Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Usapang METAL!!

umuulan daw ng ihi,,hahahaha

ok lang naman ang tripping namin..

atlest nakita namin magperform log in person,,pinopondo kasi namin un..


duda lang ako bakit ang daming band sa line up na hindi bagay sa climate ng tugtugan:whistle:
 
@deadly
kumukuha ka siguro ng video, andami nga daw nawalan ng phone at digicam kagabi, kaya hindi din ako kumuha ng video baka masnatch lang phone ko..

i was there 10 years ago nung unang pulp summerslam, nagbabatuhan na ng mineral water bottles nun na may ihi, after 10 years ngayon lang uli ako nanood ng pulp dahil sa Testament and to my surprise hanggang ngayon pala ginagawa pa din nila yung batuhan ng ihi na yun, tsk!:upset: pinoy nga naman, only in the philippines lang yan, sa states o kahit saan mang metal festival pure mosh lang, di hamak na mas wild ang crowd abroad pero hindi nila ginagawa yang pambabato ng ihi, ganun ba kasalaula ang mga pinoy? nag eenjoy sila na naliligo ng ihi! na upset ako sa crowd, halos walang audience participation, kundi pa halos magmakaawa at mangulit si randy sa crowd talagang walang mag paparticipate, pano puro posero yung nasa harap, badtrip! yan na huling nood ko ng pulp that's for sure, pwera na lang kung kukuning guest ng pulp ang Slayer o Metallica then siguro i'll reconsider, kaya kong pagtiisang maligo ng ihi just to see Slayer or Metallica on stage
 
natumbok mo pareng immortal
ilambeses ako natamaan ng bote >,<
di ko alam kung may ihi o wala..
kasi yung mga posero ndi alam kung pano magpaparticipate sa gnun even
kalimitan ginagawa nila
umiiyak pag natugtug ang typecast or chicosci
bahahahaha
ineexpect ko talaga mga metalheads ang dadating
tapos madaming mangyayareng wall of death at circle pits
ang nakita ko mga mukang ungoy na nagwawala sa lupa
hahaha
 
Bangis ng Testament and LoG!! Mabuti naabutan ko Testament sakto dating ko!! Mabuti ang tagal nilang magset up. At ambilis ng pila ngayon ha.

Ganun na talaga taon taon sa PULP.. Pag nabobored na mga tao batuhan na ng bote. Badtrip sapul ako sa batok. Tumigas ang buok ko dahil dun. lol Pero ok lang minsan lang naman ako Matatamaan ng ganun sa loob ng isang taon.. hehehe

Kwento sa akin ng tropa ko may bumato daw sa gitarista ng chicosci.. Nakailag. hahaha
 
Pansin ko lang mga tol parang mejo pumapalya yung sounds ng sa Testament.. :(

Nadala na rin ako sa cellphone na yan. Nawalan na rin ako jan.. Kaya pag nagpupunta ako sa pulp laging luma dala kong cellphone at wala na akong dadalhin na pitaka. haha

Kayo naman, lagi niyong pinapansin ang mga emotero na yan.. Di tuloy kayo nageenjoy. Chill lang kayo.. :)
 
hanggang ngaun ganun pa din pala ang scene sa pulp summer slam? puro posers pa din pala ang napunta? di na ako magtataka dahil huling punta ko at pumunta lang ako dahil first time na kasama ang valley of chrome at c.o.g. at ng valley at c.o.g. na ang tumutugtog wala man lang nakaka appreciate dahil mostly ang crowd magulo kapag kamikazee, queso, at chicosci ang tumutugtog. it sad na isipin na mas matino pa pala ang crowd sa abroad di tulad dito sa atin na nambabato ng ihi.
 
nakakatuwa lang ang daming teenager na chicks hehehe ang taba nung nasa frenzy condom hehehe di na kami nagpapicture libre lang naman ung pasok namin sa loob kunwari taga pizza hut kami tapos meron pa kaming wristband na dilaw kunwari trabahador hehehe astig talaga ng log sabi daw tutugtog pa uli sila eh tinanggal na ung rig nila buti na lang 7 pm kami pumunta sakto testament tapos log astig
 
nagka technical problem nga ang Testament tinatadyakan na nga ni chuck yung mga speaker mukang nabadtrip din sya, tsaka ang nipis ng sounds nila pero pagdating sa LOG biglang ang kapal ng gitara at bass, sabagay crew naman nila nag set up nun, but still, bangis talaga ng Testament.. malamang hindi na babalik ang LOG dito contrary sa sinabi ni randy na babalik sila, wala wenta crowd eh, namalat nga kami kakasabay sa mga kanta nila habang yung mga nasa paligid namin eh nakaupo.. sana lang may makaisip na organizer na magkaron ng metal event dito sa pinas, para atleast pare pareho yung crowd na alam mong mga metal, kahit posero pa yan atleast alam mong magpaparticipate at hindi mapapahiya yung banda, nagmumuka kasing tanga yung banda, ganadong ganado sila sa pagtugtog tapos makikita mong parang mga rebulto yung audience mo ayaw mga gumalaw di ba.. hopefully talaga magkaron ng metal event sa pinas para united ang crowd
 
Sana nga magkatotoo ung pangarap mo pareng immortal hehehe kahit sa wtc na lang gawin dun din yata archenemy di ba wala naman talaga akong balak manood ng pulp sinabi lang ng classmate ko na andun log di na kami nagkita sa loob may dala pa naman syang 400d dami nya siguro pics na nakuha hehehe lalo na ung mga batang chicks dun ok naman ung sumunod sa log ung rebellion kaso lang sobrang nipis ng rig nila ako na nga lang mag isa nag ra rise rebel make a fist resist hehehe hinihintay yata ng mga tao na mag slam sa sicksuckermind sige pagpasensyahan nyo na hehehe
 
sayang na sayang talaga
pero atleast i get the opportunity to see them play on stage
gusto ko next year slayer naman with metallica
hahaha
tska sana underground
tama si immortla mganda sana kung mga metlaheads lang ang manunuod
para di magmukang tanga yung band
 
sana nga lang may matinong organizer na makaisip nyan, gawin din nilang annual metal event tutal madalas naman ng may napupuntang metal bands dito, andami nating local underground and mainstream metal bands then kuha sila ng guest na foreign metal band, kung kasing yaman ko lang si manny villar sigurado may ganyang event tayo dito sa pinas
 
Kahit naman sabihin natin na may mag-organize ng pure METAL concert dito sa pinas eh palagay ko marami pa rin pupunta na posers jan lalo na yung mahilig sa sakit ng katawan. Iba naman kasi ang culture ng pinoy sa US eh. Akala nila pagka ganun ang asal mo eh ok na. Enjoy na lang siguro mga tol. Pero at least may gumagalaw naman di ba.. Di tulad ng iba na parang tuod lang. hehehe..

Pero sana nga may ganung concert.. \m/
 
ok nga lang kahit may poseur hindi naman talaga mawawala yun pero atleast poseur na metal, magpaparticipate pa din yun, at walang mga emo na present dahil hindi sila makaka relate dudurugin sila ng mga poseur na metal pag nagkataon
 
dito lang sa pilipinas umuulan ng ihi:lol:

un ang wala sa abroad kaya mas malupet dito:D
 
hehe..ako din nawala ung phone ko dun lang sa bilihan ng pizza ..badtrip talaga ung mga mag nanakaw..so sad ganun talaga hindi talaga mawawala sa pulp..halo halo na kasi ..
 
Last edited:
Sarap talaga magbasa sa thread na to, nakakatawa yung "ihi issue" may punto si deathcab onli in da pilipins nga naman yan "Saan ka pa?" :lol: masyado tayong nagpapahalata na may water crisis :rofl:
 
Last edited:
hehe! badtrip talaga yung ihi na yun, sa halip tuloy na nag eenjoy ka sa panonood ng banda eh yung pagbagsak ng ihi ang aabangan mo dahil baka tamaan ka! mga pinoy talaga oh, pati nga lupa at buhangin umulan din nun
 
Back
Top Bottom