Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Wala Pang Titulo

.

Araw (Si Sunshine)

Tirik sana ang araw ‘sabay sa oras ng ‘yong paguwi ngunit kulimlim ang sayo’y bumulaga. Biglang itutumba ka ng inakalang mong maayos na hakbang. Niyayanig na pala ang tinatapakan mong lupa bilang ganti sa kasalanang ‘di namalayang nagawa. Hahagupitin ng kalamidad na akala mo‘y normal lang at agad ding lilipas, unos na palang idinulot ng masarap na pagkakamaling namamahay sa kamalayan ng lahat, sayo’y inisp mong sumpa ng pangangailangan. Magbabagsakan sa’yo ang mga batong nagaapoy, nagliliyab, at mapanira, maiwasan ma’y pandinig at damdamin ang higit na pinapasakitan. Doon mo pa lang pa lang mapapansin, dumi at pagkawasak na pala ang imaheng tinataglay ng mundo mo sa sarili nitong lusak. Iiyak, magsisisi, mangangako ng pagbabago bago ihiga ang bigat ng isang araw sayo’ng pamumuhay. At gigising sa gabing kailangan nang muling magkasala, sa pagmamadali ang nagawa na lang punasan ay ang humabol na luha.

Buwan (Si Mon)

Ilang buwan na ba ang lumipas, hindi ka pa rin tumutugon sa mga liham ko at sa ibanalitang maaari ka nang umuwi at hindi na kakailanganing umalis pa dahil may trabaho na akong bubuhay sa atin. Tinatanaw na lang ang magagandang alaala natin habang malayo ka sa akin. Walang negatibong iisipin dahil alam kong magbabalik ka akin. Dahil tulad ng araw at ng buwan habang umiikot ang uniberso ay magtatagpo ang mga landas natin. Kung totoo mang may katapusan ang lahat, matatapos din itong masasamang balitang naririnig, at siguradong magliliwanag din ang lahat kapag narinig mismo sa iyong mga labi. Ako ang buwan na hanggang ngayo’y pilit pa ring humihila sa iyo. Huwag sanang mangyaring babalikan mo lang ako kapag tuluyan nang nawasak ang bagong pamumuhay at bagong mundong niyakap mo. Ako ang buwan na magliliwanag lang sa oras na harapin mo. Kung masasanay na lang tayo sa dilim na ganito, papaano mo mapapansing wala na pala ako’t hinanap sa iba ang liwanag ko.


~~


 
Yown! Naks naman ohh,nakatsamba din ng matindihan dine ah ah,ituloy mo na idol. Ang bigat ng mga tirada ah!
 
Last edited by a moderator:
haha tapos na po yan title na lang. salamat po sa pagbabasa :)
 
kailangan na pagisipan ang titulo nyan:think:

good read. :thanks: for sharing!
 
extra judicial killing of feelings and dapat na title nito :lol: salamat sa kwento :salute:
 
thank you po
 
tagal na pala nito, galing

nalinawan kaya ung buwan ?hehhehehe
 
salamat. opo matagal na, ang naging title po nito ay Katuigan .
 
Back
Top Bottom