Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Wedding?

Nakita ko lang sa FB
Payo ni sir Chinkee Tan

MAGARBONG #KASAL NOW, PULUBI LATER

Tan-tan-tanan…
Tan-tan-tanan…
Hindi ‘yan ang aking apelyido na inulit-ulit…
Ito ang madalas nating marinig kapag merong ikinakasal.

Ito ang isa sa pinaka-inaabangang okasyon ng dalawang taong NAGMAMAHALAN.

Parating nasa isipan, once-in-a-lifetime lang ang kasal, titipirin mo pa?
Dapat, engrande! Minsan lang ito, itodo mo na!

Okay lang naman ang engrande KUNG afford mo.
Kung hindi keri, eh ‘di mag-adjust.
Pero may iba na sa halip mag-adjust, ginagawan ng paraan na nagre-result lang sa UTANG.

While it???s so tempting to indulge, let us be practical.
Aanhin mo ang engrandeng kasal kung magigipit ka naman kinabukasan?

Bakit nga ba sumosobra ang gastos sa isang kasalan?

GUSTONG IMBITAHIN LAHAT

As much as we want to invite everyone mula kababata, kamag-anak, kaklase, ka-opisina, o kaibigan, honestly speaking, the more guests we have, the more expensive our wedding will turn out. Nagmu-multiply kasabay ng number of heads ang pagkain, souvenirs, invitations, etc.

Choose to invite only those na talagang may kinalaman at pakialam sa buhay natin. We don???t owe anybody an explanation kung bakit hindi sila invited. Ang totoong kaibigan, maiintindihan kung nagtitipid ka. Invited or not, they will understand, respect your decision, and be happy for you.

FEELING “CAN AFFORD”

Pinakasikat na caterer ang kukunin…
Pinakamagaling na banda o wedding singer ang ibu-book…
Pinakamagaling na photographer at videographer ang iha-hire…

Lahat ng PINAKAGUSTO nating kunin – sometimes, just to prove a point na KAYA NATIN.

Kung lahat ng ito ay susumahin natin – tiyak, hindi pa tayo kinakasal, eh lubog na lubog na tayo sa utang.
Tipong on your wedding day, nakasimangot ka nalang dahil sa kakaisip kung saan kukuha ng pambayad kinabukasan.

Of course, it feels great to get one of the best suppliers for our wedding. Pero kung hindi na kaya, ‘wag na ipilit.

Maybe you can try going for new coordinators na nagsisimula pa lang who wouldn???t charge you so much.

HINDI PINAGHANDAAN

Ang problema kasi ng iba sa atin, ang daming gusto – pero walang sapat na budget para dito. Ang dahilan? Hindi pinaghandaan o pinag-ipunan.

“Dapat sa hotel ang reception para sosyal.”
“Ay, gusto kong punuin ang simbahan ng pinakamahal na bulaklak.”
“Ang wedding gown ko, dapat gawa ng sikat na designer.”

Because of the pressure, ginagawa nating solusyon ang pangungutang o paggalaw ng lahat ng naipon para maisaktuparan lang ang gusto.

Kung may naipon para dito, eh ‘di good for you. Pero kung wala masyado, stick to what you can only afford without sacrificing or jeopardizing your family???s future.

UNNECESSARY EXPENSES

Maraming naglalabasan ngayon ng kung anu-anong pakulo to make weddings one of a kind.

While it???s nice to try and to have it for ourselves, ang bank account ninyong mag-asawa ang most likely na masisimot.

A wedding is all about us, the person we love, and God.
Oo, once-in-a-lifetime event lang ito, but it???s more important to think about how to survive the day after the wedding.

Learn to prioritize the things that you???ll only need for the wedding at gamitin lang ang matitipid sa mas mahahalagang bagay. Ang importante naman, mapaglaanan ang mga bagay AFTER the wedding.

Tandaan, ang kailangan niyo maging ay dalawang taong NAGMAMAHALAN at hindi dalawang taong NAMAMAHALAN sa tambak na gastusin at bayarin.

THINK. REFLECT. APPLY.

May plano ba kayong magpakasal anytime soon o kinasal na kayo recently?
Are you still on a budget o medyo alanganin na?
Ano ang mga pwede niyong gawin para hindi kayo mabaon sa utang?
 
I think both of you need to settle it as boyfriend and girlfriend and be on the same page. I could suggest this article to you entitled, "10 Wedding Reception Places in Manila"
This is beneficial to you Thread Starter and to the rest who are planning to have a great wedding someday. ;)
 
Last edited by a moderator:
mas maganda parin sa simbahan, pero masabi ko lang na gagasto kyo sa makaya lang ng budget nyo, wag pagkatapos ng kasal puro utang, hehehe, note after ng kasal umpisa pa lang yan, dami pang mangyayari
 
Mas maganda parin kung sa simbahan kayo magpapakasal. Tulad nga ng sabe mo, a wedding is a once in a lifetime event. You should make it count. Marami namang affordable na simbahan plus yung mga wedding services magagawan naman yan ng paraan. Anyways, I hope this helps and goodluck on your wedding!
 
Last edited:
Kung my tiwala ka sakanya at alam mo namang mag sstay sya sayo at mahal na mahal ka talaga nya TS bigay mo naman ung karapatan ng babae na ikasal sa simbahan
isang d malilimutang alaala un TS para sa mga babae sabi ng aking GF ,,
pag ipunan mo TS makakapag hintay naman po siguroi sya ...
walang kang magagawa hndi praktikal ang magiging asawa mo
nafefeel kita TS gusto mo lang pa asure na sayo na talaga ung GF mo hahaha
takot kang maagaw sya myawwwwwww
Godbless TS ....
post ka ulit dito pag kinasal kana ,,
maraming bangko jan ,, pwde mong pasukin haha joke lang
mag MINA ka TS para my pang kasal kang bongga
 
unang unang payo: mag usap kayo ng maayos. yung wala munang tampuhan. explain mo muna kung ano at paano nyo haharapin ang kasal. masarap mangarap ng magandang kasal, pero "KAYA NGA BA???"

Hanap ka ng pondo mo. "WAG UMUTANG". Hugot muna sa sariling account. May inaasahan ka ba na "SURE" na pera pang parating?. Sum up. start from there kung hanggang saan makakaabot, dun lang.

Pagusapan nyo yung mga "KANYA KANYANG" gastos. Example: Gown / Dresses. Pagkasunduan nyo na kung sino gagastos, sya ba o ikaw na din.

Try nyo lumapit sa Pamilya nyo. Walang masama. Kung may nakakaangat naman. Paunang regalo kumbaga. Pero wag magpilit kung wala. Pero wag umutang.

Hanap ka ng mga "Pasok sa budget" na gagastusan. Reception, Hosts, Flowers, Rings, Isusuot nyo, hotel. Maraming mura na maganda. research research ka lang. Basa basa ng mga reviews.


Isama mo sa gastos yung mga pagaayos ng mga papeles nyo. Pamasahe, Fees, Kain sa labas. hehe.


Pili ka na lang ng memorabe / significant church na may history kayo or family nyo para mas memorable.


I agree, na once in a lifetime (dapat) event ang kasal kaya kailangang paghandaan. Pero wag ipilit kung hindi naman kaya.

Sana nakatulong.
 
ano na ba nangyari dito kay TS? balitaan mo naman kami haha.
 
Back
Top Bottom