Good Day po mga kasymb, Gusto ko din po sanang magshare para may makapagbigay din ng advice sa akin, almost 1 month na kasi akong nahihirapan. May nakaranas po ba dito na mabroken heart kahit hindi naman kayo nung girl? Nag - OJT po kasi ako sa isang government institution, at first wala talaga akong ganang pumasok sa OJT dahil hindi related sa pinag-aralan ko yung mga pinapagawa sa akin, then isa sa mga staff sa office ang kailangan ng umalis dahil nakapasa na sya ng BAR exam, at syempre hindi pwedeng mabakante yung position na iiwan nya kaya ngrecommend sya ng friend na papalit sa kanya. The next day start na agad yung new employee pero since may mga kailangan pang tapusin yung papalitan nya and wala ding available na table para sa kanya, dun muna sya sa room the same room kung nasaan ako, umupo sya mismo sa harapan ko at pag tingin ko sa kanya naistun talaga ako sa sobrang ganda nya, tapos nung kinausap nya ako sobrang lambing din boses nya, tinamaan agad talaga ako for a short period of time. Since then sinipag na akong pumasok sa OJT para lang makita sya at makausap sya, sa tingin ko love na talaga yung nararamdaman ko kasi balewala na yung mga standards ko sa pagpili ng babae na dapat maputi, chinita at walang bisyo, sya kasi medyo morena sya medyo may mga pimples sya sa mukha, at malakas syang uminom at magyosi pero gustong gusto ko pa din sya. Dahil nga sa kagustuhan kong makita sya lagi after ng OJT ko ng-apply akong office staff dun sa katapat na branch and Thank God natanggap ako, kaya lagi ko na syang makikita.
Isa mga staff na lalaki ang napagsabihan ko na Crush ko sya kaya hindi maiiwasan na kumalat at makarating sa kanya, pero okay lang naman sa kanya hindi naman nagbago yung pakikitungo nya sa akin. One day nagkaroon ng birthday celebration sa office at nagkaroon ng inuman, kaming dalawa yung tampulan ng tukso dahil nga may gusto ako sa kanya then suddenly isa sa mga staff ang nagbato ng tanong na "Kung sakaling manliligaw daw ba ako, eh may pag-asa daw ba?" and she answered masyado pa daw akong bata (22 y/o ako, 27 y/o sya) gusto nya daw kaedad nya or 1-2 y/o older sa kanya kasi immature ang mga lalaki, madami pa daw iba dyan. Biglang gumuho yung mundo nung arawna yun, since that day nawalan ako nang gana pumasok, kumain, umattend sa pre-graduation activities, even umattend ng graduation ceremony, at pati COC ko napabayaan ko na. Madami talagang nagbago since that day, sobrang sakit at sobrang hirap talaga. Pilit ko din pinaparealize sa sarili ko na from the beginning wala naman talaga akong pag-asa dahil magkaiba ang mundong ginagalawan namin, Graduate sya ng LAW sa UST, maganda sya, matalino at mayaman samantalang ako simpleng lalaki lang walang maipagmamalaki, pero kahit ipaintindi ko yun sa sarili ko para gumaan lang man yung loob kahit papaano, hindi parin effective. Sinusubukan ko na ring iwasan sya at hindi na dumalaw sa branch nila, nagbabakasakali kasi akong pag hindi ko na sya nakikita baka makamove on ako at makalimutan ko sya, pero mukhang hindi effective kasi nasa same institution lang kami at na nakikita ko pa rin sya pagpumupunta akong CR at pagbumibili ako ng pagkain. So ang last resort ko ay magresign nalang.
Sana mabigyang nyo ako ng payo kung paano maka move on sa kanya at kung tama ba ang gagawin ko.
in advance