Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ms Dem's untold stories...

Hi Ms dem Bagohan lang po ako d2 sa may Symbianize thread, magaling kang mag sulat na inspire tuloy ako sa buhay ko. salamat po sa pag share. sinusubaybayan ko rin ang mga confession mo ang ganda ng stories mo at cofession.
 
Sabi ng isang thread dito sa forum, “KUMUSTA ANG PUSO MO NGAYON by Mimiq05”. Isang napakasimpleng tanong pero napakahirap sagutin. Hindi ko na sinulat ang lahat ng mga sinabi ko noon at mejo mahaba iquote ko na lang


Makalipas ang 2 taon naisip ko ng balikan ko ang sinulat kong ito. Naitanong ko sa aking sarili kung kumusta na ba talaga ang puso ko ngayon. Napatingin ako sa labas ng bintana ko, hindi ko namalayan umagos ang luha ko. Habang sinusulat ko ito, hindi pa rin tumitigil ang pagdalaoy ng walang katapusang luha sa aking pisngi.

Mahirap magtatagtatagan na kaya ako ang lahat. Sa kahit kanino man ayokong ipakita ang aking kahinaan pero sa gabing ito hindi ko kaya... hindi ko kayang itago ang hapdi and lungkot na nararamdaman ng puso ko.

Bago ako umuwi ng Pilipinas noong makaraang Disyembre buo ang aking loob na balikan ang pinakamamahal ko, ang aking exboyfriend noong kolehiyo ako makalipas ang pitong taon.

Natuldukan ang pagmamahalan namin noong minsang nagaway kami at sa hindi sinasadyang pagkakataon nakapagsalita siya ng hindi maganda sa magulang ko. Pinilit niya noong humingi ng tawad pero imbes na patawarin siya dinampot ng aking ina ang isang gunting at hinagis sa kanya. Sa hindi ko malamang dahilan, humarang ako at ako ang tinamaan. Noong panahon na iyon pinamili niya ako kung kanino ako sasama. Sa kadahilanang mga bata pa kami at di pa nakakagraduate sabi ko sa kanya balikan niya ako kapag nakatapos na siya. Pinili ko ang mga magulang ko. Ilang araw at buwan ang iniyakan ko dahil dito. Pitong taon kaming nagkahiwalay, nagkanya kanya ng buhay.

Inaayos ko na ang detalye ng kasal ko bago ako umuwi ng Disyembre dahil nga ikakasal dapat ako sa kababata ko. Ngunit kapag pumipikit ako tuwing gabi, pakiwari ko hindi tama ang ginagawa ko. Pakiramdam ko nadadala ako sa kagustuhan ng mga taong nakapaligid sa akin na maikasal ako. Dumadaan ang mga araw, unti unti naayos ang kasal ko. Kada araw na lumilipas mas lalong nabubuo sa akin na dapat hindi ko ituloy ang kasal dahil isang malaking pagkakamali ito. Hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama siya habang buhay kundi nakikita kong tumanda ang sarili ko sa exboyfriend ko nung college. Nilakasan ko ang loob ko, alam ko na hindi madaling gawin ang gagawin ko ngunit kinausao ko ang lalakeng dapat na pakakasalan ko. Umurong ako sa kasal. Ayos na ang lahat pero hindi ko kaya. Halos isumpa ako ng mga magulang niya. Galit na galit siya sa akin. Pero ayoko naman siyang itali sa akin pagkatapos hindi ko pala kayang suklian lahat ng kaya niyang ibigay. Mas mabuting tanggapin ko lahat ang galit nila sa akin kaysa sa itali ko sya sa habang buhay na kalungkutan.

Umuwi ako ng Pilipinas, hinanap ko ang ex ko para kausapin. Pinuntahan ko siya sa kanilang bahay. Alam ko isang malaking kagagahan ang ginawa ko pero naglakas loob ako. Alam kong walang kasiguruhan ang lahat. Pwedeng mayroon na siyang asawa, anak at mayroong isang masayang pamilya. Pero hindi ako nagpatalo sa isipin na iyan. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap. Gusto kong magpaliwanag. Dumating ako sa airport ng alas kuwatro ng hapon, mga 2 oras din ang biyahe pauwi sa bahay namin. Ibinaba ko lang ang mga gamit ko at dumiretso ako sa bahay nila. Nagbabakasakali lang akong doon pa rin siya nakatira. Nakarating na ako sa bahay nila. Nasa labas ako ng gate, gusto kong kumatok pero natatakot ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Itinaas ko ulit ang kamay ko at akmang kakatok ulit ng may isang lalaking sumilip. Palibhasa medyo madilim na hindi ko maaninag. Nagtanong siya kung ano ang kailangan ko at sumagot naman akong may hinahanap lang akong tao. Maya maya lang may nagbubukas ng pintuan, tumambad sa akin si Arnie (bigyan na lang natin siya ng pangalan). Pareho kaming napatitig sa isa't isa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumatalon sa tuwa ang puso ko. Ibinubuka ko ang bibig ko pero parang walang lumalabas na salita. Hanggang sa may lumabas na babae, ang nanay niya at pinapasok ako sa bahay nila. Kwentuhan kami hanggang sa nagtanong siya kung ano daw ang ginagawa ko sa Pilipinas. Sabi ko hinahanap ko siya at gusto ko siyang makausap. Nakatingin lang siya at tumayo ako. Nilapitan ko siya at nagsabi ako kung pwede ko ba siyang makausap.

Lumabas kami sa likod bahay at doon nagsimula kaming magusap. Nanghingi ako ng patawad sa kanya at sinabi kong lahat ang nangyari sa akin. Nalaman kong wala pala siyang naging girlfriend dahil masyado siyang naging workaholic. Humarap siya sa akin. Itinaas niya ang dalawang kamay niya at hinawak sa balikat ko. "Ang tagal kitang pinagdasal, ang tagal kong hiniling na ibalik ka Niya sa akin. Pitong taon akong naghintay ng pagbabalik mo." habang narinig ko ang sinabi niya walang patid ang tulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko namalayan ang lakas na ng hikbi ko. Pitong taon ko riin itinago ang nararamdaman kong ito. Nagyakap kami at pareho kaming umiiyak. Masaya ang pakiramdam ko. Sa loob ng dalawang buwan ko sa Pilipinas walang araw kaming pinalampas na hindi kami magkasama. Bumuo kami ng mga pangarap naming muli. Bumuo kami ng mga plano para sa darating na taon.

Kailangan ko ng tumulak pabalik ng ibang bansa sa kadahilanang tinatawagan na ako ng HR ng kumpanyang pinagtratrabahuhan ko. Pinagrereport na nila ako. Hinatid niya ako sa airport, ang bigat ng pakiramdam, pumasok ako para magcheck in pero kapag katapos lumabas ulit ako. Tama nga ang sabi nila, kapag maiiwan mo ang taong mahal mo huwag ka na ulit lumabas ng airport dahil mas doble ang sakit. Nang malapit na ang boarding nagpaalam na ako kay Arnie. Ayoko siyang bitiwan... Ayokong mawala ulit sa piling niya pero kailangan. Nangako akong babalik ako at hintayin lang niya ako.

Nakabalik na ako sa Inglatera at bumalik na rin ako sa pagtratrabaho. Hindi nawawala ang communication namin, skype, text at tawag. Araw araw walang patid. Ngunit isang araw nagkaroon ng isang di pagkakaunawaan. Nagsimula sa maliit na bagay hanggang sa lumaki ng lumaki. Naungkat ang nakaraan, naungkat ang lahat ng nangyari. Akala ko iwinaksi na niya lahat ng mga nangyari sa buhay buhay namin. Akala ko bagong panimula ang aming hinaharap. Akala ko makakalimutan ang mga masasakit na dinanas dahil sa pagmamahal. Bakit ganun hindi pala. Nagpupumilit akong ayusin ang lahat ngunit hindi sapat. Hindi daw namin kinaya ang long distance relationship... Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla biglang ganoon ang nangyari. Maraming masasakit na salita ang nabitawan, maraming mga damdaming nasugatan ulit. Ang akalang peklat na lang ng nakaraan ay mistulang sugat na natanggalan ng langib at mas dumugo ng tuluyan. Ang akala kong kasiyahan na naramdaman akala ko panghabang buhay hindi pala.

Kumusta ang puso ko ngayon? Sugatan, luhaan at di malaman ang dapat puntahan. Kaya ngayong gabi, ikukulong ko ang sarili ko sa dilim at katahimikan ng aking panaginip. Baka sakaling kahit sa panaginip man lang maisagot ko na ang puso ko ay punong puno ng buhay at kagalakan. Kahit sa panaginip lang....
 
Grabe akala ko hapi ending na.. Haaay.. Kaya mu yan..
 
Grabe akala ko hapi ending na.. Haaay.. Kaya mu yan..

akala ko nga rin e. :( ganun yata talaga ang tadhana, masakit sa brain kung minsan. :weep:

marami pong salamat sa pagbabasa.
 
nice tol nabasa ko mga confess mu sa adult chat magaling ka pala. . .haha i want to try haha
 
based from true stories ms. dem??
gusto ko ung english.
more pa. :)
:thumbsup:
 
Hello po! First time ko po mag post ng sarili kong story dito, pakitry po basahin please? :pray:

Oph-Nova (A Romantic Fantasy Story) po ang title located sa Original Literature.

Pakisupport po at paki critic na din! Please please pleaseee.. Thanks poo! :yipee:
 
Back
Top Bottom