Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Wii U Official Discussion Thread

may nakasubok na sa inyo maglaro online ng MK8 at smash using pocket wifi?
 
Ako Super mario 3D world natapos ngayong bakasyon. First Wii U title na matapos ko at mukhang last na, kinain ng monster hunter 3u yung oras ko, 40 hours na ako binili ko lang nung friday XD

Sana masingit ko pa pagkumpleto ng stars sa mario kart 8 at saka sangkatutak na wii backlogs (skyward sword, last story, xenoblade zzz)

yan Super Mario 3D World yung pangalawang game na natapos ko nung bagong bili yung Wii U ko, una ko natapos yung New Super Luigi U sobrang hirap pero sarap din laruin, hehe, nilalaro parin namin ng mga kaibigan ko yung Super Mario 3D World paminsan minsan, sinusubukan namin kumpletuhin yung mga star saka sticker, sa Mario Kart 8 konti nalang kulang ko madalas din kasi namin laruin binili ko din yung DLC 6 new characters + 8 new Vehicles+ 16 new Tracks (4 Cups) pero sa May pa ma-u-unlock yung kalahati nung DLC,

sa Wii naman natapos ko palang yung Mario Galaxy 1 & 2, Super Paper Mario, New Super Mario Bros., Pikmin 2 saka Sin and Punishment 2, tapos medyo nakalayo na din ako sa Xenoblade Chronicles,

@majeogo: may pocket wifi ako bro pero hindi ko pa na-try pang online mahina kasi signal dun samin kaya ang ginagamit ko pang online yung line connection namin ng PLDT, nagpalit lang ako ng router para sa NVIDIA Shield ko saka PS Vita,
 
Last edited:
buti pa kayo may natapos na sa Wii U ako natambakan lang hehehe (nageenjoy pa sa Fantasy Life sa 3ds)

anyways naghahanap ako ng USB charger for Wii U, dati sa DB meron daw yung charging dock na may usb cord lang na kasama, yun sana hinahanap ko pero parang mga walang stock ngayon sa DB
 
hi patanong naman po sa mga wii u owners, anong region po ba ang ok bilin na wii u? (US or asian?) sa olx kasi di
ko alam kung anong region ba ung mga games, o playable ba us games sa asian console or asian games sa us console?
 
@Kryst: nakakalaro lang ako madalas pag may mahabang bakasyon or long weekend bro, ginagawa ko talagang objective ang makatapos ng game basta may pagkakataon, basta may time nag-fo-focus lang ako sa isang game hanggang matapos then saka ako lilipat sa iba, pag madami kasi ako pinag-sasabay nalilito din ako kaya mag-e-end up na wala ako matapos, hehe, kaya ngayon one at a time lang ginagawa ko para mabawasan ko yung mga backlog ko, sa Wind Waker ang focus ko ngayon pag may time pag weekend para matapos ko na, tapos isusunod ko yung Batman Origins ko sa Wii U, natapos ko sa Xbox 360 ko yung Arkham Asylum saka City kaya gusto ko din matapos yung Origins,

maglalaro nalang ulit ako ng 3DS pag nakabili na ako nung New 3DS revision, nakabox na kasi yung mga 3DS ko ngayon display nalang, hehe, nawalan ako ng gana nung nalaman ko na magkakaroon nanaman ng bagong version kaya hintayin ko nalang yun bago ko laruin yung mga 3DS games ko, yung Vita saka Nvidia Shield ko pasingit singit lang dito sa office pag may chance maglaro, hehe,

@Darswin: mag US ka nalang bro, majority ng games dito US region, ang alam ko pwede din yung mga Asian na games sa US unit kasi ganun sa 3DS, pero hindi ako 100% sure puro US version kasi mga nabili ko sa Datablitz, hintayin natin reply ni Kryst mas kabisado nya region compatibility sa Nintendo consoles,
 
Last edited:
hi patanong naman po sa mga wii u owners, anong region po ba ang ok bilin na wii u? (US or asian?) sa olx kasi di
ko alam kung anong region ba ung mga games, o playable ba us games sa asian console or asian games sa us console?

pagkakaalam ko US versions din yung mga binebenta sa datablitz (may club Nintendo inserts kasi), saka autovolt naman mga powerbrick ng wii u so kahit sabihin nilang US version yung console autovolt yun, hehehe

saka wala pa kong nakikitang Asian version ng mga Wii U games puro US version lang nakikita ko (wag ka lang bibili ng Japanese at European version kasi di gagana mga games na nabibili ditto since puro US versions yun eh)

@rylen,

ako rin ganyan na new years resolution ko need ko muna magtapos ng isang game tapos focus na lang sa susunod na game dami kasi backlog (nadadagdagan pa ng mga new animes ngayon hehehe)
 
nice new news for the wii u

- wii games can now be bought in eshop, can use gamepad as a controller if game have wii classic controller support, others still use wiimote(or/and nunchuck)

- Super Mario Galaxy 2 now availble for purchase, next week are Punch out and Metroid Prime Trilogy

-xenoblade chronicles x new trailer

post ko pa ibang news

-splatoon release date

-
 
good morning po... sa wii u po di na pwede gamitin yung external hdd na may games ng wii? thanks
 
^pwede bro pero kailangan mo muna i-softmod yung Wii mode (vWii) ng Wii U, back read ka nalang bro kung pano gawin yun, matagal din namin diniscuss dito yun nung nag-soft mod kami ni kryst,

kung portable yung HDD mo kailangan ng Y USB cable mahina kasi yung power ng USB ports ng Wii U kailangan ng HDD ng external power, na-discuss din namin dito yun bro, mas madali gumamit ng flashdrive kasi mapili sa HDD yung vWii ng Wii U kahit may external power,

EDIT: sa page 11 yung start ng usapan namin sa pag softmod bro,
 
Last edited:
Rodea The Sky Soldier Will Be Coming To The West This Fall

 
^mukang ok yan ah, kung hindi masyado downgraded yung graphics sa 3DS version baka yun nalang ang bilihin ko, pero kung madaming advantages sa Wii U yun nalang ang bibilihin ko,
 
^ayos yan ah, try ko yan pag may makita ako dito, may tinira ako na isang PS4 controller nung binenta namin yung PS4 namin saka may extra X360 controller din ako sana pwede, ginagamit ko lang ngayon sa Windows 8 tablet ko yung PS4 controller ko, para lang may portable South Park Stick of Truth ako, hehe,

oh8O9UHl.jpg
 
Gusto ko na din magkaron ng WiiU... sana may makipagtrade sa akin ng WiiU para sa 3ds XL ko... :(
 
woah tagal na din pala di naupdate itong thread lol

anyways ganda ng Super Mario Maker hahaha astig nung nakita ko sa NWC2015
 
ganda ng gameplay ng xenoblade x

nagdadalawang isip kung ngyon na bibili or hihintayin na lang kung meron xenobladex wii u bundle sa dec 4.....:slap::slap::slap:

 
Last edited:
^bili na bro madami ka naman na malalaro ngayon sa Wii U habang naghihintay sa Xenoblade X, sa Mario Kart 8 saka Splatoon palang madami ka na mauubos na oras online, tapos meron pa Mario 3D World, Smash Bros. Wii U (malayong mas maganda kesa sa 3DS version yung Wii U version naka 100+ hours na ako :lol:), Bayonetta 1 & 2, Wonderful 101, Pikmin 3, Zelda Wind Waker HD (ok to kung hindi mo natapos sa Gamecube noon), Hyrule Warriors, Zombie U tapos yung mga eShop only games pa,

baliktad naman tayo, na-hype kasi ako sa E3 conference ng Sony, lol, kaya pinagiisipan ko kung bibili na ulit ako ng PS4 ngayon o next year nalang paglabas ng mga gusto ko na game gaya ng Ratchet and Clank, saka Horizon Zero Dawn,

EDIT: pwede mo pa i-hack yung Wii U para makalaro ng Wii games, kailangan mo lang ng Wii game na may save exploit gaya ng Smash Bros. Brawl 1k lang yata bili ko noon,
 
Last edited:
Back
Top Bottom