Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disorder)

Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

tingin ko hindi.

ako lang kasi sa pamilya namin ang ganito. hahaha
sa experience ko nag tritrigger ito pag mag isa ka lang.

Sana nga.. so far wala nman akong napapnsin saming 5 na magkakapatid khit sa mga pamangkin ko..
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

I think hindi naman more on training kung mula pagkabata mo controlled ang kilos mo more likely magkakaroon ka... ako kasi base on my experience sa training ko siya nakuha e...
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

Sana nga.. so far wala nman akong napapnsin saming 5 na magkakapatid khit sa mga pamangkin ko..

genetic siya kaya nmamana napanood ko sa video sa youtube may link jan yung pangatlo sa ibaba
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

ako mga pre may GAD or generalized anxiety disorder. recommended book ko ay yung panic away ni Barry Joe McDonagh. malaking tulong ito kahit papano. yung genetic theory lang yan. ang possible na genetic ay yung Schizophrenia.
 
wow may kasama na ako hahaha

hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito.
wala naman ito nung ako ay bata pa.
pero nung tumanda na wow hindi mapakali haha
pag nagcloclose na ako ng Shop limang beses ko titingnan kong talagang close na haha. tapos pag naglakad na ako pauwi babalikan ko pa yun para siguraduhin na sarado na nyahahaha.

hay.. buti na lang nabasa ko tong thread nato.. kala ko kasi mag isa lang ako na may ganito.. haha! Pero tama pag magisa lang nag ttrigger yung ganito pag may tao na medyo nawawala sakin pero pag wala ng nakatingin kahit may tao sa paligid nangyayari pa din to sakin. Yung sinabi mong pag checheck ng pinto nangyayari din sakin ung tipong naka lock na lahat then nakahiga nako iniisip ko pa sya tapos babalikan ko na naman ang hirap pambihira.. Hindi ka makakatulog hanggat hindi mo nasa satisfy yung utak mo ewan. Minsan umabot sa higit sa isang oras ako ganito napaiyak nako sa inis kasi ayaw mawala.

May tanung lang ako mga ka symb, sakin kasi paiba iba minsan sa pagsasara ng pinto tapos tutulak ko ng paa ko tapos kailangan makarating ako ng pupuntahan ko ng walang ibang nangyayari sample makakaapak ng ibang bagay ganun. Pag nangyari yung uulitin ko na naman sasara yung pinto tutulak ng paa ko then hay.. OCD kaya tawag dito o meron pa? hindi na ba mawawala to?
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

Siguro may ganito na din ako, kasi halimbawa pagmaghuhugas ako ng pinagkainan ko, hindi ko tinitigilan hangga't nararamdaman kong madulas pa, sinisiguro kong hindi amoy sabon.
 
NOPE! thats not OCD, yung iba dito! Normal lang yan sa tao kapag gusto niya "sigurado" sa kung ano man na situasiyon gusto niya siguradohin! Yung OCD ay kung abnormal na! Yung tipong hindi ginagawa ng ibang normal na tao. In my case kapag hahawak ako ng doorknob gusto ko may tissue or panyo..o kahit ano para di dumikit kamay ko sa doorknob kasi feeling ko greasy siya eh! Tapos feeling ko kasi daming tao nakahawak nun! Isa pa tuwing mag tuturn-on ako ng switch di mga daliri ginagamit ko. Kundi yung likod ng palad ko o di kaya siko! haha...Nakakahiya minsa kung di ka nila maintindihan! Eto pa..sa jeep! which is nakakahiya talaga! minsa pag di ko siya ginawa to, para di ako matulog sa kaiisip. Sa dapat kasi bago ako uupo, I make sure tingnan ko muna yung maluwag na arae, tapos pupunasan ko ng tissue, eh di ko magawa minsan eh! kasi daming nakasakay, tapos para over ko naman kapag gawin ko yun...pero ang consequence nito ay lage ko inisip kung may dugo yung naupoan ko galing sa babaeng may regla? o ano? tamud? haha...yun nasa isip ko! iwan ko ba! bat ganyan! Tapos magagawa ko lng punasan yung upuan kapag ako lng isa pasahero...Kahit saang upuan, di lng sa jeep kahit sa food chain. anywhere, dapat check ko muna...Tapos kapag magHIHI-five ako sa mga di ko kilala or even sa mga barkada ko...di palm ginagamit ko, yung normal na hiFive, kundi likuran ng palad ko ginagamit ko..Minsa cguro pinag uusapan ako bat ganun ako mag Act? Minsan, tinitingnan nila ako..Basta! Kainis bat ako nagkakaGanito! Paranoid pa ako! Sabi ng ate ko ako lng makakatulong sa sarili ko..BSN pala siya at ako din BSN, pero di ko tinapos kasi yun nga, Paranoid ako tapos OCD pa...Lagi kung iniisip mga pangyayari after ng duty! Tapos itong pagiging ganito ko nag Develop po siya into Depression! and ANXIETY! grabe po!!!! Buti nlng may nag aadvice sa akin...Grabe! para ka talagang maBUBUANG po! ang sakit2x ng ulo ko nun...Di ako maka concentrate...Tuwing gabi, di ako makatulog..nagdevelop lng nun after mga pangyayari sa pamilya namin na I consider na mabibigat na problema talaga....3 days nun di ako nakatulog....itsura ko di na gaya ng dati..even my close friends, nagtaka! Pero pinilit ko talaga maging normal! Yung bodily symptoms ko po ay worst!!! Nanginginig ako lage, ninerbyos...BP ko 160/100, tapos mata ko laging nanginginig....Basta! yung kamay ko di ko maigalaw minsa....I need to massage it para di maging stiff...heartbeat ko an bilis at ang lakas...Makikita mo talaga kasi gumagalaw pati tshirt ko...Sumasakit tyan ko kapag aatakihin ako ng Anxiety ko....I sometimes think of Suicidal..I even attempted to write a suicide note..Pero di ko magawa kasi laging may nakakaHuli sa akin everytime mag attempt ako.....Until now medjo nan jan pa din bodily symptoms...pero di na gaya ng dati na halos di ko maintindihan..Nakakatulog na ako atleast 5hours...Pero madaling magising kapag mag konting ingay...before nashoshock ako kapag nakakarinig ako ng ingngay kapag tulog ako ang parang may cold rush sa katawan ko...nararamdaman ko talaga, parang may yelo sa loob ng katawan ko tas nanginginig ako...but now, di na masyado...Yung ginawa ko ay niRelax ko sarili ko....Deep breathing execise, being optimistic, possible forget the past and dont look for the future....tapos take vitamins, eat healthy foods...bawal kape, softdrinks, cigarilyo...Yoga also helps! :) And sana tuloy2x ko ng maangkin yung dating ako....Ngayon nagPapalpitate pa ako minsan...pero I take a deepbreath and think of a nice scenario...Nakakatulong din ang brainwave hypnosis sa akin nung di ako makatulog...Relaxing music din and talk therapy! :)
 
hirap nyan ate o kuya? ganyan din ako dati cleanliness OCD , minsan nasasabihan tau ng maarte ng mga tao pero
di nila naiintindihan na may OCD tau at kailangan natin maging malinis parati sa isip natin para di tau paulit2
maghugas ng kamay o maglinis ng katawan.

- - - Updated - - -

hay.. buti na lang nabasa ko tong thread nato.. kala ko kasi mag isa lang ako na may ganito.. haha! Pero tama pag magisa lang nag ttrigger yung ganito pag may tao na medyo nawawala sakin pero pag wala ng nakatingin kahit may tao sa paligid nangyayari pa din to sakin. Yung sinabi mong pag checheck ng pinto nangyayari din sakin ung tipong naka lock na lahat then nakahiga nako iniisip ko pa sya tapos babalikan ko na naman ang hirap pambihira.. Hindi ka makakatulog hanggat hindi mo nasa satisfy yung utak mo ewan. Minsan umabot sa higit sa isang oras ako ganito napaiyak nako sa inis kasi ayaw mawala.

May tanung lang ako mga ka symb, sakin kasi paiba iba minsan sa pagsasara ng pinto tapos tutulak ko ng paa ko tapos kailangan makarating ako ng pupuntahan ko ng walang ibang nangyayari sample makakaapak ng ibang bagay ganun. Pag nangyari yung uulitin ko na naman sasara yung pinto tutulak ng paa ko then hay.. OCD kaya tawag dito o meron pa? hindi na ba mawawala to?

mawawala yan tol kailangan mo lng ng kontrol sa sarili basta alisin mo lng sa isip mo ung takot, pinag daanan ko na yan
basta dapat lagi ka lng may kausap o nalilibang isip mo pra di mo maisip mga bagay na paulit2 mong ginagawa.
 
Last edited:
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

Iba ang Obsessive-compulsive disorder sa pagiging neat at organized. Maraming categories kasi dapat ang kailangang isaalang-alang bago ka mag-diagnose ng OCD, kaya bago ma-obsess na meron ka ngang OCD, mas maganda kung matignan ka ng eksperto.

May nakita akong nagpost dito na shop owner, at talagang chine-check kung naka-lock nga ang shop nya bago umalis. Kung limang beses mo 'tong chineck, para makaiwas sa mga bolt-cutter gang, ay talagang may dahilan ka naman kung bakit mo ginagawa ang aksyon na ginagawa nyo, kaya wala po kayong OCD.

Ang OCD kasi, may mga obsessions na walang purpose talaga. Kunwari, di ka makatulog, kasi gusot-gusot ang kama mo, tapos aayusin mo, tapos mahihiga ulit, tapos tatayo na naman dahil gusot na naman ang kama. Yan ang OCD. Meron din yung mga tipong mag-iipon ng napakaraming bus tickets dahil wala lang. Pero kung nag-iipon ka dahil gusto mo lang may souvenir ka galing sa mga iba't-ibang lugar na napuntahan mo, hindi yan OCD.

Ang OCD kasi, kaya sya tinawag na disorder, dahil nakakasira sya ng buhay mo talaga. Kunyari nga, sa itaas, hindi ka na nakakatulog dahil talagang na-o-obsess ka sa gusot-gusot na kama, ibig sabihin sira na ang buhay mo. O kaya, wala ka nang mapaglagyan ng mga gamit mo, at mas mahalaga pa yung mga bus tickets sa mga possessions mo, OCD na din yan.

At may gamot din sa OCD. Kung magpapatingin ka sa psychiatrist, siguradong may ibibigay syang gamot.

- - - Updated - - -

Siguro may ganito na din ako, kasi halimbawa pagmaghuhugas ako ng pinagkainan ko, hindi ko tinitigilan hangga't nararamdaman kong madulas pa, sinisiguro kong hindi amoy sabon.

hay.. buti na lang nabasa ko tong thread nato.. kala ko kasi mag isa lang ako na may ganito.. haha! Pero tama pag magisa lang nag ttrigger yung ganito pag may tao na medyo nawawala sakin pero pag wala ng nakatingin kahit may tao sa paligid nangyayari pa din to sakin. Yung sinabi mong pag checheck ng pinto nangyayari din sakin ung tipong naka lock na lahat then nakahiga nako iniisip ko pa sya tapos babalikan ko na naman ang hirap pambihira.. Hindi ka makakatulog hanggat hindi mo nasa satisfy yung utak mo ewan. Minsan umabot sa higit sa isang oras ako ganito napaiyak nako sa inis kasi ayaw mawala.

May tanung lang ako mga ka symb, sakin kasi paiba iba minsan sa pagsasara ng pinto tapos tutulak ko ng paa ko tapos kailangan makarating ako ng pupuntahan ko ng walang ibang nangyayari sample makakaapak ng ibang bagay ganun. Pag nangyari yung uulitin ko na naman sasara yung pinto tutulak ng paa ko then hay.. OCD kaya tawag dito o meron pa? hindi na ba mawawala to?

kpag paulit2 mong tinitignan nang di lng isang beses cguro mga 7 to 15 times OCD na yan tapos pag natutulala ka hbang tinitignan tapos naiisip mo ung fear na mangyari OCD yang sau panoorin mo ung 2 video sa una mga pinoy un grabe din mas maswerte pa pla ko khit konti kc nbabawasan siya

Meron din ako nito sa lagay ko naman, paulit ulit kohinuhugasan paa ko.. ayaw ko kasi yung pakiramdam na may alikabok sa paa ko.. xD pero ngayon kontrolado ko na.. diko toh hahayaang lumala pa.. tsaka pala sa pagsara ng gate.. paulit ulit ko chinecheck.. kung talagang nakasara na ba.. hayy hirap ng gantong sitwasyon..

Sa tingin ko, hindi mga cases ng OCD to, kasi, kasi may purpose ang ginagawa nyong actions, while OCD actions really are purposeless.

For me Sir OCD is not always a Disorder... Sabi kasi dati nung Guidance councilor namin Yung pagiging OC ko is not a disorder bali nakatulong pa nga siya sa everyday life ko.... Lalo na yung pagiging organize.... Obsess kasi ako sa pagiging organize/on time.... Everything in order.... Ang tanging drwaback ko lang is pag nawawalan ako ng control sa mga situation that I am in charge minsan nawawalan ako ng Gana....

At iba nga talaga ang OCD sa taong organized lang talaga at may principles sa buhay. At may tinatawag din tayong Obsessive-compulsive personality disorder na ibang iba sa mismong OCD.
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

Iba ang Obsessive-compulsive disorder sa pagiging neat at organized. Maraming categories kasi dapat ang kailangang isaalang-alang bago ka mag-diagnose ng OCD, kaya bago ma-obsess na meron ka ngang OCD, mas maganda kung matignan ka ng eksperto.

sa tingin ko OCD tlaga ung sakin dati madaming beses ko kc ginagawa eh tumatagal, cleanliness OCD bawat bagay na mhahawakan ko na sa tingin ko madumi naghuhugas agad ako at pati ung sa pagpatay ng gripo na paulit2 hanggang sa masira wag ko lng marinig na pumapatak ung tubig pag di nila nasasara ng maayos. di din pala ko mapakali dati hanggang naiisip ko na madumi kamay ko kya hugas tlga ng ilang ulit.
 
Last edited:
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

ocd ba yung sa buhok??

tagal ko kasi sa salamin pag nag wawax e.

aayusin ko . tapos guguluhin. tas aayusin , guguluhin .
haha. tas bago umalis. may last check pa . :lol:
 
Last edited:
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

Hehe... Ngayon ko pang nalaman to ITO PALA SAKIT KO... ت
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

consult a specialist kasi di biro ang kondisyon na ito :thumbsup:
 
Re: Who's Suffering here from OCD(Obsessive Compulsive Disor

ako mga pre may GAD or generalized anxiety disorder. recommended book ko ay yung panic away ni Barry Joe McDonagh. malaking tulong ito kahit papano. yung genetic theory lang yan. ang possible na genetic ay yung Schizophrenia.

sir. san kayo nakabili ng book?
 
mahirap nga po ang ganitong kondisyon, ako din isang ocd dati mga 19 ako nun nung napansin ng magulang at kapatid ko ang ganitong sakit. hanggang sa naisip nila na para na akong nababaliw, hanggang sa pinatingnan na nila ako at sakit nga daw po ito sa pag iisip ata. nagagamot naman po ang ganitong sakit yun nga lang matagalan at mahal ang gamot. pasensya na diko na matandaan yung tatak ng gamot e. yung paulit ulit na ginagawa ko unti unti ng nawawala mga 5 or 7 months ata ako nag take ng gamot na yun. ngayong 25 na ako wala na sya. ok na yung pag iisip ko.
 
my problema din ako about ocd, i tried to control myself but sometimes im being controlled, i tend to repeat what im doing to attain my own standards/perfection when im doing something, sometimes being paranoid, tsaka mabilis ako madistract lalo na sa maingay, at napansin ko nag ttriger to pag madalas ka mag isa and if you have too much time for thingking anything then ocd will trigger at nakakabawas ng pagiging productive ito sa mga nerds katulad ko, medyo mahirap controlin imbis na mabilis mo matapos yung ginagawa mo, kainis
 
Last edited:
Ako, I have already the symptoms of OCD, but the good thing is I figure it as soon as possible... gumagamit kasi ako ng eyeglass since 2nd yr highschool... then I found out, akala ko normal lang yung ugali kong linis ng linis sa eyeglass ko, eh pati cellphone screen, hindi ako mapakali kahit may kunting moist o dumi like oily hand and wet hand print... pati TV, kapag may nakita akong moist kahit may nanonood, pinupunasan ko pa talaga... triny kong i endure, pero di talaga kaya, imbis na sa tv show ako dapat manood, eh yung mata ko nakatutok lang sa dumi... para akong mababaliw kapag di ko cya malinisan... parang gusto ko potulin kamay ko kasi nangangati. Tsk tsk..
 
hindi ko alam kung OCD din ito sakin pero palagi ako nag huhugas ng kamay tuwing may mahawakan ako na parang may dumi kahit malinis nmn nag papractice nako sa isip ko na imagination ko lang yun medyo nag iimprove nako ngayon..... BTW 5 year na ata ako ganito after ko maka graduate ng college ito nag start simula ng gumamit ako ng alcohol sa kamay after nun feeling ko lagi madumi nahahawakan ko hindi nmn lahat pero may times.... sana mag tuloy tuloy na itong improvement ko mindset lang talaga kailangan dito
 
hindi ko rin sigurado kung ocd sya pero dati ko syang ginagawa

kapag madumi yung kuku ng daliri sa kamay ko

tatanggalin ko sya gamit yung kuko ng hinlalaki ng daliri tapos sabay ko syang gagawin ng kaliwang kamay at kanang kamay

then kahit wala ng dumi uulitin ko sya hindi ko lang matandaan kung ilang beses ko sya ginagawa sa isang araw pero araw araw

napagkamalan narin ako ng nanay ko na nag aadik ako kasi nga dun sa ginagawa ko lagi

kasi tinanong nya ako kung bakit daw ginagawa ko yung ganun akala daw nya nabaliw ako sa pagsa????? kahit hindi naman ako ng sa?????

tapos sabi ko tinatanggal ko lang yung dumi

tapos sabi nya lagi ko daw ginagawa yun kahit wala naman dumi yung kuko ko

tapos ito pa kapag matutulog ka pero madalas sa gabi kapag nagigising ako checheck ko lagi yung gasul namin kung nakasara

tapos kapag matutulog kana tapos kapag nagising ka ulit babangon nanaman ako ulit para icheck ang gasul

tapos minsan kahit kaka check ko lang gusto ko ulit icheck kung nakasara talaga sya kahit kaka check ko lang

nangyaro lang yung nung teenager high school
 
Last edited:
Back
Top Bottom