Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

sa mga BBM, bakit siya ang gusto niyo?

Status
Not open for further replies.

xnekuen

 
Professional
Advanced Member
Messages
153
Reaction score
73
Points
58
nasabi ko sa kabilang thread, si BBM lang ang wala akong rason para iboto.
alam ko marami na kayong BBM at di niyo naman kailangan yung isang boto ko.
pero usap2x lang tayo dito, paano mo ako kukumbinsihin na BBM ang dapat maging bagong presidente?
gusto ko rin kasi magkaroon ng magandang rason para iboto siya para pantay2x sila na meron.

bakit si BBM ang napipisil mo iboto sa darating na eleksyon?
sana po walang sasagot na konektado yung sagot sa tatay niya, na magaling tatay niya.
kasi tatay niya po yun, hindi siya. si BBM lang bida dito.

wag din po sana yung "kasi magaling siya", "kasi matalino siya", "kasi mabait siya".
maging mas malinaw. sana specific bakit mo nasabi yan. kasi pwede rin gamitin yang description na yan sa kahit sinong kandidato if ganyan lang ilalagay.

wag din po sana ikumpara sa nagawa ng mga Aquino vs nagawa ni Marcos Sr. anti-aquino rin po ako at irrelevant sila sa usapan dito.

at kung pwede, wag din po sana sumagot ng tungkol sa unity. magkaisa. pagkakaisa. pagkakaisahin. narinig at nabasa ko na po yan.

yung mga Leni, Isko, Ping, Pacman, next time na kayo. basahin muna natin bakit BBM.
kung may sinabi sila at gusto niyo debunk, pwede naman. with evidence sana. searchable sa google, hindi yung na-tsismis lang.

eg. may sumagot na project ni BBM yung Bangui Wind Farm sa ilocos, pwede natin sabihin na NorthWind Power Development Corporation (NPDC) ang may pakana nun hindi si BBM, at pwede nila i-search.

kung umusad man itong thread na ito, wala sanang mag-aaway. healthy discussion lang. salamat agad sa mga makikibahagi dito!



--------------------------

Moderator Note:
Thread already served its purpose. :lock:
 
Last edited by a moderator:
Galit kayo sa Elite at Oligarchs eh number one na Elite ng bansa ang mga Marcos.
Post automatically merged:

Di ba nakapagtataka na sinusuportahan siya ng mga convicted na kurap like Erap, GMA, Enrile, Jinggoy

Eto din sasabihin ko. Halos lahat ng nasa circle ni Blengblong mga convicted o may mga kaso. Tapos eto pa rin pipiliin nyo?

Siguro, example ganito, kung nalaman nyo nangupit yung kapatid mo sa'yo baka magalit ka, hindi mo na pagkatiwalaan o worst, bugbugin mo pa. Pero kay Narcocaine Jr. nagbubulagbulagan pa kayo.

Question sa mga BBM: Saan ba kayo kumukuha ng news nyo kay Blengblong? Tiktok? YouTube? Facebook? Sabi ng Lolo at Lola mo na sa limang piso dati makakabili ka na ng sanka-daming pagkain?
 
in my part dahil dipa ako decided ang nakikita kong dahilan bakit gusto nila si BBM

1. MATALINO na ang tao ngayon-
Ang isa sa napakahalagang factor sa pagboto ay hindi lang yung tao kungdi SINO NAG NASA LIKOD nito or team nya o sino supporters nya
"No Man is an Island" " Tell me who your friends are and Ill tell who you are"

doon tayo sa TOP4 candidates- Saan galing ang Milyon o Bilyon na ginagastos nila sa Kampanya? Paki direkta kung sino mismo o kumpanya o anong grupo ang pinanggagaglingan ng Milyones o bilyones na ginagastos ROBREDO sa kampanya - si MARCOS Jr saan galing? - si LACSON anin ko na hindi daw nag provide ng 800-Million sa partido nya kaya binitawan siya. Si ISKO kulang ako sa ideya.

Ang resulta ng pamumuno ng Presidente ay makikita kung sino ang 'nakapalibot" sa kanya na pwede din siyang i manipula.

Maging "open-minded" sana kayo dyan

2. AYAW na ng TAO ng DILAWAN
Mismong si ROBREDO ay alam yan na isinusuka na ng tao ang mga DILAWAN - Kaya kahit lumabas na kawalan ng utang na loob ay "nirebrand" "kuno" ni ROBREDO at tropa nya ang dilawan at ginawang pinklawan kuno. Mahusay ang strategy ni Robredo dahil medyo naitatago nya ang tunay na kulay sa ibang mga tao.

Nakahandang sumugal ang tao sa ibang kandidato kaysa sa 'obvious" na dilawan. Kaya sila BBM

3. GUSTO ng tao si DUTERTE
Malaking factor si Duterte at administrasyong Duterte- Malaki ang simpatya at tiwala ng tao kay Duterte sa nakitang pursige nito para sa pagbabago ng Pilipinas
Gusto ng tao na maipagpatuloy lahat ng BBB at mga proyekto ni Duterte at huwag masayang ang mga plano nya. Duterte pa rin ang iboboto nilang Presidente kung tatakbo pero no choice. Tandem ni Sara Duterte si Marcos Jr. kaya malaking factor yun kay BBM . Pag si BBM ang nanalo andyan pa rin ang makinarya ng Duterte sa Gobyerno unlike kung Leni ay obvious na makinarya yan ng dilawan

4. GUSTO ng TAO si MARCOS Sr.
Sa ayaw at sa gusto natin ay yung tiwala kay FEM ng ibang tao ay tagos sa anak nya. yung iba na galit kay Marcos Sr. ganun din tagos sa anak nya.

5. Malaking factor ang UNITY
Ang unity ay - "suporta" ng mamamayan
Sa pagboto pa lang makikita na kung ilang mamamayan ang handang "sumuporta" sayo para mangyari ang UNITY

Dahil "WALANG KWENTA" ang magandang PALATAPORMA kung hindi mo naman mahimok ang tao na makiisa sa plataporma mo. tsaka pwede naman yan magbago. lahat naman ng kandidato puro magaganda sinasabi


NOTE: anti- Marcos ka TS ikaw na mismo nagsabi sa post mo at halata naman sa mga comments mo.


Anyways, LACSON sana ako kaso later baka mamili lang ako sa top2
 
Dahil "WALANG KWENTA" ang magandang PALATAPORMA kung hindi mo naman mahimok ang tao na makiisa sa plataporma mo. tsaka pwede naman yan magbago. lahat naman ng kandidato puro magaganda sinasabi

Bro. Really? Are you sure? How come na "Walang Kwenta" ang magandang plataporma?

Isipin mo na lang yung RESUME mo pag mag-aapply ka ng trabaho. YUN ang basis kung bakit ka iha-hire ng Employer hindi dahil ang dami mong backer. Hahahaha.
 
Bro. Really? Are you sure? How come na "Walang Kwenta" ang magandang plataporma?

Isipin mo na lang yung RESUME mo pag mag-aapply ka ng trabaho. YUN ang basis kung bakit ka iha-hire ng Employer hindi dahil ang dami mong backer. Hahahaha.
wag mo i chop-chop ang comment ko at buong pangungusap . china chop-chop mo comment ko para masabi mo gusto mo. wag ganun simpleng pandaraya o panloloko yan obvious na obvious.
 
kitang kita naman na may dayaan. hindi TALLY yung result tsaka recount.

very unreliable kase iba ang result sa sa recount. may SMARTMAGIC talaga

kahit sino pa yung nadaya o dinaya or vice-versa dahil hinddi TALLY - Magic! :p


simpleng "common sense" sana

alin ang totoong boto ka Leni? yung 14.43 or yung 14.15? obvious anlaki ng magic View attachment 2283
kung may dayaan talaga na nangyari noon, for sure hindi yun si VP Leni, dahil hindi sya ganyan makipaglaban. Nananalo siya dahil sa tiwalang binibigay sa kanya ng mga tao.

Sino ba ang mayaman at may bilyon-bilyon na pera na kayang magpaikot at hayaan na pera ang gumalaw.
 
May sense mga sinasabi nya, hindi paulit-ulit at hindi lutang hehehe :LOL:
Hindi pa lutang yung tawag mo jan sa paulit ulit na sinasabi ni bbm na "pagkakaisa" ah?? Hahaha. Matindi! :D

"Ang sagot sa kahirapan, ang sagot sa gutom, ang sagot sa pagiging jobless mo, ay PAGKAKAISAAAAA!" - bbm

Wahahaha
 
NOTE: anti- Marcos ka TS ikaw na mismo nagsabi sa post mo at halata naman sa mga comments mo.
yes sir alam ko naman na anti-marcos sir sir TS ok lang yon ganoon talaga, meron ayaw sa marcos meron namang gusto, para dutarte lang yon dati daming ayaw na dilawan sa kanyan ,
pero noon nakita nila nag mas porsigido pa si dutarte sa inakala nila, nag balat sibuyas na agad sila, " ika nga walang panindigan"

sakin kahit anong mangyari BBM ako,

dahil alam kung si LeNi ay tuta ng mga aquino, kahit sabihin pa na mgaling mag tago alam naman sa strategy nya,
kay lacson okay sya maging isang president kaso wrong timing yong pag takbo nya, ganoon rin si isko at paquao di nila panahon ngayon

kung si paquao ay tumakbo ulit ng senador mananalo sya
ganoon rin si lacson

pero ngayon sa pulso ng tao at kahit anong gawin nilang paninira kay BBM walang silang magawa lulusot si BBM sa malakanyang

tingan mo ngayon ang pahayad ni LENI ? harap harapan sa media na paninira nya sa katungali nya,
kung saan ganoon rin ang strategy ng mga Aquino dati at pinalabas pa nila sa TV "ABS CBN "

Sinasabi ko lang ang salubin ko,

no offend sa mga leni suporter,
 
yes sir alam ko naman na anti-marcos sir sir TS ok lang yon ganoon talaga, meron ayaw sa marcos meron namang gusto, para dutarte lang yon dati daming ayaw na dilawan sa kanyan ,
pero noon nakita nila nag mas porsigido pa si dutarte sa inakala nila, nag balat sibuyas na agad sila, " ika nga walang panindigan"

sakin kahit anong mangyari BBM ako,

dahil alam kung si LeNi ay tuta ng mga aquino, kahit sabihin pa na mgaling mag tago alam naman sa strategy nya,
kay lacson okay sya maging isang president kaso wrong timing yong pag takbo nya, ganoon rin si isko at paquao di nila panahon ngayon

kung si paquao ay tumakbo ulit ng senador mananalo sya
ganoon rin si lacson

pero ngayon sa pulso ng tao at kahit anong gawin nilang paninira kay BBM walang silang magawa lulusot si BBM sa malakanyang

tingan mo ngayon ang pahayad ni LENI ? harap harapan sa media na paninira nya sa katungali nya,
kung saan ganoon rin ang strategy ng mga Aquino dati at pinalabas pa nila sa TV "ABS CBN "

Sinasabi ko lang ang salubin ko,

no offend sa mga leni suporter,
Mas mataas pa yung position ni Isko sa survey kay Leni according sa Tanghere. 2nd si Isko at 3rd si Leni. Pinalalabas lang ng media na malakas si Leni.

Meron pang mas deserving sa Malacañang na hindi yellow kung yan lang pala ang dahilan mo sa pagpili kay Marcos Jr. Sa mga sumagot ng dahilan nila kung bakit gusto nila si bbm, wala ko nakitang solid reason. Kung hindi "pagkakaisa" na hindi naman alam ng bbm supporters o mismong si bbm kung pano ipapatupad yang pagkakaisa na yan, e ang dahilan nila "mabait" daw o kaya ayaw kay sa dilaw.

Napakababaw na dahilan. Di gaya noong si Duterte sa 2016, kaya siya pinili ng tao dahil "maganda kasi ginawa niya sa Davao" or "naayos niya kasi ang Davao kaya magagawa niya sa buong bansa yan".

Kung ayaw niyo ng dilaw, may option pa na mas deserving na parang si Duterte ang datingan. Napakababaw ng dahilan. Kawawang pinas 😀


"Ang sagot sa kahirapan, ang sagot sa gutom ng pamilya mo, ang sagot sa pagiging jobless mo, ay PAGKAKAISAAAAA! At kapag nagkaisa na tayo, sisikat tayooo!" - bbm

Looool. Grabe dalang dala kayo sa ganyang plataporma. Hehe. Motherhood statement. Walang proof 😂
 
BBM! wala namang nangyari sa dalawang aquino n umupo e. napapanahon lang na ibalik ang dapat.

#MarcosPaRin
nagbigay na ng early notice yung nagpost. to be exact with your STATEMENTS, AQUINOS helped the country to somehow uplift the economy. One of the main reason bakit sobrang lubog ang PILIPINAS sa UTANG is because of the past administration which two Aquino's were able to cope with the DEBT ng PILIPINAS SA WORLD BANK AT IMF. IF YOU WERE NOT ALSO AWARE THAT DURING THE TIME OF PNOY, we were once hailed by the WORLD BANK AS THE RISING TIGER OF ASIA (you can search it on google) because of PNOY's good handling in economy. Sa panahon lang ni PPRD lumubog ulit sa utang ang PINAS. FOREIGN POLICY ni PPRD? ehh bakit hindi kayang gamitin ang napanalunan natin sa INTERNATIONAL TRIBUNAL?
 
Last edited:
Sinong Aquino pa ba ang nasa Gobyerno?.

Ano ba nagawa ng mga Aquino?

Hindi naman kapamilya yun.

Pero yung nanay nung isa, corrupt, mapanlamang, mapang abuso. Hindi kayo natatakot dun?. Hahahaha.
 
Sinong Aquino pa ba ang nasa Gobyerno?.

Ano ba nagawa ng mga Aquino?

Hindi naman kapamilya yun.

Pero yung nanay nung isa, corrupt, mapanlamang, mapang abuso. Hindi kayo natatakot dun?. Hahahaha.
Baka si Bimby yung nagcocontrol kay Leni Robredo.
Post automatically merged:

If I can just share my thoughts:

Laging bukambibig ng mga BBM supporters ang SMNI Interviews where Bongbong apparently is "smart" with his platforms.

But let me get this straight. SMNI is owned by Quiboloy. In-anunsyo na ni Quiboloy na ang susuportahan nya ay si Marcos at Sara Duterte these upcoming elections. At kung titignan mo, sponsors ng event yung mga tao sa slate under Bongbong.

Who knows, baka bago pa yung debates ng SMNI, nabigyan na ng kopya ng questions si Bongbong. Aba syempre, makakapagresearch na nyan yung mga researchers nya ng mga sagot para sa mga tanong na yun para magmukha syang matalino at mukhang may plano. Sino ang puppet ngayon? Sino ang tinuturuan para magsalita?

Sa debates being held by Comelec, walang advanced questions. Kaya lahat ng mga sagot ng mga kandidato dun, galing sa sarili nilang talino at kaalaman tungkol sa mga isyu ng bansa. Eto ang tunay na pagbabasehan kung matalino nga yung kandidato at kung may mga plano sya para sa bansa.

At nasaan si Bongbong? Wala sa Comelec debates. Kasi, tanggapin man ninyo o hindi, eh wala talagang alam si Bongbong sa current issues ng bansa, kasi mga researchers nya yung may alam. Sa debates ng Comelec, wala syang kodigo, kaya mailalantad sa mga Pilipino kung gaano sya kahina bilang isang leader.

Sasabihin nyo, ulit-ulit na lang yung mga tanong kaya wala sya dun? Eh diba nga yun yung avenue nya para masagot na lahat ng mga tanong kasi ulit-ulit na lang, pero bakit wala pa din sya?

Heto ah, sabihin na nating sa classroom na lang. Mag-e-exam kayo. Walang kodigo. Pero dahil favorite ng teacher yung isang classmate nyo (kasi yung nanay nya laging nagpapadala ng chocolates sa teacher tuwing uuwi yung asawa nyang OFW), patago nyang bibigyan ng test questions yung classmate mo, habang ikaw, subsob sa pag-aaral the day before. Ang resulta? Aba, perfect yung classmate mo kasi naturo na ng nanay nya, samantalang ikaw, naperfect mo nga pero nagpakahirap kang aralin yung test nyo.

Hindi matalino si Bongbong. Kung makakatayo lang ngayon si Ferdinand Marcos Sr., magiging disappointed sya sa anak nya kasi mahina sya.

Sya ang maglulugmok sa bansa natin, katuloy ng paglugmok na ginawa ni Duterte.

Mauunawaan ko pa kung hindi Leni ang boto mo. Wala eh, matagal na syang sinisira ng troll farms ni Bongbong. Pero jusko, parang awa mo na, para sa kinabukasan ng mo at ng mga anak, apo mo, kahit wag na si Leni ang iboto mo, basta wag si Bongbong Marcos.
 
Last edited:
PLEASE do your research PROPERLY, iwasang puro tiktok o lolo't lola niyo lang ang maging source. Lahat naman tayo rito e nakakaaccess sa Internet, 'wag magpapa-uto sa "negative campaigning" kuno ng lodi niyo hehez. May less than a month pa, avoid being a fanatic, buong Pinas ang nakataya rito. :)
 
No offense pero yung mga justification and reasonings ng mga LENI supporters are nakakaumay. The only option for leni to win is to run as independent and iwasan makihalubilo sa mga yellows. You know who they are. YELLOWs and mga sinusuka ng mga TAO, hindi po si Leni.

Ang pangit din ng strategy nila, parang hindi pinag-isipan and hindi nag cross reference during the time of Digong.
1.) Nagpalit ng PINK pero YELLOW parin ang laman. Nakapa ewan! Seriously!
2.) Puro paninira yung paraan para maka kuha ng votes. Hindi na yan nabebenta these days. Bakit? Sobrang paninira nila kay Digong with all the media and na-alala nyo yung MATOBATO and BIKOY ni trililing?... yan yung reason kung bakit ayaw na ng tao yung Paninira strategy.
3.) Everytime na magsasalita si Trililing, lalong hinahatak nya si LENI pababa.
4.) At marami pang iba like, Dragon Ball, Karatex2, and Pabebe. Nakupu!

Kaya, in conclusion TALO talaga yan si YELLOWS and UNITEAM will win the National Election.
Lacson is the president that I can never have.
Sana tumakbo ulit siya as Vice President ni Sarah next election.
 
No offense pero yung mga justification and reasonings ng mga LENI supporters are nakakaumay. The only option for leni to win is to run as independent and iwasan makihalubilo sa mga yellows. You know who they are. YELLOWs and mga sinusuka ng mga TAO, hindi po si Leni.

Ang pangit din ng strategy nila, parang hindi pinag-isipan and hindi nag cross reference during the time of Digong.
1.) Nagpalit ng PINK pero YELLOW parin ang laman. Nakapa ewan! Seriously!
2.) Puro paninira yung paraan para maka kuha ng votes. Hindi na yan nabebenta these days. Bakit? Sobrang paninira nila kay Digong with all the media and na-alala nyo yung MATOBATO and BIKOY ni trililing?... yan yung reason kung bakit ayaw na ng tao yung Paninira strategy.
3.) Everytime na magsasalita si Trililing, lalong hinahatak nya si LENI pababa.
4.) At marami pang iba like, Dragon Ball, Karatex2, and Pabebe. Nakupu!

Kaya, in conclusion TALO talaga yan si YELLOWS and UNITEAM will win the National Election.
Lacson is the president that I can never have.
Sana tumakbo ulit siya as Vice President ni Sarah next election.
Nanjan pa si Isko. Mataas pa si Isko kay Leni sa survey e hehe. Kung kay Isko VS bbm/Leni lang, walang sinabi sila bbm sa accomplishments ni Isko.

Hindi nga si Leni ang nilagay niyo sa Malacanang pero ang ilalagay niyo naman ay incompetent din na president wannabe na hindi kaya ipagtanggol yung sarili, napakaraming issues, at yung mga nakapaligid din na tao ay puro mayayayaman at trapong politiko na yung iba ay mga YELLOW din dati. Mismong si Imee na nga ang nagsabi na maraming politikong lumalapit kay bbm na ngayon palang andami ng nakapila para sa posisiyon kahit di pa nga nananalo kapatid niya. Eh di ganon din. Kawawang pinas 😂
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom