Dude, I took BSIT back in 2008, 4-year course. So supposedly 2012 ang graduation year ko.
But that didn't happen.
Nagka-health problem ako which led me to stop for a year para magpahinga & magpalakas. So ayun, syempre it also meant na hindi na 'ko makakasabay sa graduation ng mga orig blockmates ko since nag-stop nga ako. Sobrang nakakapanghinayang kasi barkada ko na rin halos lahat sa kanila. Maiiwanan na nila ako once gumraduate na sila.
Then came the following year, 2009. The return of the comeback lol.
New sem, new blockmates, panibagong batch ng mga taong di ko kakilala. Start from scratch ulit. Everything went well, marami din akong naging bagong barkada kahit papano sa mga bago kong blockmates. Hanggang sa dumating yung senior year namin, thesis days (capstone). So ayun, to make it short, nagkaproblema kami ng partner ko sa interactive system na ginawa namin. Buti na lang mababait din yung panel namin kahit papano kaya binigyan kami ng option na ayusin yung system namin OR ibagsak na lang yung subject para makapag-start ulit ng bagong thesis the following year. Syempre mas pinili namin ng partner ko na ayusin yung system. Problema lang, it also meant na hindi na kami makakasabay sa graduation ng batch namin kasi yung inallot na oras samin eh tatama sa commencement exercises namin. Bale next year na kami ga-graduate if ever. Buti na lang naging maayos ang lahat kaya naka-graduate din kami ng thesis partner ko last 2014, one year after gumraduate ng mga barkada namin.
At habang nangyayari lahat ng ^yan, syempre yung mga highschool batchmates ko naman na mas nauna saking gumraduate, syempre todo-post ng mga grad pics nila sa Facebook. Nakakainggit oo, na may halong konting hiya din kasi kumpara sa kanila, di ko nagawang maka-graduate sa supposedly graduation year ko na 2012. Na-delay yung graduation ko ng 2 years paps. Pero syempre ganun talaga ang buhay eh, minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka. Kelangan mo na lang tanggapin yun at mag-move on sa buhay, ipagpatuloy na gawin yung mga dapat mong gawin. Kasi ang importante lang naman dyan eh yung makakilos ka, yung meron kang ginagawang mga aksyon para maka-advance ka sa buhay. Wala nang pake sa sasabihin o iisipin ng iba. Ganun lang ang mentality dyan paps kaya wag ka sana panghinaan ng loob
Gawin mo lang yung mga kelangan mong gawin sa buhay paps, makakausad ka din dyan for sure
Tiyagaan lang tsaka willpower lang yan. Mag-focus ka lang sa sarili mo, wag sa opinyon ng ibang tao kasi dun nabubuo yung pagkahiya natin sa sarili natin eh.
Tsaka sabi nga ng isang kasabihan na alam ko,
"It's not over when you lose. It's over when you quit."
So laban lang