Actually, pare-parehas lang yang tatlo. Walang pinagkaiba halos. Ang nagpagulo lang nito ay yung mga schools na gusto kumita ng malaki. Ganito kasi yon.
Huwag muna kayo tumingin sa school, curriculum , subjects o sa magagandang teacher na nagtuturo nito. Tingnan nyo lang ang basic concepts kung bakit nabuo ang mga courses na yan na nagpahirap sa atin ng 4 hanggang 5 taon.
Ang concepts ay:
- Mathematical foundations
- Algorithms and data structures
- Artificial intelligence
- Communications and Security
- Computer architecture
- Computer graphics
- Concurrent, parallel, and distributed systems
- Databases
- Programming languages and compilers
- Scientific computing
- Software engineering
- Theory of computation
Kung titingnan nyo yung timeline ng concepts, Mas mauuna ang Math foundation, Theory of computation, Algorithm and data structures at scientific computing. Sisihin nyo si Charles Babbage, Isaac Newton, Ada Lovelace at higit lahat si Alan Turing. Bakit? Noong WW2, meron na computer noon pero yun nga lang ay mas mabilis pa ang 5110 ng nokia kung ikukumpara mo dun. Dahil sa gusto nila ma-break ang Enigma Code ng mga Nazi, yang mga concepts na nabanggit ang ginamit ng mga mathematician na yan. Oo, mathematician at hindi computer scientist. Itama nyo na lang kung mali ako.
Kaya lang nabuo ang Computer Engineering, in my opinion, kasi nagpasukan na ang concepts na Computer Architecture, Programming languages and compilers, Concurrent, parallel, and distributed systems at Artificial Intellegence. Sa isang basa lang, mukhang pang-engineering na ang dating. Pero mali kayo dun, Under pa rin sya ng Computer science.
Yung Software Engineering, kaya lumitaw yan kasi noong unang panahon, bara-bara kasi gumawa ng programs ang mga coder noon. Parang tayo lang sa school, gawa lang ng kahit ano para may mapasa lang. So naimbento ang Soft Eng para meron tayong methodologies. Kung sino mang taong nagimbento nyan, hindi tayo bati.
Finally, Computer Graphics nabuo sya dahil maganda na video/paint/sound applications ,new methodologies at dahil sa Computer Architecture ng mga monitor at CPU. Dyan nabuo ang multimedia na course na pinauso na naman ng mga Schools natin.
So please lang, wag nyo na pag-awayin or pagkumpara ang tatlong course natin kasi iisa lang tayo ng concepts kahit saang computer ka pa lumingon.
Pasensya na at mahaba ang storytelling.