siya. Marahil dahilan na din yung mabilis na pagkalat
ng balitang nabasted ako. Kahit kwentong barbero lang yun.

"Pinagseselos niya lang ako" naisip ko.

Hindi nga lang yun yung kaso. Dahil pagkalipas ng limang buwan, parehas pa din na
tagpo ang nangyayari. Walang lumalapit na Chloe na nakakamiss sakin. Wala din
akong balak na lumapit sa kanya dahil wala naman akong ginawang mali para hindi
niya ako pansinin.

---

Ang pinakamasahol na kombinasyon na ugali pag iibig ka e: Assuming + Torpe + Manhid.

Sahol pre.

"Kuya, gusto mo pa din ba si Chloe?" tanong ni Gregory na di ko mawari kung san niya nabunot

"Aba. Bakit mo natanong? Matagal tagal na yun ah. Akalain mo nga naman, ngayong
nabanggit mo, namimiss ko na yung babaeng yun ah."

Matipid siyang ngumiti.

"Wala lang naman. Pero balik pakikipagdate na kasi siya eh."

"Wow. Ayos pala. Good for her!"

"Ininform lang kita kuya. Karapatan mong malaman kasi."

"Bzzt. Bzzt. Bzzt"

"Sakto." naisip ko nung binuksan ko ang inbox ko. Si Chloe. Maganda na din sigurong
mangamusta 'ko.

Kamusta na kaya siya?

"Ivo, hello! It has been a long time! I miss you"

Dali dali naman akong nagreply. Sabik na sabik sa mga bagong bagay sa kanya.

"I miss you too! What's up? Kamusta!"

Pero bago ko pa man yun nasend, dalawang message pa ulit ang nakuha ko.

"Pakisabi naman po kay Greg na I'll meet him @ your house in 15. Di ko kasi siya macontact eh.
Off yata yung phone nya? Thanks!"

"Tsaka pakisabi, I love you! Thanks Vo!"
 
Thirteenth Slice!

"You know how to love, so you deserve to be loved.. You just have to wait."
- unknown

Naks. Group message. Old school.

Pero tama nga naman- hindi naman ako bato para hindi makitaan ng katangian
para mahalin.

Hintaying maghiwalay si Greg at Chloe.. I deserve to be loved kasi.

Utot. Olats. Walang lohikang gumagana sa utak ko kapag iniisip ko si Chloe.
Kahit anong taba at gano man kalaman naman ata ng utak ng tao kung pagdating
sa pagkawala sa isang bagay na gusto nya e. Hindi gagana ang lohika eh.

Benta.

---

Hindi naman sa sinasabi kong hindi karapat dapat si utol para kay Chloe pero..

Basta. Ang sakit.

"Greg, kita daw kayo ni Chloe sa mall pagkatapos ng klase nya."

"Ay sige kuya. May iba pa ba syang sinabi?"

"Ha? Ano pang iba? Wala naman na. Dalian mo na't malalate ka pa sa lakad mo nyan."

---

"O Ivo, ano sabi ni Daddy?"

"Wala wala. Inquiry lang. Tinatanong lang niya kung pasado daw ba ko sa interview.
Eh wala pa nga yung result! Tatawagan daw ako e wala pa din naman hanggang ngayon.
Si tito talaga oo." Sagot ko kay Chloe pagbalik ko sa kinauupuan namin.

"Sana pumasa! Wag kang magalala. Ichcheer kita!"

"Wag na oy! Kapag pumasa ako, san mo ko itetreat?"

"Mukha mo! Ako i-treat mo no!"

"Edi iba nalang. Anong gift mo sakin kapag pumasa ako?"

"Eh pareho lang yun eh!"

"Dali na, congrasheolesheons nga eh!"

"Tss. Touche. Touche. Reregaluhan kita ng watch. Para sa susunod, mamanage mo na
yung oras mo't magkaroon ka na ng oras para sakin no."

"Ha? Eh andito lang naman ako palagi ah."

"Hindi kaya. Palagi ka diyan. Ngayon lang nga tayo nagkita ulit eh. I missed you, you know that?"

"Busy lang. Busy lang. Sorry!"

"Palagi naman eh. Sanay na 'ko."

"Tampo sya o. Iyak ka na!"

"Seryoso nga Ivo.."

"Ikaw tong umiwas sakin ng matagal na panahon diyan eh."

"Ano ka? Dapat kasi nilambing mo ako!"

"Binali mo buto ko eh!"

"Dapat lang sayo yon!

"At bakit?"

"Manhid ka eh!"

"Ha?"

"Oo! Sobrang manhid mo!"

"Pano?"

"Maiisip no din yan. Tara na nga! Takaw mo eh!"

"Cake?"

"Cake cake ba yan o wedding cake?"

"Kahit ano. Pareho namang libre eh."

"Kapal ng mukha mo!"

"O iyak. Speaking of wedding, may venue na ba para sa kasal?"

"Yep!"

"Ay nice. Saan naman?"

"Naalala mo yung beach na dinala mo ko 5 years ago sa Ballesteros?"

"Yeah.."

"Beach wedding. Christian setting. Flowers and seashells, tapos yung ring bearer naka
beach attire. Actually applied sa lahat, yung mga polo na bulaklakin? Ivo? Ivo! Where are you going?"

"Di ko kaya to. I've got to get out of here."

"Where? Ivo!"

"Peace. Ciao."

Sa madaming dahilan, nilisan ko ang coffee shop na iyon at pinangako sa sariling di na
ako babalik pang muli. Madaming ideya ang tumatakbo ng mabilis sa utak ko kasabay ng
mabilis na tila pagpapalpitate na puso. Isa sa mga yon ay ang pagbanggit sa sariling:

"mula sa araw na ito, I got to move on." at "goodbye".
 
Last edited:
Apple Pie? - Fourteenth Slice


Pero alam nating lahat nahindi sa ganoong paraan nagtatapos yon.
Hindi sa simpleng "Pweh. Makapagmove-on na nga" natatapos ang
bawat kabanata ng isang kwento ng pag-ibig. Hindi din natatapos sa isang
araw lang na siksik ng emosyon ang nakapag dulot sayo ng tila walang hanggan na
kasiyahan. Dahil ang totoong ikot ng mundo ay parehong mabilis at mabagal.
Sinanay tayo ng panahon sa doktrinang mabagal lang ang pagbabago;
hindi napapansin, hindi madaling matunton. O siguro ako lang talaga yon. Dahil hindi
ako fan ng fast pace na pagbabago.


"Magkikita pa ba tayo?" - Chloe


Siguro.. Sana, hindi na.


Mas madaling magtiis, magmukmok at magpakaemo. Mas masarap maging
mapag-isa pagkatapos mong makita at makasama ng 8% ng buhay mo ang taong
nagbigay kahulugan sa buhay mong matamlay. Hindi naman sa bitter ako pero ganun
talaga. "If happy ever after did exist, I would still be holding you like this."pero ang totoo,
yung kasunod na parte ng kanta ng maroon 5 yung pinakamalapit sa realidad.


"Ivan, talk to me."


Pasensya na't busy akong kausap yung sarili ko. Pasensya na't torpe ako sa pagtatanong
para sa mga kasagutang hindi ko mahanap sa google kaya ako nalang sumasagot gamit
ang impersonation ng boses mo. Pasensya na't binali mo yung braso ko kahit hindi dapat
ako yung magsosorry. Pasensya na't ipagtutulakan kita ngayon. Pasensya na ah--
Mahal na mahal talaga kita eh.


4 missed calls, 1 message. Puro kay Chloe lahat.


-----

"Kuya, alam mo naman na yung kaso diba?"

"Alin ba?"

"Alam kong alam mo yung sinasabi ko Kuya."

"Ah yung sa inyo ni Chloe? Alam ko yun syempre."

"Wala namang kaso yun diba?"

"Naman! Bakit naman magkakakaso? Teka, ano bang akala mo samin ni Chloe?"

"Diba't naging kayo?"

"Kami? Walang ganun! Hahaha!"

"Sigurado ka ba kuya?"

"Oo.."

Kasing sigurado ko lang naman yung estudyanteng kumukuha ng final exam na panay ang
sambit ng "bahala na si batman".

-----

Sa paglilibot ko't sa pagiwas ko sa mga tao, nakita kong katapat ko nanaman 'tong apple pie
store na 'to. Pogi pala ng pangalan, Pie L'Amore. Matagal na din pala akong nago-obsess sa
kainang to dahil lang kay Chloe pero di ko pinapansin kung ano yung mga dinadagdag. Madami
nang nagbago sa sa cafe, magarang tignan mukhang Christmas tree sa dami ng ilaw, kitang kita
yung lugar dahil na din maagang nagdilim. Madami na ding nadagdag sa menu na nakasulat sa
chalk board, may mga fruit shakes na at iba't ibang uri ng kape. May mga bago ding pie bukod
sa palagi kong kinakain, may pecan pie na nga at American pie. Ako nalang pala talaga yung
immovable object. Ako nalang yung di pa nagmomove on.

Napaupo ako sa estribo ng kalsada. Nagmunimuni pa ulit ng konti at nagkamot ng ulo. Napatawa din
ng kaunti at napangiti ng makitang pumlakda ang 'sang breezy na naglalakad ng matapakan nya ang
dulo ng kanyang maong. Nagtubig ang mga mata ko kasabay ang pagkirot ng dibdib. Withdrawal na.
Pinagququit na ko ng utak ko sa pag-ibig na 'to.

Napatigil ako't humikbi. Nagpunas ng mukha't lumingon dahil na din sa misteryosong kalabit.

"Andito ka lang pala Ivo."

Uy surprise ulit..

Si Chloe.
 
Last edited:
Re: Apple Pie? - Fourteenth Slice

sana tuloy tuloy na update :thumbsup:
 
Re: Apple Pie? - Fourteenth Slice

p update n po ng kwento :thanks: ganda ng story sana po masundan napo ito kc lge nlng pong may putol
 
Re: Apple Pie? - Fourteenth Slice

update na po ulit!!!!


bitin nanaman!!! ^_^

thanks sa story!!!
 
Back
Top Bottom