Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ms Dem's untold stories...

maraming salamat po sa mga nagbabasa... :)

MINSAN MAY ISANG PUTA....

Before you read this story, wag nyo munang pangunahan... Just take a while to read and even absorb kung ano itong letter na ito...

I read this in one of the sites na binibisita ko... (peyups.com). And to tell you the truth, IT WAS ONE OF THE MOST INTERESTING AND REALISTIC STORIES THAT I'VE EVER READ...

here it goes....... :)

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coño. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta.

Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa.

Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.
 
Last edited:
Repost na sya dito, pero a very nice read talaga :thanks:
 
pati ba dito tinitira ka din ng copy paste :slap: :upset:

hindi kaya ng kunsensya ko na magcopy and paste then angkinin...

tsaka hindi naman ako kagalingan magsulat para sabihin yun..

anyways... lahat ng nandito e galing sa sarili kong pagsusulat... yun lang.... :D
 
BUHAY INGLATERA

KRRRIIINGGGGGG…… KRRRIIINGGGGGG…… KRRRIIINGGGGGG……

Pilit kong iminulat ang mga mata ko habang kinuha ko ang telepono kong nagaalarm. Tinignan ko ang oras, alas singko y medya na naman ng umaga. Kailangan na namang bumangon. Tamad na tamad kong tinggal ang blanket ko at pinatay ang heater at pupungas pungas ko pang tinungo ang banyo. Binuksan ko ang shower at dumaloy ang maligamgam na tubig sa aking katawan at habang nakapikit isa lang ang naisip ko, ganito talaga ang buhay sa Inglatera.

Ang buhay ko… isang free-spirited woman, noon yun. Gabi-gabi pagtuntong ng alas singko ng hapon, nagmamadali na akong umalis ng trabaho ko kung saan patungo ako sa megamall para makipagkita sa mga kaibigan. Shopping, dinner, gimik buong magdamagan, araw-araw. Makati, The Fort, Libis, Timog, Marikina at iba pa. Saan mang lugar may mga ilaw na mapangakit, tugtog na nakakaindayog... asahan mo nandoon ako. Isang buhay ng mga kabataan. Masaya, malaya walang iniisip na problema.

Habang bumabalik sa isip ko ang nakaraan isang ngiti ang sumilip sa aking labi. Ang sarap balikan… sarap ng buhay… ang laki ng kaibahan ngayon… ibang iba… kabaligtaran na ito ng nakasanayan. Simula ng kunin ako ng aking ina at nagdesisyong bitiwan ang buhay kong nakagawian, isang sampal sa aking mukha ang sumalubong sa akin sa pagtuntong sa bansang Inglatera.

Ang akala ko napakaswerte ng mga nagtratrabaho sa ibang bansa. Isipin mo libre ang aircon kahit saan ka magpunta ang lamig lamig. Naglalakad ka sa daang balot ng yelo. Kulang na lang kumuha ka ng garbansos, sago, gulaman at minatamis na saging may halo halo ka na. Pumunta ka sa mall puro designer clothes ang makikita mo, Diesel, Replay, Louis Vuitton, Burberry, saan ka pa hindi ba. Pero ang mga Pilipino mas pinili ang ukay ukay tuwing sabado o linggo sa mga parks. Piniling bumili ng napagsawaang gamit ng mga taga rito, mapadamit, laruan, tv, kama at anik anik pa. Noong una hindi ko maintindihan pero ngayong nagtratrabaho ako, alam ko na kung bakit. Kailangan palang maghigpit ng sinturon dito dahil hindi ganoon kagaan ang buhay.

Ngayon, kulang na lang gawin kong araw ang gabi. Hindi lang isa ang binubuno kong trabaho kung hindi apat. Waitress sa madaling araw, clerk tuwing office hours, tindera sa shop kapag sabado at linggo at sa gabi kumakatok sa bahay bahay para magcanvass kahit pa yelo ang nilalakaran. Tatlong patong ng damit para hindi malamigan habang tinatahak ang kalsadang balot ng kadiliman. Dahil sa katipiran, isang oras na lakaran ang hinaharap makapasok sa trabahong hinirang. Akala ng iba isa kang donya kapag napunta sa ibang bansa, mali sila napatunayan ko na. Hindi pinupulot ang pera sa daan o idinudumi na lamang, pinaghihirapan ang kada sentimo nito. Dugo at pawis ang kapalit ng bawat salaping nahahawakan at ipinapadala sa pamilyang iniwan. Idagdag mo pa ang kalungkutan na dulot ng kalayuan sa bansang sinilangan pati mga kaibigan naiwan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat ng mga nararamdaman ng mga kapwa ko na naririto ngunit sa aking pakiwari, karamay ko sila sa sentimentong ito.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng makaramdam ako ng hapdi sa mga mata ko, pumasok na pala ang sabon rito. Tinapos ko ang paliligo ko at tuluyang nagbihis at bumaba ng bahay. Pagbukas ko ng pinto, isang madilim na kalangitan ang bumungad sa akin at matinding sampal ng hangin, ito nga... ito nga ang pinili kong buhay sa Inglatera at ito nga ang tunay na kulay ng buhay...
 
tuloy mo lang angel DEM :praise:
 
alam ko yan kaya lang gusto din ako iwan ni :whisper: papunta Canada
 
ngayon pa nga lang naiiyak na ako;;;; UUUUHHHHAAAAAAA

wag ka umiyak...

ang isipin mo na lang itong kasabihan na ito...

WHEN THE CAT'S AWAY.... THE MOUSE WILL PLAY!!! :lol: nyahahahah...
 
Buti na lang na-up ang thread. Nakabasa tuloy ako ng naggagandahang istorya. Bitin pa, TS!

Curious lang, ano ba meron sa AZ? FG lang memorize ko, e. Hehe...
 
Last edited:
Buti na lang na-up ang thread. Nakabasa tuloy ako ng naggagandahang istorya. Bitin pa, TS!

Curious lang, ano ba meron sa AZ? FG lang memorize ko, e. Hehe...

salamat po... hihihihihi :D

sa AZ???? ahhmmmmm....

marami po akong story dun.... yun po ang masasabi ko.... hhehehehe... :blush:
 
Back
Top Bottom