Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ms Dem's untold stories...

Ganun? Ba't puro images at videos naman yata nandun? Nyahahaha! Thanks, anyway. Sa gabi lang ako dun, e! :p
 
hindi naman puro images lang dun... marami dun... sundan mo kung san nagpopost si cyrus makikita mo... nyahahahahaha.. :lol:
 
You really never failed to amaze me with your stories Ms. Dem

Keep it up :approve:
 
You really never failed to amaze me with your stories Ms. Dem

Keep it up :approve:

maraming maraming salamat sa iyo.... :excited:

natuwa naman ako sa compliment mo...

nice to know that people like my stories... salamat po uli...
 
pagpasensyahan na po ito wag po sanang husgahan wala lang po akong magawa....

============================================

Walang Title

Binuksan ko ang malaki kong bag, hinahanap ko ang wallet ko at magbabayad ako ng binili kong yosi sa tindahan ni Aling Piling. Halukay dito halukay doon, anak ng teteng hindi ko na naman makita. Hanap ulit, kung bakit ba naman sa laki ng bag ay hindi ko pa rin makita ang punyetang wallet. Napatingin ako sa mukha ni Aling Piling mukhang inis na inis na dahil mejo matagal ang paghalungkat ko. Sa wakas nahanap ko rin, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang Limang libong piso na lang. Kahapon lang marami itong laman, hindi ko na naman alam kung saan napunta ito. Rumaket na nga ako kagabi dalawang customer din yun pero kulang pa rin. Binayaran ko na rin ang yosi ko at tuluyang umalis sa tindahan ni Aling Piling.

Kumuha ako ng isang stick at sininsihan ko ito. Habang naglalakad ako papuntang bahay tinignan ko ang relos ko. Alas singko na apala ng umaga. Mahina ang kitaan ngayon apektado yata ng recession. Biglang bumalik sa aking alala ang kauna unahang kong "encounter".

Tinawagan ako ng isa kong kaibigan noon, tamang tama at nangangailangan ako ng pera hindi daw sya makapunta sa customer nya. Alam ko naman kung ano ang trabaho nya at hindi ako nagdalawang isip at sabi ko sige gagawin ko. Kinuha ko ang detalye ng lahat lahat at ako ang pumunta sa meeting place. Sa Nova Mall ito, at tapat daw ng isang shop doon. Kumusta naman sa dami ng pagpipiliang lugar sa mall pa. Sige lang tumayo ako sa harap ng shop at maya maya pa nagring ang telepono ko. Isang malalim na tinig ng lalake, ang sabi niya pupunta na daw sya sa Sogo sa harap ng Mall dumiretso na lang daw ako at itetext nya ang room number. Pigil hininga kong sinabing sige itext mo na lang ako. Ang bigat ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung sigurado ako sa gagawin ko pero andito na ako kaya game na.

Pumasok ako ng Sogo at dumiretso ako ng numero ng kwartong sinabi niya. Halos tumalon ang puso ko sa lapag habang kumakatok ako. Iniisip ko may time pa akong tumalikod habang sarado pa ito, pero biglang bumukas ang pinto. PIkit mata kong pinasok ang kwarto at tumambad sa akin ang isang lalakeng hindi katandaan, siguro mga 30 ganun, semi-kalbo pero iniisip ko kung sinadyang magpakalbo o nakakalbo na talaga. E hindi na bale siguro mas marami akong dapat isipin bukod sa buhok niya. Hinila niya ako at sabay niyakap at iginapang ang kamay sa palda ko. Napaigtad ako natakot ako. At gusto sana akong halikan pero sabi ko walang halikan. HInayaan ko na lang mangyare ang dapat mangyare andun na ako e. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang dapat kong maramdaman. Nanlalamig ako, mula dulo ng paa pagapang sa buong katawan. Ay ewan ko kung ano ang performance ko pero ng matapos ito inabutan niya ako ng Tatlong Libong Piso. Nagbihis siya at iniwan niya ako sa kama. Habang nakahiga ako sinasampal ko ang sarili ko bakit ako napunta sa ganitong gawain. Napaluha ako dahil hindi pumasok sa aking hinagap na dadating sa punto ng aking buhay na ito ang tatahakin ko. Dati rati sa tv ko lang napapanuod ito pero ngayon nasa ganito na rin akong sitwasyon. Pumunta ako ng banyo at binuksan ang shower. Hinayaan ko itong dumaloy sa aking katawan. Sabon ditto sabon doon, lahat lahat. SIngkit, kili-kili, leeg, batok lahat na pero syempre wala namang magagawa yun. Feminine wash, toothbrush, Listerine, wala ring epekto. Parang ramdam ko pa rin ang lahat. Tuluyan na akong nagbihis at lumabas ng motel . Paglabas ko hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, dumiretso ako ng chapel, pumikit nagdasal. Alam ko naman na kahit na anong gawin ko wala akong magagawa nangyare na. Magsisi man ako huli na. Hindi ito ang naging huli ngunit ito ang naging simula.

May angal ka ba? Huhusgahan mo ba ako? Malamang ang sasabihin ng iba “hindi” ang iba naman kahit hindi e “oo” naman ang sagot. Kung alin man ang sagot mo isa lang ang sagot ko. Walang pakialaman... Oo isa akong babaeng nagbebenta ng aliw pero please ayoko ng puta o pokpok ang tawag sa akin. Escort na lang please....
 
ano ba dapat ko comment sa last post mo...
alam ko na di kagustuhan yon kaso talagang kailangang gawin...
 
ano ba dapat ko comment sa last post mo...
alam ko na di kagustuhan yon kaso talagang kailangang gawin...

wala lang akong magawa kaya sinulat ko yan...

napagkwentuhan kasi namin nung kasamahan ko sa work... eheehhe... :D

leave muna ako dito ng 3 days ha ikaw muna bahala.

may pupuntahan akowe... :yipee:
 
wala lang akong magawa kaya sinulat ko yan...

napagkwentuhan kasi namin nung kasamahan ko sa work... eheehhe... :D

leave muna ako dito ng 3 days ha ikaw muna bahala.

may pupuntahan akowe... :yipee:

naku malamang :whisper: yan :lol: cyrus :punish: ka kung ano iniisip mo :rofl:
 
nyahahaha oo di ako nawala sa tren... :lol:
 
Dem anong model ng vintage car mo na nabasa ko sa 1st page?
 
naisulat ko po sa isang tissue paper ng starbucks nung minsang nagmumuni muni ako habang hinihintay ang bestfriend ko...

Isinulat noong 31 ng Oktubre 2005


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Life

Oftentimes I asked myself, is this life really has to be unfair? Questions seemed to be left unanswered.
Feelings have to be deserted and kept. As you seek to find answers,
it tends to find its ways just leave much more complicated things to ponder upon.

How could be life be so cruel and unjust.
You can’t even catch upon permanent running of chariot of change. You can’t even race through dashes of sprints.
Why can’t it be just like coffee and cream that blends just like the way you want it to be?
Why can’t it be a pen that only writes when you want it to be?

Does it have to be a storm that comes in glance?
Does it have to be an illness that strikes in an instance?
Or does it even have to be an earthquake that happens in the stillness of world.

Now tell me why…why it has to be complex…
Why do humans have to suffer and feelings have to be mended. Do you know the answers to my questions?
I bet you don’t…

For life is created in a world where the mystery of change remains to be left undiscovered and even unspoken.

hehhehe.. indeed. life is unfair!
 
Back
Top Bottom